You are on page 1of 145

Ikatlong Markahan

Ikalimang Linggo

B - M L E 2
M T

s pre s y o n n a
a ’ t-iba n g E k
it n g I b
Paggam n g
B ai t a n g u p a
n g k o p s a
N aaa
in g K a is i pa n
y a g n g Sa r il
M a g p a h a
MELCS
Use expressions appropriate to the grade
level to relate/show one’s obligation, hope,
and wish MT2OL-IIIg-h-3.3
UNANG ARAW
Sa nakaraang aralin ay pinag-aralan
natin ang paggamit ng salitang kilos sa
pagsasalaysay ng simpleng karanasan at
pagsunod sa panuto.
Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahang
magamit ang iba’t ibang ekspresyon na
naaangkop sa inyong baitang upang
magpahayag ng sariling kaisipan.
Basahin mo ang tugma ng may tamang ekspresyon:
 
Sa silid-aralan
Ang mga bata ay maraming natutunan.
Tanong:

• Sino ang nasa silid-aralan?


• Sino ang maraming natutunan?
• Saan maraming natutunan ang mga bata?
Ngayong araw ay may babasahin tayong
kuwento tungkol sa mga obligasyon o
gawain ng isang batang katulad ninyo.
Si Ben ay batang walang ginawa sa araw-araw kundi ang
maglaro ng gadyet.Mula paggising hanggang pagtulog ay
gadyet lang ang hawak niya. Hindi na siya nakakatulong sa
mga gawaing bahay na dapat ay nagagawa niya bilang
isang bata.
Dahil sa maghapong nakatutok sa gadyet ay
nakalimutan na niyang kumain, kahit ang paliligo ay
hindi na rin nya nagagawa hanggang sa siya ay
napapagalitan ng kanyang nanay.
Isang araw, may kakaibang naramdaman si Ben,unti
unting lumabo ang kanyang mga mata at tuluyan na
siyang nawalan ng paningin.

Mga bata sa pagbabasa ng kuwento,dapat bigkasin ng


naaayon sa nilalaman, may tamang ekspresyon at may
damdamin.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1.Sino ang tauhan sa kuwento ?


2.Paano mo ilalarawan ang tauhan sa kuwento ?
3.Ano ang madalas na ginagawa ni Ben ? Tama ba
ito ?
4. Dapat ba nating tularan si Ben ? Bakit
opo ? Bakit hindi po?
Basahin ang tula ng may damdamin at
tamang ekspresyon.
Ang Pag-aaral
ni: Aileen M. Mergal
Sa lahat ng minamahal naming kabataan
Dapat isaisip at laging tandaan
Ang pag-aaral ng mabuti at masinsinan
Ay may dulot na magandang kinabukasan
Kaya ang pag-aaral ay dapat mong pagbutihin
Upang ang kinabukasan mo’y mapabuti at wala kang
sisisihin
Nang magtagumpay ka,sa anumang naisin
At maging sa buhay na iyong tatahakin.
Sagutin ang mga tanong batay sa tulang
binasa.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng tulang iyong binasa?
A. Ang Pag-aaral
B. Sa iyong Pag-aaral
C. Sa Pag-aaral
D. Ang Mag-aaral
2. Sino ang dapat na mag-aral ng mabuti ayon sa
tula?

A. Guro
B. kabataan
C. Magulang
D. kapit-bahay
3. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng pag- aaral
ng mabuti maliban sa isa.Alin dito?

A. Magkaroon ng magandang kinabukasan


B. Magiging maunlad ang buhay
C. Maabot ang mga pangarap
D. Magiging tambay
4. Mahalaga ba ang pag-aaral ng mabuti?

A. Opo
B. Ewan ko po
C. hindi po
D. Siguro
5. Bilang mag-aaral sa ikalawang baitang,ano ang
gagawain mo upang makapagtapos ng pag-aaral?
A. Maglalaro ng cellphone
B. Matutulog maghapon
C. Magiging masipag sa pag-aaral
D. Manonood ng telebisyon sa lahat ng oras
IKALAWANG
ARAW
Basahin mo ang tugma ng may tamang ekspresyon:
 
