You are on page 1of 14

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 9 Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Judy May P. Diez at Ressie S. Rulona
Tagasuri: Zerine C. Fabian, MT I at Shirley H. Amorada, HT III
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Manunulat: Judy May P. Diez at Ressie S. Rulona
Tagasuri: Zerine C. Fabian, MT I at Shirley H. Amorada, HT III
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 9 para sa
Aralin Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 9 ukol sa Aralin Ekspresyong


Hudyat ng Kaugnayang Lohikal!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang
makakamit mo ang sumusunod:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulta)

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO


A. nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap;
B. nakasusulat ng mga pangungusap na nagpapakita ng ugnayang lohikal; at
C. nakabubuo ng isang kaisipan batay sa larawan gamit ang mga ekspresyong
lohikal.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago natin simulan ang aralin, sukatin muna natin ang iyong kaalaman
tungkol sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling pagsusulit na
ito.

PANUTO: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang wastong


pang- ugnay upang mabuo ang konsepto sa bawat bilang.

1. Talagang pataas nang pataas ang kaso ng COVID-19, ________ na magtatagal


pa ang pandemyang ito.
A. kaya B. marami C. tila D. walang duda

2. Sundin ang mga simpleng hakbang na itinalaga ng World Health


Organization ________ maiwasan natin ang COVID-19.
A. bunga B. kapag C. kaya D. upang

3. Maiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iyong paligid ________


pagtatakip ng iyong bibig kapag uubo o babahing.
A. kaya B. kung C. sa D. sakali

4. Manatili sa bahay ________ ikaw ay may nararamdamang sakit kahit na


sinat at ubo lamang ito.
A. palibhasa B. sa C. sakaling D.tila
5. Inilalayo mo ang iyong sarili mula sa COVID-19 ________ iiwas ka sa matataong
lugar.
A. bunga B. kasi C. kung D. sapagkat

6
BALIK-ARAL
Tayo ay magbabalik-tanaw sa bahaging ito, ang pagsagot sa gawaing
nasa ibaba ang susukat sa iyong natamong kaalaman sa nakalipas na
aralin.
PANUTO: Kilalanin ang sumusunod na pahayag at piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.

balita komiks tabloid


Dokumentaryong Pantelebisyon Morning Show telebisyon
_____1. Naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
_____2. Tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat ang programa
nang live tuwing umaga, ang mga mamamahayag ay may layuning
makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon sa manonood. Ang
Umagang kay Ganda at Unang Hirit ay ilan lamang sa kilalang programa.
_____3. Ang sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryong
panradyo maliban sa isa. Ano ito?
_____4. Isang uri ng broadcast media na nakatutulong sa pagpapalaganap ng
kulturang Pilipino at nakapagpapaigting ng kamalayang panlipunan.
_____5. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan, tunay na
kinagigiliwan ng kabataan. “Ding ang bato! DARNA!”

ARALIN
Panimulang Gawain

PANUTO: Basahin at unawain ang isang artikulo mula sa isang


dokumentaryong pantelebisyon.
REPORTER”S NOTEBOOK: Burak at Pangarap
ni Maki Pulido
Noong nakaraang linggo, nasunog ang isang komunidad sa Barangay
Tonsuya sa Malabon. Mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng bahay at
mga ari- arian. Kabilang na ang pamilya ni Junjun, labing dalawang
taong gulang. Kasama ang kanyang anim na kapatid, sa isang maliit na tolda
sa kalye sila sumisilong ngayon. Upang makatulong sa kanyang pamilya, sinisisid
ni Junjun ang isang maruming sapa na may pinagsama-samang basura, burak
at abo.
Peligroso man ang ginagawa niyang pangangalakal, hindi ito alintana ni
Junjun dahil mahalaga raw ang kikitain niya para muling maitayo ang
kanilang barong-barong.
Bukod sa maruming tubig, may mga matatalas na bakal din sa ilalim
ng sapa. Si Miko, labing limang taong gulang, nasugatan ang paa matapos

