You are on page 1of 3

11/27/21, 11:25 AM https://sites.google.com/site/ftuyac04/?

tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1

MGA ARALIN SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG


Ang Pagpapahayag o Diskurso-  Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang
tao.

PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO

(Punto de Vista/ Point of View)

PASULAT NA DISKURSO

}  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

}  Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti  na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)

}  Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan, retorika at iba pang elemento.

}  Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

2 paraan ng pagpapahayag o diskurso

1. Pasalita (verbal) – oral


2. Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra

2 uri ng pasalitang diskurso

1. Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)


2. Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

PASALITA

               SIKOLOHIKAL

-gawaing sosyal

-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;


-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at


-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic

               LINGGWISTIKA

-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita

https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1 1/3
11/27/21, 11:25 AM https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1

-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi

KOGNITIBO

-ang pagsasalita ay madaling natatamo


-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)

-ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling proseso

PASULAT

SIKOLOHIKAL

-gawaing mag-isa

-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;

-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang


ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na ginagawa; at

-walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat

-kailangang panindigan kung ano ang naisulat

               LINGGWISTIKA

-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa.

-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.

               KOGNITIBO

-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;


-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at

-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2
(pangalawang wika)

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

}  Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

}  Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

}  Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.

}   Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

       1. Ano ang aking isusulat?

https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1 2/3
11/27/21, 11:25 AM https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1

       2. Paano ko iyon isusulat?

       3. Sino ang babasa ng aking isusulat?

       4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

}  Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

}  Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso.

Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa  ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

2. Biswal na Dimensyon

Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga
nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na
siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1 3/3

You might also like