Ang batang magaling
Ay may mararating
 
 
Tanong:
Sino ang magaling?
Ano ang katangian ng bata?
Ano ang mangyayari sa batang magaling?
Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahang
magamit ang iba’t ibang ekspresyon na
naaangkop sa inyong baiting upang
magpahayag ng sariling kaisipan.
Basahin nating muli ang tula nang may
tamang ekspresyon.Bigkasin nang maayos
ang mga salita ng may damdamin.
Sa lahat ng minamahal naming kabataan
Dapat isaisip at laging tandaan
Ang pag-aaral ng mabuti at masinsinan
Ay may dulot na magandang kinabukasan
Kaya ang pag-aaral ay dapat mong pagbutihin
Upang ang kinabukasan mo’y mapabuti at wala kang
sisisihin
Nang magtagumpay ka,sa anumang naisin
At maging sa buhay na iyong tatahakin.
Mga bata,mayroon ba kayong
pangarap? Anu-ano ang inyong
mga pangarap?
• Ano-ano ang mga dapat mong
gawin upang ito ay marating ?
Ngayong araw ay may babasahin tayong
kuwento tungkol sa isang bata na umaasang
malagpasan ang
kahirapan na kanyang nararanasan.
Si Minda
ni: Aileen M. Mergal
Si Minda ay batang nagmula sa pamilyang
naghihikahos sa buhay.Panlima siya sa siyam na
magkakapatid.Magsasaka ang kanyang ama at
naglalabada naman ang kanyang ina.
Mula pagkabata ay sala’t siya sa mga materyal na bagay
tulad na lamang ng kasuotan.Dahil sa hirap na kanyang
nararanasan,tumatak sa kanyang murang isipan na
kailangan niyang magsumikap para makapagtapos sa
kanyang pag-aaral,dahil naniniwala siyang ito ang
magbabangon sa kanya mula sa kahirapan.
Hindi siya nawalan ng pag-asa na darating din ang bukas
at malalampasan niya ang kahirapang nararanasan niya
ngayon. “May awa ang Poong Maykapal,makakapagtapos
ako at magtatagumpay” ang sambit niya.
Dapat bigkasin ng naaayon sa nilalaman, may

tamang ekspresyon at may damdamin ang

pabigkas ng tula/ pagbasa ng kuwento.


Basahin ang tula ng may damdamin at
tamang ekspresyon.
Sana’y Wala ng Covid
ni: Aileen M. Mergal
Covid pandemyang mapanganib
Sa buong mundo’y sumanib
Maraming buhay ang kinitil
Kahit sino’y walang makapigil
Dasal ko sa ating Panginoon
Panlunas sana’y agad magkaroon
Upang pagkalat ng virus ay mapigilan
Nang ang buhay dati,ay muling maranasan.
 
Sagutin ang mga tanong batay sa
tulang binasa.Piliin ang titik ng
tamang sagot
1. Ano ang pamagat ng tulang iyong binasa?

A. Ang Covid
B. Sana’y Wala ng Covid
C. Ang Virus
D. Ang Pandemya
2. Saan sumanib ang pandemyang Covid?
A. Sa China
B. Sa Pilipinas
C. Buong Mundo
D. Sa Japan
3. Ano ang nagging epekto ng pandemyang ito sa mga
tao?

A. Ipinagbawal ang paglabas ng bahay


B. Nawalan ng hanap-buhay ang mga tao
C. Marami ang namatay
D. Lahat ng nabanggit
4. Lubhang mapanganib ba ang Pandemyang Covid?
A. Opo
B. Ewan ko po
C. hindi po
D. Siguro
5. Bilang isang bata na katulad mo,ano ang gagawin mo
upang maiwasan ang pandemyang covid?

