You are on page 1of 6

A.

Ano-anong mahalagang detalye, mensahe, at kaisipan ang nakuha sa


pelikula?

Mga sagot:

Ang isang nanay ay kahit kailan man hindi magiging perpekto, kaya dapat maintindihan ng mga
anak na sila ay tao lang din na nag kakamali. Hindi porket malakas at matatag ang iyong anak ay babawasan
mo na ang iyong atensyon at pag aaruga sa kanya para lamang mas mabigyan ng atensyon ang mga
mahihinang anak. Kahit anong mangyari, dapat pamilya ang una mong tinatakbuhan at pinag sasabihan
dahil sila ang dapat unang tumanggap sayo bago ang ibang tao.

Kahit na ano pa ang mga pag kukulang o maling nagawa ng ating mga magulang ay huwag nating
kalimutan ang kanilang mga sakripisyo para sa atin, at kung nag kamali man din sila ay dahil hindi rin sila
perpekto. Dahil ang kanilang desisyon ay alam nila para sa ating ikabubuti. Hindi sa lahat ng pag kakataon
matatag ang pamilya lalo na sa mga mag kakapatid o sa relasyon ng mga mag kakapatid. Mahirap para sa
mga anak na makita o maramdaman nila na ang kanilang magulang ay tila may pina paburan at binibigyan
ng maraming atensyon. Sa anumang suliranin o dagok sa ating buhay wala tayong ibang malalapitan kung
hindi ang ating mga pamilya, maari nating mahingian ng tulong sa lahat ng pagkakataon dahil walang ibang
tutulong sa'yo kung hindi ang iyong pamilya rin.

Ang pamilya ay ang pinakamahalagang institusyon sa buhay ng isang tao. Sa pelikula, makikita
natin ang matinding pagmamahal ng magkakapatid sa kanilang ina, kahit na mayroon silang mga hindi
pagkakaintindihan. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa mga
miyembro ng pamilya. Ang pamilya ay hindi perpekto ngunit kailangan mong tanggapin ito. Sa una ay
makikita na ang magkakapatid ay hindi magkaintindihan o magkasundo ngunit sa huli nagawa nilang
maayos ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagpapakumbaba. Mahalag rin ang pagtanggap
sa pagkakaiba-iba ng bawat isa. Ang apat na magkakapatid sa pelikula ay may iba’t ibang personalidad,
pangarap, at pananaw sa buhay. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkakaiba, sila ay nagpakita ng respeto at
pagmamahal sa bawat isa.

Sa isang pamilya natural na ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, gayunpaman, marapat


pa rin na ayusin ito sa pagpapanatili ng magandang relasyon ng bawat miyembro nito. Pagpapanatili ng
kapayapaan sa magkakapatid, angpagkakaroon ng tiwal at pagiging tapat sa pamilya at ang pagmamahal at
pagpapatawad na susi sa masaya at maginhawang relasyon ng buong pamilya.Isa sa pinakamalaking parte
ng ating pagkatao ang ating pamilya. Sila ang gumabay, nag-alaga, at naghulma ng ating sarili mula
pagkabata. Kasabay ng paglaki natin ay s'ya ring pagpasa sa'tin ng mga kilos at nakasanayan ng mga tao sa
ating paligid, iyon nga lang, hindi lahat ng mga naipapasa sa atin na pag-uugaku ay positibo. Sa ibang
pagkakataon bagama't pamilya ang tumutulong sa atin na magpatuloy, sila rin ang nagiging dahilan upang
hindi tayo magtagumpay sa buhay. Sadya man o hindi, ang kanilang mga salita ay may hawak na sapat na
kapangyarihan upang tayo ay patuloy na lumaban o malugmok sa kalungkutan.

