You are on page 1of 7

YUNIT I.

ANG PAMILYA BILANG UGAT NG


PAKIKIPAGKAPWA
Ang pamilya ang unang paaralan sa buhay ng tao. Ang wastong ugali at pagpapahalaga sa pakikipagkapwa ay
natututuhan ng isang bata mula sa kanyang mga magulang, ang kaunaunahang mga guro niya sa aralin sa pakikipamuhay.

Isa sa pinakamahalagang natututuhan ng mga bata ay pagmamahal sa pamamagitan ng magiliw na haplos ng nag-
aruga sa kanya noong siya’y sanggol pa lamang. Sa kanyang unang hakbang, mga kapamilya ay laging nakaalalay at kung
madapa’y may kamay na nakaabang. Sa kanyang paglaki, patuloy pa rin siyang ginagabayan ng kapamilya sa mabibigat niyang
problema. Ang ganitong karanasan ay nagsilbing tagapagmulat kung ano ang halaga ng pagtutulungan. Sa paglawak ng
kanyang isip, ang bawat makita’t marinig ay aral ng buhay na kanyang huwaran ng kilos at pananalita. DIto rin niya nalaman
na bilang kasapi ng pamilya, may tungkulin siyang dapat gampanan sa kanyang pamilya at kapwa. Kaya’t kung ang mga
magulang niya’y mapanagutang haligi ng tahanan at mamamayan, siya ay halos gayundin na sa hinaharap ay magiging
mamamayang tutulong sa pagbuo ng maunlad na lipunan.

ARALIN 1: KALIKASAN AT LAYUNIN NG PAMILYA


Ano ang layunin ng pamilya sa lipunan?
Dito nabubuo ang pag-ibig at pagmamahalan,
upang maging material na tagapaglikha sa sangkatauhan
at magpatuloy ang daloy ng buhay sa sanlibutan.

Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit na institusyon sa lipunan. Ito ang tagapag-alaga ng buhay kaya nakikitaan ng
pag-ibig, paguunawaan at pagtutulungan.

Ito ay may tungkuling magbuklod sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-ibig at tuparin ang bahagi bilang katuwang sa
paglikha ng buhay. Ang pamilya ang kinasangkapan upang patuloy ang pag-ikot ng buhay. Sa pamilya rin naipabatid ng Diyos
ang Kanyang pagmamahal sa tao.

Sa pamilya nagsisimula ang pakikiisa tungo sa pagsasagawa ng kabutihan sa isa’t isa at pagdadamayan sa panahon
ng pangangailangan. Ang pakikiisa ay hindi nagtatapos sa kinabibilangang pamilya. Sa halip, ito’y kailangang ipagpatuloy sa
iba pang pamilya, sa pamayanan at sa buong bansa. Ang damdamin ng pakiki-isa ay parang dampi ng hangin na humahaplos
sa bawat kasapi ng pamilya upang maibahagi sa kapwa.

Ang ulirang pamilya ay simbolo ng pag-asa at nagsisilbing modelo upang maging karapatdapat na ialay sa
Tagapaglikha. Ang paraan ng pagsasagawa ng bahaging ginagampanan ng mga kasapi nito ay nagpapatunay ng pagiging
huwaran ng pamilya sa pamayanan.

Ang mga pangunahing tagapagpaganap sa pamilya ay ang ama at ang ina. Sila ang mga tagapaghubog sa mga anak
na maging susunod na mga tagapaghubog ng gampanin ng kinabukasang salinlahi. Ang ama ang may gampaning tagahanap
ng kabihayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi ng pamilya. Siya rin ang ang naglalaan ng proteksyon sa
mga kasapi. Siya rin ang nangunguna sa pagbubuo ng mahalagang desisyon. Ang ina ay tinatawag na “ilaw ng tahanan” dahil
siya ang gumagabay sa lahat ng dinaraanan at tinatahak ng mga kasapi. Dagdag pa, siya ang tagapag-alaga, sa mga anak at
naghahanda ng mga pangangailangan ng mga kasapi ng pamilya.

