You are on page 1of 3

Ang Pagpili ng Batis ng Impormasyon at Pagbasa at Pagbubuod ng Impormasyon 1

Filipino 3

Ang Batis
o ang pagpili ng wasto, naayon at balidong batid ay isang praktika sa ilalim ng kultura ng saliksik. Isa itong dambuhalang batayan sa kalidad
at kredibilidad ng pag-aaral.
o Makikita rin sa batis ang pagtitipon ng uri ng sulating binubuo. Kasama rin ditto ang balidasyon at beripikasyon ng mga detalyeng
ipinamamalas sa bawat teksto.
o Ang pagpili ng batis ay kontekswalisado ayon sa pangangailangan ng tekstong sinusulat.
o Isa itong kasanayang integrasyon ng kritikal at analitikal na pagbasa ng impormasyon.

Batis Batay sa Iskolarship nito


Iskolaring Batis
o Ito ay pagtitiyak na anumang dokumentong nakabatay sa mga saliksik at pag-aaral ng mga iskolar, guro at iba pang dalubhasa at
espesyalista sa isang tiyak na larag.
o Kilala rin ito sa tawag na sangguniang akademik, peer-reviewed o refereed.
Sa bahagi ng peer-reviewed sources, ang mga sangguniang ito ay nagdaraan sa serye ng pagsusuri at paghihimay ng mga rebyuwer batay sa
pamantayang akademik ng kanilang larang.

Katangian ng Iskolaring Batis


1. Inaasahang ang mga iskoraring artikulo ay nagtataglay ng mahigpit na pagsusunod sa mga tuntuning panggramatika;
2. Inaasahan din ang wastong pagpapangungusap samakatuwid tinitimbang din ditto ang ekonomiya ng mga salita at katumpakan sa
pagbabantas.,
3. Ang wikang gagamiting ay maaaring kompleks o akademik na maaring kakitaan ng desiplinari at teyoretikal na wika, a jargon;
4. Nilalagay rindito ang mga pangalan ng mga iskolar/ekspertong nagsagawa ng peer-review o tinatawag bilang mga referee;
5. Ang mga awtor ay mga iskolar o mananaliksik na kilala sa kanilang larang/ekspertis;
6. Idinaragdag din sa dulong bahagi ng anumang iskolaring artikulo ang tala ng reperensiya, talababa, bibliyograpiya, limbagan ng mga
unibersidad at iskoraling asosasyon
Halimbawa ng Iskolaring Batis
1. Papel/saliksik na nagmula sa mga akademikong kumperensiya;
2. Mga nalimbag na saliksik na nagdaan sa pagsusuri/peer-review,
3. Mga dyornal na nilimbag sa publikasyon ng mga iskolaring asosasyon;
4. Mga artikulong nagdaan sa pagsusuri/peer-review;
5. Mga rebyu ng mga iskorali at akademikong aklat at mga rebyu nito;
6. At iba pang sangguniang nagdaan sa preseso ng pagrerebyu ng iskolar.
Kadalasang ginagamit ang ganitong uri ng batis sa mga ss.:
1. Akademikong pananaliksik
2. Pamanahaong papel,
3. Pangkursong papel/pananaliksik;
4. Atbp uri ng pananaliksik gaya ng report sa mga organisasyon, tanggapan ng pamahalaan, at asosasyon.

Di – Iskolaring Batis
 Ito ay nagbibigay – impormasyon at nagbibigay – aliw sa publiko.
 Ang mga popular na batis ay kadalasang kinakatha ng mga mamamahayag at nagtataglay ng mga adbertisment at may pangunahing
layong kumita.
 Sumasaklaw sa mga balita at napapanahong pangyayari sa isang larang, mga magasin, mga balita sa pangkalahatang interes, mga profile
ng mga kilalang tao, at sulating nagtataglay ng political ng opinion.
 Ang isa pang uri ng di – iskolaring batis ay nagpapahintulot sa mga praktisyoner na magbahagi ng industriya, praktika at produksyon ng
impormasyon.