Ang pamilya ang kayamanan nating maitatangi sa buhay. Tunay na walang hihigit sa pagmamahal
ng pamilya. Gayun din ang pagbubuklod at pagmamahalan ng mag kakapatid, kahit tayo ay may hindi
pagkakaintindihan mahalaga na mahalin at tulungan natin sila sa oras ng kagipitan. Ang pelikula ay
nagpapakita rin at sumasalamin sa pang araw-araw na kaganapan sa ating buhay, ito ay nagpapakita nang
mga pangaral na kailangan nating iaplay at unawin ng sa gayon ay matuto tayong magmahal ng wagas. Ang
ina ay dakila at walang hanggan ang pagmamahal sa mga anak kahit sa anumang sitwasyon. Lahat ng
magkakapatid ay may kanya kanyang tangi at ugali ngunit hindi ito hadlang upang sila ay magkaisa at mag
unawaan. Kahit na gaano kalalim ang sugat na iniwan ng nakaraan sa isa't isa hindi ito dahilan para sila ay
magkaisa at ipagtangol ang isat isa kapag inaapi.

Ang pelikula ay patungkol sa pag papatawad, pag tanggap, at pag mamahal. Bawat isa sa atin ay
may iba't ibang suliranin na kinakaharap, may iba't ibang uri ng sakit na dinadala o dinaramdam. Ngunit
hindi lahat tayo pare-parehong may nadaramayan kung kailan natin ito kailangan. Hindi man perpekto ang
ating pamilya ngunit sa huli sila sila lang din ang ating matatakbuhan sa oras ng ating pangangailangan.
Ang mga magulang dapat alam kung paano balansehin ang kanilang responsibilidad bilang tagapagtustos
ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya at bilang pundasyon ng magandang relasyon sa pagitan ng
mga miyembro ng pamilya, ang pag kakaroon ng paborito sa mga anak ay hindi nakakabuti sa pag sasama
ng isang pamilya.

"BLOOD IS THICKER THAN WATER"


Kahit magunaw man o pagbali-baliktarin mo ang mundo, ang mga kapatid at nanay mo pa rin ang
magsisilbing sarili mong tahanan at sila ang mas matimbang kaysa sa kahit na ano. Bawat problema, sakuna
o kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo, sila at sila lang din ang tanging makakaintindi sa iyo at sila ang
tangi mong masasandalan. Sa bawat sitwasyon na mayroon, iisa lang ang sigurado, na sila ang tunay na
nagmamahal sayo. Sa bawat indibidwal na namumuhay sa mundo, may sari-sarili tayong nararamdaman.
Hindi man tayo pare-pareho ng sitwasyon at pinagdaraanan, alam natin ang epekto ng mga bagay sa ating
kaisipan. Huwag na huwag tayong iikot lang para sa ating pansariling kapakanan, bagkus, matuto tayong
makinig at huwag nating imbaliduhin ang pakiramdam nang lang sa tingin natin na tayo ang mas
nakakalamang o tama. Hindi tayo pareho ng sapatos kaya naman iba't iba tayo ng dinadala sa ating mga
puso. Ang kaibahan natin sa iba ang siyang nagpapaka-iba sa atin. Maaaring naiinggit ka sa taong ito na
kung ano ang mayroon siya ay wala la ngunit natanong mo din ba sa sarili mo na kung ano ang mayroon
ka ay siyang wala din niya? Mayroon tayong mga sari-sariling talento, kasanayan at higit sa lahat mayroon
tayong sariling katauhan na siyang nangingibabaw sa lahat. Hindi nabibili ng yaman ang ating katauhan at
kaugalian. Wala sa salapi, sa taas ng pinag-aralan, sa laman ng pitaka, at sa taas ng narating sa buhay para
magkaroon tayo ng mabuting asal. Hindi mo masasabi na purkit nakakaangat ka sa buhay ay may karapatan
ka nang mang-baba ng estado ng iba.

B. Magbigay ng tatlong suliraning panlipunan na nakita sa pelikula.

Kapag nakikita na matatag ang isang tao o isang anak, hindi na ito masyado bibigyan ng atensyon at
pag aaruga. Kaya ang nararamdaman ng matatag na anak na ito na siya ay napapabayaan at hindi na gaano
iniintindi kaya nasasanay itong maging matatag mag isa at hindi nag sasabi sa pamilya.

Ang mga anak ay hindi sinasanay sa kabiguan at pag kakamali, kaya hanggang sa kanilang pag laki,
itinatago nila ito sa kanilang mga magulang dahil nasanay sila na kapag nakakagawa ng kabiguan ay
nadidismaya ang magulang. Kaya imbis na magulang ang unang nakakaalam sa kamalian ng anak, sila pa
ang pinaka huling makakaalam.