8
lumusong upang mangalakal. Sa kabila nito, patuloy pa rin siya sa
paghahanap ng maibebentang basura. Malaking tulong daw kasi ang kinikita
niya upang maibsan ang gutom ng kaniyang pamilya.
Isa ang Pilipinas sa mga itinuturing na fastest growing economy sa Asya.
Pero ang masaklap na katotohanan, isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas
na bilang ng mahihirap sa mga bansa sa Asya. Sa tala ng National
Statistical Coordination Board, umabot na sa 23 milyong PIilipino ang
mahihirap o nabubuhay sa below poverty line. Kailan sila makaaahon sa burak
ng kahirapan? https://www.youtube.com/watch?v=V_m2egQWWVU&t=42s

Suriin ang bahagi ng pangungusap na may mga salungguhit na


matatagpuan sa itaas. Anong uri ng ugnayan ang napansin mo sa mga
ito? May mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresyong
nagpapahayag ng kaugnayang lohikal.
Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga
ekspresyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.

Gramatika
Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod
at ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang
ugnayan upang madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais
iparating ng nagsasalita o nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong
makikita sa ibaba ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng
mga pahayag.
1. Sanhi at Bunga – Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat
na maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang
mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga,
at iba pa ay madalas na ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:

 Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang


kanyang buhay.
 Ang maaga niyang pag-aasawa ay bunga ng kahirapan.
2. Paraan at Resulta – Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta.
Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:

 Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.


 Nagustuhan siya ng kanyang amo sa masipag niyang pagtatrabaho.
3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap
o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang
mga pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring
gamitin sa pahayag na ito.

9
Halimbawa:
 Hindi ka mananatiling mahirap kung magsisikap ka sa buhay.
 Hindi magiging ganyan ang iyong buhay kung nakinig ka sana sa iyong
magulang.
4. Paraan at Layunin – Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit
ang layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang,
para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
 Nagsikap siya nang husto sa pag-aaral para makatulong sa magulang.
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-
aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan
o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili
ay bunga ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata,
tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag
kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung gayon.
Halimbawa:
 Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang
duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre, kasama ang pang-ugnay na
na at nang.
Halimbawa:
 Nakatutulong ang konsepto ng ugnayang lohikal sa mabisang
pagpapahayag ng sanhi at bunga.
 Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang
napatunayan ko ito.
Hango sa Pinagyamang Pluma nina Dayag, Alma G. et al

10
MGA PAGSASANAY
Ang tatlong pagsasanay sa ibaba ay inihanda upang malaman
kung anong pagkatuto ang iyong natamo matapos ang talakayan.
Basahin at unawain mong mabuti ang panuto upang masagutan mo
nang wasto ang bawat bahagi nito.

PAGSASANAY 1
PANUTO: Piliin sa Hanay B ang ugnayang lohikal na mayroon sa mga
pangungusap na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot

HANAY A HANAY B
1. Sana naabutan mo siya kung maaga kang A. Kondisyon at Resulta
dumating. B. Pag-aalinlangan at
2. Napuri si Honesto sa kanyang pagsasabi
Pag-aatubili
ng katotohanan.
_____3. Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, C. Paraan at Layunin
dahil dito siya ang naging foreman. D. Paraan at Resulta
_____4. Tunay na ang kaginhawaan ay
E. Pagtitiyak at
makakamtan sa pagsusumikap.
_____5. Itinaas niya ang kanyang kamay upang Pagpapasidhi
mapansin ng guro. F. Sanhi at Bunga

PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat sa patlang ang ugnayang lohikal na mayroon sa pangungusap.
Bilugan naman ang eskpresyong hudyat na ginamit.

A. Kondisyon at Resulta D. Paraan at Resulta


B. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili E. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
C. Paraan at Layunin F. Sanhi at Bunga

_______1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami
nang parami ang mga batang nabibiktima ng pang-aabuso.
_______2. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan
ko ba ang mga batang ito o hindi.
_______3. Maganda na sana ang kanilang buhay kung hindi naging matigas ang
kanilang mga ulo.
_______4. Masusugpo ang problemang ito sa pamamagitan ng pagtutulungan.
_______5. Kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang maiwasan ang
problema.

11
PAGSASANAY 3
PANUTO: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit
ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking


bahagdan ng kabataang mag-aaral sa bansa.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang hakbang na


hindi pinag-isipan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATAMONG


PUNTOS
Nilalaman Pagsunod sa uri ng anyong 1
hinihingi
Balarila Angkop ang gamit na wika 1
Hikayat Lohikal na daloy ng ideya 1
Kabuoan 3

Ang pamantayang ito ay susundin sa bawat bilang, nangangahulugan


lamang na sa bawat bilang ay tatlong (3) puntos ang pinakamataas
na iskor na maaari mong matamo.

