You are on page 1of 26

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 9: Pagsusuri ( Kulturang Nakapaloob sa Awiting –
Bayan )
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Marietess M. Santos
Roland Z. Lauron
Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT-III
Gideon J. Pascubillo, HT-III
Wilgermina D. Juhaili, HT-I
Mary Cecille D. Luzano, HT
Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
FILIPINO
7
Ikalawang Markahan – Modyul 9
Pagsusuri ( Kulturang Nakapaloob sa
Awiting - Bayan )

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public schools. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Region 10 at
region10@deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 9 ukol sa Pagsusuri
( Kulturang Nakapaloob sa Awiting - Bayan )

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa Pagwawasto
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 4

Balikan ---------------- 4

Tuklasin ---------------- 5

Suriin ---------------- 9

Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 12

Isagawa ---------------- 13

Tayahin ---------------- 14

Karagdagang Gawain ---------------- 17

Susi sa Pagwawasto ---------------- 18

Sanggunian ---------------- 20
Kumusta ka na kaibigan? Isang malaking karangalan para sa akin ang
makasama ka sa pag-aaral mo sa bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo ang
bagong leksyong inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman
ang magpapayaman ng iyong isipan at karanasan na magagamit sa pang- araw
– araw na gawain.
Alam kong narinig mo na o inawit mo na ang mga awiting – bayan noong
nasa elementarya ka pa.
Ngayon naman ay susuriin natin ang kulturang nakapaloob sa awiting –
bayan.
May mga aktibiti/pagsasanay na sasagutan at gagawin mo sa modyul
na ito na magsisilbing batis ng iyong kaalaman na makatutulong sa pagsusuri
sa kulturang nakapaloob sa awiting – bayan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakasusuri sa kulturang nakapaloob sa awiting – bayan.F7PB – lli – 12
2. Nakatutukoy sa mga damdaming napapaloob sa awiting - bayan .
3. Nabibigyang- kahulugan ang mga halimbawa ng awiting - bayan.

1
A . Pagtatapat – tapatin
Panuto: Hanapin sa HANAY B ang mga kahulugan ng mga salitang nasa
HANAY A at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel/
kwaderno.
HANAY A HANAY B

1. Diyona a. awit sa patay ng mga Ilokano


2. Dalit b. awitin sa panahon ng pamamanhikan o kasal
3. Kundiman c.bersyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga tagalog
4. Dung- aw d. awit na panrelihiyon o himno
5. Oyayi e. awit pampatulog sa mga bata
f. awit sa pamamangka

B. Tama o Mali
Panuto : Isulat ang salitang TAMA kung tama ang kahulugan, MALI kung mali
ang tinutukoy at isulat ang sagot sa sagutang papel/kwaderno..
6. Ang talindaw ay awit ng pag- ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga
bisaya.
7. Ang awiting bayan ay buhay na buhay hanggang sa kasalukuyan dahil ito ay
nagpasalin – salin sa bibig ng tao.
8. Ang kutang- kutang ay karaniwang awit sa lansangan.
9. Ang sitsiritsit ay halimbawa ng awiting – bayan ukol sa paggaod.
10. Ang “Manang Biday “ ng mga Ilokano ay halimbawa ng awit kundiman.

2
C. Pagpipili-pili
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel o notbuk.
11. Tinatawag din itong awit – pambayan.
a. awiting – bayan c. tula
b. maikling – kwento d. tulang liriko
12. Ang mga sumusunod ang mga halimbawa ng awit – pambata , maliban sa;
a. awit paghihinagpis c. biray
b. awit ng ulila d. hele
13. Ang mga awiting masaya na nagiging palipasan ng pagod at kabiguan o
ekspresyon ng likas na pagiging pagkamasayahin ng mga Ilonggo , Antiqueňo
, at Aklanon.
a. awit - pambata c. awit sa inuman
b. awit sa pamamangka d. awit - panghahanapbuhay
14. Ang mga awit na ito ay karaniwang nauukol sa pangingisda at pagtatanim
na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan sa Kabisayaan.
a. awit - pambata c. awit sa inuman
b. awit sa pamamangka d. awit - panghahanapbuhay
15. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng oyayi, maliban sa;
a. Dandansoy c. Sa Ugoy ng Duyan
b. Ili- Ili Tulog Anay d. Sitsiritsit

3
Aralin
Pagsusuri ( Kulturang
9 Nakapaloob sa Awiting – Bayan )

Magandang araw!
Kumusta ka na mahal kong mag- aaral? Tiyak na kawiwilihan
mo ang bagong leksyong inihanda ko para sa iyo.
Handa ka na ba? Simulan na natin.