Ang mga anak ang bunga ng pagmamahalan kaya sila ay nagkakaloob ng pagmamahal sa mga magulang. Sila ang
nagbibigay ng ligaya sa mga nakakatanda at nagsisilbing inspirasyon para sa kinabukasan.

Bahagi na ng plano ng paglikha sa tao ang pagkakaroon ng pamilya. Nasa tao ang katugunan ng katuparan ng plano
ng Diyos. Ang pamilya ang nabuo upang mangalaga at magpaunlad ng iba pang nilikha. Ang pamilya rin ang inatasan upang
maging modelo ng kagandahang-asal at magbahagi ng mga salita ng Diyos bilang pinakamataas sa lahat Niyang nilikha.

Ang pamilya ay nabuo upang bigyang karangalan ang kadakilaan ng pangalan ng Tagapaglikha. Ang talino at iba pang
kakayahan ng tao ay kaloob na mga sangkap upang mapaunlad at maibahagi sa kapwa; upang maipakita ang kabutihan,
katarungan at kaligayahan sa isang lipunan. Sa pamilya nagsisimula ang layunin ng paghubog sa magiging kasapi ng lipunan,
kaya kung naging masama ang isang mamamayan, may tungkulin ang pamilya na tugunan ang kanyang bunga. Kapag naging
kapaki-pakinabang naman ang kasapi sa pamayanan, tatanggap din ang pamilya ng kaukulang karangalan. Dahil sito ang ama
at ang ina ay ipinagagamit ang kanilang pangalan sa mga anak bilang tanda at tatak sa uri ng pamilya na kanilang nabuo.

Napakahalaga at napakalawak ang bahaging ginagampanan ng pamilya sa lipunang kanyang ginagalawan, at ang
layuning ito ay kailangang maisalin nang maayos para sa sususunod na salinlahi.

GAWAIN

Basaahin ang isang salaysay ng anak at sagutin ang mga tanong.

Naghiwalay Sina Itay at Inay

“Sariwa pa sa aking isipan nang maghiwalay sina Itay at Inay. Talagang wala kaming kaalamalam sa kanilang naging
desisyon. Sa ngayon, kailangang maghanapbuhay ni Inay upang may panustos sa aming pangangailangan. Napakahirap isipin
dahil ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Palagi kaming iniiwan ni inay kayo ako ang naging responsable sa
kanila. Madala, nakadungaw na lamang kami sa may bintana at labis na nag-aalala sa maaaring kinabukasan naming sa piling
ng nag-iisang magulang.

1. Kung ang pamilya ay pinag-isang diwa sa iba’t-ibang katauhan, magbigay ng panig tungkol sa paghihiwalay ng
mga magulang.
2. Anu-ano ang naging epekto sa pagpaganap sa mga layunin ng pamilya?
3. Ito ba ang kalikasan ng pamilya? Bakit?
4. Kung ganoon, bakit maraming mga pamilya ang naghihiwalay?
5. Magbigay ng dalawang mungkahi para sa ikatatagumpay ng isang pamilya.
PAGLALAPAT

Magbigay ng solusyon sa sumusunod na sitwasyon:

1. Isang batang siyam na taong gulang, lagging sumasalungat sa mga pasya at patakaran ng magulang at
nakatatanda sa pamilya kaya lagi itong napapagalitan.
2. Nagsaawa o napagod na ang isang ina sa kanyang asawa dahil sa laging paglalasing nito. Bilang anak, ano ang
gagawin mo?
3. Alam mong dapat manalangin ang pamilya nang sabay subalit tila wala nang panahon ang iyong mga magulang
para rito. Ano ang gagawin mo?
4. Naramdaman mong hindi pantay ang pagtingin sa inyong magkakapatid ng iyong ama dahil paborito nito ang
panganay na lalaki. Ano ang gagawin mo?
5. Naguguluhan ka sa iyong pamilya dahil ikaw na lamang ang gumagawa sa lahat ng mga gawaing-bahay. Hindi
mo naman nagagampanang lahat dahil pare-pareho naman kayong nag-aaral ng iyong mga kapatid. Ano ang
gagawin mo?

