You are on page 1of 3

HISTORIKAL NA PANANALIKSIK

Ito ay isang sistematikong disenyo ng pangangalap at pagtataya ng datos na may layuning


ilarawan, ipaliwanag, at unawain ang mga aksiyon at pangyayari sa nakalipas sa pinakatugmang
interpretasyon.
KWALITATIBONG PANANALIKSIK
Ito ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos
ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na pamamaraan gaya ng
open-ended surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsiyon na kalimitang ginagawa sa iba't
ibang disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan (Trochim, Donnelly, at Arora (2014).
KWANTITATIBONG PANANALIKSIK
Ito ay anyo ng pananaliksik na nakatuon sa numerikal na datos. Ayon kay Babbie (2010), tuon
nito ang obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri ng mga nakalap na datos gamit ang
structured research instrument. Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan ang pagkiling sapagkat ang
mga datos ay nakabatay sa estadistika na ginamitan ng isang estandardisadong numerikal na
pormula. Bagama't itinuturing na "numerically significant" ang ganitong pananaliksik, hindi
naman maitatangging isa sa kahinaan nito ang kawalan ng malalim na pagsusuri sa opinyon ng
tao.
PENOMENOLOHIYA
Ito ay uri ng pananaliksik na nakatuon sa buhay na karanasan ng mga kalahok sa pananaliksik
ukol sa isang penomenon. Layunin ng ganitong pananaliksik na direktang imbestigahan at
isalaysay ang isang penomenon na malay na naranasan ng tao. Kalimitang ginagamit ang
panayam, obserbasyon, pagsusuri ng naratibo, at pagdodrowing sa pangangalap ng
impormasyon.
ACTION RESEARCH
Ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon, o
komunidad. Sa ganitong uri ng pananaliksik, kalimitang kabahagi ang mga mananaliksik sa
paksang pinag-aaralan.
EBALWATIBO
Pagsusuri ng kalagayan ng isang proyekto, programa, institusyon, sistema, o pamamalakad sa
pamamagitan ng pagsukat sa iba't ibang aspektong bumubuo rito na may layuning paunalarin ang
kabuuang sistema. Sa ganitong disenyo ng pananaliksik, madalas na tinitingnan ang kalakasan at
kahinaan ng mga nabanggit.
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
Ito ay uri ng pananaliksik na may layunin na ikumpara ang dalawang varyabol na pinag-aaralan
sa pamamagitan ng pagtukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paksang pinag-aaralan.
ETNOGRAPIYA
Layunin ng disenyong ito na pag-aralan ang isang penomenon sa konteksto ng kulturang
nananahan sa nasabing lipunan. Mahalaga ito sapagkat nagbibigay ito ng malalim na kaalaman
ukol sa sistemang politikal, ekonomiko, at kultural ng isang lipunan. Pinag-aaralan din sa
ganitong uri ng disenyo ang interaksiyon, ugali, kilos at paniniwala ng mga tao sa nasabing
lipunan.
SARBEY
- ay tumutukoy sa sistematikong pamamaraan ng pangangalap ng datos kung saan ang mga tao
ay tinatanong ukol sa kanilang saloobin o opinyon hinggil sa isang paksa. Maaaring isagawa sa
pamamagitan ng paglikha ng isang talatanungan na pasasagutan at panayam sa mga kalahok sa
pag-aaral na mula sa isang populasyon (Trochim, Donnelly, at Arora (2014).
Telephone Survey.
Gumagamit dito ng telepono upang alamin ang opinyon, saloobin o pulso ng target na kalahok sa
pag-aaral hinggil sa isang partikular na isyu o paksa ng pananaliksik. Random na pinipili ng mga
mananaliksik ang mga kalahok sa pag-aaral gamit ang random-digit dialing.
ELECTRONIC MAIL SURVEY.