Bago ka magpatuloy sa bagong aralin , alamin muna natin kung


mayroon ka bang natutunan sa nakaraang modyul . Kapag marami kang
nakuhang sagot na TAMA ibig sabihin handa ka na sa panibagong aralin.
Simulan na natin!

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung
ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.
1. Ang tekstong ekspositori ay nagbibigay ng impormasyon at nagpapaliwanag
tungkol sa isang paksa.
2. Layunin ng tekstong ekspositori na magpaliwanag,maglarawan at magbigay
ng impormasyon.
3. Isa sa mga katangian ng tekstong ekspositori ay ang pagiging obhektibo sa
pagtalakay.
4. Binubuo ng apat na hulwaran ang tekstong ekspositori.
5. Ang tekstong ito ay sumasagot sa tanong na bakit.

4
Panuto: Magtala ng mga salita na maaari mong iugnay sa salitang “Awiting –
Bayan”. Mga salita na pumapasok sa inyong isipan kapag nabasa mo ang
salitang “ Awiting – Bayan “.

Awiting - Bayan

mula sa tula awit na naging popular ninuno


Pusong bato bagong awitin walang sukat
katutubong kultura naglalarawan ng pamumuhay

5
Alam mo ba na…

Laganap sa Pilipinas, lalo na sa Kabisayaan, ang mga awiting


– bayang tinatawag din nilang awit – pambayan. Ang mga ito ay
nagsimula bilang mga tulang – bayan na mula sa madamdaming
pananalitang may kaugnayan sa awit at sayaw. Ang mga ito ay nagpasalin –
salin sa bawat henerasyon hanggang makarating sa ating panahon ngayon.
Sa pamamagitan ng mga awiting – bayan, maaaring matuklasan ang katayuan
ng kabihasnan ng ating mga ninuno noong kauna-unahang panahon.
.

Ang awiting- bayan ay isang masining na paraan ng


pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin. Gayundin, ito’y isang
paraan ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan. Ito

Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at


mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang pinaniningning
ay inaawit ng ating mga ninuno at hanggang sa kasalukuyan.Halimbawa ,
ng mga
Leron – Leron katutubong
Sinta panitikan.
, Dalagang Pilipina Sa araling– ito
, Bahay ay itatampok
Kubo , Atin Cu Pung
ang mga awiting – bayang Bisaya o Visayan folksongs .
Singsing ,Manang Biday , at Paru – parung Bukid.

6
Nanatiling paksa ng mga awiting – bayan ang katutubong
kultura. Pinaksa ng mga awiting- bayan ang tungkol sa damdamin
ng tao , paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan
ng paggawa , kagandahan ng buhay , pananalig , pag – asa , pag
–ibig , kaligayahan , kalungkutan at paglalahad ng iba’t ibang ugali
at kaugalian.

Narito ang mga uri at ilang halimbawa ng mga awiting – bayan mula sa
Kabisayaan:
1. Awit – Pambata . Maraming uri ng awit – pambata. kabilang dito ang hele ,
ang awit paghihinagpis, at awit ng ulila. Karaniwang inaawit ang mga ito habang
naglalaro ang mga bata.

Hele sa Batang Lalaki Hele sa Batang Babae

Hele – hele si Nonoy Hele – hele si Inday


Nonoy kong palangga Inday kong palangga
Itigil nang pag-iyak Tapusin ang pag-iyak
Pahirin ang iyong luha. Pahirin ang iyong luha

2. Awit – Panghahanapbuhay. Ang mga awit na ito ay nauukol karaniwan sa


pangingisda at pagtatanim na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan sa Kabisayaan . Halimbawa nito ay ang biray o isang ritwal na
isinasagawa sa Antique tuwing unang Linggo ng Mayo upang humiling ng ulan
sa Sto. Niňo. Nasa ibaba ang dalawang halimbawa ng bahagi ng mga awiting
nabanggit.

7
Biray Kung Tag - ani

Ganito ang pagbibiray Masayang walang kapantay


Bibira – bira sa dagat Kung tag – ani ng makan
‘Di hamak siyang matulin Sa lahat ng kabahayan
Talo pa si Hanging Habagat. Umaawit ang naniniharan.

