You are on page 1of 24

8 Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 3.2
Pakikipagkaibigan
EsP8Pllc-6.2

I
A
N
IL
LETY

LA
IB
SA PER

A
A
H
B
M
G
R PRO

PA
G A
N
FOENT

R
IN
I
A
IP
T M

-A
I
O VERN

G
PA
D
IN
O
G

H
N
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Pakikipagkaibigan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Estelita B. Dela Cruz
Editor : Christian Charles R. Centeno
Tagaguhit : Derlene S. Bautista
Ruben D. Madrona Jr.
Dibuhista : Kamille B. Roque

Tagapamahala
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
EPS- Edukasyon sa Pagpapakatao

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Joannarie C. Gracia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
8
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 3.2
Pakikipagkaibigan
EsP8Pllc-6.2

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pakikipagkaibigan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pakikipagkaibigan
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
Pagyamanin
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

2
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi: Kaya mo ito!

3
Alamin
Masasalamin ang katatagan ng pagkakaibigan sa mga angkop na kilos na kanilang
isinasagawa sa bawat miyembro nito. Ito ay mga paraaan upang mapagtagumpayan ang mga
pagsubok na kahaharapin sa araw-araw.

Kung may mga sangkap ng pakikipagkaibigan na isasabuhay magkakaroon ng puwang


ang pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan na makatutulong sa kanilang samahan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. nasusuri ang pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon
kay Aristotle;
2. nasusuri ang antas at lalim ng pagkakaibigan; at
3. napahahalagahan ang mga maraming bagay na naidudulot ng pagkakaibigan sa
pagpapaunlad ng pagkatao.

Subukin
TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap at tukuyin kung ito ay tama o mali. Isulat ang
TAMA kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI, kung mali ang isinasaad.

__________1. Ang pagbibigay ng sapat na panahon sa kabila ng sobrang gawain ay isang


paraan ng pagpapalalim ng pagkakaibigan.

__________2. Ang pagkakaibigan kapag nabuo na ay madali ring mawawala.

__________3. Putulin ang pakikipagkaibigan sa mga taong ginagawa kang sunud-sunuran


sa maling istilo ng kanilang pamumuhay.

__________4. Pumili ng mga kaibigan na karapat-dapat tularan.

__________5. Kinakailangang gumugol ng maraming oras at malaking halaga upang maging


isang mabuting kaibigan.

__________6. Natural lamang sa magkakaibigan na may nambu-bully, kung hindi na


maganda ang mga salitang iyong naririnig ayos lamang na makisang-ayon ka
para sa kasiyahan ng grupo.

__________7. Ang mabubuting kaibigan ay nagpapakita ng paggalang sa bawat isa sa


pamamagitan ng pagbibigay ng pagsuporta.

4
__________8. Makulay ang buhay kung kakaunti ang kabigan.

__________9. Pahalagahan ang magagandang katangian ng kaibigan at huwag palampasin


ang kanilang pagkakamali.

_________10. Mahalaga sa pagkakaibigan ang pakikinig.

_________11. Kahit kulang ang komunikasyon ay lumalalim pa rin ang pagkakaibigan.

_________12. Kung handa mong ibigay ang iyong sarili para sa mga kaibigan mo nang
walang inaasahang kapalit, gugustuhin ka nilang maging kaibigan.

_________13. Ang pagkakaibigan ay parang pag-aalaga ng isang hardin, na


nangangailangan ng maraming panahon at pag-aalaga.

_________14. “Tanggap ako ng mga kaeskwela ko hangga’t sumusunod ako sa


ipinagagawa nila. Wala akong kaibigan noon kaya ginaya ko na lamang para
maging in ako sa kanila.”

_________15. Ang katapatan sa magkakaibigan ay may kalakip na kapwa pagbabahagi ng


mga hangarin o pananaw tungkol sa pagkakaibigan.

“ Ang biyaya ng mabuting pakikipagkaibigan ay hindi lamang nakakamit sa ngiti at


saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibigay nila.
Kundi ito ay mararamdamang sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at
nagtitiwala sa atin.”
Emerson

5
Balikan
Punan Mo Nang Mabuo!
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Piliin ang mga angkop na sagot sa loob ng larawan ng magkakaibigan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

pagpapatawad

pakikipagkapwa

pagkakaibigan

pagkatao

pagpapanatili

Ang (1)_______________ ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilan-


lan at pakikisalamuha sa lipunan. Maraming kabutihang naidudulot ang (2) ________________
ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaulad ng (3)__________________at pakikipag-
kapwa at pagtamo ng mapayapang lipunan/ pamayanan.
Ang (4)__________________ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabuti-
han at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad
ng (5)____________________.