A. Maglalaro sa kalye
B. Mamamasyal sa mall
C. Mananatili sa loob ng bahay at sundin ang mga payo ng
eksperto
D. Mag-swimming
Iguhit ang 😊 kung ang sinasaad ay
tama at ☹ naman kung
ito ay mali.
_________1. Ang pandemyang Covid ay
nakamamatay.
_________2. Ang mga pangarap ay matutupad
kung pagbubutihin ang pag-aaral.
_________3. Ang mga mahihirap ay walang
karapatang mag-aral.
_________4. Hindi ka makakapagtapos kung
ikaw ay mag-aaral nang mabuti.
_________5. Hindi dapat nagtitiwala
sa Diyos dahil hindi Ka nito
matutulungan.
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap

Naiuugnay natin sa sariling _____________ ang


pagpahahayag ng sariling kaisipan tungkol sa pag-
asa o naisin.
Basahin nang may damdamin ang tula at sagutin
ang tanong.

Nais ko,Paglaki ko
ni: Aileen M. Mergal
Ang nais ko sa aking paglaki,
pag-aaral ay matapos
Ang kursong pangarap na maging inhenyero
Magsusumikap ako,sa kursong nais ko
Mga magulang ay matutulungan,
pati na ang bayan
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Pag-aaral
B. Nais ko,paglaki ko
C. Inhenyero
D. Ang Bayan ko
2. Ano ang kursong pangarap niya?
A. Guro
B. Doktor
C. Inhenyero
D. Piloto
3. Sino-sino ang kanyang nais na tulungan?
A. magulang
B. bayan
C. guro
D. magulang at bayan
4. Mahalaga ba na makapagtapos ng pag-aaral?

