You are on page 1of 19

0

Malayan Colleges Mindanao

MGA NASIRANG BUHAY, MGA NASIRANG PUSO: BOSES NG MGA MAG-


AARAL MULA SA MGA NASIRANG PAMILYA

Isang Qualitative Research Proposal


Na Iniharap sa Faculty ng Senior High School Department
Malayan Colleges Mindanao-SHS

Nina:
Adrian Bernardo
Sarah Jo Dinapo
Kyrelle Mae Lozada
Russel Vinz Sumalinog

Marso 2019
KABANATA 1
1

INTRODUKSYON

Hindi lahat ng pamilya ay perpekto. Hindi nagpapahiwatig na kapag ang

isang pamilya ay may ina, ama, at bata ay perpekto na kaagad ito, dahil sa

bawat pamilya—hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga pagsubok na

susubukin ang kanilang relasyon. May mga problemang lilitaw dahil sa mga hindi

pagkakaunawaan (Ewherido, 2017). Subalit, may mga pagkakataon kung saan

hindi na kaya lutasin ng pamilya ang kanilang mga problema na maaaring

humantong sa isang mas malaking problema. Inaasahang ang pagtatalo sa

pagitan ng mga magulang; ngunit sa pinakamalalang sitwasyon, maaaring

magpasiya ang mga magulang na maghiwalay nalang (Saika, 2017).

Bukod sa mga mag-asawa, may epektong dulot din ang paghihiwalay ng

mga magulang sa mga bata. Itinuturing na pinsalang collateral ang mga bata sa

isang hiwalayan ng isang pamilya. Mapipinsala nito ang buhay ng bata sa bawat

aspeto kasama na ang kanyang paglaki (Chirban, 2017). Ang bata ay maaaring

makaramdam ng matinding hinanakit na posibleng maging sanhi ng iba't ibang

negatibong pag-uugali tulad ng galit o kalungkutan (Coulson, 2017).

Ang pamilya ay tinukoy bilang pangunahing yunit ng lipunan kung saan

ang bawat bata ay naghahanap ng isang kumpleto at masayang pamilya.

Walang perpektong pamilya, subalit ang kaligayahan at pagiging buo ng isang

pamilya ay siyang maituturing na perpekto. Kung ang pamilya ay may

kakayahang malutasan ang bawat pagsubok sa kanilang buhay, walang

pamilyang nasisira (Saikia, 2017). Itinuturing na pundasyon ng mga bata ang

pamilya sapagkat sila ang mga unang taong humuhugis sa kanila habang
2

lumalaki nang sa gayon ay umangkop sila sa paligid na kanilang kinalalakihan

(Pickhardt, 2009). Kung walang mga komplikasyon ang mga magulang, ang mga

pagkakataon na maapektuhan ang mga bata sa kaganapan ay mababa. Hindi

maaapektuhan ang pang-araw-araw nilang karanasan at patuloy ang kanilang

paglaki tulad ng isang normal na bata. Maaaring may suliranin na mangyayari

ngunit hindi ito magiging dahilan ng anumang sikolohikal o emosyonal na na

may kaugnayan sa pamilyang nasira.

Maraming mga tao ang nagdudurusa dahil lamang sa kanilang katayuan

bilang isang miyembro ng isang sirang pamilya. Karamihan sa mga bata ay may

mabuting mga alaala ng kanilang mga magulang at dito rin sila kumukuha ng

ideya sa kung ano ang konsepto ng pag-ibig. Ang mga bata ang mga pinaka-

apektado sa ilalim ng isang sirang pamilya dahil karamihan sa kanila ay hindi

nakakaintindi kung bakit naghiwalay ang kanilang mga magulang. Ang ilan ay

maaaring isisi ang dahilan ng sitwasyong ito na nangyayari sa kanilang sarili na

maaaring magdudulot ng labis na maselan na sikolohikal na kalagayan sa bata.

