You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
4th Quarter, Week 1- EsP7PB-IVc-14.1
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng
buhay.

Gawain 1
Panuto: Piliin mo ang larawan na itinuturing mong may mas mataas na kabutihan. Magsulat
ng maikling paliwanag sa ginawang pagpili sa iyong sagutang papel.
1.

Ang aking napili:


Paliwanag:

2.

Ang aking napili:


Paliwanag:

1
3.

Ang aking napili:


Paliwanag:

4.

Ang aking napili:


Paliwanag:

5.

Ang aking napili:


Paliwanag:

2
Gawain 2
Panuto: Suriin ang iyong sarili tungkol sa ginawang pagpili sa Gawain 1. Sagutan ang mga
sumusunod na katanungan at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Nahirapan ka bang pumili o magpasya? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
2. Masaya ka ba sa naging resulta ng iyong mga naging pasya? Bakit? Ipaliwanag ang
sagot.
3. Ano-ano ang iyong ginawa bago ka nagsagawa ng pagpapasya?
4. Sa limang aytem na ikaw ay namili, saan ka nahirapang mamili at saan naman naging
madali ang pagpapasya sa iyo? Ipaliwanag ang sagot.
5. Isulat mo ang pinakamahalagang aral na iyong nakuha o natutunan mula sa iyong
karanasan ng pagsasagawa ng pasya o pamimili.

Gawain 3
A. Panuto: Gumuhit o gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga sumusunod,
a. larawan kung ano ang kalagayan mo sa buhay ngayon?
b. larawan kung ano ang ninanais mo sa hinaharap?
c. larawan ng pagpapakita kung papaano mo makakamit ang iyong pangarap.
Idikit ang mga larawan sa puting papel.

3
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang paliwanag sa mga iginuhit mong larawan sa
pamamagitan ng lima (5) o higit pang pangungusap.

Gawain 4
Panuto: Pag-aaralan ang sumusunod na larawan. Piliin kung ano ang mas mahalaga sa iyo at
ipaliwanag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pipiliin mo o uunahing gawin? Ipaliwanag.

2. Ano ang pipiliin mo o uunahing gawin? Ipaliwanag.

4
3. Ano ang pipiliin mo o uunahing gawin? Ipaliwanag.

3. Ano ang pipiliin mo o uunahin mong gawin? Ipaliwanag.

4. Ano ang pipiliin mo o uunanahin mong gawin? Ipaliwanag.

5
Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang Essay o sanaysay na nagpapakita ng tamang pagpapasya? Anu
nga ba ang maidudulot ng mga mabuting pagpapasya sa iyo bilang isang mag-aaral sa ika-
pitong baitang? Gawin ito sa iyong sagutang papel.

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
4th Quarter, Week 1 - EsP7PB-IVc-14.2
Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay
may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya
Gawain 6:
Panuto: Basahin at sagutin kung ano ang nararapat mong pagpapasiya sa bawat
sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakalimutan mong gumawa ng inyong proyekto. Sasabihin mo ba sa Guro mo ang


totoo o magdadahilan ka na lang?

2. May binu-bully na bata sa eskwelahan dahil siya ay may kapansanan. Batid mo na hindi
dapat ito iniinsulto dahil walang perpektong tao. Pero ang bully ay kaibigan mo.
Tutulungan mo ba ang biktima o kakausapin at itatama mo ang kaibigan mo?

3. Araw ng inyong mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral ng leksyon.


Gagawa ka ba ng kodigo o hahayaan mo na lang na tuluyan kang bumagsak?

Ano ang kaugnayan ng sipi sa ibaba sa kahalagahan ng makabuluhang


pagpapasiya?Ipaliwanag. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
“Pag –isipan mo muna nang maraming beses bago ka gumawa ng anumang pagpapasiya”

7
Gawain 7: Hanap-Salita.
Panuto: Maghanap ng mga salitang may kinalaman sa makabuluhang pagpapasiya. Isulat sa
sagutang papel ang mga nahanap na salita at ibigay ang mga kahulugan nito.

