You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
LUNGSOD NG DABAW
TIN: 000-863-958
Tel. Nos.. 224-3274/224-0100/224-3274/227-4726
221-0059/222-1672/2218587/224-0854/225-3600
==============================================================================
Research-Workshop Output Template No. 1
I.Concept Development

Name: Amor Mallari - Garduque School: STA ANA NATIONAL HIGH SCHOOL District: 1

Suliranin: Estratehiyang Literature Circles at Antas ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga Piling


Mag-aaral na nasa Ikasiyam na Baitang sa Sta. Ana National High School

Layunin: Nilalayon ng pananaliksik na ito na mataya ang antas ng kahusayan ng estratehiyang


ginamit ng guro sa pagtuturo ng Noli Me Tangere at ang masuri ang antas ng
kasanayan sa pagbasa ng mga piling mag-aaral na nasa ikasiyam na baitang.

Inaasahang Baryabol at Talaguhitan:

Malayang Baryabol Di malayang Baryabol

Antas ng kasanayan sa
pagbasa ng mga mag-aaral
Estratehiyang Literature
Circles batay sa
Paksa: Pre-test at Post-Test
Estratehiyang Literature Circles at Antas ng
Kasanayan sa Pagbasa ng mga Piling
Mag-aaral na nasa Ikasiyam na Taon sa Sta. Ana National High School

Paglahad ng Suliranin:

1. Ano ang marka ng pre-test ng mga piling mag-aaral sa ikasiyam na taon bago ang
implementasyon ng estratehiyang Literature Circles sa pagtuturo ng Noli Me Tangere?

2. Ano ang marka ng post – test ng mga piling mag-aaral sa ikasiyam na taon bago ang
implementasyon ng estratehiyang Literature Circles sa pagtuturo ng Noli Me Tangere?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang estratehiyang Literature Circles sa


kasanayan sa pagbasa ng mga piling mag-aaral na nasa ikasiyam ng taon sa Sta. Ana
National High School?

Operasyunal na Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang estratehiyang Literature Circles ay pagtukoy sa nakatagong mensahe sa


binasang akda sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Hinihikayat ang isang mag-aaral
na makapagbahagi ng kanilang payak na interpretasyon sa binasang akda.

Ang kasanayan sa pagbasa ay tumutukoy sa abilidad na maunawaan ang teksto


sa maikling oras batay sa limang dimensyon ng pagbasa – pagbasang literal, pagbasang
naghihinuha, muling pagsasaayos, pagpapahalaga at pagtataya.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
LUNGSOD NG DABAW
TIN:000-863-958
Tel. Nos. 224-3274/224-0100/224-3274/227-4726
221-0059/222-1672/221-8587/224-0854/225-3600
======================================================================================
=======

Research-Workshop Output Template No. 2:


Method

Name: School: STA ANA NATIONAL HIGH SCHOOL

Disenyo ng Pananaliksik:

Ang gagamitin sa pag-aaral ay deskriptib-komparatibong disenyo sa


pamamagitan ng paired sample test na pamamaraan ng pananaliksik sa pagsusuri ng
mga makukuhang datos.

Mga Respondent at Sampling Teknik:

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang tatlumpung mag-aaral sa


Baitang 9, Panuruang Taon 2015-2016 sa pamamagitan ng purposive sampling.

Ganapan ng Pananaliksik

______Ang pag-aaral ay isasagawa sa Mataas na Paaralan ng Sta. Ana, Main Campus.

Uri ng Datos na Ginamit:

Ang ginamit na mga datos ay ang datos sekundarya o tanging mga iskor ng
panimula at panapos na pagtataya.

Estadistikal na Pangangailangan

1. Mean________________
2. Standard Deviation_____
3. Paired Sample test_____
4. Eta squared___________

You might also like