A. Opo
B. Ewan ko po
C. Hindi po
D. siguro po
5.Bilang isang bata,ano ang gagawin mo upang makamit
ang iyong pangarap?
A. Pagbubutihin ang pag-aaral
B. Aasa sa mga magulang
C. Hindi na mag-aaral
D. Maglaro maghapon
IKATLONG
ARAW
Hanapin sa hanay B ang tinutukoy na
tungkulin ng bata na nasa larawan sa Hanay
A. Isulat ang titik ng inyong sagot sa
sagutang papel.
Inaasahang mauunawaan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan at pamayanan na
naaangkop sa iyong kakayahan. Gayundin, sa araling ito, matutuhan
mong gamitin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
obligasyon o tungkulin
Bilang isang batang mag-aaral, ano-ano ang
mga dapat mong gawin kung araw ng
walang pasok o Sabado?
Panuto: Ayusin ang mga larawan ng mga
gawain ni Rick ayon sa pagkakasunod-
sunod nito. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa sagutang papel.
Angkop na Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Obligasyon
Ano ang obligasyon? Ang bawat bata ay may
obligasyon. Ang obligasyon ay mga tungkuling
dapat na isagawa at tuparin sa takdang panahon.
Ang bawat kasapi ng tahanan, paaralan at pamayanan
ay may mga obligasyong ginagampanan.
Ang pagwawalis, paglilinis ng bahay at paglalaba
ay mga halimbawa ng obligasyon sa tahanan.
Ang pagbabasa, pagsusulat at pakikinig sa guro ay
mga obligasyon sa paaralan.
Ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at
pagsunod sa batas trapiko ay mga obligasyon sa
pamayanan. May mga wastong ekspresyon upang
maipahayag ang pagsasagawa ng obligasyon.
Ang magagalang na salita ay ginagamit
sa pagpapahayag ng obligasyon. Narito
ang ilang halimbawa:
• Ako na po ang maglilinis ng ating bahay.
• Ako na po ang magdidilig ng halaman.
• Ako na po ang bahala sa mga kalat na ito.
Aming Tahanan
ni Maribel M. Marayan
Sabado noon, araw ng palengke. Maagang
umalis si Nanay. Agad akong ginising nina
Ate Des at Ella at kami ay kumain ng
almusal.
“Ako na ang maglalaba ng ating mga
damit”, ang sabi ni ate Des. “Ako naman
ang maghuhugas ng pinggan at maglilinis
ng ating bahay, Ate,” ang sabi ni Ate Ella.
“Ella, tutulungan kita, magdidilig lang ako ng
mga halaman ni nanay,” ang wika ko naman.
Pag-uwi ni Nanay tuwang-tuwa siya nang
makitang natapos na namin ang mga gawaing
nakaatang sa amin.
“Salamat naman at maaasahan pala
kayo.”
Panuto: Basahin at sagutin ang mga
tanong. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
A. Ella
B. Nanay
C. Ate Des
D. Lahat ng nabanggit
2. Kailan nangyari ang kuwento?
A. Sabado
B. Linggo
C. Lunes
D. Biyernes
3. Saan pupunta ang nanay?
A. simbahan
B. palengke
C. paaralan
D. tindahan
4. Ano ang obligasyon ni Ate Des?
A. maglaba ng damit
B. maglinis ng bahay
C. magdilig ng halaman
D. magluto ng pagkain
5. Ano ang obligasyon ni Ella?
A. tumulong sa pagluluto ng agahan
B. tumulong sa pagdidilig ng halaman
C. tumulong sa paglilinis ng bahay
D. tumulong sa paglalaba ng damit
Iguhit ang kung nakasunod ang bata sa
pamantayan at kung hindi.
Hanapin ang ekspresyon o pahayag na
angkop sa bawat larawan. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
Punuan ang patlang upang mabuo ang
mga pahayag Piliin ang sagot sa mga
salitang nasa loob ng kahon.
1. Ang _________ ay mga tungkuling dapat na isagawa
at tuparin sa takdang panahon.
2. Ang bawat _______ ay may obligasyon.
3. Ang __________ na salita ay ginagamit sa
pagpapahayag ng obligasyon.
Basahin ang bawat kalagayan. Piliin ang
angkop na ekspresyong nagpapahayag sa
pagsasagawa ng obligasyon o tungkulin.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Maysakit ang Nanay mo at nakita mong maraming
maruruming damit. Ano ang sasabihin mo?
A. Ako na ang maglalaba bukas.
B. Nanay, ako na po ang maglalaba.
C. Nanay bakit po maraming maruruming damit?
D. Nanay, kailan ko po lalabahan ang mga iyan?
2. Nakita mo si Tatay na nagsisibak ng kahoy sa likod-bahay
A. Tatay anong ginagawa mo?
B. Tulungan ko na po kayo, Tatay.
C. Tatay, bakit po kayo nagsisibak ng kahoy?
D. Tatay, hahanap po ba ako ng tutulong sa inyo?
3. Pagod na kayo sa paglalaro ng kapatid mong si Luna.
Nakakalat ang inyong mga laruan.
A. Iligpit mo na ang mga laruan, Luna.
B. Iligpit na natin ang mga laruan, Luna.
C. Bahala ka na diyan sa mga laruan, Luna.
D. Ipaligpit natin ang mga laruan kay Nanay, Luna .
4. Mag-aaral ka na ng iyong mga aralin.
A. Kuya gawin mo nga aking aralin.
B. Nanay, tulungan ninyo nga po ang aking aralin.
C. Nanay, mag-aaral na po ako ng aking aralin.
D. Ate, ikaw na nga ang sumagot sa aking aralin.
5. Nakita mong puno ang dalang basket ng iyong Lolo
at Lola.
A. Lolo saan po kayo galing?
B. Lola bakit marami po kayong dala?
C. Lolo, Lola tulungan ko na po kayo sa mga dala
ninyo.
D. Lola, nasaan po ang aking pasalubong?
IKAAPAT
NA ARAW
Ipabasa sa mga bata:
 
Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang
Ekspresyon ay maipahahayag natin ang ating
Kaisipan sa Binasang Kuwento.
Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahang
magamit ang iba’t ibang ekspresyon na
naaangkop sa inyong baitang upang magpahayag
ng sariling kaisipan.
Ipabasa ang mga salita at mga pangungusap na
nagbibigay kahulugan sa mga ito sa LM
pahina 181-182 Basahin ang mga salita at mga
pangungusap na nagbibigay kahulugan sa mga
ito.
Patpat - Ang patpat ay isang maliit na piraso ng
kahoy o mula sa kawayan.
Kalangitan - Ang ulap ay nasa kalangitan.
Kapantay - Si Pedro at Pablo ay magkapantay.
Magkapareho sila ng taas.
Kalupaan - Ang kalupaan ay nakikita mula sa
bintana ng eroplano
Nakakita na ba kayo ng isang pagong na
lumilipad?
 
