You are on page 1of 2

Bilang mga mag-aaral, ang mga mananaliksik ay naglayon malaman ang antas

ng kamalayan ng kapwa mga mag-aaral sa departamento ng Accountancy ukol sa mga

problema ng edukasyon. Sa paniniwala na ang pagkakaroon ng kamalayan ang unang

hakbang sa pagbigay ng solusyon ng isang problema, nagkaisahan ng mga

mananaliksik ang paksa na ito.

Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng New Era

na kabilang sa departamento ng accountancy at nasa kanilang unang taon ng pag-aaral

bilang mga respondent ng pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa

pangalawang bahagi ng unang semestre ng school year 2019 – 2020.

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng deskriptibong pananaliksik. Ang

deskriptibong pananaliksik ay imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan

sa isang bagay o paksa.  Kadalasan itong naglalayon na makahingi ng opinyon o mga

bagay na relatibo o naagpapabago bago sa iba’t ibang tao, sa iba’t ibang pagkakataon,

lugar, o panahon. Sa aspetong ito, ilalarawan ang mga datos na makakalap ukol sa

antas ng kamalayan ukol sa mga problema ng edukasyon.

Gumamit ang mga mananaliksik ng kwestyoneyr o talatanungan upang

makakalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ito ay ipinamahagi sa limampung

(50) mag-aaral upang masagutan.

Sa panahon ng pagsasagawa ng pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na

karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng Facebook ng 3 hanggang 4 na oras sa

isang araw. Nalaman rin na nagdudulot ng mga positibong epekto sa mga mag-aaral

ang paggamit ng Facebook, at ito rin ay nakakadulot ng mga negatibong epekto.


Nagagamit sa komunikasyon ang Facebook ng karamihan sa mga respondente. Ngunit

ito rin ay nagiging sanhi ng pagbawas ng oras sa tulog. Mapag-aalaman rin na pinaka

may mala yang mga estudyante sa Pagtaas ng Matrikula bilang isa sa mga problema

ng edukasyon. Ang kakulangan naman sa mga silid-aralan ang may pinakamaliit na

antas ng kamalayan ng mga respondente. Bilang sagot sa mga problemang pagtaas

ng matrikula, karaniwang sagot ng mga respondente ukol sa problemang ito ang

paghanap ng scholarship.

You might also like