You are on page 1of 2

Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang Buhay ng adik sa Lungsod ng Cavite ay


naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang Demograpikong Profayl ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamut batay sa:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Tirahan
2. Anong particular na droga ang pinagkalulungan?
3. Sa anong paraan ka nahikayat upang gumamit ng droga?
4. Bakit sya nalulong?
5. Paano niya sinimulang magbago?

Haypotesis
Tinataya ng mananaliksik ang sumusunod na haypotesis ng pag-aaral na:

Walang makabuluhang pinagkaiba ang mga taong nakatira sa lungsod ng Cavite at ibang
lugar sa Pilipinas dahil parehas silang gumagamit ng droga.
Walang makabuluhang pagkakaiba ang kasarian sa pag-gamit ng ipinagbabawal na
gamot.

Saklaw at Hangganan
Ang pag-aral hinggil sa Buhay ng Adik sa Lungsod ng Cavite ay lubhang malawak
kung ito ay aaralin. Kung kayat minabuti ng mananaliksik na saklawin lamang ang tatlong
taong nalulong sa ipinagbabawal na gamut at nakapagbagong buhay na nakatira sa mga lugar na
sakop ng lungsod ng Cavite.

You might also like