Kapag hindi sumunod sa desisyon ng magulang ang kanilang anak, iniisip agad na ito ay pasaway o
“black sheep” madalas naisasawalang tabi ang opinyon ng anak porket ito ay bata lang.

Kabilang rito ang sumbatan sa pamilya partikular sa mga mag kakapatid, inggit o inggitan sa pamilya,
at ang pagiging mayabang o matapobre.
Karagdagan sa mga suliranin ay ang:

• Pag asa ng magulang sa anak


• Edukasiyon
• Kahirapan
• Family Pressure
• Pag base ng mga tao sa pera o estado ng tao
• Hindi buo ang pamilya
• Pabortismo
• Diskriminasyon
• Hindi pagkakaunawaan
• Pangloloko
• At pagsisinungaling
• Single Parent
• Pang papanggap

C. Sa inyong palagay, paano matutugunan o masusulusyunan ang mga


surilaning panlipunan na nailahad?

Dapat ang pag turing sa mga anak ay hindi binabase sa kung ano ang kanilang kakayahan at
kahinaan. Dahil pare-parehas lamang silang mga bata pa at nangangailangan ng pantay pantay na pag
aaruga. Dapat ang mga magulang ay masanay na nag kakamali ang mga bata. Huwag dapat pakitaan ng
matinding pag ka dismaya kapag ito ay may kabiguang naranasan, upang hindi matakot mag sabi ng
kamalian ang anak sa magulang. Dapat malaman din ng mga magulang na hindi sila perpekto at minsan
dapat pakinggang ang desisyon ng anak dahil mas alam nila kung saan sila sasaya at dapat bigyan natin sila
ng suporta dito dahil buhay nila ito at hindi buhay ng magulang.

Pagiging mapagkumbaba, maging masaya nalamang tayo sa kung ano man ang nararating ng ating
pamilya partikular sa ating mga kapatid babaan natin ang ating mga pride at itrato ang lahat ng tama ano
man ang istado sa buhay. At bilang isang magulang dapat responsable ka sa ginawa at isinilang mong anak,
hindi ka dapat umasa sa mga anak mo na paaralin ang mga kapatid nila dahil responsibilidad mo dahil pinili
mong maganak at dapat maiibigay mo kung ano man ang kailangan ng anak mo.
Ang isang paraan upang matugunan ang suliraning ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta
at pagtitiwala sa kakayahan ng isang tao. Ang pagtitiwala sa sariling kakayahan ay maaaring maging
mahirap sa simula, ngunit sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagbibigay ng suporta, maaari itong maging
posible. Sa pelikula, nakita na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mataas na grado sa
paaralan, ngunit pati na rin sa pagpapakita ng mga kasanayan at kakayahan na maaaring magamit sa buhay.
Sa pelikula, makikita na ang bawat kapatid ay may kanya-kanyang pakikipaglaban sa kahirapan. Para
matugunan ito, maaari itong maging mahalaga na maglaan ng sapat na suporta sa pamilya at maghanap ng
mga oportunidad para sa pangkabuhayan.

Pag iwas ng magulang na maging pabor sa isang anak at matutong naglaan ng oras sa lahat ng bata
upang hindi nila maramdaman na hindi sila mahal ng kanilang mga magulang at maiwasan ang inggitan sa
pagitan ng magkakapatid.

At higit sa lahat ay ang pag respesto sa kahit na sino man, pagpapahayag ng iyong nararamdaman,
pagtutulungan, pagiging kontento, pagsusumikap, at pagdadamayan.
PANGKAT DALAWA

“FOUR SISTERS AND A WEDDING”


(Napiling pelikula)

MGA MIYEMBRO:
Hulleza, Mary Grace V.
Ermino, Patricia Marie D.
Octavo, Karl Brylle
Zubiri, Jessa
Abarca, Candice Pamela
Hamis, Shania
Rivano, Angeline
Fernandez, Dalen
Bellon, Armil

You might also like