BATAYANG KAISIPAN

Bilang kasapi ng pamilya, kailangang maliwanag ang kalikasan at layunin nito sa iyo upang maging bahagi ka sa
pagpapabuti ng inyong ugnayan.

MGA PAGPAPAHALAGAN LILINANGIN

Mahalaga ang gampanin ng pamilya sa isang lipunan. Bilang kasapi nito, nararapat na ang pagsasagawa ng kanyang
karapatan at tungkulin ay naaayon sa batayang moral upang ang mga pasya sa pagkilos ay mag-uugnay sa pamilya at sa
kanyang ispiritwal na gampanin sa pagpapahusay at pagpapanatili ng pagmamahal sa lipunang kanyang ginagalawan.

Alalahanin na ang kabiguan ng pamilya ay kabiguan ng lipunan at ng bansa sa pangkalahatan. Ating napapansin na
ang lipunan sa ngayon ay nababalutan ng iba’t ibang kawalan ng katarungan, alinlangan at pangamba, iyan ay dahil sa kawalan
ng katatagan ng pamilya. Napakaraming kasapi nito ang walang kamalayan at lakas ng loob sa pagkilala sa tunay na layunin
ng pamilya na kung saan tayo ay nabibilang.

Ngayon alam mo na iyong kahalagahan sa pagpapadalisay sa imahe ng pamilya, inaasahan na magsasaawa ka ng


paraan sa pagtupad sa iyong bahaging gagampanan.
ARALIN 2: ANG IMPLUWENSIYA NG PAMILYA SA PAGHUBOG NG PAGKATAO
Pagkatao ko ngayon ay mahalaga sa kinabukasan
Kailangang nahuhubog ito nang ayon sa batayan.
Dahil sa ang pamilya ay aking sandigan
Ang naidudulot nito sa aking pagkatao ay pahahalagahan.

Alin ang tama? Alin ang maling impluwensiya ng mga magulang?

Ang uri ng anak ay bunga ng magulang.

“Home Sweet Home,” ito ang kasabihang nag-uugnay sa tahanan at sa pamilya. Tila napakasarap na damdamin dahil
punong puno ito ng kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa. Tahimik ang paligid, malayo sa panganib at may pagkakataon
upang magpahinga dahil puno ng pag-unawa.

Samakatuwid, ang tahanan ay hindi lamang isang istraktura ng bahay. Ito ay pugad ng pagmamahalan na
naghuhubog sa mga kasapi tungo sa mabuting landas. Ang mga magulang ay may tungkuling imulat sa mga anak ang
positibong bahagi ng buhay na kabaligtaran ng sa labas. Sila ang unang nakahalubilo nila kaya anumang nakikita ng anak ay
manipestasyon ng mga ugali at asal ng mga magulang o di kaya naman sa kapaligiran.

Nang namatay ang ina ni Jose, hindi ito umiyak, sa halip nagpasalamat siya sa Diyos at binigyan sila ng isang ina
nagtaguyod sa kanilang magkakapatid kahit na iniwan sila ng kanilang ama. Hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon na
hindi kumain. Ang gabi ay ginawa ng ina bilang araw upang makapaglaba, makaplantsa at iba pang gawain upang kumita at
may panustos sa kanilang pangangailangan sa eskwela.

Ngayon, malalaki na sila, may matatag nang hanapbuhay, iniaalay nila ang ina sa Dakilang Lumikha. Ang inang
naghubog sa kanila upang tuntunin ang kapalaran ng pagkatao, isang tiyak na tagumpay. Isang pagkakataong may takot at
pagmamahal sa Diyos.

