You are on page 1of 6

Kahinaang pag analisa sa Asignaturang Geometry ng grade 10 Earth

sa Consuelo National High School

Kabanata I

Introduksyon
Ang asignaturang Matematika ay masasabing suliranin sa karamihan ng mga

mag-aaral. Ang deskripsyon o ang pinag-aralan sa ika-10 baitang ay ang geometry.

Mahalaga ang pananaliksik na ito upang malaman ang rason ng mga mag-aaral sa ika-

10 baitang na nakakuha ng mababang marka sa matematika.

Ang asignaturang matematika na ating pinag-aralan sa paaralan araw-araw ay

may malaking papel na ginagampanan sa ting buhay maaring daan sa ating pag-unlad,

Ngunit sa kabila nito maraming mag-aaral ang hindi natutuwa na matutunan ito at isa ito

sa mga asignaturang ayaw nilang pasukan. Bumabagsak ang mga estudyante sa

maraming dahilan kabilang dito ang kawalan ng pag-unawa at mababang kakayahan sa

pagbasa (Nessa Sasser,2016). Ang iba pang panlabas na salik tulad ng asignaturang

napakahirap minsan ang guro ay hindi maiintindihan at may problema sa bahay ang ibang

rason ay may kinalaman sa ugali ng mga estudyante tulad ng hindi paggawa ng takdang

aralin (Ron Kurtus,2012).

Ayon kay Del Castillo at Balbalosa (2010) ang pag-angkin sa kakayahan sa

matematika ay malalaman sa iba’t-ibang aspekto tulad ng kadahilanang may kaugayan

sa estudyante, guro at pakikisalamuha sa ibang tao pero malalaman kung ang mga

kadahilanang ito ay nakakaapekto sa pagganap ng maga estuyante sa asignaturang

matematika ay hindi pa napatunayan.

Totoong hindi natin mapipilit sa isang tao ang pagkaing ayaw niyang kainin o

nguyain. Gayunpaman, hindi maipagkakaila ang kahalagahan ng matematika kung


nagalayong maging isang propesyunal manggagawa ng isang mag-aaral. Marahil ay

magiging mainam kung gagawing banaag ng pag-asa ang katotohanang laging mas

nakalalamang ang karunungan sa katalinuhan.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunod na suliranin:

Mga Tiyak na suliranin

1. Gaano ba kalawak ang interes ng estudyante na matuto sa asignaturang ito?

2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng grado ng mga

estudyantre sa asignaturang matematika?

3. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maintindihan ng husto ang asignaturang ito?

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang mananaliksik ay mangangalap ng mga datos/impormasyon sa mga mag-

aaral ng ika-10 baitang upang makakalap ng iba’t ibang rason kung bakit ayaw ng mga

mag-aaral ang asignaturang ito. Maraming mag-aaral sa ika-10 baitang seksyon Earth

ang mababa ang marka sa asignaturang matematika kung kaya’t kinakailangan

magsagawa ng pananaliksik tungkol dito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na may pamagat na patungkol sa kahinaan sa asignaturang

Matematika. Magsasaliksik ang mga mananaliksik upang malaman kung ano ang puno’t

dulo nito at ang rason kung bakit bumaba ang mga marka ng mga mag-aaral sa

asignaturang ito.

Haypotesis

Ang mga sumusunod ay mga dahilan patungkol sa kahinaan sa asignaturang

Matematika.

Maaaring sa ika-7 baitang pababa ay hindi na gusto o kawalan ng interes sa

asignaturang ito sa isang estudyante.


Maaaring hindi madaling ipinaintindi ng guro sa matematika ang mga paksang

tinalakay.

Maaaring nasa ibang asignatura ang interes ng isang estudyante.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa Kahinaang pag analisa sa Geometry sa

Asignaturang Matematika ng Grade X-Earth sa taong 2019-2020.

Ang layunin ng pag-aaral na ito na makuha ang panig ng tatlongpung (30)

estudyante ng Grade X-Earth ng Consuelo National High School.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pananaliksik ay kapakipakinabang sa mga sumusunod;

Tagapangasiwa ng Paaralan

Malalaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng grado sa aignaturang

matematika ng mag-aaral at magsagawa ng programa sa mga guro kung paano

maiwasan ang pagbaba ng grado ng mag-aaral.

