You are on page 1of 4

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 1
Paksa: Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal at ang Pamahon ng Enlightenment
Kompetensi: *Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong Siyentipiko at
Industriyal
Layunin: *Naiisa-isa ang mga taong nanguna sa rebolusyong siyentipiko
*Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kanilang nagawa o kontribusyon sa kasalukuyan
*Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Panahon ng Enlightenment, Rebolusyong Siyentipiko at
Rebolusyong Industriyal
Konsepto:
PANAHON NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
Claudius Ptolemy
 Isang Griyegong heograpo at astronomo na nagsasabi na ang mundo ay sentro ng kalawakan gaya ng
bituin, araw, buwan at iba pa (teoryang geocentric).
 Sinalungat ito ni Nicolaus Copernacus na tinawag niyang teoryang helecentric.
Galileo Galilei
 Nakaimbento ng telekopyo at nagamit noong 1610, dito napatunayan na amay katotohanan ang teoryang
nabuo ni Copernicus na ang araw ang sentro ng kalawakan.
Isaac Newton
 Tanyag sa kanyang ideya na nagpapaliwanag sa daloy ng mga planeta na tinatawag na Universal Law of
Gravitation.
Richard Boyle
 Law of Gases
Antoine Lavoiser
 Kilalang kemiko sa kanyang ideya na may halong oxygen at hydrogen ang tubig at nang madiskubre niya
ang 23 elemento sa kalikasan
Joseph Black
 Nakatuklas sa carbonic acid gas
Andreas Vesalius William Harvey
 Nalaman ang anatomiya ng tao
William Harvey
 Nalaman ang kamalayan tungkol sa takbo ng dugo sa katawan ng tao gayundin ang iba’t-ibang
kahalagahan ng puso sa katawan ng tao na isi
Louis Pasteur
 Napatunayan na ang mikrobyo ang sanhi ng sakit nga tao at hindi dahil sa kagagawan ng masasamang
espirito.
Wilhelm Conrad Rontgen
 Nakaimbento ng paggamit ng x-ray
Edward Jenner
 Nakadiskobre sa paggamit ng bakuna bilang panlaban ng tao sa iba’t-ibang klase ng sakit
Carolus Linnaeus
 Nakagawa ng sistema ng pagbibigay ng pangalan sa iba’t-ibang uri ng mga alaman at hayop (botanical at
zoology)
 Kinikilala bilang Ama ng Taksonomiya

PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Taong 14 na siglo nang umusbong ang Renaissance. Hango ang salitang ito sa Latin na renaistre na ang
ibig sabihin ay ay “muling pagsilang o rebirth”. Sa panahong ito muling sumigla angg interes sa klasikal na sining
at kulturang Griyego at Romano. Sinasabi rin na panahon ito ng transisyon mula sa Gitnang Panahon tungo sa
Modernong Panahon.

SALIK SA PAG-USBONG NG RENAISSANCE


 Maunlad na lungsod
 Impluwensiya sa mga mangangalakal
 Humanismo

ANG MGA HUMANISTA


Francesco Petrarch (1304-1374)
 Tinatawag na “Ama ng Humanismo”. Sumulat ng akdang Songbook.
Giovanni Boccacio
 Ang kanyang pinakamahusay na obra ay ang “Decameron”
William Shakespeare (1564-1616)
 Tinaguriang “Makata ng mga Makata” at nagging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon.
Desiderius Erasmus (1466-1536)
 Tinatawag na “Prinsipe ng mga Humanista”. Isinulat niya ang akdang “In Praise of Folly”
Niccolo Machiavelli (1469-1527)
 Isang diplomatikong manunulat na sumulat ng “The Prince”
Miguel de Cervantes (1547-1616)
 Isunulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”

LARANGAN NG PULITIKA
Thomas Hobbes
 Isinulat niya ang “Leviathan”
 Ayon sa kanya, likas sa isang tao ang gumawa ng masama na maaaring magpagulo sa lipunan.
 Upang magkaroon ng mahusay na lipunan mahalagang magkaroon ng isang maayos na sistema ng
pamahalaan.
John Locke
 Para sa kanya, “ang tao ay likas na mabuti”. Ayon sa kanya, kung ang tao ay napapaligiran ng mabuting
lipunan at kapaligiran tiyak na magiging Mabuti siyang mamamayan samantalang kung nakapaligid sa
kanya ay isang lipunan na walang kaayusan at puno ng tunggalian at kasakiman Malaki ang posibilidad
na siya ay maging masamang mamamayan.
Baron de Montesquieu (Charles Louis de Secondat)
 Ayon sa kanya, ang pinuno ay dapat na inihalal ng mamamayan upang maiwasan ang korupsyon. Dahil
dito nagkaroon ng konsepto ng paghahati-hati ng pamahalaan sa 3 sangay: ehekutibo, lehislatura, at
hudosyal. Tinawag itong “Separation of Powers”
Francis Marie Arouet (Voltaire)
 Ayon sa kanya, nagtuturo lamang ng kamangmangan sa mamamayan ang demokratikong uri ng
pamahalaan. Para sa kanya, ang monarkiyang pamahalaan lamang ang natatanging pinakamabisa sa lahat
sapagkat ito ay pinamumunuan ng isang matalinong hari na mayroong intelektuwal na tagapayo gaya
niya.

