You are on page 1of 49

EPEKTO AT SANHI NG

PAGBABA NG MARKA SA
MGA ASIGNATURA NG TVL-
SMAW
Ang pananaliksik na ito ay
ipiniprisinta kay:

Gng. Estelle D. Baguio


Bilang pagtupad sa isa sa
mga pangangailangan ng
asignaturang Filipino sa
Piling Larang (Akademik)
Ipiniprisinta nina:
Abendencia, Jorivie
Albaracin, Eduardo
Bahao, Regien Ann
Carpina, Vincent
Crisostomo, Arthem
Dosejo, Charla
Larisma, Venus
Loqueloque, Jennefer
Pasilan, Jessa Mae
Sabanal, Junalyn
Salazar, Milona
Grade 11-Perseverance

Marso 2020
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Ang kaalaman tungkol sa iba't
ibang bagay,personalidad , at
kaganapan, sa ating kapaligiran
ay mahalaga. Kahit na ang
impormasyon ay tumatalakay sa
isang simpleng bagay, ito parin ay
binibigyang importansya.
Edukasyon ang nagsilbing haligi
ng bawat kabataan tungo sa
paghubog ng kanilang
kinabukasan. "Ang kabataan
ang kinabukasan ng
bayan"(Rizal, Jose).
Ang edukasyon ay
kinakailangan ng mga
kabataan at nararapat
magkaroon ng edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang
karanasan at pormal na
programa na nakukuha sa
kanilang paaralan.
Ito ang kanilang magiging sandata
upang maharap nila ang bagay na
mararanasan nila sa kanilang
kinabukasan.At dahil sila ang pag-
asa ng bansa, nararapat lamang na
ibigay natin sa kanila ang sapat na
edukasyon na kinakailangan nila
upang maabot nila ang mga
pangarap na nais nilang matupad.
Ngunit sa bawat daloy ng panahon,
mayroon ding mga pagsubok na
kinahirapang tao sa mundo. Kabilang na rito
ang pinakamahalagang edukasyon ng bawat
kabataang Pilipino.

Hindi lamang sa loob ng bansa


nararanasan ng mga estudyante ang
suliraning may kaugnay sa kanilang pag-
aaral, kundi pati sa ibang bansa din ay
damang-dama din ang suliranin sa
performances ng mga estudyante sa
eskwelahan.
Bakit nga ba bumabagsak ang mga
estudyante sa mga asignaturang
nararapat lamang nilang mapag-aralan?
Ano ba ang mga kinalalabasan ng
mababang marka sa eskwelahan? Ano
ba ang mga kadahilanan ng kanilang
pagbagsak? Sa pananaliksik na ito
malalaman ang mga kasagutan sa mga
katanungang ito.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon sa mga EPEKTO AT
SANHI NG PAGBABA NG
MARKA NG MGA MAG-
AARAL. Tinangkang sagutin ng
pananaliksik na ito ang
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang magiging epekto ng pagbaba ng
marka sa kasulukuyan nilang pag-aaral?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagbaba ng


marka ng mag-aaral?

3. Ano-ano ang solusyon o aksyon upang


matugunan ang pagbaba ng marka ng mga
mag-aaral?
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay
sumasaklaw lamang sa mga estudyante
o mag-aaral sa Senior High School ng
Julio Ledesma partikular na sa ika-
labing isang antas. Sila ay
makakapagbahagi ng mga
impormasyon at kaalaman na
kinakailangan sa pag-aaral na ito. At
ang isa pang bagay ay ang mananaliksik
ay makaka-asa at tiwala sa kanila dahil
sila ay kapwa mag-aaral ng mga
mananaliksik.
Ang mga taong kasama sa pag-aaral
na ito ay ang mga taong nasa edad 16
hanggang 20 na taon lamang. Tulad ng
nabanggit kanina, mas makakuha ng
gustong impormasyon ang mga
mananaliksik sa ganitong age bracket.
Sa ganito ring edad makakakuha ang
mga mananaliksik ng sapat at mga
importanting impormasyon na
kinakailangan sa pag-aaral.
Ang napiling lugar o paaralan ay ang
Julio Ledesma National High School. Ito
ang napiling lugar dahil dito rin nag-aaral
ang mga mananaliksik kung kaya't
madaragdagan din ang kanilang
kaalaman tungkol sa mga nangyayari o
mga kaganapan sa sariling paaralan. Ang
paksang EPEKTO AT SANHI NG PAGBABA
NG MARKA SA MGA ASIGNATURA NG
TVL-SMAW ay sumasaklaw sa kung ano
ang mga balakid o hadlang na
kinakaharap ng mga estudyante sa
kanilang pag-aaral.
Kahalagahan ng pag-
aaral
Ang pananaliksik na ito ay
magiging kapakinabang sa mga
sumusunod:
1. Kahalagahan sa Estudyante
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa
mga estudyante na unawain ang kapwa nila
mag-aaral at matulungan sila sa kanilang
pangangailan hindi lamang sa sosyal na aspeto
kundi pati sa akademiko.

