You are on page 1of 9

9

Filipino
Ikaapat na Markahan– SLHT Linggo 5 at 6
NOLI ME TANGERE
• SI CRISOSTOMO IBARRA
• ANG MGA MAY KAPANGYARIHAN
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)
Subject : FILIPINO Grade Level : 9 Quarter : 4 Week : 5
MELCs
* Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa
pagpapayaman ng kulturang Asyano (F9PB-IVe-f-59)

* K – natutukoy ang mga kaugaliang taglay ng mga karakter sa akda na dapat


pamarisan at di dapat pamarisan
* S - naipaliliwanag ang kaugaliang taglay ng pangunahing tauhan tungkol sa
pakikipagkapwa, pagbibigay-galang at mabuting pagpapakilala
* A – nagpapahalagahan ang pagpapakita ng kabutihang - asal bilang kayamanan ng
kulturang Asyano
Name:________________________Section:_______________Date:___________
School:_______________________District:_______________________________

I. PAGBABASA / PAGTATALAKAY
Isang magandang katangian ng pagkanobelista ni Dr. Rizal ang paglikha ng mga
tauhang matimpi at naglalarawan ng mga kaugaliang angkop sa pagkataong nais
ipakita. Napakamarangal ng pagkatao ni Crisostomo Ibarra- sa kilos at pananalita.
Naipakita niya ang kaugaliang magalang ng binati niya ang mga dalagang Pilipina sa
isang pagtitipon at kusang pagpapakilala sa kanyang sarili sa grupo ng mga lalaki na
nakuha niyang magandang kaugalian ng Alemanya.
Basahin ang buod ng ikalawang kabanata ng nobela at sagutan ang mga
pagsasanay kasunod nito.

BUOD NG KABANATA 2: SI CRISOSTOMO IBARRA


Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating
lahat ni Kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na
siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si
Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang
kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa
Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin
sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.

1
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay
kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari.
Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari at
napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina
Tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat dumating ang binata ng
walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya
sa binata na nasa nito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa Tinyente,
ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang
binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral
sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang
panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang
nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si
Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan.
Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego
sa araw na naturan.

II. PAGSASANAY
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Itala ang sagot sa sagutang
papel.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Ilarawan ang kaniyang katangian batay
sa kanyang ikinikilos sa akda.
2. Ano ang naging reaksiyon ni Padre Damaso sa pagdating ni Ibarra?
3. Tama ba, para sa iyo ang ginawa ni Ibarra na gamitin ang ugaling banyaga sa
kanyang lupain? Bakit?
4. Sa iyong palagay, may kaugnayan kaya sa kanyang ama ang pagbabalik ni
Ibarra sa Pilipinas?

2
5. Magbigay ng mga sitwasyon sa akda na nagpapakita ng pagka-marangal ni
Ibarra kagaya ng mga sumusunod:
A. PAKIKIPAGKAPWA______________________________________________
______________________________________________________.
B. PAGBIBIGAY-GALANG___________________________________________
______________________________________________________.
C. PAGPAPAKILALA_______________________________________________
______________________________________________________.

III. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga katanungan. Itala ang titik at pahayag ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. “Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan.
Binating lahat ni Kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na
nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla.” Anong katangian ang
ipinapakita ng katauhan ni Kapitan Tiyago sa binanggit na sitwasyon?
A. Pakikisalamuha C. Pagbibigay galang
B. Pakikipagkapwa D. Pagpapakitang tao
2. “Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay
kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari.
Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni
Ibarra.” Ano ang katangian ng Pari na ipinapakita ng pahayag?
A. Magalang C. Sinungaling
B. Mapagtimpi D. Matampuhin
3. Mahihinuha mula sa akda ang mabuting pag-uugali ng teniente na makikita sa
pakikitungo nya kay Ibarra. Alin sa mga sumusunod ang makapagbibigay
patunay?
A. Napasulyap ang teniente kay Padre Damaso kaya nilayuan niya ang binata
B. Nagpasalamat ang teniente sapagkat nakarating si Ibarra ng walang
masamang nangyari
C. Malungkot ang nagging salaysay ng teniente sa sinapit ng am ani ibarra
D. Wala sa nabanggit