Ito ay anyo ng metodong sarbey na ang mga talatanungan ay ipinapadala sa e-mail ng mga target
na kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng attachment.
WEB SURVEY/ONLINE SURVEY.
Ito ay sarbey na isinasagawa sa isang website. Gamit ang web browser ay nagagawang
makapunta ng mga kalahok sa nasabing website upang sagutin ang mga talatanungan. Ang
ganitong paraan ay mabisang gamitin sa mga sample na magkakahiwalay ang lokasyon. Ilan
naman sa mga kahinaan nito ay ang potensiyal ng pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga
datos.
DUAL-MEDIA SURVEY.
May dalawang pamamaraan ito upang masagutan ng mga kalahok sa pag-aaral ang talatanungan
- electronic mail o web survey. Sa puntong ito ay binibigyang-laya ang kalahok na pumili ng
metodo na mas komportable siyang gamitin.
PANAYAM/INTERBYU.
Ito ay direktang nakikipag-usap ang mga mananaliksik sa kalahok sa pag-aaral upang makakuha
ng impormasyong makasasagot sa mga suliranin. Ayon kay Keyton (2015) ito ang pinakapratikal
at epektibong metodo sa isang kwalitatibong anyo ng pananaliksik na naglalayong malaman ang
nararamdaman at kung papaano mag-isip ang mga tao.
NAKABALANGKAS NA PANAYAM/STRUCTURED INTERVIEW.
Tinatawag ding standardized interview. Ang mananaliksik ay may nakahanda nang listahan ng
mga tanong sa kalahok. Layunin nitong walang makaligtaang tanong sa buong proseso ng
panayam. Sa ganitong uri ng interbyu, may kontrol ang mananaliksik sa daloy ng talakayan.
Bahagyang Nakabalangkas na Panayam/Semi-structured Interview.
Taglay nito ang parehong katangian na mayroon ang structured at unstructured interview.
Nakabalangkas na ang mga tanong at may kalayaan ang mananaliksik na magtanong batay sa
sagot ng kinakapanayam na hindi nagagawa sa isang structured interview lalo na kung
nangangailangan pa ng pagpapalalim at pagpapalawak.
OBSERBASYON.
Inoobserbahan ng mananaliksik ang mga kalahok at iba pang bagay na may kaugnayan sa pag-
aaral na makapagbibigay rin ng kasagutan at impormasyon. Maaari itong purong kalahok
(complete participant), kalahok bilang tagamasid (participant as observer), tagamasid bilang
kalahok (observer as participant), at purong tagamasid (complete observer).
Ginabayang Talakayan/ Focus Group Discussion.
Uri ng talakayan na ginabayan ng isang indibidwal na nagsisilbing facilitator ng usapan na
binubuo ng 5 hanggang 10 kalahok na maaaring pinili gamit ang snowball sampling technique at
purposive sampling technique. Kadalasan ay umaabot hanggang 90 minuto depende sa
partisipasyon ng bawat kalahok.
PURONG KALAHOK (COMPLETE PARTICIPANT).
Sa complete participant, nagpapanggap ang mga mananaliksik na mga bahagi mismo ng grupo
upang unawain ang ugali at kilos ng paksang pinag-aaralan
KALAHOK BILANG TAGAMASID (PARTICIPANT AS OBSERVER).
Ang mananaliksik ay tumatayong kalahok at tagamasid. Sa uring ito ay malay na ang mga
miyembro ng grupong pinag-aaralan na may nagaganap na pananaliksik.
TAGAMASID BILANG KALAHOK (OBSERVER AS PARTICIPANT).
Tagamasid o observer ang tuon ng mga mananaliksik
PURONG TAGAMASID (COMPLETE OBSERVER).
Tagamasid lamang ang mga mananaliksik
PAGSUSURI NG NILALAMAN/CONTENT ANALYSIS.
Ang metodong ito ay kalimitang ginagamit sa kwalitatibong disenyo ng pananaliksik.
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga nasusulat na teksto upang malaman ang tunay na kahulugan
ng isang pahayag, konsepto, o kaalaman

You might also like