Sa aming mga isinaalang-alang na datos, may natuklasan kaming mga

agwat: ang mga karanasan ng mga mag-aaral mula sa mga nasirang pamilya sa

Malayan Colleges Mindanao, at ang mga pagsubok na pinaglalabanan nila sa

kanilang buhay bilang isang taong kabilang sa isang nasirang pamilya.

Karamihan sa mga nasirang pamilya ay umiiral dahil sa hindi nalulutas na

salungatan sa pagitan ng dalawang magulang, na lingid sa kanilang kaalaman,

nagdudulot ng pinsala sa sikolohikal at emosyonal na kalagayan sa kanilang

mga anak. Maaaring makapinsala ito sa paglaki ng bata dahil sanay siya sa
3

ideya ng pagkakaroon ng isang kumpletong pamilya, lalo na kung ang relasyon

ng kanyang pamilya ay nasira noong siya’y bata pa. Sa biglaang pagkawala ng

isa o dalawang magulang, maaari siyang magdusa mula sa pangyayari na

kalimitan ay hindi nararanasan ng ibang bata na may mga normal na pamilya.

Dito kami humahantong sa tanong na: ano kaya ang kanilang naging mga

karanasan bilang isang miyembro ng isang nasirang pamilya?

Sa kabilang banda, mayroon ding mga kahirapang hinaharap ang mga

mag-aaral mula sa mga nasirang pamilya. Dahil karamihan sa mga bata ay

dumanas ng pagkasira sa relasyon ng kanilang pamilya sa kanilang batang

edad, nangangahulugan ito na nagsimula na silang magsimulang mag-aral sa

yugtong ito. Bilang mga estudyanteng naapektuhan ng mabigat na suliranin,

hindi maiiwasan ang posibleng pang-aapi at pagtatanong mula sa mga kaedad

ay sa paaralan. O maaari din silang magkaroon ng mga pansariling problema,

marahil ay nararamdaman nila na naiiba sila sa kanilang mga kaedad na may

mga normal at kumpletong mga miyembro ng pamilya

Ang mga agwat na nakasaad sa itaas ay gagamitin bilang basehan sa

pagsimula sa ang aming pag-aaral. Hangarin ng aming pag-aaral na malaman

ang mga karanasan ng mga napiling estudyante ng mataas na paaralan ng

Malayan Colleges Mindanao na mula sa mga nasirang pamilya at tukuyin ang

mga hamon na kinakaharap nila bilang mga tao na nasa nasabing kalagayan.

Layunin ng Pag-aaral
4

Ang layunin ng multiple case study na ito ay tuklasin ang mga karanasan

at hamong naranasan ng mga kabataan na mula sa mga nasirang pamilya sa

pamamagitan ng pakikipagpanayam sa 5 napiling estudyante sa Malayan

Colleges Mindanao. Sa yugto ng pag-aaral na ito, ang mga karanasan at hamon

ng mga kabataan mula sa mga nasirang pamilya ay tumutukoy sa karanasan ng

mga kalahok na kinuha mula sa kanilang personal na pananaw.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga karanasang

nararanasan ng mga mag-aaral ng senior high school na kabilang sa mga

nasirang pamilya. Ito ay partikular na nakatuon sa pagsagot sa bawat tanong na

kailangan at may kaugnayan sa paglutas sa nasabing suliranin sa pag-aaral na

ito:

1. Ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral mula sa nasirang pamilya?

2. Ano ang mga pagsubok o pinag-aalala ng mga kalahok na may

kaugnayan sa pagiging miyembro ng nasirang pamilya?

Batayang Teoretikal ng Pag-aaral

Mahalaga na magtatag ng matibay na batayang teoretikal na may

kaugnayan sa pag-aaral na ito upang magkaroon ng higit na pagkaunawa at

detalyadong konsepto sa mga problema na nakapaloob sa pag-aaral. Ang mga

teorya na ginamit bilang basehan para sa pag-aaral na ito ay ang Attachment

Theory ni John Bowlby, Psychosocial Development Theory ni Erik Erikson, at

Behaviorism/Behavioral Theory ni John B. Watson.