3
4. Ang mga kilos na ipinapakita ni Ibarra sa akda ay nagpapahayag ng pag-
uugaling_______________________.
A. Masunurin C. Marangal
B. Mayabang D. Mapagmataas
5. Ang mga sumsunod ay palatandaan ng pagiging isang marangal MALIBAN SA
ISA:
A. Mabuting pakikipagkapwa C. Pagbibigay galang
B. Mabuting pagpapakilala D. Pangmamaliit sa kapwa
6. Anong mabuting kaugalian ang nakuha ni Ibarra sa ibang bansa na maituturing
na mahalaga sa pakikipagkapwa?
A. Pagpapakilala sa sarili B. Pag-iwas sa mga hindi kauri
B. Pakikialam sa usapan C. Pagmamalaki ng katayuan sa buhay
7. Dumalo ka sa isang pagtitipon at wala kang masyadong kakilala. Ano ang
gagawin mo upang makisalamuha?
A. Magtago sa sulok upang hindi mapahiya
B. Huwag nalang tumuloy at hindi na papansinin ang nag-imbita
C. Palipasin ang oras sa panonood ng mga palabas sa cellphone
D. Ipakilala ang sarili sa kapwa at makipagkuwentuhan ng mga mabuting kuro-
kuro
8. Anong katangiang ipinapakita ng mga kababaihan sa kanilang pagtugon sa
pagbati ni Ibarra?
A. Pagiging mapagmataas B. Pagiging suplada
B. Pagiging matampuhin C. Pagiging mahiyain at mapagtimpi
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino—paggalang
sa nakatatanda?
A. Pagmamano sa mga nakatatanda kapag dumarating
B. Pagtatanong ng ulam sa hapunan kapag dumarating
C. Pagyuko ng ulo upang hindi mapansin na dumadaan sa harap ng mga
nakatatanda
D. Wala sa nabanggit
10. Sa iyong palagay, tama ba ang naging asal ni Padre Damaso gayong
siya ay naturingang alagad ng Diyos?
A. Oo, anak ng kaaway niya ang bumati sa kanya.
B. Oo, dahil siya ay may dugong bughaw at si Ibarra ay may lahing Indio
C. Hindi, sapagkat si Ibarra ay kabilang sa mayamang pamilya.
D. Hindi, dahil siya ay dapat huwaran sa mabuting pakikipagkapwa sapagkat
iyon ang tama.

4
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)
Subject : FILIPINO Grade Level : 9 Quarter : 4 Week : 6
MELCs
* Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan
ng pag-uugnay sa ilang pangyayari
sa kasalukuyan ( F9PN-IVe-f-59 )
* K – natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa akda
* S - nahihinuha ang pagkakatulad ng mga pangyayari at mga karakter sa akda sa
kasalukuyang lipunan
* A – natitimbang ang mga sitwasyon na nagpapamalas ng mga pangyayaring dapat
tularan at di dapat tularan
Name:___________________________Section:_______________Date:___________
School:___________________________District:______________________________

I. PAGBABASA / PAGTATALAKAY
“Ang kapangyarihan ay may kaakibat na responsibilidad.”
Ito ay isang kaisipang nagpapatunay na may obligasyon ang isang taong may
kapangyarihan. Tungkulin niya na pagsilbihan at gawin ng may katapatan ang
kanyang trabaho para sa kapakanan ng lipunang kanyang nasasakupan. Isang
halimbawa ay ang guro. Siya ay may kapangyarihan sa kanyang mga mag-aaral
subalit may responsibilidad siyang turuan ng tama ang mga ito at magbigay ng
kaalaman upang ang mga mag-aaral ay maging huwarang mamamayan. Sa
kabanata 11 ng nobelang Noli Me Tangere ay makikilala natin ang mga taong may
kapangyarihan sa lipunang ginagalawan ng mga Pilipino sa panahon ng kastila.
Ipabasa sa iyong home tutor ang sumusunod na kabanata at pakinggang
mabuti ang impormasyong inilahad upang masagutan ang mga sumusunod na
pagsasanay sa kasunod na pahina.