K I L O S L O O B M
W S M A B U T I G N
E I C W F A K P D M
F P V Q G M L D S Q
G K A A L A M A N E
D I R E K S I Y O N
H Z P A N A H O N K
B A T A S M O R A L
P P A N G A R A P Y
P A G P A P A S Y A

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

8
Gawain 8
Panuto: Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili, ugnayan sa pamilya at kapuwa ang
iyong mga hakbang sa mabuting pagpapasiya. Isulat ang iyong sagot sa loob ng graphic
organizer sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Dulot ng mabuting pagpapasiya sa:

SARILI PAMILYA KAPUWA

Gawain 9
Panuto: Bumuo ng mga simple pamamaraan na siyang magiging gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.
Iugnay sa bawat letra ang iyong gagawing pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

P
A

G
P
A
P
A
S
I
Y
A

9
Gawain 10
Panuto: Tukuyin ang larawan na kumakatawan sa tatlong (3) mahahalagang sangkap sa
paggawa ng mabuting pasya. Ipaliwanag kung paanong ang mga ito ay nakakaapekto sa
proseso ng mabuting pagpapasya. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Ano ang papel nito sa proseso ng mabuting pagpapasya?

10
Ano ang papel nito sa proseso ng mabuting pagpapasya?

Ano ang papel nito sa proseso ng mabuting pagpapasya?

11
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
4th Quarter - Week 2 - EsP7PB-IVd-14.3
Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay
at matupad ang mga pangarap
Gawain 1
Panuto: Basahin ang anekdota. Pagkatapos ay tukuyin ang mga pasyang ginawa ni Mark.
Tukuyin kung ang pasya ay Mabuti o Hindi. Itala din ang kinahinatnan ng pasya sa
pamamagitan ng pagpupuno sa mga kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Hindi makalimutan ni Mark ang tinig ng ina nito sa telepono. “Bakit anak, bakit? Lahat
ng pagsisikap ginagawa ko para sa iyo. Anong nagyari? Akala ko maayos ang lahat. Akala ko
darating ako sa Marso para mapanood ang pagmamartsa mo sa araw ng pagtatapos mo sa
haiskul… kami ng tatay mo…” Hindi na nito natapos pa ang sasabihin. Alam ni Mark na
imiiyak ito sa kabilang linya. Hindi na rin niya nakayanang marinig pa ang ibang sasabihin ng
ina kaya’t ibinaba na nito ang telepono.

Maayos nga ba ang lahat? Noon, noong narito pa sina Nanay at malakas pa si Tatay.
Noon wala siyang pakialam anoman ang sabihin ng ibang mga kamag-aral. Madalas man
siyang tuksuhin ng mga ito. Pagtawanan, hindi niya ito kailangang pansinin. Nagsisikap siya
sa pag-aaral para sa kanyang pamilya. Siya ang panganay kaya kailangan niyang makatapos
para makatulong sa Nanay at Tatay. Mahirap lang ang buhay nila. Madalas pumapasok siya na
wala ni singko sa bulsa. Pinagtatawanan nila ang sapatos niyang may butas sa talampakan
gayon din ang uniporme niyang puno na ng sulsi at medyo maiksi na para sa kanya. Hindi sila
makabili ng bago. Pero wala sa kanya iyon. Ang mahalaga’y nakakapag-aral siya. Iyon ang
laging sinasabi sa kanya ng kanyang ina.

Ngunit nang magkasakit ang kanyang ama kinailangan nang kanyang ina ang magpunta
sa ibang bansa para maghanapbuhay. Katulong sa Hongkong ang nanay niya. Mabait daw ang
naging amo nito. Ilang taon na rin ang lumipas. Iba na ang lahat. May bagong telebisyon, radio,
computer. Bago palagi ang uniporme ni Mark. Marami siyang pera sa bulsa. May bank account
pa nga siya. Sa kanya ipinangalan ng nanay niya ang bank account para sa remittance nito.

12
“Responsableng bata si Mark, kaya niyang pamahalaan ang mga pangangailangan ng ama at
ng kapatid.” Sabi ng nanay niya sa tiyahin niya. Noon siguro yon.

