You are on page 1of 8

MODULE OF INSTRUCTION

Mga Sanligan sa Pagsulat sa Ibat ibang Disiplina

1.

Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

Pagsulat
pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapapagsalinan ng mga nabuong
salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kanilang kaisipan.
Kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa
ibat ibang layunin

1. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay


at mata.
2. Mental na aktibiti sapagkat ginagamit ang utak sa
pagsusulat.

ANG PAGSULAT AYON KINA:

Xing at Jin

Kahulugan
Ang pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba
pang mga element.
- Kaugnay nito ang pakikinig at pagbasa.
- Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang
isang
makrong
kasanayang
pangwika,
inaasahang masususnod ng isang manunulat
ang maraming tuntuning kaugnay nito.
- Maituturing ito bilang isang mataas na uri ng
komunikasyon sapagkat esensyal dito ang
napakaraming element at rekwayrment ng
gramatika at bokabularyo.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

Helen
Keller

Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at


kaligayahan.
Isang Biyaya- sapagkat ito ay isang kasanayang
kaloob ng Maykapal at eksklusib ito sa tao.
Isang
Pangangailangan
sapagkat
ang
kasanayang pakikinig,pagbasa, at pagsasalita ay
may malaking impluwensya upang maging
ganap ang pagbabago ng ating pagkatao.
Isang Kaligayahan sapagkat bilang isang sining,
maaari itong maging hanguan ng satispaksyon
ng sinuman sa kanyang pagpapahayag ng nasa
sa isip o nadarama.

Badayos

Ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa ay


isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging itoy pagsulat sa
unang wika o pangalawang wika man.
Sa pagkakataong ito, maaari nating
tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang
pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon
tayong magagawana pag-aralan ang wasto at
epektib na pagsulat.

William
Strunk E.B.
White
Kellogg

Ang pagsulat ay bumubuhay at humuhubog sa


kaganapan n gating pagiging tao.

a.

Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak,


gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay indi
matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.

Sosyo- Kognitib na Pananaw sa Pagsulat

Sosyo isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao


Kognitib anumang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa
mga emperikal O paktwal na kaalaman.
Sosyo-Kognitib na pananaw sa pagsulat- isang paraan ng
pagtingin sa proseso ng Pagsulat.
b.

Pagsulat bilang Multi-dimensyunal na proseso

Pagsulat isang biswal na pakikipag-ugnayan.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

Isang gawaing personal


*Ito ay tumutulong sa pag-unawa ng sariling
kaisipan,damdamin at karanasan.Isang gawaing sosyal.
* Nakatutulong ito sa ating pagganap sa ating mga
tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isat isa.
Dalawang Dimensyon ng Pagsulat:
1.

Oral na Dimensyon
-kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang
tekstong iyong isinulat , masasabing nakikinig na rin sya sa iyo.
-isang manunulat nga ang nagsabing ang isang akda ay
ekstensyon lamang ng pagkatao ng manunulat niyon.

2.

Biswal na Dimensyon
-ang dimensyong nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga
nakalimbag na simbulo.
-kailangan maisaalang-alang ang tuntunin sa pagsulat,upang
ang mga simbulong nakalimbag na syang pinakamidyum ng
pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng
manunulat.
-ang mga biswal na imahe ay mga istimulus sa mata ng mga
mambabasa
at magiging susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa
ating isinulat.
Kaugnay nito, pansinin natin ang paghahambing at
pagkokontrast sa dalawang dimension na halaw kay Badayos;

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

Mga Salik
Sikolohikal

Pagsasalita
Pagsusulat
-may kontekstong sosyal at may kontekstong sosyal bagamat
harapang interaksyon.
ang interaksyon ay hindi harapan.
-kailangang
gumagawa
ng
-may kagyat na pidbak sa maraming
pag-aakma
upang
anyong berbal o di berbal.
maisaalang-alang ang di-nakikitang
audience o mambabasa.
-gumagamit ng paralinguistic -minsan,awtor
mismo
ang
features (tigil,diin,lakas at gumaganap na tagabasa ng
intonasyon).
tekstong isinulat.
-gumagamit din ng mga extra -walang kagyat na pidbak.
linguistic features o mga nonberbal clues.
-nasa anyong linear,hindi na
mababawi
ang
nasabi
bagamat maaring baguhin.

Linggwistik

-maaaring maging inpormal.

Kognitib

-madaling
makamit
kasanayan.

-kailangan
mahusay
ang
paglalahad ng kaisipan upang
-maaaring ulitin,baguhin at maging malinaw ang teksto sa mga
linawin ang binitiwang salita mambabasa.
ayon sa reaksyon ng kausap. -mas mahaba ang konstruksyon ng
-maaari ang pag-uuli-ulit ng mga pangungusap at may tiyak na
mga pahayag.
istrukturang dapat sundin.
ang -natututuhan
sa
paaralan
at
kailangan ng pormal na pagtuturo
at pagkatuto.
-natututuhan
sa
isang
prosesong natural at tila -mas mahirap ang pagbubuo ng
walang hirap.
ideya sa pasulat na teksto kaysa sa
-ang pagsasalita ng inner pasalitang pagsasabi nito lalo na sa
speech sa aktwal na usapan pangalawang wika.
ay medaling proseso.