3. Awit sa Inuman. Ito ang mga awiting masaya na nagiging palipasan ng


pagod at kabiguan o ekspresyon ng likas na pagiging pagkamasayahin ng mga
Ilonggo, Antiqueňo, at Aklanon.

Ang Dilis

Ang isdang dilis


Masarap pampulutan
Maski hilaw
Ilahok lang.

Narito ang mga uri ng awiting – bayan na laganap sa ating bansa:


1. Balitaw – awit ng pag – ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga
Bisaya
2. Kundiman – awit ng pag – ibig sa mga tagalog
3. Dalit – awit panrelihiyon
4. Diyona/Diona – awit sa pamamanhikan o kasal
5. Dung – aw – awit sa patay
6. Kumintang – awit sa pakikipagdigma o pakikipaglaban
7. Kutang – kutang – karaniwang inawit sa mga lansangan
8. Soliranin – awit sa paggaod o pamamangka
9. Maluway – awit sa sama- samang paggawa
10. Oyayi o hele – awiting panghele o pampatulog ng bata
11. Pangangaluwa – awit sa araw ng patay ng mga tagalog
12. Sambotani – awit ng pagtatagumpay
13. Talindaw – isa pang awit sa pamamangka

8
Tunay na mayaman ang Kabisayaan sa mga akdang nagpapakita ng
kakanyahan nito bilang pulo ng mga lalawigang kinikilala sa kahalagahan ng
pagpapatibay ng sariling kultura at panitikan. Isang halimbawa ng awiting mula
sa Kabisayaan ay ang “Ay,Ay Kalisod” o “Ay, Ay Kay Lungkot”.
Basahin ang liriko ng awit sa ibaba.

Ay, Ay Kay Lungkot

Ay, ay kay lungkot


Kay lungkot ng binayaan
Araw – gabi
Lagi kitang tinatangisan.

KORO
Ay , ay Inday
Puro isang kabiguan
Wala,walang – wala
Ni anumang kasiyahan.
Ay, cielo azul
Ay , saan ka na ba
Tulungan , saklolohan
Ang nabilanggo kong pag-ibig
Mabuti pa ang mamatay
Ang halos nang mamatay
Nang ‘di ko maalalang
Wala akong ligaya

9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel/ notbuk.
1. Ano ang kahulugan ng salitang cielo azul na nakadiin sa awit?
a. alapaap at bughaw c. bughaw at asul
b. alapaap at himpapawid d. lahat ng nabanggit
2. “Araw at gabi lagi kitang tinatangisan”. Ano ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
a. iniisip c. hinahanap
b. iniiyakan d. kinakausap
3. Anong kaugalian ng isang dalagang taga-Bisaya ang masasalamin sa unang
saknong ng awit?
a. Ang isang dalaga taga- Bisaya ay dapat lamang na paiyakin palagi.
b. Labis – labis kung magmahal ang isang dalagang taga- Bisaya.
c. Kaakit – akit ang isang dalagang taga- Bisaya kung umiiyak.
d. Araw at gabi umiiyak ang isang dalagang taga- Bisaya.
4. Sa panghuling saknong ng awit, ano ang tinutukoy na nabilanggo?
a. ang dalaga c. ang magnanakaw
b. ang pag-ibig d. ang manloloko
5. Sa unang linya ng “KORO” ay binanggit ang pangalang” Inday”. Ano ang
kaugnayan nito sa kultura ng mga taga- Bisaya?
a. Magandang pakinggan ang salitang “Inday”.
b. Ang “Inday” ang pangalan ng dalaga na tinutukoy sa awit.
c. Ang “Inday” ang tawag sa mga kababaihan na nakatira sa Visayas.
d. Ang “ Inday “ ang napiling pangalan ng may- akda ng awiting – bayan.

10
Balikan ang awit – pambayang “Ay, Ay, Kay Lungkot”.

Panuto: Tukuyin ang damdaming nais iparating ng bawat saknong at


pagkatapos suriin ang kulturang napapaloob dito. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel o notbuk.

Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.


SAKNONG DAMDAMING NAIS KULTURANG
IPABATID NAPAPALOOB
1. Ay, ay kaylungkot labis na kalungkutan labis – labis kung
Kaylungkot ng binayaan magmahal
Araw – gabi
Lagi kitang tinatangisan.
2. Ay, ay Inday
Puro lang kabiguan
Wala, walang – wala
Ni anumang kasiyahan.
3. Ay, cielo azul
Ay, saan ka na ba
Tulungan , saklolohan
Ang nabilanggo kong
pag-ibig.