2. Kahalagahan sa mga Guro


Magiging batayan ng mga guro ang pag-
aaral na ito , kung paano pakikisamahan ang
mga mag-aaral na may mababang marka.
3. Kahalagahan sa Magulang
Ang pag-aaral na ito ay maaaring
makatulong sa mga magulang upang
iintindihan ang mga sitwasyon dinaranas ng
kanilang mga anak at kung bakit mababa ang
kanilang mga nakukuhang grado.

4. Kahalagahan sa mga Mananaliksik


Dahil sa pag-aaral na ito, maipapakita at
malalaman ang mga problema at
pangangailangan ng mga mag-aaral na
nagbibigay daan sa pagtugon nito.
Depenisyong mga
Terminilohiya
Upang mas maunawaan pa ng mga
mambabasa ang pag-aaral na ito,
narito ang mga terminolohiya, o
mga salitang ginamit at ang
kahulugan nito.
Estudyante - ay siyang taong nag-aaral,
karaniwang bata at kabataan na
pumapasok sa paaralan.
Edukasyon- kinabibilangan ng pagtuturo at
pag-aaral ng isang kasanayan, ang
pagbabahagi ng kaalaman at katanungan.
Mananaliksik- ito ay ang mga taong
naghahanap ng impormasyon sa isang
bagay, tao, pangyayari, ito ay ang taga-
siyasat, tagasalita ng mga isinagawang
pananaliksik.
Senior High School- ang programa ng
kurikulum ng k-12 ng kagawaran ng
edukasyon, na binubuo ng dagdag na
dalawang taon sa hayskul.
Gabay Tagapayo- isang tao na
nagtatrabaho sa isang paaralan upang
mag-alok ng payo tungkol sa problema,
tulungan ang mga magulang ng estudyante
lalong-lalo na ang mga estudyante na
mismo.
Kabanata 2
Mga kaugnay na pag-aaral at literatura
Nilalagon ng kabanatang ito na
magbigay ng matibay na pundasyon sa
pag-aaral na ito na naglalaman ng natipon
na mga gawaing pananaliksik ng iba't
ibang panitikan at mga sanggunian ng mga
mananaliksik. Naglalaman ito ng mga
katuturang literatura na ipinapaliwanag ng
naaayon ng mga ito ay iniharap upang
matukoy ang koneksyon ng iba't ibang mga
natuklasan na may kaugnayan sa aming
pag-aaral.
Lokal na literatura
Ayon kay Paula Gail I. Torres base sa
kanyang pagsisiyasat, tatlo ang kanyang
nakitang dahilan sa pagbaba ng marka sa
akademiko ng mga mag-aaral. Ang kakulangan
sa preparasyon, kawalan ng gana at
katamaran. Ito ang maaaring salik na
nakakaapekto sa mga mag-aaral. Ayon kay
Torres ang tagumpay sa paaralan ay hindi
nakakamit sa pawang katalinuhan lamang.
Ano ang gamit ng isang magaling na isip
kung hindi natin ito ipalalago? Tandaan, sa
patuloy na pagdami ng ating mga
nakakalap na impormasyon, mas lalo lang
natin idinidiin ang mundo ng kaalaman.
Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat
na. Iyan ay nasa kalikasan na natin bilang
tao.
Dayuhang Literatura
Ayon sa isang lathalain na galing kina
Galiher (2006) at Darling (2005).
Mayroong dalawang kadahilanan na
nakakaapekto sa mga estudyante
kaugnay sa kanilang" Academic
performance" ito ay ang panloob
(internal) at panlabas (external) na
kadahilanan.
Ang mga panloob na kadahilanan na
nakakaapekto sa mga estudyante sa loob ng
silid-aralan ang mga pagsasalita sa wikang
ingles, oras ng pagpasok, at dami ng
estudyante sa loob ng silid -aralan resulta
at mga iskor sa mga pagsusulit at marami
pang iba. Ang mga panlabas na kadahilan
naman ay kabilang ang mga problema sa
pamilya, kaibigan o kasintahan, problemang
pinansyal at iba pa.
Ang literaturang ito ay
makakatulong sa pananaliksik na ito
sapagkat nagpapatunay ito na may iba
pang kadahilanan kung bakit
nagbabago ang interes at gana ng mga
estudyante sa loob ng silid-aralan
bukod sa pakikitungo ng mga guro sa
kanila.
Kabanata 3
Metodolohiya at paraan ng pananaliksik
Ang kabanatang ito ay
naglalayon na maipaliwanag at
mailahad ang mga paraang
ginamit ng mga mananaliksik
upang mabigyang katuparan
ang layunin ng pag-aaral
Disenyo at instrumento ng
pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa
Epekto at sanhi ng pagbaba ng marka sa mga
asignatura ng TVL-SMAW. Ang pananaliksik
na ito ay gumagamit ng deskriptibong
metodolohiya. Ito ay isasagawa sa
pamamagitan ng pamimigay ng mga
katanungan. Personal na ipamimigay at
pasasagutan ng mga mananaliksik ang
kwestyoner sa mga napiling respondente.
Paraan ng Pananaliksik
Ang pamamaraang sarbey-
kwestyoner ay napili bilang isang
pangunahing paraan ng pagkolekta ng mga
datos o impormasyon dahil sa dalawang
pangungunahing dahilan: una, ang
malaking bilang ng mga estudyante sa TVL-
SMAW at ikalawa, pag-iwas sa mga epekto
at sanhi na maaaring mangyari sa
gagawing pananaliksik.
Ang sarbey- kwestyoner ay isasagawa sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga
napiling mga estudyante na nagiging
respondente para sa pag-aaral. Ang mga
tanong ay angkop na isinasaalang-alang
at ibabalangkas sa isang paraan na
mapadali ang pagkolekta ng dami ng
datos o impormasyon. Pagkatapos ay
ipoproseso ang mga datos o
impormasyon ayon sa mga matukoy na
layunin sa pananaliksik.
Mga Respondente
Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na
ito ay mga mag-aaral sa TVL-SMAW ng Julio
Ledesma National High School. Gagamit ang
mga mananaliksik ng Grade 11-12 TVL-SMAW
sampling group na pamamaraan upang
magkaroon ng pantay na representasyon ng
mga datos. Hahanap at pipili ang mga
mananaliksik ng tatlumpong (30) mag-aaral sa
ika-labing- isa at ika-labindalawang antas.
Talahanayan 1
Mag-aaral na sasagot sa sarbey-
kwestyoner mula sa ika-labing
isa at ika-labindalawang antas
sa Senior High School ng Julio
Ledesma National High School.
Kabuuang Kasarian ng Strand na
Bilang ng mga mga mag-aaral kinabibilangan
mag-aaral
TVL-SMAW
Lalaki Babae
11&12
11 12