LARANGAN NG ARKITEKTURA
Michelangelo Buonarotti (1475-1564)
 Ang pinakasikat na eskultor noong panahon ng Renaissance na gumawa ng pinakakilalang “David” at
“La Pieta”. Siya rin ang pintor na lumikha ng mahalagang pangyayari sa kisame sa Sistine Chapel bilang
pagtalima sa kagustuhan ni Papa Julius II.
Leonardo da Vinci (1452-1519)
 Kabilang sa pinakadakilang alagad ng sining sa panahong ito. Hindi lang siya kilalang pintor, isa rin
siyang arkitekto, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. Ang pinakakilalang obra maestra
ni da Vinci ay ang “Mona Lisa” at “Last Supper”.
Raphael Sanzio (1483-1520)
 Isa sa pinakamahusay na pintor sa panahong ito. Ilan sa kanyang tanyag na ginawa ay ang “Sistine
Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna”.
Filippo Brunelleschi
 Isang kilalang arkitekto na gumawa ng disenyo ng dome sa Cathedral of Sta. Maria del Fiore sa Florence.
Donatello di Niccolo di Betto Bardi
 Isang magaling na eskultor na gumamit ng bronse at marmol sa kanyang mga obra. Siya ang lumilok ng
estatwang “David:” noong 1430

PAGLAGANAP NG RENAISSANCE
Sa huling bahagi ng taong 1400, lumaganap ang Renaissance mula sa Italya hanggang sa hilaga ng Europa
lalong-lao na sa England, France at Germany. Ilan sa mga sumusunod ang dahilan sa paglalaganap nga
Renaissance sa iba pang bahagi ng lupain:
 Nagising ang damdamin ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga iskolar at mag-aaral sa obra ng mga
kilalang tao sa iba’t-ibang larangan ng sining;
 Naimpluwensiyahan ang mga mangangalakal hindi lamang sa mga produkto gayundin ang kulturang
Renaissance pabalik ng kanilang bansa;
 Nagbigay ng pondo o salapi ang mga mangangalakal upang ipakita ang kanilang suporta;
 Nagbigay rin ng suporta ang mga Maharlika sa pamamagitan ng pagpapakita o pagtatanghal ng kanilang
mga obra sa Royal Court.

Higit na mabilis ang paglaganap ng ideya at kulturang Renaissance sa buong lupain ng Europa sa
pagkakaimbento ni Johannes Gutenberg ng makina sa paglimbag. Isa siyang German metal worker na
nagpapaunlad ng paraan ng paglilimbag sa Europa mula sa woodblock printing na ipinakilala ng mga Tsino.
PANAHON NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
IMBENTOR IMBENSYON at GAMIT NITO
James Hargreaves Flying shuttle na ginagamit sa paghahati at spinning jenny na ginagamit
sa paggawa ng sinulid nang sabay-sabay.
Sir Richard Arkwright Water frame na ginagamit din sa paghahabi tulad ng flying shuttle
James Watt Steam engine na ginamit upang mas mapabilis ang makina na dati ay
pinapatakbo lamang ng hayop at lakas nito
John Fitch Ferryboat na pinatatakbo ng sagwan at steam engine
Oliver Evans High-pressure steam engine na kayang magpaandar ng sasakyan
Samuel F.B. Morse Unang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mensahe nang
mabilisan
Alexander Graham Bell Nakaimbento ng unang telepono
Thomas Alva Edison Nagpakilala ng light bulb at ponograpo
Jethro Tull Seed drill isang makinaryang tumulong sa mga magsasaka upang
mapabilis ang pagtatanim
Robert Bakewell Siyentipikong paraan ng pag-aalaga ng mga hayop sa pamamagitan ng
pagpili sa mga ipapakain dito
George Washington Carver Iba’t-ibang paraan upang makagawa ng mga produkto mula sa iba’t-
ibang tanim gaya ng patatas at bulak.

 Nagkaroon ng pag-usbong sa panibagong uri ng mga tao sa lipunan na malaki ang nagawa upang maging
ganap ang kaunlaran ng kanilang bansa. Sila ay ang maliliit na mamumuhunan o kapitalista, nan ang
makaipon ay ganap na nagging maunlad dahil sa malayang patakaran ng pakikipagkalakalan o ang
tintawag na laissez-faire.
 Factory Act of 1833 – nagbabawal sa mga bata na may edad na siyam pababa na magtrabaho sa pabrika
 Ten Hours Act – nagsasabing dapat na hindi lalagpas sa 10 oras ang pagtatrabaho ng mga bata at
kababaihan sa pabrika
PAGSASANAY
A. Panuto: Isulat ang iyong ideya o nalalaman batay sa iyong natutunan ukol sa mga sumusunod na salita. (10
pts)
a. Geocentric -

b. Helecentric -

c. Kapitalista –

d. Laissez-Faire –

e. Renaissance –

B. Panuto: Isulat ang ideya o kaisipan na hinihingi ng organizer na ito ukol sa mga salik sa pag-usbong ng
Renaissance. (15 pts)

You might also like