You are on page 1of 4

P a h i n a | 21

KABANATA III
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng deskriptibong metodo na gagamitin sa pag-aaral o

pananaliksik na ito, mga prosesong dapat sundin o susundin, respondente ng pag-aaral,

pagsasaayos ng mga datos at mga prosesong gagamitin sa pananaliksik na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang qualitative descriptive na metodo ang gagamitin para malaman ang epekto ng

pagbibigay ng positibong feedback ng guro sa mga piling Senior High School ng Bagong Barrio

National High School- Annex. Ang pakikipanayam at sarbey ang gagamitin ng mga

mananaliksik para sa pagkuha ng mga kinakailangan at sapat na datos o impormasyon para sa

pananaliksik na ito. Talatanungan ang magsisilbing instrumento ng sarbey. Ang deskriptibong

sarbey ang gagamitin dahil ito ay siguradong makapagbibigay ng tamang datos na hinahanap ng

mga mananaliksik. Para sa karagdagang kaalaman, ito rin ay maglalarawan ng katangian ng

pinag-aralan.

Ang quantitative descriptive na metodo ay naglalayong makakapagbigay ng sapat na

hinihinging impormasyon sa pananaliksik na ito.

Ang Sarbey ay isang pamamaraan ng pananaliksik na may kinalaman sa paggamit ng

talatanungan upang mangolekta ng datos tungkol sa kanilang saloobin, ideya, at pag-uugali.

Sa pagtatakda ng sarbey, piling mag-aaral lamang ng Senior High School ng Bagong

Barrio National High School- Annex ang magiging respondente para sumagot sa talatanungan at
P a h i n a | 22

ilang tanong sa pakikipanayam. Ang mga tanong na sasagutan ng bawat respondente ay umiikot

lamang sa paksa na sinasaliksik.

Sa pagsisimula ng pagbibigay ng talatanungan, inaasahang babantayan ng mga

mananaliksik ang mga respondenteng sumasagot sa talatanungan. At matapos makuha ang mga

impormasyon na kakailanganin sa pananaliksik, inaaasahan na ang masusing pagsusuri sa mga

impormasyong nakalap.

Distribusyon ng Respondente

Seksyon ng Senior High

School at ilang mga guro Numero ng Respondente

ng BBNHS-Annex
General Academics 1 Limang (lalaki at babae) 10
General Academics 2 Limang (lalaki at babae) 10
Humanities 1 Limang (lalaki at babae) 10
Mga Guro Lahat ng Guro ng SHS 8
Total ng respondente 38

Introduksyon:

Ang aming grupo ay nagsasagawa ng sarbey upang malaman ang rason sa likod ng

aming napiling paksa na “Epekto ng positibong puna sa akademikong perpormans ng mag-aaral

ng Senior High School ng Bagong Barrio National High School-Annex” bilang pagtupad sa isa

sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik. Ito

ay gagamitin lamang sa pananaliksik at ito ay mananatili lamang na konpidensyal. Kung kayo ay

mayroong katanungan bukas ang aming grupo na sagutin ito sa abot ng aming makakaya.

Maraming salamat.
P a h i n a | 23

1. Nakatanggap ka na ba ng positibong puna sa iyong mga guro?

Oo Hindi

2. Ano ang madalas mong natatanggap na positibong puna mula sa iyong guro?

Simpleng positibong puna Konstruktibo na positibong puna

3. Bilang mag-aaral sa iyong palagay mahalaga ba ang pagbibigay ng positibong puna?

Oo Hindi

4. Madalas ka bang nakakatanggap ng positibong puna mula sa iyong guro pagkatapos ng

klase? Oo Hindi

5. Sa iyong palagay nararapat lamang ba na magbigay ng puna ang guro mula sa gawain ng

mag-aaral? Oo Hindi

6. Bilang mag-aaral, ano ang mas nakakatulong sa iyong akademikong perpormans?

Simpleng positibong puna Konstruktibo na positibong puna

7. Sa tuwing ang iyong guro ay nagbibigay ng feedback o puna sa paanong paraan niya ito

ibinigay? Mahinahon Lubos na mahinahon


P a h i n a | 24

8. Ano ang madalas mong nararamdaman sa tuwing nakakatanggap ka ng positibong

pagpuna mula sa iyong guro? Maikling paliwanag.

9. Ano ang iyong naging tugon matapos kang makatanggap ng positibong puna? Maikling

paliwanag.

10. Bilang mag-aaral ang positibong pagpuna ba a nag-uudyok sa iyo upang matuto?

Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon Lubos na hindi Sumasang-ayon

You might also like