30 15 15 15 15
Ang kabuuang bilang ng mga
sasagot ay tatalumpong(30) mag-aaral
mula sa ika-labing isa at ika-
labindalawang antas sa Senior High
School ng Julio Ledesma. Ayon sa
kasarian ng mga tagasagot, kalahati o
labin-lima (15) sa mga sasagot ay
lalaki at labin-lima (15) din naman sa
babae.
Labin-lima (15) ang sasagot ay mula sa
TVL-SMAW Grade 11, at labin-lima(15)
mag-aaral din ay mula sa TVL-SMAW
Grade 12.
Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng
maikling oryentasyon sa mga mag-aaral
upang masiguro na mauunawaan ng mga
sasagot ang kanilang gagawin.
Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga
mananaliksik mula sa mga respondente na
tumugon sa talatanungan ay ipagsasama at
kukunin ang kabuan. Kukunin ang porsyento
upang makita ang kinalalabasan batay sa mga
sagot ng mga respondente at upang makuha
ang pangkalahatang bahagdang bilang ng
mga sumasagot sa isang partikular na tanong.
Ang mga datos na makakalap ay
isasalarawan gamit ang bar graph upang
maayos at organisadong mailahad ang
mga resulta. Ang resulta na makukuha dito
ang magsisilbing mga epekto at sanhi ng
pagbaba ng marka sa mga asignatura ng
TVL-SMAW. Ang pormula sa pagkuha ng
bahagdan ay ang nasa ibaba:
P= × 100

P= Bahagdan o Porsyento

F= Bilang ng sumasagot

N= Kabuuan ng respondente
MARAMING
SALAMAT PO SA
INYONG PAKIKINIG

You might also like