5

Natural lamang para sa mga bata na maging mas malapit sa mga taong

tingin nila ay kumportable na kasama—nagbibigay linaw ang Attachment Theory

ni John Bowlby sa pahayag na ito. Ang Attachment Theory, isang teorya na

orihinal na nilikha ni John Bowlby, ay tuluyang pinalawak ni Mary Ainsworth

noong 1970s. Ayon sa Psychologist World (2019), sinasabi ng teorya ni Bowlby

na ang paglaki ng isang bata ay may direktang kaugnayan sa kapasidad ng bata

na bumuo ng relasyon sa kahit isang “pangunahing tagapag-alaga” man lang.

Malinaw na nauunawaan na ang "pangunahing tagapag-alaga" na ito ay

tumutukoy sa mga magulang ng isang sanggol.

Binatay ni Bowlby ang kanyang teorya mula sa isa sa mga pinakaunang

teorya sa pag-uugali na nagsasabi na ang attachment, bilang isang ugali, ay

maaaring malinang. At dahil sa kanyang okupasyon bilang isang saykayatrista sa

isang klinika na nakabase sa London, nakapag-engkwentro siya ng mga batang

mahina ang emosyonal na kalagayan (McLeod, 2017). Ang pagkakataong ito at

ang mga karanasan na naipon niya sa nasabing lokasyon ay pumukaw sa

kanyang kuryosidad. Dahil dito, nagsimula siyang mag-imbestiga sa potensyal

na relasyon sa pagitan ng mga sanggol na hiwalay sa kanilang mga ina at ng

kanilang mga ina mismo, na ayon sa kanya ay may malaking impluwensya sa

kognitibo, emosyonal, at sikolohikal na paglaki ng kanilang mga sanggol.

Natuklasan niya na tama ang kanyang ipotesis, dahil ang mga resultang

mula sa kanyang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga sanggol ay talagang

naging apektado (hal., nakadama ng pagkabalisa, malakas na pag-iyak,

pagyurak sa palibot) noong nahiwalay sila sa kanilang mga ina na naging malapit
6

sa kanila ng mahabang panahon. Base sa kanyang nakuhang resulta, hinuha ni

Bowlby na ang mga pag-uugali na ito ay nagsisilbing isang instrumento tungo sa

ebolusyon at tinataglay ito ng lahat ng mga sanggol na naalagaan ng isang tao

sa mga unang yugto ng kanilang paglaki (Fraley, 2018).

Ang teorya ng attachment ay maaari ring iayon sa mga tuntunin ng

kalungkutan at trauma, bagaman ito ay naaayon sa estilo ng attachment na

dumedepende sa bawat indibidwal (Positive Psychology Program, 2019). Si

Bowlby, sa tulong ng kanyang kasamahan, si Colin Murray Parkes, ay

nagpalawak ng saklaw ng teorya ng attachment kung saan mayroong siyang

kinilalang apat na yugto ng kalungkutan kaugnay sa attachment:

Pagkagulat at Pagkamanhid. Sa panahong ito, maaaring hindi pa

naunawaan ng indibidwal ang sitwasyon/kalagayan niya. Bilang isang resulta,

maaaring nalilito siya at hindi niya naihahayag ang kanyang mga saloobin at

emosyon sa paraang gusto niya.

Pagnanais at Paghahanap. Sa panahong ito, alam na ng taong naghihirap

ang nawawalang presensya sa kanyang buhay at ngayon ay nagsisikap siya na

punan ang butas na iniwan ng bagay/tao.

Kawalan ng Pag-asa at Pagkagulo. Sa panahong ito, tinatanggap ngayon

ng taong nagdurusa ang kawalan ng isang bagay/tao at ang posibilidad na

maaaring hindi na ito kailanman bumalik muli. Magsisimula ang indibidwal na

makaramdam ng mga negatibong emosyon tulad ng galit, lungkot, at pagkabigo;

tatanungin niya ang kanyang sarili sa kung ano ang nangyari.