Paano nga ba nabubuo ang pagkatao? Ano ang impluwensiya ng pamilya? Tunghayan ang salin na tula:

Tamang Paghubog sa Anak

Ang malupit na kapaligiran, dulot ng takot at kapighatian


Ang awa naman, bunga ay pagiging maramdamin
Iwasang kutayain ang bata, bunga nito’y maging mahiyain
Kapag namulat sa inggit, ito’y naging ugali na rin.

Pagtanggap sa kasalanan ang bunga ay kahihiyan


Subalit ang pagpaparaya ay pagpapaumanhin kanino man
Ibahagi ang pag-asa, upang sa sanhi ay magtiwala
Sa mga ginawang pagpuri, ang bata’y nagpapasalamat lagi.

Kapag tinanggap ang mga pagkukulang


May pagmamahal sa kapwa at mga magulang
Ang pagkilala sa kakayahan ng kabataan
Nagkakaroon ng direksyon patungo sa layon.
Turuan din silang magbahagi, maging maging matapat at makatotohanan
Sa pagkakaibigan, kanais-nais na tahanan
Mga batang mapagmahal sa katahimikan
Tiyak pamayanan at lipunan ay may kapayapaan!

GAWAIN

A. Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ng tula? Ipaliwanag.
2. Ayon sa tula, sinu-sino ang mga nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng kabataan?
3. Pumili ng bahagi ng tula na kaugnay ng kalagayan ng iyong naging pagkatao.
4. Ipaliwanag kung paano ka naging ikaw sa ngayon.

B. Suriin ang ang paglalarawan sa dalawang pamilya sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Pamilya Cruz
a. Nagagawa ng mga anak ang lahat ng gusto nilang gawin
b. Hindi nagagalit ang mga magulang
c. Natutugunan ang mga material na pangangailangan
d. Liberal ang mga magulang
e. Makabago ang lahat ng mga patakaran sa tahanan

Pamilya Santos
a. Ang tahanan ay may patakaran na sinusunod ng mga anak
b. Napapagalitan ang mga anak sa maling ginagawa
c. Hindi lahat ng gusto ng anak ay naibibigay
d. Mahigpit ang mga magulang
e. Makaluma sa ilang patakaran sa tahanan

1. Alin sa dalawang pamilya ang katulad ng pamilya mo?


2. Alin sa mga katangian ng pamilyang napili mo ang wala sa iyo?
3. Ipaliwanag ang damdamin mo para rito.
4. Ilarawan ang pagkaunawa mo sa pahayag na “Home Sweet Home.”
5. Anu-ano ang mga katangian mo na mahalagang impluwensiya sa iyo ng mga magulang mo?
6. Naging bahagi ba ito ng iyong pagkatao? Ilarawan ang iyon sarili ayon sa iyong pagkilala.

C. Lagyan ng tsek (✔) ang mga katangian na dapat taglayin sa isang pamilya upang maging batayan ito sa isang
mahusay na lipunan.
_____1. May takot sa Diyos
_____2. Sinusunod ang kani-kaniyang kabutihan
_____3. Kahit laging wala sa bahay ang mga magulang, natutugunan naman ang kanilang pangangailangan
_____4. Madisiplina ang mga magulang
_____5. May mga patakaran na dapat sundin sa bahay
_____6. Sama-samang kumakain
_____7. Bihirang nagkikita ang mga mag-anak
_____8. Naniniwala sa mga dating ugaling Pilipino
_____9. Nagtutulungan kapag may Gawain
_____10. Ang ina ang gumagawa sa lahat ng mga gawaing-bahay
_____11. Dumaramay sa pangangailangan ng kapitbahay.
_____12. Nakikiisa sa gawaing pampamayanan
_____13. Hinahati-hati ang gawaing bahay para sa lahat
_____14. Sumusunod ang atas o pasya ng mga magulang
_____15. Ginagalang ang krapatan kahit ng mga nakababatang kapatid
_____16. Sama-samang nagdarasal

D. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ang mga nilagyan mo ng tsek ay nagaganap din sa iyong pamilya? Ipaliwanag
2. Kung hindi, kailangan bang mangyari ang mga ito? Paano mo isasagawa?
3. Magbanggit pa ng ilang katangian na hindi nabanggit sa una, na dapat nangyayari sa pamilyang Pilipino.
4. Sa mga ugali ng mga kabataan sa ngayon, ibigay ang iyong pangkalahatang ebalwasyon. May pag-asa kayang
maging bahagi sila sap ag-unlad ng bansa? Bakit?
5. Sumulat ng isang sanaysay na pinamagatang, “Kabataan… Pag-asa ng aba ng Bayan?

PAGLALAPAT

Ipaliwanag ang sinasaad ng sumusunod na mga kawikaan at ibigay ang panig kung paano ito maisasabuhay.

1. “Kung ano ang nakikita sa matanda ay siyang ginagawa ng bata.”


2. “Hubugin sa tama habang bata at ito ay kanyang isasabuhay hanggang sa pagtanda.”
3. “Kung ano ang puno ay siya ring bunga.”
4. “Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang gawa, nakikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.” -Kawikaan 20:11
5. “Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak dahil sa malabis ninyong
kahigpitan, sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.” -Efeso 6:4
6. “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.” -Kawikaan 22:6

BATAYANG KAISIPAN

Ang pamilya ang pinakamahalagang yunit sa lipunan na humuhubog sa pagkatao ng isang kabataan. Ang mga magulang ang
pangunahing karakter na bumubuo sa tungkuling ito.

MGA PAGPAPAHALAGANG LILINANGIN

Basahin ang artikulo at alamin ang mga pagpapahalagang mapakikinabangan.

Sa loob ng isang air-conditioned na bus:

“Ma’am bayad na po kayo,” ang paalala ng konduktora.

“Bakit?” ang tanong ko.


“Ibinayad na po kayo ng mama na nasa likuran ninyo,” ang dugtong nito.

Ako ay nabigla. “Good afternoon po, Ma’am Josie, kamusta na po kayo?”

“Ikaw, Patrick?” ang tanong ko.

“Opo, Ma’am, buti po kilala pa ninyo ako hanggang ngayon.”

“Aba, kamusta ka na ngayon?” ang tanong ko naman.

“Eto po Ma’am, mabuti, ang tugon ni Patick.

Aking napag-alaman na mataas na ang kanyang posisyon. Siya ay pangalawang pangulo ng isang malaking
kompanya. Naalala ko noong siya’y nasa unang taon pa lamang, bakas ko sa kanyang mga kilos ang kabaitan, pagiging
masunurin at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ito ay dahil sa pinalaki siya ng mga magulang na magkagayon.

Minsan, naibahagi nito sa klase ang pagtanggap niya ng parangal bilang “Honest Student” dahil sa pagsasauli
niya ng malaking halaga na kanyang napulot. May pagpapakumbaba niyang sinabi na ang katapatan sa lahat ng
ikinikilos ang mariin na ipinasaisip sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang.

Ngayon ito na siya, matagumpay!

“Patrick, ang taas na pala ng iyong posisyon, paano mo ito nakamit?” ang tanong ko.

“Naalaala po ninyo Ma’am ang sinabi ko sa klase noon? Ang pagiging tapat sa lahat ng gawain na pamana
sa amin ng aming mga magulang kaya ako pinagkatiwalaan ng may-ari ng kompanya.”

“Binabati ay ikinararangal kita, Patrick!” ang huli ko mga salita at ako ay bumaba na sa sasakyan.

“Bibisitahin ko kayo sa eskwelahan, Ma’am,” ang pahabol niyang paalala.

Sa isang katulad kong guro, ang uri ng kahihinatnan ng mga mag-aaral ang siyang sukatan ng aking
tagumpay. Ganoon din sa pamilya. Ang mga anak ang bunga ng itinanim ng mga magulang. Sila ang sukatan ng
tagumpay ng lipunan.

You might also like