“Mapilit kasi ang barkada ko tatay eh. Pwede ba kong maghanda sa birthday ko? At
saka pwede ba kong bumili ng beer. Konti lang naman, konting kasayahan lang.” ayaw sana
ni tatay, kaya lang sabi ni nanay, hayaan na, minsan lang naman. Total malapit ng
magdisisiyete si Mark. Ang hindi alam ng nanay niya, madalas ang inuman ng barkada.
Nakakahiya kasi. Alam naman nilang may pera si Mark. Wala raw siyang pakikisama, yan ang
lagi nilang sinasani kapag tumatanggi si Mark. Natatakot si Mark na mawala ang barkada.
Dati-rati kasi iniiwasan siya ng mga ito. Ngayon sikat na rin siya, mula ng tanggapin siya ng
barkadahan. Maraming mga kaklaseng babae nila ay humahanga kay Mark. Masarap ang
pakiramdam ng napapansin ka, hinahangaan. Masarap ang maraming kaibigan. Masaya ang
kilala ka nang halos lahat ng mga mag-aaral sa paaralan.

Masyado kasing napapadalas ang gimik ng barkada. Ayon bagsak tuloy si Mark sa
tatlong subject. Hindi siya gagraduate, “okey lang yan pare, kami rin naman hindi
magmamartsa eh.” Sabi ni Bok ang lider ng kanilang grupo. “Ayaw mo nun matagal pa tayong
magkakasama. Tuloy ang ligaya.”

Dapat nga bang ikasiya iyon? Wari’y kinukurot ang kanyang puso tuwing maaalaala
ang tinig ng ina. Minamasdan niya ang sarili sa salamin. Siya ng iba talaga ang repleksiyon sa
salamin. Hindi pa huli ang lahat, wika niya sa sarili.

13
Mga naging pasya ni Mark Mga kinahinatnan ng Dahilan ng Pasya ni Mark
Pasya ni Mark
Halimbawa:
Nagpadala sa pamimilit ng Lagi na lang siyang Nahihiya siyang tumanggi at
barkada sumasama sa mga lakad ng masabihang walang
barkada hanggang sa pakikisama
napabayaan ang pag-aaral

1.

2.

3.

4.

5.

14
Gawain 2
Panuto: Maglista ka ng limang mahahalagang pasya na ginawa sa iyong buhay. Isulat sa
sagutang papel ang kinahinatnan nito ang dahilan mo sa iyong ginawang pasya.

Mga ginawa mong pasya Mga kinahinatnan ng Dahilan ng iyong


Pasya iyong pasya pagpapasya
Halimbawa:
Pinili ko pa ding mag-aral Umuunlad ang aking Gusto kong makatapos ng
kahit na may pandemya kaalaman kahit nasa bahay pag-aaral sa takdang
lamang ako at nalilibang ako panahon.
sa pagsasagot ng aking
modyul.
1.

2.

3.

4.

5.

15
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili mula sa gawain?
2. Bakit mahalaga na magpasya nang tama? Ipaliwanag.
3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap? Pangatwiranan.

Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Sa bawat sitwasyon magbigay ka ng
dalawang maaaring mong gawing pasya at itala din sa sagutang papel kung ano sa iyong
palagay ang kahihinatnan nito. Gamitin ang format sa pagsasagot.

1. May nakita kang wallet na nahulog sa isang babae.

Alternatibo blg.1 Kahihinatnan blg.1

Alternatibo blg.2 Kahihinatnan bld.2

2. Nakikiusap ang isang kaklase mo na mangongopya sa iyo ng sagot sa pagsusulit.

Alternatibo blg.1 Kahihinatnan blg.1

Alternatibo blg.2 Kahihinatnan bld.2

16
3. Kinukumbinsi ka ng isang kaibigan na sumali sa kanilang “gang”.

Alternatibo blg.1 Kahihinatnan blg.1

Alternatibo blg.2 Kahihinatnan bld.2

4. Inaaya ka ng iyong nobyo or boyfriend na manuod ng sine at huwag na iyong ipaalam


pa sa iyong mga magulang.

Alternatibo blg.1 Kahihinatnan blg.1

Alternatibo blg.2 Kahihinatnan bld.2

5. Madalas mong makita na binubully ang iyong kaklase ngunit hindi siya
nagsusumbong sa inyong guro.

Alternatibo blg.1 Kahihinatnan blg.1

Alternatibo blg.2 Kahihinatnan bld.2

17
Sagutin ang Tanong:
1. Ano ang natutunan mo mula sa gawain?
2. Bakit mahalagang tingan natin ang maaaring kahihinatnan o bunga nito bago tayo
gumawa ng pasya?