7

Kaayusan at Pagbangon. Sa panahong ito, ang taong nagdurusa ay nasa

mas malinaw na kalagayan ng pag-iisip at nakakalingon na sa mga positibong

aspeto sa buhay. Nakapagtatag na siya ng mga bagong layunin sa buhay at

nakabangon mula sa insidente. Ang kanyang nararamdamang kalungkutan ay

dahan-dahang uunti hanggang sa maabot sa puntong hindi na ito ang nasa

sentro ng pag-iisip ng taong nagdurusa.

Ang isa pa sa kasamahan ng Bowlby, si Mary Ainsworth, ay may mga

natuklasan din na lubos na nakaambag sa teorya na ito. Kasunod ng naunang

ipotesis ni Bowlby patungkol sa kanyang teorya sa attachment, batid din niya ang

posibilidad na may pagkakaiba ang mga bata na may iba't ibang antas ng

pagkagiliw sa kanilang "tagapag-alaga." Gayunpaman, si Ainsworth ang lalong

nagpalawak sa ipotesis na ito at pinatunayan ang kredibilidad nito.

Sa pamamagitan ng isang pag-aaral na isinagawa niya at ng kanyang

mga mag-aaral, hinati ang mga batang may edad na 12-18 buwang gulang sa

dalawang kategorya na base sa antas ng pagkagiliw na mayroon sila sa kanilang

mga ina. Natuklasan nila na ang mga bata na may matibay na relasyon sa

kanilang mga ina ay hindi nagdabog matapos na inihiwalay mula sa kanila dahil

kumbinsido sila na ang kanilang tagapag-alaga ay babalik para sa kanila.

Samantala, baliktad naman ang sitwasyon sa mga bata na hindi gaano katibay

ang antas ng pagkagiliw sa kanilang ina dahil agad silang nagdabog noong

inihiwalay mula sa kani-kanilang mga tagapag-alaga. Gamit ang mga resulta,

hinuha ni Ainsworth na may tatlong pangunahing uri ang attachment: secure

attachment, insecure-avoidant attachment, at insecure-ambivalent attachment.


8

Ang ika-apat na pangunahing uri ng attachment, ang disorganized attachment,

ay idinagdag ni Main at Solomon noong huling bahagi ng dekada ‘80.

Upang makakuha ng karagdagang resulta, gumawa sina Ainsworth at ang

kanyang mga estudyante ng pangalawang sitwasyon (sa parehong pag-aaral)

kung saan ang mga bata mula sa dalawang kategorya ay sadyang pinaranas ng

mga nakakabahalang sitwasyon upang makuha ang kanilang mga reaksyon.

Natuklasan nila sa kanilang mga resulta na ang mga bata na nasa dalawang

kategorya ay nagpakita ng halos magkatulad na mga reaksyon noong inilagay

sila sa nasabing sitwasyon. Dahil dito, agad nilang kinuha ang atensyon ng

kanilang mga ina para humingi ng tulong. Ang sitwasyong ito, tulad ng sinabi ni

Ainsworth, ay isang matibay na halimbawa ng isang "attachment behavior." Ayon

kay Ainsworth, ang “attachment behavior" ay isang uri ng pag-uugali kung saan

ang mga bata ay nagpapakita ng pagnanais na bumuo o muling bumuo ng

relasyon patungo sa kasalukuyang hindi naririto na tagapag-alaga (Psychologist

World, 2019).

Kasunod sa pag-aaral na ito, maraming pag-aaral ang lumitaw na may

kaugnayan sa teorya ng attachment. Ayon nina Rudolph Schaffer at Peggy

Emerson, mayroong apat na yugto ng attachment sa mga bata: ang yugto ng

asosyal (0-6 na linggo), pabaya na attachment (6 linggo-7 buwan), partikular na

attachment (7-9 buwan), at maramihang attachment (10 buwan at pataas).