4.Mabuti pa ang
mamatay
Ang halos nang mamatay
Nang ‘di ko maalalang
Wala akong ligaya.

11
Panuto: Punan ng tamang mga salita ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel/kwaderno.

• awit – panghanapbuhay • tulang - bayan


• tao • awit - pambata
• awit – pambayan • ninuno

Ang mga awiting – bayan ay tinatawag din ng ating mga ninuno na


____________. Ang mga ito ay nagsimula bilang ____________ na mula
sa madamdaming pananalitang may kaugnayan sa awit at sayaw.
Pinapaksa ng mga awiting – bayan ang tungkol sa damdamin ng
___________ ,paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan
ng paggawa , kagandahan ng buhay, pananalig , pag-asa , pag –ibig
,kaligayahan , kalungkutan at paglalahad ng iba’t ibang ugali at
kaugalian. Ang ____________ ay karaniwang inaawit habang naglalaro
ang mga bata. At ang ___________ naman ay nauukol sa pangingisda
at pagtatanim na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan
sa Kabisayaan.

12
Panuto: Suriin ang mga kultura ng taga - Bisaya na napapaloob sa awiting –
bayan. Isulat ang sagot sa grapikong pantulong na nasa ibaba. Kopyahin at
sagutin sa sagutang papel o notbuk.

Bunso ko , bunso ko , matulog ka na

Bunso ko , bunso ko , matulog ka na


Maging itong dagat , tila nagngangalit
Siguro’y may nagkaingin sa kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.

Kulturang
Napapaloob

13
Ngayon ay dadako tayo sa pagtataya, tingnan natin kung mayoon ka
bang natutunan sa aralin na tinatalakay sa modyul na ito.
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot. Isulat ito sa sagutang
papel o notbuk.
1. Ang awiting – bayan ay nagsimula bilang ___________ mula sa
madamdaming pananalitang may kaugnayan sa awit at sayaw.
a. awit – pambayan c. alamat
b. kwento d. tulang – bayan
2. Alin sa mga sumusunod ang awit sa inuman?
a. ang dilis c. kung tag-ani
b. biray d. hele sa batang lalaki
3. Bakit nakarating sa ating panahon ang mga awiting – bayan?
a. dahil palagi itong inaawit
b. dahil pinauso at pinasikat ito ng mga kabataan
c. dahil nagpasalin-salin ito sa bawat henerasyon
d. dahil kahit saan ka man magpunta ay lagi mo itong naririnig
4. Kung ang balitaw ay awit tungkol sa pag-ibig, ano naman ang diona?
a. awit sa patay c. awit panrelihiyon
b. awit sa pakikipagdigma d. awit sa pamamangka
5. Tungkol saan ang awiting – bayang pinamagatang “Ay, Ay , Kay Lungkot”?
a. tungkol sa isang dalagang nabigo sa pag-ibig
b. tungkol sa isang dalagang gustong magpakamatay
c. tungkol sa isang dalagang naulila sa mga magulang
d. tungkol sa isang dalagang mahilig umawit
6. Nagsimula bilang tula o tugma na nilapatan ng melodiya o himig.
a. awiting – bayan c. dalit
b. bulong d. tula

14
7. Awit sa pakikipagdigma o pakikipaglaban.
a. balitaw c. diona
b. dalit d. kumintang
8. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga awiting – bayan, maliban sa;
a. Bahay - kubo c. Pusong Bato
b. Dalagang Pilipina d. Leron – Leron Sinta
9. Uri ng awiting - bayan na karaniwang inaawit habang naglalaro ang mga
bata.
a. awit-panghanapbuhay c. awit sa inuman
b. awit – pambata d. awit sa pamamangka
10. Uri ng awiting – bayan na nauukol sa pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan sa Kabisayaan.
a. awit-panghanapbuhay c. awit sa inuman
b. awit – pambata d. awit sa pamamangka
11. Awiting bayan na ginamit sa panghaharana ng mga Bisaya.
a. balitaw c. oyaye
b. soliranin d. kundiman
12. “ Si Felimon, Si Felimon, nangisda sa karagatan, nakahuli ,nakahuli ng
isdang tambasakan”. Anong kultura ng mga taga- Bisaya ang masasalamin
sa linyang ito ng awit?
a. Isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga taga- Bisaya ay ang
pangingisda.
b. Libangan ng mga taga- Bisaya ay ang pangingisda.
c. Isda ang pangunahing ulam ng mga taga- Bisaya.
d. Nakahuli ng isda si Felimon.
13. “Pinagbili , pinagbili sa isang munting palengke , ang kanyang pinagbilhan,
ang kanyang pinagbilhan , pinambili ng tuba “. Ano naman ang kulturang
nasasalamin sa linyang ito ng awit?
a. Ang mga Bisaya ay mahilig magnegosyo ng tuba.
b. Ang mga Bisaya ay mahilig uminom ng tuba.
c. Maliit ang palengke na pinagbilha ng tuba.
d. Sa palengke niya ipinambili ang tuba.

