You are on page 1of 7

Kabanata 3

Pamamaraan ng Pag-aaral

Sa kabanatang ito makikita ang pamamaraang gagamitin sa

pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik na ito. Dito nakapaloob

ang disenyo ng pananaliksik, lugar, populasyon at mga manunugon,

mga instrumento, paraan ng pagkalap ng impormasyon, etikal na

konsiderasyon at pag-aanalisa ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito ay deskriptibong

disenyo at korelasyonal na disenyo na nakapaloob sa kwantiteytib.

Ang deskriptibong disenyo ay naglalayong ilarawan ang katangian

ng populasyon o sitwasyon. Ang korelasyonal na disenyo ay

naglalayong siyasatin ang ugnayan ng mga baryabol sa tulong ng

pagsusuri gamit ang istatistika. Ang deskriptibong disenyo ay

naaayon na gamitin sa pananaliksik na ito sapagkat nais malaman

ng mga mananaliksik ang mga estratehiya sa pakikinig na maaaring

ginagamit ng mga mag-aaral sa Senior High School. Nais din

malaman ng mga mananaliksik ang antas ng pag-unawa sa pakikinig

ng mga Senior High School. Sa tulong ng deskriptibong disensyo ay

magagawa nitong ilarawan at malaman ang mga estratehiya sa

pakikinig at antas ng pag-unawa sa pakikinig ng mga Senior High

School. Ang korelasyonal na disenyo ay naaayon ding gamitin

sapagkat nais malaman ng mga mananaliksik ang ugnayan ng mga

1
baryabol sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng korelasyonal na disenyo

ay magagawa nitong malaman ang ugnayan ng kognitiv, metakognitiv

at sosyal/apektib na estratehiya sa pakikinig at antas-pang-unawa

sa pakikinig na literal, interpretative at kritikal na pang-

unawa.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagutan ang bawat

katanungan upang malaman at mabigyang kasagutan ang problemang

nakikita sa pag-aaral na ito. Layuning malaman ang mga

estratehiya sa pakikinig at antas ng pag-unawa sa pakikinig ng

mga mag-aaral sa Senior High School na magiging gabay sa pagbuo

ng kagamitang panturo para sa mga mag-aaral.

Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Maligaya National High

School. Ito ay nakapokus sa mga estratehiya sa pakikinig at

antas-pang-unawa sa pakikinig na gagamitin bilang batayan sa

pagbuo ng kagamitang panturo sa mag-aaral ng Senior High School

sa Maligaya National High School. Ang Maligaya National High

School ay matatagpuan sa Barangay Maligaya, Palayan City, Nueva

Ecija. Ang populasyon nito sa senior high school na tinukoy ng

census ay 500.

2
Populasyon at mga Manunugon

Ang mga respondente ay titipunin mula sa lahat ng seksyon na

kukuha ng iba’t ibang strand sa Senior High School sa Maligaya

National High School. Sa pagtukoy sa mga talaan ng paaralan,

titiyakin ng mananaliksik na sasagutin ng lahat ng seksyon ang

sarbey na talatanungan at standard test na inihanda ng mga

mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng cluster sampling na

proseso upang malaman ang bilang ng mga respondente sa

pamamagitan ng g-power o sloving formula na magkakaroon ng survey

na schedule para sa pagsasagot ng mga respondente sa

talatanungang inihanda ng mga mananaliksik.

Ang Senior High School sa Maligaya National High School ang

napiling respondente ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito

dahil sila ang may mas kakayahang sagutin ang mga tanong na

nakapaloob sa pag-aaral na ito tungkol sa estratehiya sa

pakikinig. Sila rin inaasahang mag-aaral na magiging kolehiyo na

mag-aaral sa mas mahirap na mga aralin kung kaya nais malaman ng

mga mananaliksik ang kanilang estratehiya sa pakikinig at antas

ng kanilang pag-unawa sa pakikinig upang matulungan silang

mapalawak at mapataas ang kanilang antas sa pag-unawa sa

pakikinig. Nais din ng mga mananaliksik na maging handa at

3
magamit ng tama ang mga estratehiya sa pakikinig pagtuntong ng

kolehiyo ng mga mag-aaral sa Senior High School.

Ang Instrumento

Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng talatanungan sa mga

respondente na mula sa pag-aaral ni Xiaoli Bao 2017 na isinalin

sa wikang Filipino upang malaman ang kanilang estratehiya sa

pakikinig na madalas nilang gamitin. Ang talatanungan ay binubuo

ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay naglalaman ng

talatanungan para sa propayl ng mga respondente at metakognitiv

na estratehiya. Ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga

talatanungan para sa kognitiv at sosyal/apektib na estratehiya.