Mga Tala sa Guro


Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing
Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

6
Tuklasin
Awit ng Barkada! Pagnilayan Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang awitin sa ibaba at sagutin ang mga gabay na tanong.

Awit ng Barkada
Apo Hiking Society

Nakasimangot ka na lang palagi


Parang ikaw lang ang nagmamamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
E sumasayad na ang nguso mo sa lupa

Refrain:
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo
At isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandito kami, ang barkada mong tunay,
Aawit sa ‘yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami’y kasama mo.

1. Ano ang pinatutungkulan ng awitin?


2. Ano ang kahalagahan ng may kaibigan?
3. Aling bahagi ng awitin ang higit na nagsasaad ng iyong saloobin ukol sa kaibigan at
pakikipagkaibigan?

7
Mga Tala sa Guro
Ang mga gawain sa modyul na ito ay nilikha upang tulungan ang mag-aaral
na maisagawa ang mga kasanayang pampagkatuto na isinasaad sa aralin. Ibigay sa kanya ang
kaukulang gabay at suporta tungo sa pagpapaunlad ng kanyang pakikipagkaibigan.

Ang Pakikipagkaibigan

Suriin
Likas sa tao ang makipagkapwa. Mula sa pakikipagkapwang ito ay nabubuo ang isang
espesyal at mas malalim na relasyon o ugnayan – ang pagkakaibigan. Mahirap makatagpo ng
isang tapat at tunay na kaibigan. Sa sandaling mabuo ang isang pagkakaibigan, ito ay dapat
na panatilihin at palaguin sa pagtitiwala, pagmamahalan at pagiging matapat. Ang pagbuo
ng isang tunay na pagkakaibigan ay mabisang paraan ng pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Mahalagang maunawaan natin ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle. Ang mga
ito ay makakatulong upang masuri ang uri ng pagkakaibigan na iyong iniaalay para sa iyong
mga piniling maging kaibigan.

TATLONG (3) URI NG PAGKAKAIBIGAN AYON KAY ARISTOTLE


1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa Ito ay pagkakaibigang inilalaaan sa isang
pangangailangan. tao dahil sa pangangailangan ng isang tao
rito. Sa paaralan halimbawa, may mga mag-
aaral na kinakaibigan ang kaniyang kapwa
mag-aaral dahil sa angkin nitong kasipagan
at kabutihan upang siya ay matulungan sa
paggawa ng mga takdang-aralin at proyekto
(kung minsan ay pati pangongopya sa
pagsusulit). Ngunit mapapansin na ang
ganitong uri ng pagkakaibigan ay maglalaho
sa panahong hindi na maging handa ang
isa na muli pang magbigay ng kaniyang
tulong. Maaaring may taos sa puso na
pagnanais ang isa na tulungan ang isa pa
na matutong tumayo sa kaniyang sariling
paa at maging responsible sa kaniyang pag-
aaral ngunit mababale-wala lamang ang
malasakit na ito dahil tiyak na magwawakas
ang pagkakaibigan dahil dito. “Kaibigan
kita dahil kailangan kita”, linyang madaling
makapaglalarawan dito. Ito ay napakababaw
na uri ng pagkakaibigan, kulang ng kabutihan,
katarungan, pagmamahal at pagpapahalaga.

