Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sarbey kwestyuner bilang pangunahing
instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pagaaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat, ang una ay demograpikong propayl ng respondante at ang sarbey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang sarbey ay nagbibigay ng iba’t ibang perspersyon sa mga mag-aaral kung sa paanong paraan nakakaapekto ang pagtatrabaho sa pag-aaral. nagsagawa rin ang mananaliksik ng panayam sa piling manggagawang mag-aaral upang makakalap ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa pag-aaral.