Gawain 4
Panuto: Basahin ang mensahe sa loob ng kahon. Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan
sa ibaba. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot sa ibaba at isulat sa sagutang papel.

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Ito ay


katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais
na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong
sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa
pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa
buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at
pagbabalik-tanaw.

1-3. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Pumili ng tatlong sagot.
a. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay ng nais
mong mangyari sa iyong buhay.
b. Isang magandang paraan upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan
ka patutungo.
c. Ito ay isang Gawain na dapat mong ipagmalaki dahil nagawa mong mag-isa.
d. Ito ay sama-samang payo ng mga mahahalagang tao sa iyong buhay.
e. Ito ay Gawain tungo sa paglilingkod para sa kapwa.
f. Ito ang batayan ng tao sa kanyang pagpapasya.

18
4-5. Ayon kay Stephen Covey, bakit mahalagang magkaroon na ng direksyon sa buhay ang
kabataan tulad mo? Magbigay ng dalawang (2) kasagutan.

a. Upang hindi magsisi sa huli.


b. Dahil ito ang magpapayaman sa iyo.
c. Dahil ito ang magbibigay ng kaligayahan.
d. Dahil ikaw ay nasa KRITIKAL na yugto ng buhay.
e. Upang hindi maagaw ng iba ang iyong karapatang magpasya para sa iyong
kinabukasan.

6. Ang mga sumusunod ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng misyon


natin sa buhay maliban sa:
a. kinikilala ang mga kahusayan ng mga nagturo.
b. nagagamit araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
c. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian.
d. nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, at komunidad.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa buhay?


a. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
b. Ito ang batayan ng tao sa kanyang pagpapasya.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay.

8. Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring mabago o palitan.


a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa
buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema
kung ito ay babaguhin pa.

19
9.Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
a. Nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. Nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, at komunidad.
d. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapwa.

10. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon c. Propesyon
b. Bokasyon d. Tamang direksyon

Panuto: Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap at
kung MALI ang pangungusap, isulat ang salitang nagpamali dito.

11. Ang PMS ay nakatuon sa kung ano ang nais mo na mangyari sa mga taglay mong
katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ang mga ito.
12. Ang pagsulat ng personal na misyon sa buhay ay madalian o nabubuo lamang sa
ilang oras.
13. Ang PMS ng tao ay pangmatagal at nananatili kahit patuloy na nagbabago ang tao
sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
14. Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at
paniniwala sa buhay.
15. Ang PMS ay mayroong koneksyon sa mga mahahalagang tao sa iyong buhay
upang mailabas ang kahulugan mo bilang isang tao.

20
Gawain 5

Panuto:

A. Gumupit ng mga larawan na nagpapakita papaano mo nais matutupad ang iyong


pangarap, idikit ito sa sagutang papel, sa iyong palagay nasa tamang daan kaba
ngayon ng iyong buhay upang makamit ang iyong minimithi?

B. Anu sa palagay mo ang iyong misyon sa buhay?

C. Ipaliwanag bakit mo ka nagnanais na makamit ang mga ito?

21
Gawain 6
Panuto: Ano ang misyong iyong gagampanan bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya at tagapangalaga ng kalikasan? Isulat ang iyong sagot sa bawat kahon.
Ipaliwanag din kung paanong ang iyong misyon sa buhay ay may pagsasaalang-alang sa
tama at matuwid na pagpapasiya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

BILANG ANAK

1.

2.

BILANG KAPATID BILANG MAMAMAYAN

1. 1.

2. 2.
PERSONAL NA
PAHAYAG NG MISYON
SA BUHAY

(PPMB) BILANG
BILANG MAG-AARAL
MANANAMPALATAYA
1.
1.
BILANG
2.
TAGAPANGALAGA NG 2.
KALIKASAN

1.

2.