15
14. Ang mga sumusunod ay mga damdaming nangingibabaw sa awiting –
bayang pinamagatang “ Ay, Ay , Kay Lungkot”, maliban sa:
a. matinding kalungkutan c. pagkabigo sa pag – ibig
b. paghihinagpis d. kaligayahan
15. Kapag ikaw ay nabigo sa pag- ibig , gustuhin mo rin bang mamatay tulad
ng dalagang tinutukoy sa awit na “ Ay, Ay, Kay Lungkot”?
a. Oo, para matapos na aking paghihirap.
b. Hindi, dahil labag ito sa utos ng Diyos.
c. Hindi , dahil kailangan tayong makapaghiganti.
d. Oo, dahil malaya tayong gumawa sa lahat ng gusto nating gawin.

Panuto: Kilalanin ang mga kultura sa Bisayas na nasa kahon.


Isulat sa sagutang papel o notbuk.

Naniniwala sa mga bulong at engkantasyon


Ang lalaki ang naghahanapbuhay para sa pamilya
Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay
Pag-aawit sa sanggol para pampatulog nito
Paglimot sa paniniwala ng mga ninuno
Pagsasagawa ng iba’t ibang ritwal bilang pasasalamat
kay Bathala, sa mga anito at espiritu

16
17
Balikan
1. TAMA Tuklasin
SURIIN
2. TAMA
1. a 3. TAMA Awiting – Bayan
2. b
4. TAMA
3. b - Nagpasalin – salin sa bibig ng tao
4. b 5. MALI
5. c
- Sumasalamin sa kulturang Pilipino
- Lumang awitin
- Binubuo ng sukat at tugma
15. d 10. Tama 5. e
14. d 9. Tama 4. a
13. c 8. Tama 3. c
12 . c 7. Tama 2. d
11. a 6. Mali 1. b
C. B. A.
Subukin
Pagyamanin
Damdaming Nais Ipabatid Kulturang Napapaloob
1. labis na kalungkutan ------------- labis – labis kung magmahal
2. nalungkot dahil nabigo sa pag –ibig ----- pagdaramdam dahil sa kabiguan
3. pagmamakaawa ------------------- ang mga kababaihan noon ay bilanggo
sa pag- ibig
4. labis na pagdaramdam na halos ikamatay --- magpakamatay dahil sa pag
- ibig

10. a
Isaisip
9. b
1. awit - pambayan
2. tulang - bayan 8. c
3. tao
4. awit – pambata 7. d
5. awit-
panghanapbuhay 6. a

Isagawa 15. b 5. a

1. Pag – awit sa sanggol para


14. d 4. c
sa mahimbing na pagtulog nito.
13. b 3. c
2.Tatakutin ang sanggol/anak
para ito ay matulog. 12. a 2. a

3. Pagiging mapagmahal sa
11. a 1. d
anak.

4. Pagiging mabuting
ina/asawa/magulang. Tayahin

18
Servillano T. Marquez Jr., PhD, Pintig ng lahing Pilipino. Sibs
Publishing House, Inc.

Servillano T. Marquez Jr., PhD, Pinting ng Lahing Pilipino. Teachers


Wraparound Edition. Sibs Publishing House, Inc.

Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Department


of Education

Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan. Phoenix


Publishing House, Inc.

Electronic Resources
https://quizlet.com
rmhalife.wordpress.com
https://www.slideshare.net
https://en.wikipedia
https://w.w.w.tagaloglang.com
https://t/.m.wikipedia.org
https://folksongatbp.blogspot.com

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like