You are on page 1of 15

HOM ER O OM G U I D A NC E

T. REGINALD CALDERON
PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang Sinilangan.
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan upang
maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking mga
magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan, tutuparin ko ang
tungkulin ng mamamayang makabayan; naglilingkod, nag-aaral, at
nagdarasal ng buong katapatan. Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas
Mga tanong:

1. Anong tungkulin ang dapat tuparin?


2. Bakit mahalagang tuparin ang mga tungkuling
nabanggit sa taas?
3. Paano mo natutupad ang mga binanggit na
tungkulin sa Panatang Makabayan?
A N AP K O S A T U N GK U L I N
PAGG
, P AR A S A S AR I LI A T P A R A
KO
SA KAPWA ON
T. REGINALD CALDER
TUNGKULIN SA SARILI
a. Makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng
iyong talento at kakayahan. Isa ito sa mahalagang bahagi sa
pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong
pagkalalang.
b. Pagyamanin ang mga hilig sa makabuluhang paggamit nito.
Maaaring gamitin ito upang maihanda ang iyong sarili sa isang
kursong gusto mo sa kolehiyo o kaya naman ay tumulong ka sa
paaralan upang magturo sa mga kapwa mo mag-aaral na hindi
marunong gumamit ng kompyuter
TUNGKULIN BILANG ANAK
Mahalagang maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng
isang magandang ugnayan sa iyong mga magulang. Hangad
nila ay ang mabuti at makakatulong sa iyo sa pagharap sa
hamon ng buhay. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang at
pagkatiwalaan.
TUNGKULIN BILANG KAPATID
Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay
makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos
sa iyong kapwa.
TUNGKULIN BILANG MAG-AARAL
Ang high school ang pinaka-daynamikong yugto sa iyong buhay.
Gamiting gabay ang mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pag-aaral ang
makatutulong upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang
iyong mga potensyal.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Ito ang tutulong sa iyong isip
upang gumana nang maayos. Walang mahirap sa isang taong nagpupursigi at
may dedikasyon.
c. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Gamitin ito upang hanapin ang
katotohanan, sa pakikinig at pagtimbang sa opinyon ng iba at sa pagiging kritikal
sa mga inihaing ideya. d. Wastong pamamahala ng emosyon. Ito ay kaugnay ng
maunlad na pakikipag-ugnayan.
ANG TUNGKULIN SA AKING PAMAYANAN/BILANG
MAMAMAYAN
Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang
mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang kabataan may tungkulin
ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang
miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa
pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
ANG TUNGKULIN SA AKING PAMAYANAN/BILANG
MAMAMAYAN
f. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang
sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging
mabuting pinuno at;
g. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan
at samahan sa kanilang mga proyekto. ”Walang sinuman ang
nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay,
para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa,
tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya. ”
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo sa iyong narinig?
Sagutin ito sa pamamagitan ng paglikha ng concept web katulad ng
nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga tanong:
1. Ano-anong kaalaman ang nahinuha mo sa babasahin? Isa-isahin at ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga na maisagawa ang mga tungkulin na binanggit sa taas?
3. Paano mo isasagawa ang mga angkop na kilos sa pagganap sa tungkulin para
sa sarili at para sa kapwa?
4. Makakatulong ba ang kaalamang ito sa pagtugon sa kaganapan ng iyong
adhikain?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa sumusunod na sitwasyon

1. Naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Ariel, nang siya’y paalis na nang


bahay ay naalala niya na may takdang aralin pa siya na dapat gawin na kung
saan ito ay kailangan na ipasa sa kanilang first period class. Kung ikaw si Ariel,
ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?
2. Pauwi na si Agnes mula sa huli niyang klase. Bilin ng kanyang ina ay umuwi
agad ito ng bahay upang tumulong sa gawaing bahay. Nagkayayaan ang mga
kaibigan niya na pumunta sa birthday ng kanilang kaklase. Ano ang gagawin mo
sa pagkakataong ito kung ikaw si Agnes?
3. Si Mika ay panganay sa tatlong magkakapatid. Bilang panganay, siya ay madalas
napagbibilinan ng kanyang nanay na tutulungan ang mga kapatid sa paggawa ng
mga Learning Modules nila. Madalas ikaw ay maraming assignments at learning
activities na ginagawa. Ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?

4. Nagbigay ng Learning Tasks sa klase ang lahat ng inyong guro. Sa hindi


maiiwasan na pagkakataon ay nagkasabay sabay ang petsa ng pagpapasa nito.
Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang mapamahalaan ang sitwasyon
na ito?

5. Isang araw habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang
nakahandusay sa kalsada at walang malay. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan
mong siya ang kapitbahay mong si Aling Milagros na laging gumagawa ng tsismis
sa iyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Bumuo ng Akrostik gamit ang salitang TUNGKULIN sa pamamagitan ng pagsulat


ng mga pangungusap na nagsisimula sa bawat letra ng salitang ito. Ang mga
pangungusap na ito ay dapat naglalahad ng kahalagahan ng pagganap ng tungkulin
sa sarili at sa kapwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel gamit ang pormat sa
ibaba.

You might also like