You are on page 1of 5

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa pag-

aaral, instrumentong ginamit at istadistika sa pagpapakahulugan ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito, gumamit ang mananaliksik ng kuwalitatibong sa pag aanalisa

ng mga dokumento sa pag aaral na ito. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga

talatanugan upang malaman ang epekto ng modyular na pag-aaral sa mga piling mag-

aaral ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas.

Ang kuwalitatibo pananaliksik ay ang naaangkop upang matukoy ang epekto ng

modyular na pag-aaral kung saan ang mananaliksik ay mangangalap ng datos sa

pamamagitan ng persepsyon at mga karanasan sa pagkatuto sa modyul na pamamaraan.

Ang pag aaral na ito ay naglalaman ng paglalahad kung gaano nakakaapekto ang

modyular na pag-aaral sa mga piling mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12

HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas. Inilalahad din ng pag aaral na ito ang

importansya ng nasabing asignatura at kung paano ito susulosyunan. Ito ang napili ng

mga mananaliksik sapagkat naniniwala silang malaki ang maitutulong nito sa

pagpapalawak ng kanilang kaalaman.

Paksa ng Pag-aaral
Ang pangunahing paksa ng pag-aaral ay tumatalakay sa epekto ng modyular na

pag-aaral sa mga piling mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-

Aguinaldo sa San Jose Batangas. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang maging handa

ang bawat isa sa kung ano ang nagiging epekto ng modyular sa mga kabataan. Kaya

naman mas dapat nating tutukan ang mga kabataang nahihirapan sa ganitong uri ng

pamamaraan ng pagkatuto. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga piling mag aaral ng

Saint Joseph Academy sa San Jose Batangas. Binubuo ito ng 21 na respondante mula sa

nasa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo.

Instrumento ng Pananaliksik

Mas minabuti ng mga mananaliksik na magplano at pag isipan ng maayos ang

mga katanungan sa nabuong sarbey kwestyoneyr. Kung saan sarbey ang naging

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay naglahad ng mga talatanungan upang maibatid ang mga suliranin ng

mga mag aaral sa Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose

Batangas. Ito ay naging instrumento upang matukoy ang mga hinaing ng bawat mag aaral

ukol sa epekto ng modyular sa mga kabataan. Ang talatanungan ay binubuo ng apat na

hanay na may naglalaman ang bawat hanay na isa hanggang lima na pag pipilian kung

saan masusukat kung gaano kasang ayon ang bawat respondente.

Konstruksyon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan ukol sa

mga suliranin ng mga mag aaral. Kung saan ito ay naging batayan upang madaling

mahanap ang mga kasagutan. Ang mga katanungan ay pinag isipan at pinag aralan ng
mabuti ng mga mananaliksik upang maging batayan ng mga respondente para mabigyan

kasagutan ang mga suliranin sa pananaliksik na sinasagawa.

Balidasyon. Ang mga mananaliksik ay kumunsulta sa kanilang guro sa Filipino

upang ipasuri ng mabuti ang mga katanungan na naisagawa sa kwestyunaryo.

Distribusyon. Ang mga mananaliksik ay namili ng mga mag aaral sa Saint

Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas upang maging

respondente ng naisagawang kwestyunaryo. Ito ay ibinahagi sa dalwang put isa na

estudyante. Sa tulong ng guro ng mga mananaliksik, ang nga katangungan ay naging

epektibo upang masolusyonan ang suliranin sa pag aaral.

Pag iiskor ng mga sagot. Ang bawat sagot ng mga respondente ay masuring

pinag aralan, pinagsama sama at binigyan interpretasyon ng mga mananaliksik. Ito ay

isinagawa upang mabigyan ng solusyon ang bawat katanungan na nakasaad sa

kwestyunaryo. Ang ginawang pag-iiskor ay batay sa mga sumusunod na iskala:

Antas ng Pagtanggap Bilang Interbal Berbal na Interpretasyon

5 4.21-5.00 Lubos na sumasang-ayon

4 3.41-4.20 Sang-ayon

3 2.61-3.40 Walang pasya

2 1.81-2.60 Hindi sang-ayon

1 1.00-1.80 Lubos na di sumasang-ayon


Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sinimulan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpili ng

naaayon na paksa patungkol sa epekto ng modyular na pag-aaral sa mga piling mag-aaral

ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose Batangas.

Makakatulong sa paghahanda tungo sa hinaharap na larangan ng pag aaral nito. Bilang

bahagi ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay nagsagawa ng pangangalap ng

impormasyon sa tulong ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagtulong tulong

na ipamahagi ang kwestyunaryo sa mga respondente upang mapadali ang gawain. Sa

isinagawang pagsusuri, nagsagawa ng pananaliksik ang mga mananaliksik upang

magkaroon ng sapat na impormasyon. Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa

pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos buhat sa iba't-ibang websayt at

awtor na may kinalaman sa paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng mga

datos sa nakaraang mga pananaliksik na maaaring iugnay sa paksa. Bilang bahagi ng

makabagong paraan ng pananaliksik, minarapat din ng mga mananaliksik na mangalap

bilang karagdagan impormasyon mula sa internet, libro at mga artikulo. Ang

talatanungang ginawa ng mga mananaliksik ang naging gabay upang malaman ang

paghahanda tungo sa hinaharap at larangan ng epekto ng modyular na pag-aaral sa mga

piling mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose

Batangas.
Tritment ng mga Data

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral na

tumugon sa talatanungan o sarbey ay pinagsama-sama o itinally upang makita ang resulta

at eksaktong bilang ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang naging opinion o sa pananaw

nila at karanasan hinggil sa epektong naidudulot ng "Modyular na pag-aaral sa mga piling

mag-aaral ng Saint Joseph Academy sa Baitang 12 HUMSS-Aguinaldo sa San Jose

Batangas” ang inalam ng mananaliksik.

Pagkatapos ng mga paghahanay, pagbibilang at pagsusuri na nakalap na datos,

isinagawa ng maayos ang pagbibigay ng interpretasyon. Dito ay ginamit ng mga

mananaliksik ang payak na pamamaraang istadistika upang maging malinaw ang

interpretasyon.

Weighted Mean. Ito ay ginamit ng mga mananaiksik sa pagkuha ng average ng

mga sumagot na kalahok sa bawat aytem.

You might also like