You are on page 1of 6

MGA DAHILAN NG MGA ESTUDYANTE SA MADALAS NA PAGLIBAN SA KLASE

NG GENERAL SANTOS NATIONAL SCHOOL OF ARTS AND TRADE

Tesis na Ipinakita sa mga guro ng

General Santos National School of Arts and Trade

Sa Bahagyang Katuparan ng mga Kinakailangan

Sa Filipino

Sa pamamagitan ni:

Diovanni B. Aldave

11-PLUMBING
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Edukasyon ay mahalaga sa bawat estudyante dahil ito lamang ang kaya nating

ipagmalaki na nagtapos at nagtagumpay tayo bilang isang mag-aaral. Ito ang isang

bagay na hindi pwede manakaw o makuha sa isang tao. Lahat ng tao pangarap

makapagtapos para sa tagumpay. Ang edukasyon ay higit na mahalaga dahil dito

naabot natin ang gusto nating marating. Hindi natin alam bakit nagsasayang ng

panahon ang ibang estudyante para hindi pumasok o lumiban sa klase.

Ang pagliban sa klase ay isang kamalian ng bawat estudyante. Sa bawat araw

na dumarating maraming mga bata o estudyante ang lumiliban sa klase. Ito ay may

sari-sariling dahilan bakit nila ito ginagawa. Lahat ng bata ay karapatan nila maka pag-

aral ng maayos at makapagtapos. Pero dahil sa mga sitwasyon at problema ng isang

bata nawawala ang kanyang hilig o gusto sa pag-aaral. Kaya ito nagliliban sa klase o

hindi na pumapasok.

Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala

nalang ang pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang

impluwensya ng barkada o kung minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na

dahilan ang mga mag-aaral.

Pahayag ng Problema
Ang pag-aaral na ito para malaman ang kaniya kaniyang dahilan ng mga

estudyante kung bakit sila lumiliban sa klase.

Partikular, sasagutin nito ang sumusunod na tanong :

1. Ano ang profile ng mag-aaral sa mga tuntunin ng:

1.1 Kasarian

1.2 Relihiyon

1.3 Paaralan (JHS)

2. Ano ang kadalasan na dahilan ng estudyante bakit sila lumiliban sa klase?

2.1 Problema sa Pamilya

2.2 Problema sa akademiko

2.3 Impluwensiya ng kaibigan

2.4 Impluwensiya ng teknolohiya

2.5 Ibang dahilan

3. Ano ang benipisyo ng isang mag-aaral kung laging lumiliban sa klase o wala sa

klase?

4. Ano ang magiging epekto ng paliban ng mga mag-aaral sa klase?

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nasa kung ano ang dahilan kung bakit lumiliban ang mga

estudyante sa klase.

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa kung ano ang maging

epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral at kung paano ito masusulusyunan.


Nakatuon ito sa reaksyon at opinyon ng mga guro tungkol sa pananaliksik na ito.

Ang pananaliksik na ito ay hango sa pananaw ng mga guro ng Filipino ng antas

IED1.

Ito ay nagsasangkot ng Grade 11 Plumbing TVL na mga mag-aaral dahilan ng

mga estudyante sa madalas na pagliban sa klase at na opisyal na nakatala sa

General Santos National School of Ats and Trade SY:2017-2018. Ilarawan nito ang

kanilang mga dahilan kung bakit sila madalas lumiliban sa kanilang klase, sa

pamamagitan ng general evaluation at survey ng studyanteng lumiliban sa klase o

wala sa klase.

Dito malalaman kung bakit wala o lumiliban sa klase ang mga estudyante. At dito

maimbestigahan ang kanilang pakikipag-ugnayan o patutungo sa mga tao, kaklase,

magulang, mga kaibigan, at miyembro ng pamilya. At mapag-aaralan din ang

benipisyo ng bawat mag-aaral kung liliban sa klase, at ipapaliwanag sa kanila kung

bakit ito hindi pwede at maling gawain. Ito ay para sa kanilang kabutihan at

tagumpay sa kanilang buhay. Para sa kanilang sarili at para sa kanilang pamilya na

umaasa sa kanila. Para din malaman ng kanilang magulang kung ano ang dapat

gawin para sa mga nagkamali sa kanilang landas at maitama ang kanilang

pagkakamali at magabayan sa tama.

Ang pag-aaral na ito ay nakatutok sa mga dahilan ng mga estudyanteng


madalas lumiban sa klase. At malaman ang dapat gawin sa mga estudyante na
nawawala sa kanilang tamang landas. At para makilala kung sino at ano ang dapat
gawin para sa ikakabuti ng bawat isa. Hindi lamang sa paaralang ito kung hindi para sa
buong mundo at malaman ang indibidwal ranking.
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon, marami ng mga estudyante hindi mahalaga ang pag-aaral


sa kanilang mga buhay dahil sa mga sariling dahilan na meron sila. Meron silang mga
mabibigat na pinagdadaanan, mabigat na nararamdaman o akalang nag-iisa lamang
sila.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang iba't ibang mga kadahilanan ng


mga estudyante na madalas lumiban sa klase.

Ang resulta nitong pag-aaral na ito ay malaking tulong sa mga sumusunod:

Administrator. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng


kaalaman sa kung paano mapagbubuti ang kanilang sariling aplikasyon upang
magkaroon ng isang mahusay na epekto sa estudyante at mga tao.

Teacher. Ang kinalabasan ng pagsisiyasat na ito ay magsisilbi bilang isang


mahusay na gabay upang malaman ang dahilan kung bakit may mga estudyante na
lumiliban sa klase. At ditto matututlungan ng mga guro ang kaniyang mga mag-aaral
kung ano ang dapat gawin.

Parents. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa magulang para madaling


makita ang pagkakamali ng kani-kanilang anak, at maayos ang kanilang problema. At
matulungan nila kanilang anak sa mga nararamdaman at mabibigat na problema, At
maipakita ang malasakit bilang magulang.

Studyante. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing pag-iilaw sa


kahalagahan tungkol sa epekto o benipisyo ng paglibban sa klase. At magabayan sila
sa mga maaring kalabasan nito.

Ibang Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing karagdagang mga


pag-aaral para sa mga imbestigador sa hinaharap.
Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila na malaman ang
iba't ibang epekto o benipisyo ng mga madalas na pagliliban sa klase.

Definition of Terms

Para sa mas mahusay na pag-unawa lalo na ang mga sumusunod na tuntunin


ay parehong tinukoy na konsepto at operasyon na tinukoy:

Estudyante. Ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang


estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay.

Dahilan. Ito ay bagay na sinasabi o nararamdaman ng isang tao.

Madalas. Gawain ito ng minsan ginagawa.

Pagliban. Ito ay pagtatakas sa klase o nawawala sa klase dahil may nais itong
ibang gawin.

GSNSAT. General Santos National School of Arts and Trade.

You might also like