Sa araw na ito ay may kwento tayong babasahin
tungkol sa isang pagong na may kakaibang
pangarap.
Kayo ano ang inyong pangarap?
 
Ano kaya ang pangarap ni pagong?
“Ang Pangarap
ng Pagong”
Halaw kay Esopo sa pahina 181-182 LM
Matagal nang pangarap ni Pagong ang
maranasan ang makalipad at makarating sa
kalangitan kapantay ng mga ulap. Isang araw,
kinausap niya ang kaniyang mga kaibigang
ibon.
“Maari ba ninyo akong tulungan na makarating sa kalangitan
at matanaw ang magagandang tanawin sa kalupaan?Gusto
ko lang maranasan ang inyong nararanasan,” dagdag pa niya.
“Sige, tutulungan ka naming matupad ang matagal mo nang
pangarap,” ang sagot naman ng mga kaibigan niyang ibon.
“Maari ba ninyo akong tulungan na makarating sa
kalangitan at matanaw ang magagandang tanawin sa
kalupaan?Gusto ko lang maranasan ang inyong
nararanasan,” dagdag pa niya. “Sige, tutulungan ka naming
matupad ang matagal mo nang pangarap,” ang sagot naman
ng mga kaibigan niyang ibon.
At kumuha nga ng isang patpat ang kaniyang mga kaibigang
ibon. Kinagat nila ang parehong dulo nito at pinakagat si
Pagong sa gitna ng patpat. Lumipad sila ng lumipad paitaas.
Tuwang-tuwa si Pagong. Naranasan na rin niya ang
makarating sa itaas. Maya-maya, nakita sila ng mga tao sa
ibaba.
Itinuturo ng mga tao ang dalawang ibon at isang
pagong na nasa himpapawid. Hangang-hanga
ang mga tao at kumakaway sa magkakaibigang
ibon at pagong.
Dahil sa katuwaan sa paghanga ng mga tao,
ibinuka ni Pagong ang kaniyang bibig upang
batiin ang mga tao sa ibaba. Ipabasa muli ito
nang may paghinto at interaksyon.
Pagsagot sa pangganyak na tanong:

Ano ang matagal nang pangarap ni


Pagong?
Pangkatang gawain:
 
Pangkat I: Likhang Sining!
Gumuhit ng isang malaking bituin. Sa loob ng bituin ay
isulat ang pangarap ni Pagong.
 
Pangkat II: Artista na yan!
Isakilos o isadula kung paano natulungan ng mga ibon si
Pagong upang makamtang ang kanyang pangarap.
Paano ninyo naunawaan ang kuwento?
 
Tandaan:
 