Uri ng Di – Iskolaring Batis (University of Southern California,2017)


1. Balita, pahayagan at mga material na time-based,
2. Mga babasahing sinulat para sa pangmaramihang pagbasa,
3. Mga sangguniang nakabatay sa adbokasiya o opinion,
4. Mga artikulong di – nagtataglay ng sapat na reperensiya mula sa iba pang batis,
5. Publikasyon at kompilasyon ng mga datos at estadistika,
6. Prinaryang batis,
7. Sangguniang pangkalakalan at pampropesyonal,
8. Reby ng mga di – akademikong aklat, pelikula, dula, obra at iba pang pagtatanghal, na hindi nagtataglay ng sapat ma haba at walang
bibliyorapikong konteksto.
Batis ayon sa Pinagmulan nito
Primaryang Batis
o Direkta at orihinal na ebidensya at patunay na may kaugnay sa mga bagay, enomena, pangayayari, kondisyon, sitwasyon o taong
sinaliksik.
o Ito’y tinuturing bilang pinakamalapit na koneksyon sa paksa.
o Hinahayaan ng primaryang batis ang isang mananaliksik na magsagawa ng pansariling interpretasyon kaysa sumasandig sa
interpretasyon ng iba tungo sa mas espektibong paglalahad ng impormasyon.
Hal.
1. Awtobiyograpiya ar memoirs
2. Iskolaring dyornal/artikulong nag-uulat ng bagong saliksik at natulaksan
3. Talaarawan, personal na liham at korespondensiya
4. Recording ng mga pandinig sa korte
5. Personal na email, blog, newsgroup
6. Pagsasalin ng isang orihinal na dokumento,
Ang Pagpili ng Batis ng Impormasyon at Pagbasa at Pagbubuod ng Impormasyon 2
Filipino 3

7. Mga patent ng mga natuklasan/imbensyon/nalikha/nakatha


8. Orihinal na larawan, guhit, poster, sining at musika
9. Manuskrito
10. Mga poll ng pampublikong opinion
11. Datos mula sa saliksik at estadistika gaya ng birth, marrage, & death certificates, trial transcripts atbp
12. Opisyal at di – opisyal na record/dokumento ng mga organisasyon at tanggapan ng pamahalaan,
13. Mga artifacts gaya ng kagamitan, salapi, barya, damit, muwebles atbp.

Sekondaryang Batis
o Ang pagsusuri sa anumang material o akawnt na nagmula sa isang orihinal na batis.
o Ang mga ito ay adalasang suri o kritik na nagtataya sa mga umiiral na datos o impormasyon.
Hal.
1. Mga rebyu ng mga panitikan at meta-pagsusuring kadalasang nanganganak ng panibagong pananaw o kongklusyon gaya ng mga
nagdaan sa peer-review
2. Mga komentaryo
3. Teksbuk
4. Mga rebyu at pagsusuri sa mga umiiral na larawan, guhit, poster, sining at musika
5. Biyograpiya
6. Opinyonado at replektibong pahayagan at mga artikulo nito
7. Diksiyonaryo at ensayklopedya

Tersaryang Batis
o Ito ay ang koleksyon, indeks at konsidasyon ng primary at sekondaryang batis.
Hal.
1. Guidebook
2. Almanac
3. Handbooks
4. Manwal
5. Bibliyorapiya
6. Mga abstrak, indeks atbp talang nagpapakita ng mga primary at sekondaryang batis.

Peer-reviewed – a process by which a scholary work (such as a paper o a research proposal) is checked by a group of
experts in the same field to make sure it meets the necessary standards before it is published or accepted.
Refereed – a person who review a paper & especially a technical paper & recommends that it should or should not be
published.
Ang Pagbasa
 Ay isang sikolinggwistikang laro ng panghuhula. (Goodman,1967)
 Isa itong proseso na sinusubok ng mambabasa ang teksto sa pamamagitan n pagbuo ng hipotesis, pagkukumpara o pagbabalikwas.

Estratihiya sa Pagbasa

1. Skimming
Ito ang pinapayak na estratehiya ng pagbasa at ginagamitan ito ng mabilis na paggalaw ng mata sa pagbasa.
Hindi ito nangangailangan ng pagbasa sa salita-sa-salita bagkus, binibigyang-pansin lamang ang mga topigrapikal na pananda gaya ng
mga nakaitalisado, naka-boldface, nakasalungguhit atbpng maaring marking magpakita ng susing salita sa teksto at hindo nagbibigay-
atensyon sa mga detalye nito.

