You are on page 1of 5

MODULE IN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
(Week 3)

PANIMULA:
Ang ating pamilya ang una at pinakamalapit nating kapwa.Ang ating mga magulang, ang
ating mga kapatid at kamag-anak ang una nating nakakaugnayan. Maaari nating tawagin ang
ating pamilya na ugat ng ating pagkatao. Kung anumang ang tubo o tindig natin ngayon, malaki
ang naitulong ng ating ugat sa pagkabuong ito. Dahil sa pagmamahalang nauwi sa pagbuo ng
pamilya ng ating mga magulang, masasabi nating sa kanila nagsimula ang ugat.
Ang mga magulang ay dapat kilalaning una at pangunahing mga guro ng kanilang mga
anak.Napakabigat ng gampaning maging guro ng mga anak. Dahil sa ating mga magulang ang
may kapasyahang isilang ang kanilang mga ank, dapat lamang na panagutan nilang maturuang
maging tao ang kanilang isinilang. Pananagutan ng mga magulang na lumikha ng atmospera sa
pamilya na may pagmamahalan at paggalang sa Diyos at sa kanilang kapwa. Kaya ang pamilya
ang unang paaralan ng mga pagpapahalagang kinakailangan sa pag-unlad ng pagkatao

LAYUNIN:

1. Nakikilala ang mga nakagawiang kaugalian sa pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng


edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.

2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama,


namasid, o napanood.

3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng pananamapalataya ng pamilya.

PAGTALAKAY SA ARALIN:

Mga Dapat Ituro ng mga Magulang sa mga Anak:

1. Ang katatagan sa katarungan na siyang nagbubunson sa paggalang sa dignidad ng bawat tao.

2. Kailangan din nila ang tunay na pagmamahal sa kanilang kapwa lalung-lalo na sa mga kapus-
palad. Ang pag-aalay ng sarili katulad ng pag-aalay ng sarili ng mag-asawa ang dapat maging
halimbawa ng pagmamahalan ng mga magkakapatid. Ang damayan at tulungang nagaganap
araw-araw sa buhay ng pamilya sa hirap at ginhawa ay mabubuting aral na ikikintal sa mga
anak upang maimulat sila sa tunay na pakikipagkapwa sa mas malawak na lipunan.

3. Ang mga magulang din ang mga guro ng sekswalidad. Karapatan at tungkulin ng mga
magulang na gabayan at subaybayan ang pagkatao ng kanilang anak sa bahay man o sa
paaralan o sa ibang lugar. Kailangan ng mga anak ang isang malinaw at maingat na pagtukoy
sa sekswalidad. Nahaharap tayo ngayon sa sitwasyong tila ang sekswalidad ay itinuturing ng
marami na pangkaraniwang bagay na kadalasa’y sa katawan at makamundong kasiyahan
lamang naiuugnay. Kaya mahalagang layunin ng magulang na turuan ang mga anak ng tunay
at lubos na personal na kaalaman tungkol sa sekswalidad sapagkat ang sekswalidad ay
instrument sa pagpapaunlad ng buong pagkatao – katawan, damdamin at kaluluwa.
4. Ang pamilya ang likas na paaralan ng mga pamantayang moral at pagsasagawa ng mga ito –
katotohanan, kalayaan, paggawa, kapayapaan, pagmamahal, katarungan, paggalang sa
dignidad ng tao at pagkamabuting mamamayan.

5. Sa pamilya rin unang natututuhan ang pagpapasensya, pagpapatawad, pagtitiwala, paggalang


sa awtoridad, katapatan, pagititmpi, pag-unawa, pagkamapagkumbaba, pagsisilbi,
pagtutulungan, mabuting pakikipag-usap at pakikinig ag pagsasakripisyo.

6. Ang mga magulang din ang unang nagtuturo sa mga anak ng tungkol sa Diyos, ng pagdarasal
at ng pagkatakot na gumawa ng masama. Sila ang unang nagdadala ng kanilang anak sa
simbahan. Sila rin dapat ang sumusubaybay at gumagabay sa pagpapaunlad ng kanilang
buhay-espiritwal.

7. Higit sa lahat, mahalang gampanan ng magulang ang pagiging mabuting modelo o huwaran
ng mga pagpapahalaga. Sa pagganap ng mamamagulang, wika ng isang awtor, “ang isang
kilo ng halimbawa ay katumbas ng isang tonelada ng pagtuturo.”

Madalas ay naghahanap tayo ng pagmamahal at pangangalaga sa ating pamilya, mula sa


mga magulang o kapatid, ngunit ang tanong ay mayroon naman kaya tayong naibibigay para sa
kanila bilang tanda rin ng ating pagmamahal? Alalahanin na ang pagmamahal ay kailangang
magmula sa dalawang panig upang yumabong. Ang kaaya-ayang pagsasamahan sa pamilya ay
nagmumula sa lahat ng miyembrong nagmamahalan. Kung tanggap mo ang iyong pamilya at
tanggap ka rin nila, mas magiging mabuti ang iyong pagkatao sapagkat agn ugat nito ay
pagmamahal Kung ikaw ay maging mapagmahal dahil sa ugat na ito, mas madali ang magmahal
din ng iyong kapwa-tao. Ang mabuting samahan sa iyong pamilya ay nakatutulong nang malaki
upang mapalawak mo ang iyong pakikisama sa kapwa.

