kali- nangan at sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatwid ang kanilang alpabeto ay tinatawag na alibata. Ito ay binubuo ng la- bimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig. Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/ o /i/; halimbawa ay ang _____. Kung ang tuldok naman ay nasa ilalim, ang kasamang patinig ng katinig ay /o/ o /u/; halimbawa: _________. Ayon sa teorya ni Padre Pedro Chirino na ang ating sinaunang Pili- pino ay sumulat nang pabertikal mula sa taas Paibaba at pahorizontal mula kaliwa pakanan. Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lu- mang alibata ng alpabetong Romano. Itinutu- ring ito na isa sa pinakamahalagang impluwen- sya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Ang alpabetong ito ay tinatawag na abecedario. A B C CH D E F G H /a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ I J K L LL M N N
/i/ /hota/ /ke/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/
O P Q R RR S T U
/o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/ /te/ /u/
V W X Y Z /ve/ /double u/ /ekis/ /ye/ /seta/ Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng da- ting Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga panta- nging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang da- ting Abakada. Iminungkahi nilang idagdag ang C, CH, F, J, N, LL, Q, RR, V, X, AT Z na gagamitin sa pagbaybay ng mga salitang hiram at mga panta- nging ngalan. May ilang mungkahi ang ikinonsi- der kaugnay nito. Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang primarya, ang mga mungkahing pag- babago ay hindi tinanggap ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hang gang unang pitong buwan ng 1987. Nagkaroonlamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabetonoong mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkaga- waran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pa- magat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu’t wa- long titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa enye. Dalawang mahalagang linggwistikong prinsipyo ang isinaalang-alang sa pagbabalang- kas ng mga tuntunin sa ispeling noong 2001. Ito ay ang a.) simplisidad at ekonomiya, at b.) pleksibilidad. Ang layunin ng proyektong ito – ang makapagbigay-gabay sa panghihiram na anyo upang makapag- ambag sa istandardisasyon at leksikal na elaborasyon ng pambansang wika. Pagsusulit 1. Angkop ba ang pamagat ng pelikula sa nilala- man nito? Bakit? 2. Anu-anong mga positibo at negatibong kau- galian ang nakikita ninyo sa pelikula? Kailangan bang ito ay manatili o hindi? Bakit? 3. Anong mga simbolismo ang nakita mo na nagpapakita sa pagiging Filipino? Ipaliwanag ang bawat simbolismo. MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY SALITA Hal. Boto= /bi-o-ti-o/ Pantig Hal. A= /ey/ la= /el-ey/ Daglat Hal. Bb. = Kapital bi- bi/ Akronim Hal. PSLF = (Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino) Daglat Hal. MLQ = Manuel L. Quezon