Ang talatanungan para sa mga estratehiya ay binubuo ng 24 na

aytem. Ito ay sasagutan sa pamamagitan ng pag-tsek sa likert

scale (hindi kailanman, bihira, minsan, madalas, palagi). Ang

bilang 1 ay nangangahulugang hindi kailanman, ang bilang 2 ay

bihira, ang bilang 3 ay minsan, ang bilang madalas 4 ay at ang

bilang 5 ay palagi. Ang mga talatanungan na gagamitin ay ang mga

sumusunod:

Talatanungan para sa propayl- Nakapaloob dito ang wikang

sinasalita sa bahay, antas ng baitang sa Senior High School at

strand.

4
Talatanungan para sa Mga Estratehiya sa Pakikinig- Dito

nakapaloob ang kognitiv na estratehiya, metakognitiv na

estratehiya at sosyal/apektib na estratehiya. Ang talatanungan ay

binubuo ng 24 na aytem. Ang talatanungan para sa metakognitiv na

estratehiya ay 11 na aytem, ang kognitiv ay 7 na aytem, at 5 na

aytem para sa sosyal/apektib na estratehiya. Ang talatanungan ay

kinuha sa pag-aaral ni Xiaoli Bao noong 2017 may kaugnayan sa

pananaliksik na ito.

Antas Diskripsyon Iskor


Literal na Nakapokus sa mga ideya at impormasyong 0-14
Pang-unawa tuwirang nakalahad sa teksto.
Interpretativ Hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit 15-29
na Pang-unawa napakahiwatig lamang.
Kritikal na Naibabahagi ang sariling 30-45
Pang-unawa paninindigan ayon sa kaangkupan,
pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-
siya ng akda.

Bumuo ang mga mananaliksik ng isang podcast patungkol sa

kwentong “Ang Pangarap ng Pangit na Prinsesa” ni Ruth Elynia S.

Mabanglo na bahagi ng aralin ng mga respondente. Ito ang magiging

batayan upang makasulat ang mga respondente ng isang repleksyon

na bibigyan ng iskor sa pamamagitan ng rubirks. Ang kanilang

magiging iskor ay magiging batayan upang malaman ang antas-pang-

unawa sa pakikinig na literal, interpretativ at kritikal na pang-

unwa sa pamamagitan ng 3 point scale.

3 Point Scale

Paraan ng Pagkalap ng Impormasyon

5
Ang mga mananaliksik ay manghihingi ng pahintulot sa punong

guro ng Maligaya National High School at sa mga guro ng mga mag-

aaral sa bawat strand sa Senior High School. Kapag pinayagan ang

mga mananaliksik na gawing respondente ng pag-aaral na ito ang

mga mag-aaral sa Senior High School ng Maligaya National High

School, ang mga mananaliksik ay aalamin kung anong araw at oras

maaaring kumuha ng datos mula sa mga respondente. Ang pangangalap

ng datos ay gagawin sa taong 2021-2022. Ang mga mananaliksik ay

kailangan na ipaliwanag ang panuto sa mga respondente kung paano

sasagutan ang bawat talatanungan. Ang mga mananaliksik at mga

guro ng bawat strand ay babantayan at gagabayan ang mga

respondente sa pagsagot sa mga talatanungan hanggang sila ay

matapos. Kung mayroong mga tanong na hindi maunawaan ang mga

respondente, ito ay kailangan na ipalinawag at bigyang linaw sa

kanila upang lubos itong maunawaan. Pagkatapos mangalap ng mga

mananaliksik ng impormasyon mula sa mga respondente, ito ay

susuriin at bibigyang kahulugan gamit ang istatistikal na

kagamitan.

Pag-aanalisa ng Datos

6
Ang mga sumunuod na istatistikal na kagamitan ay gagamitin

sa pag-aanalisa at pagbibigay kahulugan sa mga datos:

1. Para malaman ang propayl ng mga mag-aaral sa Senior High

School, gagamitin ang frequency count at percentage.

2. Para malaman ang mga estratehiya ng mga mag-aaral sa Senior

High School, gagamitin ang average formula.

3. Para malaman ang antas ng pag-unawa sa pakikinig ng mag-aaral

sa Senior High School, gagamitin ang raw score, ribriks at rating

scale.

4. Para malaman kung magkaugnay ang profayl ng mga mag-aaral sa

Senior High School at mga estratehiya sa pakikinig, gagamitin ang

pearson product moment correlation or pearson r formula.

5. Para malaman kung magkaugnay ang mga estratehiya sa pakikinig

at antas ng pag-unawa sa pakikinig, gagamitin ang pearson product

moment correlation or pearson r formula.

6. Ang resulta ng pag-aaral ay gagamitin bilang batayan sa pagbuo

ng kagamitang panturo para sa mga mag-aaral sa Senior High

School.

You might also like