8
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling Ito’y uri ng pagkakaibigan na nabubuo sa
kasiyahan. pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na
masaya kang kasama o kausap. Madalas ito ay
ang mga taong kasama mo sa maraming gawain,
katulad ng kalaro sa basketbol, mga kasama sa
pamamasyal o ang madalas na nagpapatawa
sa iyo sa oras ng kuwentuhan. Maituturing
itong mas mataas na uri kaysa sa nauna uri.
Nabubuo ang pagkakaibigan sa bahaging ito
dahil mayroong taglay ang isang tao na gusto
mo at nakapagpapasaya sa iyo ngunit hindi pa
rin maituturing na pangmatagalan ang ganitong
uri ng pagkakaibigan dahil ilang bahagi lamang
ng tao ang ginugusto at hindi ang kabuuan ng
kaniyang pagkatao. Maaari nitong maglaho
kapag nakita ang katangiang maaring hindi mo
nagugustuhan o kaya naman ay kapag nawala
na ang kasiyahan na ibinibigay nito sa iyo.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nab-
ubuo batay sa pagkagusto o paghanga (admira-
tion) at paggalang sa isa’t isa. Hindi ito madaling
mabuo at nangangailangan ito ng mas ma-
habang panahon. Ito ay mas tumatagal at mas
may kabuluhan. Ito ay nagsisimula kapag naging
kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga pag-
papahalaga at mga layunin ng pagkakaroon ng
magkaparehong pananaw sa mundo at sa buhay
ng dalawa o mahigit pang tao. Hindi ito nanga-
nagahulugan na nagsimula mula sa pagkabata o
sa anumang tiyak na yugto bagaman marami sa
mga malalim na pagkakaibigan ay nagsisimula
sa maagang yugto.

9
Sa aklat na The Fabric of Friendship ni Joy Carol (2008), tinutukoy ang maraming bagay na
naidudulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.

1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Kapag may mabuting ugnayang namamagitan
sa inyo ng iyong kaibigan, ang kakayahang
magbahagi ng taglay ng mga katangian sa isa’t
isa ay nakapagpapasaya sa atin. Nagbibigay
din ito ng kapanatagan ng damdamin at
kalakasan sa personal na pagkakakilanlan. Sa
pakikipagkaibigan, natatamo ng tao ang matatag
na pagkakakilanlan. Ito ang nagpapaunlad sa
kaniyang pagkatao at pakikipagkapwa sapagkat
dito lumalalim ang kaniyang kasanayan sa
interpersonal na pakikipag-ugnayan.
Madalas, lalo na sa mga kabataan, mahirap 2. Natutuhan kung paano maging mabuting
maglaan ng panahon at presensiya na makinig tagapakinig.
sa mga hinaing at suliranin ng kapwa. Ang
isang kabataan ay mas nanaisin na magsagawa
ng mga bagay na makapagbibigay sa kanila ng
saya. Ngunit dahil may kalakip na pagmamahal
ang tunay na pakikipagkaibigan ay may
pagsasaalang-alang sa kung ano ang makabubuti
para sa kaibigan, iba ang kahandaan na nakikita
mula sa isang tao na makinig kapag ito ay mula
sa iyong kaibigan. Hindi lamang ito simpleng
pagiging bukas sa pakikinig kundi pagiging bukas
ng isipan at pag-unawa sa mga napakikinggan.
Kapag tayo ay nakikinig sa sinasabi ng ating
kaibigan na may bukas na kaisipan, nalilinang
ang ating kakayahang umunawa at maging
mabuting tagapakinig.
3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting Sabi nga, malalaman mo lamang ang tunay na
kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan at hindi kung mayroon kang parehong
kaibigan. pagdanas dito. Hindi madali ang landas
patungo sa paghahanap ng tunay na kaibigan.
Maraming tao na ang iyong pinaglaanan ng
pagsisikap upang makabuo ng malalim na uri
ng pagkakaibigan ngunit maaring katulad ng
ilan ay dumaan ka din sa kabiguan. Hindi sa
lahat ng pagkakataon ay nasusuklian ang iyong
iniaalay na pagkakaibigan, nakaranas ka rin ng
sakit ng kalooban. Maraming tiwala ang nasira,
maraming sakripisyo ang nasayang, maraming
luha ang pumatak at maraming panghihinayang.
Ngunit ang lahat ng ito ay mapapawi sa sandaling
ang pagmamahal, tiwala at katapatang iyong
inialay ay matugunan, hindi man masuklian. Sa
pamamagitan nito madali mong makikilala kung
sino ang tunay na kaibigan.
10
Ang mga suliranin ang nakapagpapatatag 4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting
sa isang tao at sa pagitan ng magkaibigan ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng
ang mga suliranin din ang maaring maging ilang di pagkakaintindihan.
instrumento upang mas mapatatag ang
kanilang samahan. Dahil ang tunay na
pagkakaibigan ay nangangailangan ng
pagtanggap sa kabuuan ng isa’t isa,
walang suliranin, o hindi pagkakaunawaan
ang makasisira rito. Maraming taong
maaring subukin ang katatagan ng inyong
pagkakaibigan at nakasalalay sa inyong
tiwala at respeto sa isa’t isa ang ikapananatili
nito. Kapwa nararapat na makita ang
pagsisikap na mapangalagaan ang ugnayan
at mas mapatibay ang pagkakaibigan.