5
BUOD NG KABANATA 11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at
halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng
kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni
wala pa ngang kumampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko


at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan. Kapag siya ay
nakatalikod, siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago.

Ang Kapitan o Gobernadorcillo sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag


na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang
P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng Alkalde Mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-


aagawan sa kapangyarihan o pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare
Bemardo Salvi, isang payat at batang Pransiskano at siyang pumalit kay Padre
Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay
Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi at ang Alperes at
ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng
mga kolorete sa mukha. Ang Alperes ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang
pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-
uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang
kanyang eposa.

Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay
pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at
parang walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na
magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa
isa’t isa.

Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang
tawag sa kanila ay mga casique.

6
II. PAGSASANAY
PANUTO: Sagutin ang mga katanungan hinggil sa binasang akda. Bawat tamang
sagot ay may katumbas na 5 puntos.
1. Sino-sino ang mga itinuturing na totoong may kapangyarihan sa bayan ng San
Diego? Magbigay ng patunay.
2. Bakit hindi maituturing na makapangyarihan sa San Diego sina Don Rafael Ibarra,
Kapitan Tiyago at Gobernadorcillo?
3. Ilarawan ang alitan ng alperes at ni Padre Salvi. Sa iyong palagay dapat bang
pamarisan ang kanilang pag-uugali? Pangatuwiranan.
4. Sa iyong palagay, ang mga pangyayaring iyong nabasa sa nobela ay masasalamin
rin ba sa ating kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa.
5. Itala ang pagkakatulad ng mga sumusunod:
ALPERES PRESIDENTE PADRE SALVI LIDER NG SIMBAHAN

TUNGKULIN SA LIPUNAN TUNGKULIN SA LIPUNAN


____________________________________ ____________________________________
____________________________________ ____________________________________
____________________________________

III. PAGTATAYA

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang mga ipinapakitang sitwasyon ay
dapat tularan at malungkot na mukha kung ito ay di dapat tularan. Iguhit ang
sagot sa sagutang papel.
_______1. Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita
ay pareho silang nagpaplastikan.
_______2. Ang alperes ay palaging naglalasing at nananakit ng mga alipin upang
pagpuntonan ng kaniyang galit.
_______3. Si Don Rafael ay mapagkawanggawa at may malasakit sa kapwa kaya
siya ay iginagalang ng lahat.
_______4. Ang gobernadoracillo ay tanging sunod-sunuran lamang ng dalawang
makapangyarihan sa bayan.
_______5. Si kapitan Tiyago ay sinasalubong ng banda at musika ngunit
pinagtatawanan kapag siya ay nakatalikod.

7
_______6. Nailuklok ang Gobernadorcillo sa kanyang puwesto dahil binayaran niya
ito.
_______7. Si Don Rafael ay nagtataglay ng malawak na lupain kaya siya ay bukas
palad para sa lahat ng nangangailangan.
_______8. Pinagmumulta ni Padre Salvi ang lahat ng mga nagkakasala sa simbahan.
_______9. Ang mga Indio ay sadyang may malalim na pananampalataya kaya sila ay
palaging nagsisimba.
_______10. Si Don Rafael ay may takot sa Diyos kaya nirerespeto niya ang kura ng
simbahan.

References:
Kapitbisig.com/Philippines/nolimetangere
Arturo S. Cabuhat, Noli Me Tangere (Pampanitikang Talakay)
Ryan C. Rivera NOLI ME TANGERE (Ginintuang Pamana)
Most Essential Learning Competencies (MELCs), Baitang 9

Inihanda ni:
Editor:
Genesis Oling
Genalin M. Oporto
Teacher I, Filipino
Master Teacher I, Filipino

You might also like