22
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
4th Quarter - Week 2 - EsP7PB-IVd-14.4
Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa
mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.
Gawain 1
Panuto: Sa pagbuo mo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, mahalagang sagutin
ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking
buhay?

Gawain 2

Panuto: Isulat sa baitang ng hagdanan ang bawat hakbang na iyong gagawin upang makamit
mo ang iyong misyon sa buhay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

23
Gawain 3: Pagkalap ng impormasyon
Panuto: Isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagbuo ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay ay ang pagkalap ng impormasyon. Sa gawaing ito ay gagabayan ka sa pagkuha ng
mahahalagang detalye tungkol sa iyong misyon sa buhay upang matiyak na matutupad mo ang iyong
mga pangarap. Punan ang kahon sa ibaba ng iyong minimithing pangarap sa buhay. Pagkatapos ay
magtanong o magsaliksik tungkol sa mga detalye na hinihingi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:

Mga kinakailangang impormasyon Minimithing buhay o trabaho:

Maging isang GURO sa High School

Mga pangunahing Gawain o tungkulin Magturo sa mga mag-aaral

Gaano kalaki ang magagastos sa pag- Php.200,000. Hanggang 300,000 para sa


aaral tuition fee, mga kagamitan sa pag-aaral, aklat,
at baon (kung mag-aaral sa pampublikong
unibersidad ngunit mas malaking halaga kung
mag-aaral ka sa pribadong kolehiyo)
Oportunidad habang nag-aaral Maaaring mag-apply bilang Iskolar ng Bataan
o kaya ay magworking student, magtutor sa
mga bata pagkatapos ng klase.
Natapos na antas ng pag-aaral o kurso Bachelor in Secondary Education (BSE)
Gaano katagal ang pag-aaral 4 na taon sa pag-aaral at isang para sa
paghahanda sa board exam
Mga kinakailangang kasanayan Mahusay magpaliwanag sa paraang pasulat at
pasalita (written & oral communication skill),
kakayahang makihalubilo sa mga tao.
Mga pagpapahalaga Matiyaga, mahinahon, maserbisyo sa tao.

Mga kaugnay na interes o hilig Mahilig magbasa, magsaliksik, at tumuklas ng


mga bagong kaalaman.
Mga oportunidad sa paglago bilang Oportunidad na mapaunlad ang sarili sa
manggagawa pamamagitan ng mga seminars at trainings, at
magkaroon ng mas mataas na antas ng pag-
aaral (Master/Doctorate Studies)
Maaaring kitain o sahurin 20,000 kada buwan sa mga unang taon ng
pagtuturo, ngunit maaaring tumaas pa kung
tataas din ang ranggo (rank) sa pagtuturo
Iba pang benepisyong dulot ng trabaho Bonuses, 13th month pay, medical

24
Ikaw naman:

Mga kinakailangang impormasyon Minimithing buhay o trabaho:

Mga pangunahing Gawain o tungkulin

Gaano kalaki ang magagastos sa pag-aaral

Oportunidad habang nag-aaral

Natapos na antas ng pag-aaral o kurso

Gaano katagal ang pag-aaral

Mga kinakailangang kasanayan

Mga pagpapahalaga

Mga kaugnay na interes o hilig

Mga oportunidad sa paglago bilang


manggagawa

Maaaring kitain o sahurin

Iba pang benepisyong dulot ng trabaho

25
Gawain 4: Pagtukoy sa Maaaring Maging Hadlang sa Pagtupad ng Misyon sa Buhay at
Paghahanda ng mga angkop na solusyon
Panuto: Maglista ng mga posibleng maging hadlang sa pagtupad ng iyong mithiin o misyon sa
buhay. Itala din ang hakbang na iyong naiisip upang malagpasan ang mga ito. Gamitin ang format sa
ibaba sa pagsagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hadlang sa pagtupad ng iyong mithiin o Hakbang na iyong naiisip upang malagpasan ang
misyon sa buhay mga ito

Halimbawa: Walang sapat na pampaaral 1. Mag-apply ng iskolarship


ang aking mga magulang.
2. Humingi ng suporta mula sa mga kamag-
anak na nasa abroad
3. Magworking student

Ikaw naman: 1.

2.

3.

1.

2.

3.

1.

2.

3.