Ang mga ss ang gabay sa pagsagawa ng Skimming:

Pagtuunang – pansin ang pamagat : mabilis na mapapakilala ng pamagat ang kabuoan ng teksto, bilang ito ang nagsisilbing mukha
ng binabasa,
Basahin ang una at huling talata : makatutulong ang pagbasa sa unang talagat sa skimming pagkat aglay nito ang mga pangunahing
detalye ng teksto at kung may mga sangay, hanapan ang mga ito ng relasyon sa pangunahing ideya, samantala ang huling talata
naman ang sentesis ng kabuoan ng teksto.
Hanapin ang mga pangunahing ideya ng bawat kasunod na talata : kadalasang nandito ang buod ng kabuoan ng bawat talata.
Subalit, mainam pa ring magkaroon ng pasalit na pagbasa sa mga bahaging maaring makatulong sa pag-unawa sa teksto.
Pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig at dibisyon : ang mga pahiwatig na nagpapakita ng ano, sino, bakit, paano at saan, ang
mga kakaibang salita sa teksto, mga enumerasyon atbpng salitang binibigyan ng diin ay makatutulong sa mabilisang pagbasa at
pamilyarisasyon ng teksto.

2. Scanning
Ito ang mabilisang pagbasa at paghahanap sa espisipikong detalye sa tekstong binabasa. Nangangailangan ito ng pagbasa mula sa itaas
hanggang sa dulo ng teksto.

Ang mga ss ang gabay sa pagsasagawa ng Scanning:

Parating isipin ang hinhanap : lagging isaisip ang layunin at hiahanap sa binabasa nang sa gayon ay hindi maligaw sa nais na
matagpuon makatutulong kung alam ang anyo ng hinahanap gaya ng salita, numero o parirala.
Surrin ang anyo ng organisasyon ng teksto : kung teksto ay maikli, may pagkakatong mabasa ang kabuoan ng teksto, subalit kung ito
ay mahaba, maaaring gumamit muna ng skimming upang matukoy ang bahagi ng tekstong i-scan
Basahin ang kabuoan ng teksto : sa oras na Makita ang impormasyong hinahanap, inaasahang babasahin ang kabohan ng teksto
para sa matamang pagsusuri nito.
Ang Pagpili ng Batis ng Impormasyon at Pagbasa at Pagbubuod ng Impormasyon 3
Filipino 3

3. Close Reading
Di tulad ng skimming at scanning, ang malapitan/kritikal na pagbasa ay tumutukoy sa malayunin at maingat na pagbasa. Inig sabihin,
isinasakatuparan ang pagbasa para sa isang layon at isagawa ito sa paraang maingat, masusi at estratedyik pagkat isinasama rito ang
pagdulog sa retorikal na katangian, elementong estruktural na reprensiya.

Layon ng pagbasang ito:

1. Maunawaan ang pagkalahatang diwa ng teksto,


2. Makalikha ng sariling teknik sa pag-unawa ng tekstong binabasa,
3. Mapagtulad at mapaghambing ang mga detalye nito,
4. Masuria yon sa nilalaman,
5. Maisanib sa iskema/karananasan ang kasalukuyang binabasa.

Apat (4) na yugto ng Close Reading (Fisher at Frey, 2015)

1. Unang Yugto (Literal Level) – what does the text say?


 Pinopokus nito ang mga mambabasa sa pangkalahatang detalye sa teksto, tuon nito ang mga lantay na impormasyon gaya ng
banghay nito, mga karakter, pangunahin at pansuportang detalye at ibpng hayag na detalyeng makakatulong sa pamilyarisasyon
sa nilalaman ng teksto.
2. Ikalawang Yugto (structural Level) – how does the text work?
 Ito ang nagsisilbing tulay sa una at ikatlong yugto pagkat sa yugtong ito, ang mga bahagi ng teksto ay ginagamit upang
ipaunawa ang kabuoan ng nito.
3. Ikatlong Yugto (Informal Level) – what does the text mean?
 Tinutulungan ng yugtong ito ang mambabasa na makabuo n pansariling hinuha ukol sa teksto.
4. Ika-apat na Yugto (Action-Oriented Level) – what does the text inspire you to do?
 Sa oras na natamo ng mababasa ang 3 yugto ay maarin na niyang maisakatuparan ang ikaapat na yugto. Pinakikilos ng teksto
ang mambabasa sa paraang may aktwal na gawain o pagkilos na gagawin ang mambabasang nagmula sa teksto.

Inihanda ni:
Ma. Crisalee A. Hagos
Instructor

You might also like