5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at


pananaw sa pakikipagkaibigan. Kung minsan, akala natin ay napakadami
na nating alam sa paksang ito. Kahit pa
may malaking bilang ka ng mga kaibigan sa
paaralang iyong pinapasukan, sa iyong lugar,
sa mga organisasyong iyong kinabibilangan,
mayroon pa ring bagong ideya na ngayon
mo lang natuklasan mula sa iyong kaibigan.
Ito’y isang sorpresa sa ating buhay: ang
pagkakaroon ng pagkakataon na makaunawa
ng bagong pananaw, bagong pamamaraan
ng pakikitungo, at bagong pakikipagkaibigan.

Ano ang pinakamagandang bagay na naibigay sa iyo ng iyong kaibigan? Hindi matu-
tumbasan ng anumang bagay o materyal na bagay na natuklasan mo sa iyong sarili dahil sa
iyong kaibigan. Ang tinutukoy ay mga katangian o kakayahan mo na siya ang unang naniwala
na mayroon ka bago mo pa ito lubos na pinaniwalaan. Dapat mong tandaan na ang pagka-
kaibigan ang tanging paraan upang makita ang yaman ng iyong pagkatao. Ang pangunahing
katangian ng pagkakaibigan ay ang kanyang pagkakaroon ng kakayahang palaguin ang iyong
pagkatao.

11
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1 - Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek ang hugis bituin
kung ang pangungusap ay tama at lagyan ng ekis kung mali.

______________1. Ang pagbuo ng isang tunay na pagkakaibigan ay mabisang paraan ng


pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

______________2. Madaling makatagpo ng isang tapat at tunay na kaibigan.

______________3. Ang pagkakaibigan ay walang epekto sa bawat nasasangkot dito.

______________4. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan.

______________5. Maituturing na isang kayamanan ang isang kaibigan sapagkat mahirap


itong makita.

Pang-isahang Pagsusulit 1 - Katangian! Tukuyin Mo!


Panuto: Lagyan ng tsek (/) sa unahan ng bilang kung ang isinasaad sa pangungusap ay
katangian ng kaibigan at (x) kung hindi.

______________1. Ang pakikipagkaibigan ay isinasakilos.

______________2. Ang pakikipagkaibigan ay hindi inuuri.

______________3. Ang pakikipagkaibigan ay isang proseso.

______________4. Ang pakikipagkaibigan ay hindi nililikha.

______________5. Ang pagkakaibigan ay mapagkakatiwalaan.

12
Pang-isahang Gawain 2 - Iguguhit Ko!Aalalahanin Ko!

Panuto:
1. Gamit ang bond paper, lapis at krayola , pumunta sa isang tahimik na lugar (hardin, bukid)
kung saan makakarananas ka ng kapayapaan.
2. Ituon ang iyong isip sa lugar na narating na ninyo ng iyong kaibigan.
3. Iguhit ang lugar na inyong narating na.

Sagutin Mo!
1. Sa lugar na inyong narating, anong karanasan ang hindi ninyo makakalimutan?
2. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang inaalala mo ang lugar na inyong
narating?
3. Naalala mo ba ang mga angkop na kilos upang mas maging matatag at maunlad ang
inyong pagkakaibigan?
4. May kaugnayan ba ang lugar na inyong narating sa pag-unlad ng inyong
pakikipagkaibigan? Pangatwiranan.

Pang-isahang Pagsusulit 2 - Hugot Lines!


Panuto: Gumawa ng tatlong (3) hugot lines patungkol sa pakikipagkaibigan. Sikaping may
aral itong kapupulutan.