PAGLALAHAT
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang mga angkop na salita upang makabuo
ng isang pangungusap na naglalaman ng mahalagang konsepto kaugnay ng
ating aralin..

ang mahalaga pagpapahayag sa


konsepto nakatutulong pangungusap sanhi at bunga
ng ugnayang lohikal telebisyon mabisa

Konsepto: ____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Piliin ang angkop na kaisipang maaring iugnay sa larawan.

A. Larawan ng matinding kahirapan sa ating bansa.


B. Nagpapakita ng epekto ng kawalan ng hanapbuhay ng mga magulang.
C. Nagsilbing daan ang larawan upang maimulat ang lipunan sa
katotohanan ukol sa kaawa-awang kalagayan ng ilang kabataan.
D. Nagsisilbing inspirasyon sa buhay sa kabila ng kahirapan ang larawan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at suriin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong

Ayon sa National Statistical Coordinating Board, ang pamilyang Pilipino


na may limang miyembro ay dapat na may kitang Php. 8,251.00 upang
matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa badyet daw na Php.
275.00 kada araw, hindi sila maghihirap.
Ito ang inilantad ng I-Witness nang makilala nila si Mang Ronaldo. Si
Mang Ronaldo na walang regular na hanapbuhay ay nagtitinda ng prutas sa
tapat ng kanilang bahay kaya naman nakatutulong siya sa asawang
namamasukang tindera sa Divisoria.
Si Delma naman na ang asawa ay nagtitinda ng ice cream ay nakaraos sa
pang-araw-araw na gastusin sa labis na pagtitipid. Lahat yata ay tinipid niya;
ilaw, tubig, luho sa katawan at hindi nila binibili ang mga hindi kailangan.
Sa pagiging mapamaraan at matiisin, nabibili nila ang mga pangunahing
pangangailangan.
Totoo nga naman. Kung ang mamamayan ay may sistema, marunong
magtipid at talagang marunong magbadyet, walang maghihirap at walang mag-
asawang mag-aaway nang dahil sa pera.
Sanggunian: Kayumanggi Batay sa kurikulum na K-12 (Ikatlong Markahan)ni Perla Guerero, et. al

13
_____________1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. Paraan kung paano makararaos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
B. Paraan kung paano kikita nang malaki at mabibili ang mga luho.
C. Paraan kung paano makakukuha ng regular na hanapbuhay
D. Paraan kung paano makatutulong sa asawa sa pagtatrabaho.

_____________ 2. Sa pangungusap na may salungguhit sa unang talata, anong


salitang pang-ugnay ang ginamit?

A. dapat
B. kada
C. upang
D. sa.

_____________ 3. Si Delma naman na ang asawa ay nagtitinda ng ice cream ay


nakaraos sa pang-araw-araw na gastusin sa labis na pagtitipid. Ang
pang-ugnay na sa ay nagsasaad ng ____________.

A. Kondisyon at Resulta
B. Paraan at Layunin
C. Paraan at Resulta
D. Sanhi at Bunga

_____________ 4. Sa anong talata makikita ang pangungusap ng nagsasaad ng sanhi


at bunga?

A. Unang talata
B. Ikalawang talata
C. Ikatlong talata
D. Ikaapat na talata

_____________ 5. Kung ang mamamayan ay may sistema, marunong magtipid at


talagang marunong magbadyet, walang maghihirap at walang mag-
asawang mag-aaway nang dahil sa pera. Ang pang-ugnay na may kung
ay nagsasaad ng kamalayan

A. Kondisyon at Resulta
B. Paraan at Layunin
C. Paraan at Resulta
D. Sanhi at Bunga

14
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
AKLAT
Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017
Tiongson, Pat C. et al., Batikan 8. Quezon City: Educational
Resources Corporation, 2014
WEBSAYT
https://www.youtube.com/watch?v=V_m2egQWWVU&t=42s

https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/359198
/pangarap-sa-burak-ngayong-rnsabado-sa-reporter-s-notebook/story/

15

You might also like