You are on page 1of 36

Pambungad na Panalangin:

Diyos Ama, maraming salamat po sa


ibinigay ninyong pagkakataon upang
kami ay muling matuto. Gawaran mo
po kami ng isang bukas na isip at
damdamin upang maisabuhay ang
mga itinuturo sa amin, at maunawaan
ang mga aralin na makatutulong sa
aming pagtatagumpay sa buhay.
Amen.
MAGANDANG
ARAW!
ESP 9

LAYUNIN NG LIPUNAN :
KABUTIHANG PANLAHAT
Batang bata ka pa…
1.Sangkap na kinakailangan upang
matiyak ang katiwasayan ng lipunan
2.Mga tiyak na sukat nito, katulad ng
tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo,
at iba pa.
3. Pamamaraan kung paano
magagamit ang mga sangkap
na inilagay .
(hal. Ilagay ang katarungan sa
isang malaking lalagyan at
haluan ito ng pagmamahal.
Matapos itong mapagsama ay
budburan ito ng bukas na
komunikasyon)
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain:

Katahimikan ng pagpupulong ng pangkat 5 puntos


Kaisahan ng mga kasapi sa pagbabahagi 5 puntos
Kahusayan sa paglalahad sa klase 10 puntos
Nakasunod sa itinakdang oras 5 puntos

Kabuuang Puntos: 25 puntos


Ang lipunan o pangkat ng mga
indibidwal ay patungo sa iisang
layunin o tunguhin. Kolektibo
ang pagtingin sa bawat kasapi
nito ngunit hindi naman nito
binubura ang indibidwalidad o
pagiging katang-tangi ng mga
kasapi.
Ang salitang lipunan ay nagmula sa
salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga
tao ay mayroong kinabibilangang
pangkat na mayroong iisang tunguhin
o layunin. Halimbawa, ang pangkat ng
mga mamamahayag ay mayroong
iisang tunguhin o layuning maghatid
ng mga bagong balitang nagaganap sa
bansa at maging sa daigdig.
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang
salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan.
Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang
hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang
komunidad ay galing sa salitang Latin na
communis na nangangahulugang common o
nagkakapareho. Ang isang komunidad ay
binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho
ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi
ng isang partikular na lugar.
1. Magsaliksik: Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat
isang institusyon o sektor ng lipunan na naitala sa iyong
kwaderno.
Paaralan Negosyo
Simbahan Pamahalaan
Pamilya
 
1.1 Ano ang layunin ng bawat sektor?
1.2 Ano ang mga kontribusyon nito sa lipunan?
1.3 Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa
kasalukuyan, gayundin ang kalagayan nito sa ating bansa?
1.4 Mayroon ba itong nagiging impluwensya sa mga
mamamayan at naiaambag na tulong sa lipunan?
Ipaliwanag.
Hindi namimili ng
edad
o ants sa buhay ang
pagtiyak na mananaig
ang kabutihang
panlahat. Ito ay
nakabatay sa iyong
puso at
pagmamalasakit sa
iyong kapwa.
LIPUNAN
•Ang salitang lipunan ay
nagmula sa salitang ugat na
lipon na nangangahulugang
pangkat.
•Ang lipuan o pangkat ng mga
indibidwal ay patungo sa iisang
layunin o tunguhin.
•Kolektibo ang pagtingin sa
bawat kasapi nito ngunit hindi
naman nito binubura ang
indibidwalidad o pagiging
katangi-tangi ng mga kasapi.
Ang salitang komunidad ay
galing sa salitang Latin na
communis na ang ibig sabihih
ay common o
magkakapareha.
Ito ay binubuo ng mga
Indibidwal na ang
nakakapareho ng mga
interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng
isang partikular na lugar.
Sa pamamagitan
lamang ng
lipunan makakamit
ng tao
ang layunin ng
kaniyang
pagkakalikha.
----------------
Santo Tomas Aquinas
Binubuo ang TAO ng LIPUNAN.
Binubuo ng LIPUNAN ang TAO.

Kabutihan ng LAHAT ,
hindi ng NAKARARAMI.
Hindi kalayaan o
pagkakapantay-pantay

ang nararapat na manaig kundi


ang panlipunan
at sibil na pagkakaibigan, na
palaging

nangangailangan ng katarungan.
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG
PANLAHAT

•Ang paggalang sa indibidwal na


tao.
•Ang tawag g katarungan o
kapakanang panlipunan o
pangkat.
•Ang kapayapaan (peace)
Huwag mong itanong kung ano ang
magagawa ng iyong bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa.
-Pang. Jhn F. Kennedy-
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

1. Nakikinabang sa benepisyo hatid ng kabutihan


panlahat, subalit tinatangihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag- ambag sa pagkamit nito.

2. Ang indibidwalismo, paggawa ng tao ng kaniyang


personal na naisin.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas


malaki ang
naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng
Kabutihang Panlahat-ayon kay Joseph de
Torre(Social Morals)

1. Lahat ay dapat mabigyan ng


pagkakataong makakilos nang malaya, gabay ang
diyalogo, pagmamahal at katarungan.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat


na mapangalagaan.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad


patungo sa kaniyang kaganapan.
Kasunduan:
*Mga Gawain sa Pagganap: Iugnay sa pahina 16 sa Modyul ng Mag- aaral.
1.Pumili ng kakapanayamin / iinterbyuhin sa mga sumusunod:
1.Guro at kamag-aral
2.Namumuno sa barangay (Kapitan, Konsehal, Lupon Tagapamayapa)
c.Politiko
d.Pulis o sundalo
e.Kapitbahay bilang karaniwang mamamayan
3. Kuhanin ang kanilang propayl: a.angalan
b.Edad at Kasarian
c.Trabaho at tungkulin sa trabaho
 
3. Magsagawa ng pagtatanong hinggil sa (3) tatlong
pangunahing
suliranin na kinakaharap ng komunidad o pamayanang
kanyang ginagalawan at ano ang nakikita niyang
pinakamainam na solusyon
/ tugon / proyekto sa nasabing suliranin.
JOURNAL #1:
Pangalan: Subject:
Baitang at Pangkat: Petsa:
 
Bilang isang mag-aaral, maglahad ng dalawang o higit pang
suliranin at kaakibat na solusyon o proyekto upang matugunan
ang mga suliraning iyong namasid o naranasan sa mga sumusunod
na komunidad at lipunan:
paaralan
simbahan / sambahan
baranggay
Lungsod ng Valenzuela
Lipunan sa Maynila
 
Bakit mahalaga na maging mabuti ka sa iyong sarili at sa kapwa?
Makatutulong ba ito upang magkaroon ng kaayusan at
kapayapaan sa mundo? Sa paanong paraan? Ipaliwanag sa loob ng
5 pangungusap.

You might also like