Ngunit dahil pinag-aralan lamang ang teorya na ito gamit ang mga bata bilang

mga kalahok, nagsagawa sina Cindy Hazan at Phillip Shaver ng isang pag-aaral

batay sa kanilang teorya na ang teorya ng attachment ay maaari iangkop sa


9

paglaki ng lahat na tao kasama ang mga taong mas matanda kaysa sa mga

bata. Ang kanilang pag-aaral ay nakakuha ng pansin ng maraming tao dahil ito

ay kapani-paniwala ito.

Ang teorya na ito ay may kinalaman sa aming pag-aaral dahil binabanggit

nito ang pagkagiliw ng mga anak tungo sa kanilang mga magulang, ang

"pangunahing tagapag-alaga." May iilan sa mga bata na mula sa mga nasirang

pamilya na naranasan pa na magkaroon ng kumpletong pamilya bago dumating

sa nasabing sitwasyon, hanggang dumating sa punto na lumaki sila kasama ang

presensya ng isang magulang lamang. Binubuksan nito ang posibilidad na:

mayroon pa rin silang nararamdaman na pagkasabik resulta sa kanilang

attachment tungo sa kanilang magulang na hindi naririto; o wala silang anumang

uri ng attachment patungo sa kanilang magulang na hindi naririto. Sa kabilang

panig, maaaring lumaki ang ibang bata kasama ang presensya ng isa lamang na

magulang at walang anumang mga naunang alaala sa kanilang ibang magulang.

Ang ilang mga kapani-paniwalang posibilidad ay: mayroon silang napakamatibay

na relasyon sa kanilang kasalukuyang magulang at wala sa kanilang wala na

magulang; o nagtataglay sila ng napakamatibay na relasyon sa kanilang

kasalukuyang magulang at labis na pagnanais (sa ibang salita, isang

pakiramdam ng attachment) na makita ang kanilang magulang na hindi naririto.

Sa alinmang paraan, sinusuportahan nito ang katunayan na ang paglaki

ng isang bata ay may kaugnayan sa presensya o kawalan ng "tagapag-alaga" na

kanilang kinagigiliwan at maaari silang makaramdam ng kalungkutan kapag

biglang inilagay sa isang sitwasyon na nagiging sanhi sa pagkahiwalay mula sa


10

kanilang "tagapag-alaga". Ang teorya na ito ay makakatulong sa amin na mas

lalong maunawaan ang mga kalagayan ng mga kalahok, lalo na kung ang

dahilan kung bakit mayroon sila sa kalagayan na ito ay nagdulot sa kanila ng

pagdadalamhati sa isang magulang na wala o mas matibay na pagkagiliw sa

kanilang naroroon na magulang.

Ang pangalawang teorya na gagamitin namin ay ang Psychosocial

Development Theory, na isa pang uri ng teorya na nag-uusap tungkol sa paglaki

ng tao. Ang teorya na ito ay unang natuklasan ni Erik Erikson, na nakabatay sa

teorya ni Sigmund Freud na Psychosexual Theory. Ang teorya ni Erikson ay

nagpapahayag na sa bawat yugto na kanyang kinilala, ang mga tao ay may

haharapin na balakid sa bawat yugto ng paglaki; sa mga balakid na ito, maaari

natin itong malampasan upang makabuo ng isang sikolohikal na kalidad o

maaaring mabigo na gawin ito. Tulad ng nabanggit ng Psychology Notes HQ

(2017), sinabi ni Erikson na ang kabiguan na malampasan ang nasabing balakid

ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa ating pag-unlad sa sikolohikal na

aspeto.

Tulad ni Freud, naniniwala si Erikson na ang personalidad ng tao ay

nabubuo sa iba't ibang yugto. Ngunit ang kaibahan nito sa teorya ni Freud ay

higit na nakatutok si Erikson sa papel na ginagampanan ng pakikipag-ugnayan

sa lipunan at ng relasyon ng tao sa pag-unlad ng pagkatao ng isang indibidwal

sa kabuuan ng kanyang buhay. Kinilala niya ang walong yugto ng pag-unlad sa

sikolohikal na aspeto, tulad ng: tiwala laban sa duda; pagsasarili laban sa

kahihiyan at pag-aalinlangan; inisyatiba laban sa pagsisisi; industriya laban sa


11

kababaan; pagkakakilanlan laban sa pagkalito; pagkamatalik laban sa

pagbubukod; pagka-makinabang laban sa pagwawalang-kilos; at integridad

laban sa kawalan ng pag-asa.

