You are on page 1of 5

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa pag-

aaral, instrumentong ginamit at estadistika sa pagpapakahulugan ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito, gumamit ang mananaliksik ng kuwalitatibo sa pag-aanalisa ng

mga dokumento sa pag-aaral na ito. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga

talatanungan sa pamamaraan ng closed ended question upang makakalap ng mga datos

mula sa mga respondente na magagamit at makakatulong sa nasabing pag-aaral. Ang

kuwalitatibong pananaliksik ay ang naaangkop upang matukoy ang epekto ng modyular

na pag-aaral kung saan ang mananaliksik ay mangangalap ng datos sa pamamagitan ng

persepsyon at mga karanasan sa pagkatuto sa modyul na pamamaraan.

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Saint Joseph

Academy. Gagamit ang mga mananaliksik ng qouta sampling na pamamaraan upang

magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay

mga piling mag-aaral na nasa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo. Binubuo ito ng

dalawampu’t isa (21) na respondante.


Instrumento ng Pananaliksik

Mas minabuti ng mga mananaliksik na magplano at pag isipan ng maayos ang

mga katanungan sa nabuong sarbey kwestyoneyr. Kung saan sarbey ang naging

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay naglahad ng mga talatanungan upang maibatid ang mga suliranin ng

mga mag aaral. Ang talatanungan ay binubuo ng apat na hanay na may naglalaman ang

bawat hanay ng isa hanggang lima na pagpipilian kung saan masusukat kung gaano ka

sang-ayon ang bawat respondente.

Konstruksyon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan ukol sa

mga suliranin ng mga mag aaral. Kung saan ito ay naging batayan upang madaling

mahanap ang mga kasagutan. Ang mga katanungan ay pinag isipan at pinag aralan ng

mabuti ng mga mananaliksik upang maging batayan ng mga respondente para mabigyan

kasagutan ang mga suliranin sa pananaliksik na sinasagawa.

Balidasyon. Ang mga mananaliksik ay kumunsulta sa kanilang guro sa Filipino

upang ipasuri ng mabuti ang mga katanungan na naisagawa sa kwestyunaryo.

Distribusyon. Ang mga mananaliksik ay namili ng mga mag aaral sa Saint

Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas upang maging

respondente ng naisagawang kwestyunaryo. Ito ay ibinahagi sa dalawang put isa na

estudyante. Sa tulong ng guro ng mga mananaliksik, ang mga katanungan ay naging

epektibo upang masolusyonan ang suliranin sa pag aaral.


Pag iiskor ng mga sagot. Ang bawat sagot ng mga respondente ay masuring

pinag-aralan, pinagsama-sama at binigyan interpretasyon ng mga mananaliksik. Ito ay

isinagawa upang mabigyan ng solusyon ang bawat katanungan na nakasaad sa

kwestyunaryo. Ang ginawang pag-iiskor ay batay sa mga sumusunod na iskala:

Antas ng Pagtanggap Bilang Interbal Berbal na Interpretasyon

5 4.21-5.00 Lubos na sumasang-ayon

4 3.41-4.20 Sang-ayon

3 2.61-3.40 Walang pasya

2 1.81-2.60 Hindi sang-ayon

1 1.00-1.80 Lubos na di sumasang-ayon

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sinimulan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpili ng

naaayon na paksa patungkol sa epekto ng modyular na pag-aaral sa mga piling mag-aaral

ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas.

Makakatulong sa paghahanda tungo sa hinaharap na larangan ng pag aaral nito. Bilang

bahagi ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay nagsagawa ng pangangalap ng

impormasyon sa tulong ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagtulong tulong

na ipamahagi ang kwestyunaryo sa mga respondente upang mapadali ang gawain. Sa

isinagawang pagsusuri, nagsagawa ng pananaliksik ang mga mananaliksik upang

magkaroon ng sapat na impormasyon. Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa


pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos buhat sa iba't-ibang websayt at

awtor na may kinalaman sa paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng mga

datos sa nakaraang mga pananaliksik na maaaring iugnay sa paksa. Bilang bahagi ng

makabagong paraan ng pananaliksik, minarapat din ng mga mananaliksik na mangalap

bilang karagdagang impormasyon mula sa internet, libro at mga artikulo. Ang

talatanungang ginawa ng mga mananaliksik ang naging gabay upang malaman ang

paghahanda tungo sa hinaharap at sa larangan tungkol sa epekto ng modyular na pag-

aaral sa mga piling mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa baitang 12 HUMSS-

Aguinaldo sa San Jose Batangas.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral na

tumugon sa talatanungan o sarbey ay pinagsama-sama o itinally upang makita ang resulta

at eksaktong bilang ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang naging opinion o sa pananaw

nila at karanasan hinggil sa epektong naidudulot ng "Modyular na pag-aaral sa mga piling

mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose

Batangas” ang inalam ng mananaliksik. Pagkatapos ng mga paghahanay, pagbibilang at

pagsusuri na nakalap na datos, isinagawa ng maayos ang pagbibigay ng interpretasyon.

Dito ay ginamit ng mga mananaliksik ang payak na pamamaraang istadistika upang

maging malinaw ang interpretasyon.

Weighted Mean. Ito ay ginamit ng mga mananaiksik sa pagkuha ng average ng

mga sumagot na kalahok sa bawat aytem.

You might also like