26
Gawain 5: Pagtukoy ng Aking mga Pagpapahalaga
Panuto: Basahin ang anekdota. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga katanungan
sa ibaba.
Anekdota:

Si Diosdado Banatao ay anak ng isang magsasaka sa Cagayan Valeey. Noon, tinitiis niyang
maglakad ng nakayapak patungo sa paaralan araw-araw para lamang makatapos ng
elementarya at haiskul. Dahil sa kanyang pagnanais na makatapos nang kolehiyo nagtungo ito
sa Maynila upang mag-aral ng electrical engineering at nakatapos naman ng cum laude dahil
sa likas na talino, sipag at pagtitiyaga.

Dahil sa kanyang kahusayan sa pag-aaral, siya’y agad na nakapagtrabaho bilang nagsasanay


na piloto sa Philippine Airlines. Ito ang naging daan upang magkatrabaho siya sa Boing
Co.bilang design engineer sa Amerika. Doon, nagtapos siya ng Master’s Degree sa Electrical
Engineering at Computer Science sa Stanford University.

Sa kanyang pagtatrabaho sa mga pinakamahuhusay na technology companies sa Amerika,


nagkaroon si Banatao ng pagkakataong idisenyo ang kauna-unahang single-chip 16-bit
microprocessor-based calculator. Noong 1981, ang Ethernet ay naghahanap ng mas mahusay
na paraan ng pag-uugnay ng mga computers at si Diosdado ang itinalaga ng Seeq Technology
para gawin ito. Si Diosdado Banatao ang gumawa ng single-chip controller na nagbibigay ng
data-link control at transreceiver para sa 10-Mbit Ethernet CMOS.

Itinatag ni Diosdado ang kanyang unang kumpanya noong 1985 sa kapital na $500,000 –
Monstroni. Wala pang isang taon ay kumita na ang kanyang kumpanya ng $12 million. Noong
1996, ibenenta ni Diosdado ang Chips and Technologies Co. sa Intel sa halagang $430 million.

Hindi nalimutan ni Diosdado ang bayang tinubuan. Ang “Banatao Filipino American Fund”
ay nagbibigay ng engineering scholarships sa mga Pilipinong mag-aaral ng Northern
California. Ang paaralang elementarya sa Cagayan Valley ang tanging paaralan sa rehiyon na
may pinakamodermong computer system.

27
Sagutin ang mga Tanong:

1. Anong mga pagpapahalaga ang tinataglay ni Diosdado Banatao?


2. Paano nakatulong ang mga pagpapahalagang ito sa kanyang tagumpay?
3. Ano ang taglay mong pagpapahalaga ang kailangan mong linangin o paunlarin upang
maging matagumpay sa iyong mga pangarap.
4. Paano makatutulong ang mga natuklasan mong sariling pagpapahalaga sa pagtupad
ng iyong mga mithiin o misyon sa buhay?

Gawain 6
Panuto: Pagbulay-bulayan ang mensahe sa ibaba at isulat sa sagutang papel ang iyong
repleksyon o mahalagang aral na natutunan muna dito.

28
Gawain 7
Panuto: Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Kulayan ang kahon kung ang salita ay
tumutukoy sa pamantayan at batayan ng pagbuo o paggawa ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay o PPMB. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

SPECIFIC O TIYAK PANTASIYA TIME BOUND

BARKADA O KAIBIGAN MEASURABLE O KITA O SAHOD


NASUSUKAT

RELEVANT O NAISIN NG MAGULANG ATTAINABLE O


MAKABULUHAN NAABOT

ACTION ORIENTED O
SABI NG GURO MAY KAAKIBAT NA KUNG ANO ANG USO
KILOS

TALENTO AT PAGPAPAHALAGA MARANGYANG BUHAY


KAKAYAHAN

GINAGAWA NG IDOLO NAPAPANUOD SA HILIG O INTERES


TELEBISYON

29
Gawain 8
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA
BUHAY. Gamiting pamatayan ang S.M.A.R.T.A. (Specific, Measurable, Attainable,
Relevant, Time Bound, Action Oriented) at tiyakin din na maging batayan ang iyong mga
talent, hilig, kasanayan, at pagpapahalaga.

30

You might also like