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong at pagbibigay ng detalye
tungkol dito. pagbibigay ng opiniyon o kuro-kuro.
Maaari rin tayong gumamit ng mga ekspresyon upang
makapagpahayag ng kaisipan.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ano-ano ang katangian ng bawat isa?
2. Ano ang matagal ng pangarap ni Pagong?
3. Natupad ba ang kaniyang pangarap?
4. Sino ang tumulong sa kaniya?
5. Paano natulungan ng mga ibon si Pagong?
6. Ano ang kanilang ginawang paraan upang makalipad o
makarating sa himpapawid si Pagong?
7. Ano ang ginawa ni Pagong ng makita siya ng mga tao?
IKALIMANG
ARAW
Paano natin mauunawaan ang isang
kwento?
Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahang
magamit ang iba’t ibang ekspresyon na
naaangkop sa inyong baiting upang
magpahayag ng sariling kaisipan.
“Ang Pangarap
ng Pagong”
Halaw kay Esopo sa pahina 181-182 LM
Matagal nang pangarap ni Pagong ang
maranasan ang makalipad at makarating sa
kalangitan kapantay ng mga ulap. Isang araw,
kinausap niya ang kaniyang mga kaibigang
ibon.
“Maari ba ninyo akong tulungan na makarating sa kalangitan
at matanaw ang magagandang tanawin sa kalupaan?Gusto
ko lang maranasan ang inyong nararanasan,” dagdag pa niya.
“Sige, tutulungan ka naming matupad ang matagal mo nang
pangarap,” ang sagot naman ng mga kaibigan niyang ibon.
“Maari ba ninyo akong tulungan na makarating sa
kalangitan at matanaw ang magagandang tanawin sa
kalupaan?Gusto ko lang maranasan ang inyong
nararanasan,” dagdag pa niya. “Sige, tutulungan ka naming
matupad ang matagal mo nang pangarap,” ang sagot naman
ng mga kaibigan niyang ibon.
At kumuha nga ng isang patpat ang kaniyang mga kaibigang
ibon. Kinagat nila ang parehong dulo nito at pinakagat si
Pagong sa gitna ng patpat. Lumipad sila ng lumipad paitaas.
Tuwang-tuwa si Pagong. Naranasan na rin niya ang
makarating sa itaas. Maya-maya, nakita sila ng mga tao sa
ibaba.
Itinuturo ng mga tao ang dalawang ibon at isang
pagong na nasa himpapawid. Hangang-hanga
ang mga tao at kumakaway sa magkakaibigang
ibon at pagong.
Dahil sa katuwaan sa paghanga ng mga tao,
ibinuka ni Pagong ang kaniyang bibig upang
batiin ang mga tao sa ibaba. Ipabasa muli ito
nang may paghinto at interaksyon.
Basahin ang sumusunod na kalupaan
mga salita: tanawin
pangarap tutulungan
maranasan himpapawid kumakaway
makalipad paghanga
makarating batiin
kapantay paglipad
kalangitan matupad
kinausap
tulungan
matanaw
Basahin ang mga pangungusap na hango sa kuwento.
1. Nasa himpapawid ang magkakaibigang ibon at
pagong.
2. Napakaganda ng tanawin na aking nakita.
3. Tuwang-tuwa ang pagong sa kanilang
paglipad.
4. Tutulungan ng magkaibigang ibon ang pagong upang

makarating sa kalangitan.

5. Kapantay ng ulap ang kanilang paglipad.


• Paano mo binasa ang mga salita at
pangungusap?
• Paano ang wastong paraan ng pagbasa ng
mga salita at pangungusap?
Ipabasa muli ang mga salita matanaw
sa buong klase, pangkatan, kalupaan
dalawahan at isahan: tanawin
  tutulungan
pangarap himpapawid kumakaway
maranasan paghanga
makalipad batiin
makarating paglipad
kapantay matupad
kalangitan
kinausap
tulungan
 
Maipapahayag ang ating kaisipan tungkol sa
binsang kuwento o teksto sa pamamagitan
ng paggamit ng wastong ekspresyon.
Basahin nang may damdamin at tamang
ekspresyon ang tula at sagutin ang
tanong sa ibaba.
Ita’y , Ina’y Nasaan Kayo?
ni: Aileen M. Mergal
Lumaki akong ibang tao
ang kasama.
Sa bahay ampunan,
kahit sino ang kasalamuha
Kakulangan sa buhay
bakit ito ang nararanasan
Mga mahal na magulang,
aking kinasasabikan
1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Ita’y,Ina’y Nasaan kayo
B. Mga magulang
C. Bahay Ampunan
D. Ang aking karanasan
2. Saan lumaki ang bata,ayon sa tula?
A. Bundok
B. Tabing-dagat
C. Bahay
D. Bahay-ampunan
3. Sino ang kinasasabikang makita ng bata sa tula?
A. Mga kapitbahay
B. mga magulang
C. Mga kaibigan
D. mga kakilala
4. Ano ang nararamdaman ng bata sa kwento?
A. nagagalit
B. natatakot
C. nangungulila
D. natutuwa
5. Dapat bang magkaroon ng sama ng loob o galit ang
bata sa kanyang mga magulang?
A. Opo
B. Ewan ko po
C. hindi po
D. Siguro po
S a l a m a t !

You might also like