Ang teorya na ito ay naaangkop sa aming pag-aaral dahil tinatalakay ng

teoryang ito ang pag-unlad ng tao, na kinabibilangan din ng pag-unlad ng mga

bata. Maaaring iba ang paraan ng paglaki ng isang bata na mula sa isang sirang

pamilya sapagkat karamihan sa mga pangyayari, kulang sila ng isa pang

magulang na gagabay sa kanila habang sila ay lumaki. Dahil mahalagang mga

tao ang mga magulang na dapat na naroon sa panahon ng pag-unlad ng isang

bata, ang kawalan ng kahit isang magulang lamang ay maaari maging sanhi ng

isang malaking epekto sa pag-unlad ng bata sa sikolohikal na aspeto.

Maaari haharap ang bata ng mga problema na naroroon lamang dahil sa

kanyang sitwasyon. Sa gayon, ang unang limang yugto ng pag-unlad ni Erikson

ay tutulong sa amin na malaman ang mga suliranin iniisip ng aming mga kalahok

sa panahong nawasak ang relasyon ng kanyang pamilya. Ang mga ito ay

makakatulong din sa amin na mas lalong maunawaan ang kanilang mga

saloobin tungkol sa paksa, at kung paano sila dumating sa mga ganoong

konklusyon.

Ang huling teorya, ang Behavioural Theory/Behaviorism ay mahalaga rin

na teorya tulad ng iba. Ang pag-uugali o sikolohiya ng pag-uugali ay isang

sangay ng pag-aaral na sinusuportahan ng konsepto na ang pag-uugali ay isang

pagtugon na maaaring matutunan (Lipoff, 2011). Ito ay isang malawak na sangay


12

sa sikolohiya, ngunit tatalakayin lamang namin kung ano ang natuklasan ni John

B. Watson sa loob ng teorya na ito.

Sinasabi na Si Watson ay ang unang nagtatag ng behaviorism sa

pamamagitan ng kanyang klasikong papel na pinamagatang Psychology as the

Behaviorist Views It (Cherry, 2018). Ang kanyang teorya ay nakatuon sa paglaki

ng mga bata at naging tunay na tanyag dahil sa kanyang pahayag kung saan

sinabi niya na maaari niyang ikundisyon ang "...malusog na sanggol na walang

anumang sakit..." hangga't maaari niya itong ilagay sa isang kapaligiran, maaari

siyang mamahala at maaari niyang "...sanayin siya upang maging anumang uri

na espesyalista na maaari kong piliin..." Sa madaling salita, naniniwala siya na

ang pag-uugali ng tao ay maaaring makundisyon at na maaari tayong makakilos

sa isang paraan sa pamamagitan ng pagkundisyon na ito. Binatay niya ang

kanyang teorya sa mga eksperimentong patungkol sa pagkundisyon ni Ivan

Pavlov (Gilles, 2018).

Sinasabi na mayroong dalawang pangunahing uri ang pagkundisyon. Ang

unang uri ay ang klasikal na pagkundisyon, kung saan agad tayong tumutugon

sa sandaling nalalantad tayo sa isang partikular na estimulo sa kapaligiran na

ating naranasan o nakundisyonan. Ang isang halimbawa nito ay kapag

nagpapakita ang isang tao ng takot at pagkabalisa kapag malayo siya sa lupa, o

kapag ang isang tao ay nakadarama ng pagkalula sa kapag nakakita o

nakaamoy ng isang partikular na pagkain na naging sanhi ng pagsakit sa tiyan

niya noon. Ang ganitong uri ng pagkundisyon ay nagmula sa eksperimento ni


13

Pavlov gamit ang mga aso, at sa kalaunan ay inilapat ni Watson sa pag-uugali at

pag-unlad ng tao.