Hugot line # 1

Hugot line # 2

Hugot line # 3

13
Rubrik sa Paggawa ng Hugot Lines
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (6 puntos) ng pag-unlad
(4 puntos)
Nilalaman ng hugot May tatlong orihinal May dalawang May isang orihinal
lines na hugot lines at orihinal na hugot na hugot lines at
kapupulutan ng aral lines at kapupulutan kapupulutan ng aral
ng aral

Pang-isahang Gawain 3 - Itula Mo!

Panuto: Bumuo ng dalawang saknong na tula na nagpapatunay kung paano magkaroon ng


pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan.

Rubrik sa Pagsulat ng Tula

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(15 puntos) (10 puntos) ng pag-
unlad(5puntos)
Nilalaman ng tula Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
3 na patunay na 2 na patunay na 1 na patunay na
pagkakaibigang pagkakaibigang pagkakaibigang
nakabatay sa nakabatay sa nakabatay sa
kabutihan kabutihan kabutihan
Paglalahad ng Nailarawan sa tula Nailarawan sa tula Nailarawan sa tula
suportang detalye ang detalye sa 3 na ang detalye sa 2 na ang detalye sa 1 na
sa inilahad na
patunay patunay patunay
patunay

Kaanyuan ng tula Binubuo ng 2 Binubuo ng 2 Binubuo ng 2


saknong na may 4 saknong na may 3 saknong na may 2
na taludtod ang tula na taludtod ang tula na taludtod ang tula
na nakabanghay na nakabanghay na nakabanghay
sa tradisyonal o sa tradisyonal o sa tradisyonal o
malayang anyo malayang anyo malayang anyo
Kabuuang puntos

14
Pang-isahang Pagsusulit 3 - Obserbasyon Ko! Puna Ko!

anuto: Gumawa ng obserbasyon sa uri ng pagkakaibigan na umiiral sa inyong paligid at isulat


P
ito sa talahanayang nasa ibaba pagkatapos ay tukuyin kung anong uri ng pagkakaibigan ito
napapabilang.

Sitwasyong Naobserbahan Uri ng Pagkakaibigang Umiiral

Pamantayan ng Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(15 puntos) (10 puntos) Pag-unlad
(5 Puntos)
Natukoy na uri ng Nakatukoy ng tatlong Nakatukoy ng Nakatukoy ng isa na
pagkakaibigan sa uri ng pagkakaibigan dalawang uri ng uri ng komunikasyon
sa paligid pagkakaibigan sa sa paligid
paligid
paligid
Kawastuhan Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
ng sitwasyong tatlong sitwasyong dalawanag sitwasyong isa na sitwasyong
naobserbahan angkop naobserbahan angkop naobserbahan angkop
naobserbahan sa
sa bawat uri ng sa bawat uri ng sa bawat uri ng
paligid pagkakaibigan pagkakaibigan pagkakaibigan
Kabuuang Puntos

Isaisip
Natutunan Ko! Pagbubulayan Ko!
Panuto: Sa bahaging ito, isulat mo ang iyong pinakamahalang natutunan sa aralin. Buuin ang
mga pahayag at maging tapat sa iyong pagsagot.

Natutunan ko na __________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Maisasabuhay ko ang aking mga natutunan sa pamamagitan ng ____________________


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Maisasagawa ko ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan sa


pamamagitan ng ________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
15
Isagawa
Taglay ng Larawan
Panuto: Humanap ng larawan na magkasama kayong magkaibigan. Ipaliwanag ang
larawan gamit ang mga gabay na tanong. Idikit ang larawan sa sagutang papel.

Gabay na tanong:
1. Anong uri ng pagkakaibigan mayroon kayo? (ayon kay Aristotle)
2. Anong mga angkop na kilos ang inyong ginagawa upang mapaunlad ang inyong
pagkakaibigan?
3. Sa iyong palagay, bakit malalim na ang inyong pagkakaibigan?

Binabati kita dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain.
Napagtagumpayan mo ang iyong pagsusuri sa pakikipagkaibigang batay sa tatlong
uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle, at natukoy mo ang ma-
raming bagay na naidudulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad
ng iyong pagkatao.
Inaasahan ko na isasabuhay mo ang iyong kaalaman sa na-
tutunan mo sa paksang tinalakay.

16
Tayahin
Panuto: Isulat kung TAMA ang isinasaad ng pahayag sa pangungusap at MALI kung mali
ang pahayag.
1. Ang matalik na kaibigan ay mga taong pinagkakatiwalaan sa mga sensitibong impormasyon
tungkol sa sarili.