Layunin sa Pagsulat (Bernales, 2001)


1. Impormatib na pagsulat (Expository writing)
- Report ng obserbasyon, istatistiks, balita at teknikal o
business report
2. Mapanghikayat (Persuasive Writing)
- Proposal at konseptong papel, editorial, sanaysay,
talumpati
`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

3. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


- Maikling katha, nobela, tula, dula
Hakbang sa Pagsulat
A. Pre-Writing
- Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat
- Pagpili ng paksang isusulat
- Pangangalap ng datos
- Pagpili ng tono at perspektib na gagamitin
o Journal, brainstorming, questioning, interbyu,
sarbey,
oberbasyon,
imersyon
at
eksperimentasyon, pagbasa at pananaliksik
B. Actual Writing
- Pagsualt ng burador o draft
- Pagtatala (Simula, Katawan, at Wakas)
- Patula (Taludturan at saknong)
C. Rewriting
- Pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong
grammar at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o
lohika.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Akademik. Ang akademikong pagsulat ay yaong
ginagamit sa mga pag-uulat sa ibat ibang disiplina o
kurso ayon sa hinihinging pamantayan o istandard.
Maaari itong rebyu ng isang field work sa mga
asignatura sa agham panlipunan, book report o ulat
sa mga kurso sa wika, business report sa mga
kursong pangangalakal.
2. Teknikal. Kinikilala ito bilang isang may mataas na
antas ng pagsulat na nangangailangan ng mga
angkop na salita o jargon hinggil sa isang tiyak na
paksa o isyung siyentipiko o teknikal. Karaniwang
ginagamit ang sulating ito sa larangan ng agham,
matematika, medisina at iba pa. Kung minsan,
tinatawag din itong sulating transaksyunal.
3. Jornalistik o Pampamamahayag. Ito ay mga
pagsulat na pampalimbagan. Maaaring balita,
editoryal, lathalain, balitang pampalakasan, anunsyo
`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

at mga katulad nito na isinusulat dahil kailangang


magsaad ng katotohanan, katumpakan, at obhektibo
o walang kinikilingan.

4. Referensyal. Ang ganitong uri ng pagsulat ay


makikita sa ulat na ibinabatay sa mga naunang ulat
na may kaugnayan dito bilang sanggunian. Dito ay
binabanggit ang ilang tala na mula sa naunang ulat
na maaaring nagmula sa isang mapagkakatiwalaang
source gaya ng isang awtoridad, ahensya ng
pagbabalita o iba pang mapagsasanggunian upang
maging kapani-paniwala ang ulat. Sa mga ulat
pampananaliksik, makikita naman ito sa bibliyograpi o
talaan ng mga sanggunian na karaniwang makikita sa
hulihang bahagi ng aklat.
5. Malikhain. Masining na paglalahad ng naiisip at
nadarama at karaniwang ang wika ang binibigyangpansin dito. Ito ang uri ng pagsulat na ang
imahinasyon ng manunulat ang gumagana upang
makalikha ng karakter, senaryo, o pangyayari upang
makabuo ng kwento o tumalakay sa isang uri ng
sentral na paksa.
Mga Elemento ng Pagsulat
Ang pagsulat ay hindi isang hiwalay na proseso
kundi kaugnay ng ibat ibang gawaing pangkomunikasyon tulad
ng pakikinig, pagsasalita at pagbasa.Gayundin, kasama pa rin
sa prosesong ito ang pagpaplano, pag-aayos ng mga datos,
pagpapalawak ng paksa, pagsusulat, pagrerebisa at muling
pagsulat.
Dahil dito, itinuturing na isang multi-dimensyonal
na proseso ang pagsulat. Maraming kinasasangkutang
elemento ang pagsulat gaya ng mga sumusunod:
1. Manunulat. Ang isang manunulat ay
kinakailangang may sapat na kaalaman sa
proseso ng pagsulat. Mayroon siyang istilo na
naiiba sa iba upang kalugdan ng mambabasa
ang anumang akdang kanyang isinusulat.

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

2. Paksa. Para sa isang mahusay na manunulat,


walang bago o lumang paksa. Maaari niyang
gawing kawili-wili ang anumang paksa sa
pamamagitan ng kanyang sariling istilo sa
pagsulat.
3. Layunin. Batay sa pag-aaral ni James
Kinneavy (1971), may limang layunin sa
pagsulat at ito ang mga sumusunod:
Ekspresiv pagpapahayag ng niloloob
o nararamdaman ng isang tao.
Formulari pagsulat ng mga kasulatan
at
kasunduang
pangnegosyo,
transaksyong legal, at politikal.
Imaginativ malikhaing pagsulat na
pinag-uugatan ng mga tula, maikling
kwento, dula, awit at iba pa na likha ng
mayamang guniguni ng manunulat.
Informativ- pagsulat ng mahahalagang
impormasyon at ebidensya tulad ng
balita at iba pang sulatin na batay sa
mga tiyak na paksa at pangyayari.
Persweysiv
pagsulat
upang
makahikayat, makapagpaniwala
sa
mambabasa
tungo
sa
isang
nagkakaisang opinyon tulat ng editoryal.
4. Mambabasa. Sila ang tagatanggap ng
anumang produkto o awtput ng isang
manunulat. Dapat magkaroon ang manunulat
ng bakgrawnd ng kanyang mambabasa.
Maaaring ibatay niya ito sa lebel o antas ng
mga inaasahan niyang babasa ng kanyang
akda. Propesyunal ba o karaniwang mga
mamamayan? Bata ba o may sapat na
gulang?
Dapat
niyang
mabatid
ang
pangangailangan ng kanyang mambabasa
upang hindi masayang ang anumang likha ng
kanyang isip at panulat.
`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

MODULE OF INSTRUCTION

5. Wika o Lenggwahe. Ito ang pinakamahalaga


sa anumang elemento. Ito ang tulay upang
magkaunawaan ang manunulat at ang
mambabasa. Kailangang batid ng manunulat
ang
wikang
ginagamit
ng
kanyang
mambabasa. Walang kabuluhan ang anumang
produkto ng panulat kung hindi naman ito
nauunawaan ng babasa.

References
Badayos, Paquito B., et al (2011).
Molina, Glory Ann. (2014).

`Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

You might also like