Guro

Malalaman nila kung ano ang mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay

bumababa ang grado at matutukan ang kanilang mga kahinaan para mapaunlad ito.

Magulang

Mabatid nila kung bakit bumababa ang grado ng kanilang anak sa asignaturang

matematika at payuhan ang kanilang anak kung paano magkaroon ng interes sa araling

matematika.
Mag- aaral

Malalaman nila ang mga salik na nakaaapekto sa pagbaba ng grado sa

matematika,mauunawaan nila kung bakit bumababa ang kanilang grado sa matematika

at ipagbayuhin pa lalo ang kanilang pagsisikap na matuto sa asignaturang ito.


KABANATA 2

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Breslich na kaniyang binanggit kay Castillo (2010) ipinahayag niya

Ang kahalagahan ng Matematika sa kabuuang pag-aaral Sinabi niya na ang Matematika

ay mas importante sa kabuuang pag-aaral dahil sa bilang ng mga tao ngayon na

nangangailangan ng malaking kaalaman sa matematika sa mga aktibidad at karanasan

sa araw-araw ng buhay

Ayon kay Cajindos (2009) ang lebel na kakayahan sa matematika ng mga

estudyante ay nakakaapekto sa kurso, sa tinitirahan, nakasanayang konsentrasyon

pamamahagi ng mga relasyon sa ibang tao, oras ng pag-aaral at ang ugali sa

paghahanda sa eksam, ugali sa pag-aaral ng asignaturang matematika at kadahilanang

may kaugnayan sa paaralan

Ayon kay Amy Haris,(2010) ang malaking rason kung bakit bumabagsak sa

matematiks ay pagkabigo sa paghahanap ng kinakailangang tulong.Sa antas ng

sekondarya nahihirapan ang mga guro na tukuyin ang mga estudyanteng nahihirapan at

upahan sila ng estratehiya tulad ng pagdalo ng estuyante sa mga pagsusuring sesyon o

pagtawag sa mga magulang.Sa reyalidad,ito ay hindi parating nangyayari kaya naman

minsan ang mga sarili. Sa kolehiyo,ang mga propesor ay bihira ng pansin sa mga

ganitong bagay. Dagdag na tulong ang hinahangad sa iba’t –ibang paraan tulad ang

hinahangad pagkonsulta sa mga magtuturo o maghire ng mga propesyonal sa pagtuturo.

Ayon kay Pascho na kaniyang binanggit kay Villanueva(2009) sinasabi niya na

ang pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang matematika ay isang kumplikadong

proseso.Ang pagkamit sa mataas na kalidad ng pagkakaisa, maayos at maliwanag na

pagpapaliwanag sa kurikulum ng asignatura matematika para maging madali itong

matutunan.

Ayon kay James Choi (2012) ang abilidad sa matimatika ay hindi importante sa

pag-abot sa hangganan layunin ng buhay tulad na lamang ng kaligayahan. Bukod sa


kung sino kilala mo ay siyang mas importante kaysa sa isang bagay. Ang ay puno ng

matagumpay at masiyahing tao na inangkin na ang buong kapurihan sa matimatika.

Ayon kay James Molina (2014) ang dahilan ng pagbaba ng grado ng mga mag-

aaral bilang na 40 na respondante ang sumagot ng sarbey. Mahihinuha sa nakuhang

resulta ang pinakadahilan ng pagbaba ng grado ng mag-aaral ay ang katamaran.

Maagapan lamang ang pagbaba ng grado ng mga mag-aaral kung mabibigyan sila ng

motibosyon at kung sisipagin ang mga ito.

Ayon kay Paul (2011) ang ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng isang istudyante

sa kaniyang pag-aaral. Ilan sa mga ito ay maaaring pamilyar na sa iyo. Ngunit ang iba

naman ay ngayon mo lamang nalalaman. Isa dito ang kawalan ng interes sa pag-aaral

may ibang mga paaralan na nagpepresyur sa mga mag-aaral at dahil sa sobrang presyur

na ito, nahihirapan ang mag-aaral sa pagbalanse ng kanilng pag-aaral sa bawat

asignatura. Na nagiging dahilan ng unti-unting pagkawala ng interes ng isang estudyante

sa pag-aaral. Lalong lalo na kung ang pagsususmikap niyang ito ay nauuwi sa wala.

You might also like