2. Itinuturing na birtud ang pagkakaibigan dahil ito ay mahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa


kapwa.

3. Madalas na mangopya sa Michael sa takdang aralin kay Robin , ito ay uri ng pagkakaibigang
nakabatay sa pangangailangan.

4. Sa panahon ng kabataan hindi likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na


kasarian.

5. Ang napakababaw na uri ng pagkakaibigan ay kaibigan kita dahil kailangan kita.

6. Sa lahat ng pagkakataon nararapat na ipagtatangol ang kaibigan kahit mali ang katuwiran.

7. Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan ng mabubuting


tao na kapwa nagtataglay ng mga birtud at pagpapahalaga.

8. Ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging possible ang pagbuo ng malalim
na pagkakaibigan ay pagpapaunlad ng kakayahan.

9. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa katotohanan, handang ipakita


ang kababaang-loob at magpatawad.

10. Isa sa naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao ay nakalilikha


ng mabuting pagtingin sa kapwa.

11. Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap.

12. Ang suportang ipinapakita sa pagitan ng magkakaibigan ay nakapagbibigay-lakas at


inspirasyon sa panlipunang aspekto ng tao.

13. Hindi nanaig ang lipunan kung walang pagkakaibigan at hindi mananaig ang pagkakaibigan
kung walang lipunan.

14. Ang tunay na kaibigan ay lumalapit lalo na sa panahong ang lahat at lumalayo.

15. Hindi na kailangan ng isang nabuong pakikipagkaibigan ang mga bagay na


makapagpapalakas dito.

17
Karagdagang Gawain
Panuto: Isipin ang lahat mong mga kaibigan sa kasalukuyan. Ilista ang kanilang pangalan sa
loob ng puso ayon sa antas o lalim ng inyong pakikipagkaibigan. Ang nasa labas na puso ay
para sa barkada at ang pinakaloob na puso ay para sa pinakamalapit na kaibigan.

1. Aling puso ang may pinakamaraming pangalan ng iyong kaibigan? Bakit?


2. Bakit naging mas malalim at malapit ang iyong pakikipagkaibigan sa mga taong inilista
mo sa pinakaloob na puso?
3. Ano-anong angkop na kilos ang inyong isinasabuhay upang maging maunlad ang
inyong pakikipagkaibigan?

18
19
Subukin Tayahin
1. TAMA 6. TAMA 11. MALI 1. TAMA 6. MALI 11. TAMA
2. MALI 7. TAMA 12. TAMA 2. TAMA 7. TAMA 12. TAMA
3. TAMA 8. MALI 13. TAMA 3. TAMA 8. MALI 13. TAMA
4. TAMA 9. TAMA 14. MALI 4. MALI 9. TAMA 14. TAMA
5. MALI 10. TAMA 15. TAMA 5. TAMA 10. MALI 15. MALI
Balikan
1. pakikipagkapwa
2. pagpapanatili
3. pagkakaibigan
4. pagpapatawad
5. pagkatao
Tuklasin
1 – 3 Malayang pagsasagot
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Pang-isahang Pagsusulit 1
1. /
2. X
3. /
4. X
5. /
Pang-isahang Gawain 2 - Malayang pagsasagot
Pang-isahang Pagsusulit 2 - Malayang pagsasagot
Pang-isahang Gawain 3 - Malayang pagsasagot
Pang-isahang Pagsusulit 3 - Malayang pagsasagot
Isaisip
Malayang pagsasagot
Isagawa
1-5 Malayang pagsasagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat:

Bibliya

Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig
City

Twila G. Punzalan, et.al. Kaganapan sa Pakikipagkapwa II. Rex Book Store

Twila G. Punzalan, et. al. Buhay : Edukasyon sa Pagpapahalaga Para sa Kolehiyo.Philuippine Normal University

Hanguang Elektroniko

https://www.slideshare.net/michtimado/esp-8-modyul-6-pakikipagkaibigan?

https://www.slideshare.net/karendolojan2/ang -pagkakaibigan

https://www.slideshare.net/jaredram55/modyul-6-pakikipagkaibigan

https://www.youtube.com/awit+ng+barkada+by+apo+hiking+society

20
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

21

You might also like