Kumusta naman ang naidudulot mo sa iyong pamilya? Nagagawa mob a ang dapat gawin
ng isang kasapi ng pamilya gaya ng sumusunod?

a. Laging pag-aalaala sa iyong magulang at kapatid lalung-lalo na sa pagsapit ng


mahahalagang araw>

b. Masaya at masipag na pakikipagtulungan sa mga gawaing bahay.

c. Pag-unawa sa mga di kannai-nais na pangyayari sa buhay.

d. Madalas na pakikipagkwentuhan at pangungumusta sa mga kasapi ng pamilya.

e. Sama-samang pagdarasal o pagyaya sa kanila upang magsimba o sumamba.

f. Paggalang at pagsunod sa utos ng mga magulang at nakatatandang kapatid.

g. Paggabay sa nakababatang kapatid sa kanilang pag-aaral at ibang mga pangangailangan.

GAWAIN 1:

A.Tulad ng ibang relasyon, ang pagmamahal mo sa iyong pamilya ay dapat na laging inaalagaan.
Sa iyong maliit na paraan, makapagpapakita ka ng mga tiyak na kilos ng pagmamahal at pag-
aalaga sa iyong mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya. Sa paggawa nito, hindi ka
lamang magkakaroon ng mas masaya at mapagmahal na pamilya, ang iyong pamilya ay
magiging inspirasyon sa iba pang pamilya. Mag-isip ng limang maliliit naparaan na
magagawa mo ngayon upang ipahayag ang iyong pagmamahal at pakikiisa sa iyong pamilya.
Isulat ito sa ibaba

1. ________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________

B. Sumulat ng tatlong dahilan kung bakit ang pamilya ang pangunahing instrument sa pagbuo
ng pagkatao.

1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________

C. Ipaliwanag kung bakit ang paguturo sa anak ay karapatan at tungkulin ng mga magulang.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. Ano ang iyong damdamin at kaisipan tungkol sa gampaning pagtuturo sa iyo ng iyong mga
magulang? Natatanggap mo ba ang kanilang pagkukulang?Paano?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ASSIGNMENT: (NO NEED TO ANSWER!!!)

1. Laging nakalilimutan ng iyong nakababatang kapatid na gawin ang mga simpleng gawain
sa bahay. Kapag pinaalalahanan mo siya, sasabihin lamang niya na gagawin niya maya-
maya at patuloy na lalabas at makikipaglaro o manonood ng kanyang paboritong palabas.
Sa kasamaang palad, nabibigo siyang tuparin ang kanyang pangako at kapag
pinaaalalahanan mo siyang muli, sasabihin niyang pinagagalitan mo siya. Paano mo
matutulungan ang iyong kapatid na muling matuklasan ang kahalagagan ng pagtulong sa
pamilya?

POSIBLENG SOLUSYON 1:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

POSIBLENG SOLUSYON 2:

2. Ang ate mo ay napakahigpit at minsan pakiramdam mo ay lagi niyang pinagmamasdan


ang iyong mga kilos. Binabantayan niya ang iyong pag-aaral at panonood ng telebisyon at
tinitingnan kung sino ang iyong mga kasama sa mga araw na walang pasok. Isang gabi,
dumalo ka sa kaarawan ng iyong kaibigan at labis ang iyong kasiyahan kaya nakalimutan
mo ang takdang oras ng iyong pag-uwi. Nang dumating ka sa bahay, gising pa ang iyong
ate at galit nag alit sa iyo. Sinabi niyang labis na nag-alala ang inyong mga magulang dahil
hindi mo sinasagot ang kanilang mga tawag sa iyong mobile phone. Nang tiningnan mo
ang phone, totoo nga, mayroon kang 15 tawag, lahat ay nanggaling sa phone ng ate mo! Sa
kasamaang palad, ang phone mo ay nasa silent mode. Sinabi rin niya na hindi mo
pinahahalagahan ang iyong responsibilidad at makasarili. Paano mo haharapin ang
sitwasyon upang mapanatili ang magandang relasyon sa pamilya?

POSIBLENG SOLUSYON 1:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

POSIBLENG SOLUSYON 2:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

ASSIGNMENT 2 (PERFORMANCE OUTPUT- TO BE PASSED ON WEDNESDAY,


OCT. 6):

Sumulat ng “Misyon ng aming Pamilya” gamit ang apelyido at sundin ang halimbawa sa
kabilang kahon.

MISYON NG AMING PAMILYA

Maisasagawa namin ang misyon sa pamamagitan ng


mga sumusunod:

S – Sama-samang pagkain, pag-uusap, pagsamba at


pagdarasal

A – Alalayan ang mga magulang sa pamamagitan ng


pag-aasikaso sa pamilya

N – Nananatiling nagtutulungan sa pag-aaral,


panganganak ng kapatid, binyag, at ibang mga
selebrasyon at pangangailangan ng bawat kasapi

T – Talikuran ang anumang tukso gaya ng bisyo,


sugal, pagsisinungaling, at iba pang masasamang
gawi

O – Oy! Tawa/ngiti naman diyan! Laging ipaalala

S – Suliranin ng isa, pagtutulungang lutasin ng lahat

PAGLALAHAT:
Ang pamilya ay ugat ng katauhan ng isang tao sapagkat dito siya nagsisimula ng kanyang
buhay. Para itong isang munting paaralan na siyang unang pumapanday ng kaisipan at
karakter ng isang bata. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa munting paaralang ito.
Tinuturuan nila ang mga bata sa pamamagitan ng sarili nilang karunungan, gawi at kilos.
Hindi lamang simpleng kaalaman o mga pagpapayo ang kailangang makuha ng mga bata
sa kanyang magulang. Mahigit pa rito ang mga pagpapahalaga sa mismong kahulugan at
pagpapaunlad ng buhay. Kapag naging mabuti at maayos ang pagpapamilya, nagiging
saligan ito ng mabuting pakikipagkapwa.

Sanggunian:

Tungo sa Marapat na Pagkilos ng Kapilipinuhan

Kaganapan sa Pakikipagkapwa

You might also like