You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ESP 7

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ______________


Antas at Baitang: __________________ Marka: ______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang angkop na sagot sa mga
pamimilian at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa aspeto ng palatandaang ito ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata


ay nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
2. Ito ay pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o ang masama, ito ay
ang kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa kapwa.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
3. Binibigyan pansin nito ay kung paano ang tao makisalamuha o makitungo mula sa mga
kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga taong nakakasalubong
araw araw.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
4. Ito ay may kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, o makapagplano sa buhay.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
5. Tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging mabuti man ito o maganda
(masaya, nagagalit, nag-aalala, atibapa).
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
6. Sa aspetong ito, nakakahiligan mo na ang pagbabasa ng mga libro o mga kwento sa
wattpad.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral
7. Napansin ni Marvin na dumadami ang kanyang mga tagiyawat sa mukha. Ano ang
pinakamainam na gawin ni Marvin?
A. Tirisin ang mga ito C. Maging malinis lalo sa sarili
B. Huwag itong pansinin D. Hintayin na lamang itong mawala
8. Ang mga sumusunod ay mga Panlipunang pagbabago maliban sa:
A. Nagiging rebelde C. Lumalayo sa mga magulang
B. Mas nakapagmememorya D. Nagkakaroon ng maraming kaibigan
9. Kung mananatili ang ______________ sa isa’t isa, kaya nating lagpasan ang anumang
pagsubok sa pakikipag-ugnayan.
A. away B. galit C. tiwala D. agam-agam
10. Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangang linangin ang kakayahan sa maingat
na ____.
A. pananamit B. pagpapasiya C. pagligo D. paggayak
11. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa iyong pakikipag-ugnayan maliban sa:
A. Mahalin ang iyong sarili C. Alamin kung ano talaga ang iyong nais
B. Huwag ipakita ang tunay na ikaw D. Panatilihing bukas ang inyong komunikasyon
12. Mahalagang sumangguni sa mga __________ na higit na may alam sa mabuting
pamumuhay sa mga pasyang gagawin.
A. nakababata B. nakatatanda C. kapitbahay D. barkada

13. Sa yugto ng pagbibinata at pagdadalaga, mahalaga na ikaw ay kumakain ng


masustansyang pagkain at may sapat na __________ upang maging malusog.
A. salapi B. kagamitan C. gadgets D. ehersisyo
14. Ang mga sumusunod ay paghahanda para sa paghahanapbuhay maliban sa isa:
A. Magkaroon ng plano sa kursong nais.
B. Sumangguni sa mga matatagumpay na tao.
C. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig at kalakasan.
D. Palaging magkaroon ng oras sa paglalaro at paglilibang.
15. Dati ay hindi marunong magbahagi ng laruan si Lance sa kanyang mga kalaro. Ngayon ay
mapagbigay na siya at hindi na nakikipag-away. Si Lance ay mayroong:
A. Pagtanggap ng papel sa lipunan C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
B. Pagtamo ng mapanagutang asal D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
16. Ayon sa kanya, may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.
A. Esther Esteban B. Robert James Havighurst C. Eric Erickson D. Helen Keller
17. Si Larah ay madalas na humihingi ng payo sa mga magulang sa pagpili ng kurso para sa
kanya. Si Larah ay mayroong Paghahanda para sa:
A. pag-aasawa B. pagdadalaga C. paghahanapbuhay D. pagpapamilya
18. Ang mga ito ay kinakailangan upang malinang ang mga talent at kakayahan at magkaroon
ng kapayapaan sa pamayanan.
A. Mga Kagamitan C. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos
B. Pera o Salapi D. wala sa nabanggit
19. Ito ay likas na kakayahan ng tao na may kinalaman sa genetics o mga pambihirang
katangiang minana pa sa mga magulang.
A. Talento B. Kakayahan C. Karapatan D. Karunungan
20. Walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento. Ang bawat tao ay may kani-
kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay ang tinatawag na late
bloomer. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, ano ang maari mong gawin? 
A. Gumawa ng mga bagay makapagpapasaya sa iyo. 
B. Magkaroon ng pagninilay upang malaman ang ninanais gawin.
C. Mag-aral ng mabuti at palawakin ang kakayahan upang magtagumpay.
D. Huwag panghinaan ng loob at magsumikap sa pagpapaunlad ng iyong sarili.
21. Ito ay talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa mga tao.
A. Naturalist B. Existential C. Intrapersonal D. Interpersonal
22. Ito ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay at nakuha
lamang mula sa pagsasanay at karanasan.
A. Talento B. Kakayahan C. Karapatan D. Karunungan
23. Siya ang sumulat o author ng Multiple Intelligences Theory.
A. Sean Covey B. Barnhart C. Howard Gardner D. Eric Ericsson
24. Ang mga larangang tinatahak ng talinong ____ay pagsasayaw, sports, pag-aartista at iba
pa.
A. Visual/Spatial B. Existential C. Bodily/Kinesthetic D. Linguistic
25. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano
ang papel ko sa mundo”?
A. Naturalist B. Existential C. Intrapersonal D. Interpersonal
26. Mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
A. Visual/Spatial B. Mathematical C. Bodily/Kinesthetic D.
Linguistic
27. Malilinang natin ang tiwala sa sarili kung aalamin natin ang ating kalakasan maging ang
ating mga:
A. kayamanan B. kapangyarihan C. kahinaan D. katarungan

28. Ito ay paniniwala sa iyong sariling kakayahan.


A. Self-awareness B. Self-confidence C. Self-control D. Self-assessment
29. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Kilalanin ang sarili C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
B. Sikaping makihalubilo sa karamihan D. Maging matatag sa kinakaharap na suliranin
30. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay:
A. nabibili B. nauutang C. natututunan D. nahihingi
31. Bukod sa talento at kakayahan, mahalaga rin na tayo ay mayroong __________ sa
larangang pinasok.
A. pag-asa B. interes C. salapi D. kagamitan
32. Ang kasabihang ito ay nagpapatunay na ang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng
masusi at matamang pagsasanay.
A. the Will of the Wind C. Life is Precious
B. Time is Gold D. Practice makes perfect
33. Ang pag-unlad ng tao ay palaging nagsisimula sa:
A. pamilya B. sarili C. paaralan D. kapwa
34. Ang tiwala sa sarili ay nagbabago sa paglipas ng:
A. administrasyon B. lokasyon C. panahon D. okasyon
35. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
A. Mechanical B. Clerical C. Artistic D. Musical
36. Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumenting musical
A. Mechanical B. Clerical C. Artistic D. Musical
37. Magaling magdisenyo ng cake
A. Outdoor B. Literary C. Persuasive D. Artistic
38. Pagbibigay ng tulong sa mga kapus-palad
A. Outdoor B. Mechanical C. Social Service D. Scientific
39. Pagkukumpuni ng sirang telebisyon at radyo
A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific
40. Magaling lumikha ng awit
A. Literary B. Artistic C. Social service D. Musical
41. Mula pa pagkabata, hilig na nii Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya naman siya ang
pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas ayon sa “the topten.org.” Ano ang larangan ng
hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Outdoor: bagay C. Literary: ideya
B. Mechanical : datos D. Musical: tao
42. Ito ay isang malaking paraan upang mas lalong mapaunlad ang iyong hilig.
A. Pag-eensayo B. Pagtulog C. Pagpapahinga D. Pagtuturo
43. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo
na kumilos at gumawa.
A. Talento B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap
44. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang- akademiko/bokasyunal?
A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa
hinaharap.
B. Maktutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa
hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galing sa pag- aaral upang
maitaas ang antas ng pagkatuto.
D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang- akademiko o
teknikal-bokasyonal.
45. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang
makakaya.
A. Natutuhan mula sa mga karanasan C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
B. Namamana D. Napapakinggan
46. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa
iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.
A. Natutuhan mula sa mga karanasan C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
B. Namamana D. Napapakinggan
47. Ang mga sumusunod ay ang makatutulong sa pagpapaunlad ng mga hilig o interes
maliban sa:
A. pagtupad ng mga tungkulin C. paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon
B. pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan D. pagpapabaya sa sarili
48. Ito ay isang palatandaan ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng
kasiyahan at kaganapan.
A. Hilig B. Sarili C. Kapwa D. Kahinaan
49.  Sa paanong paraan mo mararamdaman ang kasiyahan sa iyong tatahaking larangan? 
A. Alamin ang Hilig at Tuon C. Sundin ang kagustuhan ng Iba
B. Tuklasin ang mga Talento D. Isipin ang sasabihin ng pamayanan
50. Ito ay isang palatandaan ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng
kasiyahan at kaganapan.
A. Hilig B. Sarili ` C. Kapwa D. Kahinaan

KUNG BOKYA ANG SCORE MO KAY CRUSH… SIGURADUHIN MONG HINDI


DIN BOKYA ANG SCORE MO SA EXAM. #ARALMUNA! 😉

You might also like