Ang teorya na ito ay may kaugnayan sa aming pag-aaral dahil ito ay

tumutukoy sa paglaki ng mga bata sa aspeto ng pag-uugali at nagpapahiwatig

din ito na ang mga magulang ang pangunahing mga nangangasiwa sa dalawang

uri ng pakundisyon sa kanilang mga anak. Dahil ang aming mga kalahok ay

nagmula sa mga nasirang pamilya, maaaring sila ay nakakondisyon na kumilos

sa ibang paraan mula sa ibang mga bata na may mga normal na pamilya. Ang

pagkundisyon na ito ay maaaring sa ilalim ng pangangasiwa ng isa lamang na

naroroong magulang. O maaaring kinondisyon nila ang kanilang mga sarili na

kumilos sa isang tiyak na paraan batay sa kanilang nasaksihan noong bata pa

sila (hal., paghihiwalay ng kanyang mga magulang, nasirang mga relasyon sa

loob ng pamilya). Sa pamamagitan ng teorya na ito, maaari kaming magkaroon

ng karagdagang pag-unawa sa kung paano naging ganito ang kasalukuyan

nilang pag-uugali, at kung paano naging maaaring sanhi ang kanilang pamilya sa

kanilang pagkilos sa isang tiyak na pamaraan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga Batang mula sa mga Nasirang Pamilya. Dahil sila ang mga

panghunahing naaapektuhan sa mga problema na nakasaad, maaari nilang

malaman kung ano ang karanasan ng iba pang mga bata na nasa ganitong

sitwasyon tulad sa naranasan nila. Ang pag-aaral na ito ay maaari ring magbigay

sa kanila ng karagdagang kaalaman patungkol sa mga pagkatao ng kalahok dito


14

at ng kanilang kalagayan sa panlipunan, emosyonal o pang-edukasyon na

aspeto.

Sa Iba pang mga Miyembro ng mga Nasirang Pamilya. Dahil konektado

ang pamilya sa isa't-isa, hindi madaling masira ang kanilang nabuong mga

relasyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaari nilang malaman na kung

paano nakaaapekto ang sitwasyon nila sa kanilang relasyon sa pagitan ng iba

pang mga miyembro ng pamilya at sa kung paano sila nakikipag-ugnayan sa

isa’t isa.

Sa mga Mag-aaral mula sa Malayan Colleges Mindanao. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral mula sa Malayan Colleges

Mindanao ay maaaring mabigyang kaalaman kung paano naiimpluwensiyahan

ng isyu na ito ang pagkilos at pag-uugali ng kanilang kapwa mag-aaral. Ang pag-

aaral na ito ay tutulong sa kanila na palaging maging mapag-iisip sa kalagayan

ng iba at maging maunawain lalo na kung hindi nila talaga alam kung ano ang

nararanasan o nangyari ng isang tao.

Sa iba pang mga Mananaliksik. Ang iba pang mga mananaliksik ay

maaaring makinabang mula sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng

impormasyon dito tungkol sa iba't ibang uri ng mga nasirang pamilya na

naroroon sa komunidad. Maaari nilang malaman kung paano nagiging apektado

ang batang nasa sitwasyonn na ito. Maaari rin nilang gamitin ang pag-aaral na

ito bilang isang materyal na sanggunian na gagamitin sa kanilang sariling pag-

aaral at hanapin ang mga resulta na makakalap na namin sa panahong ito.

Gamit ang impormasyong ito, maaari nilang ipaliwanag ang mga resulta sa
15

paraang hindi namin natagpuan sa panahon ng pagsasagawa ng pag-aaral na

ito. Maaari nilang palawakin ang mga limitasyon ng kanilang pag-aaral na

naaayon sa kanilang kakayahan at nais.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga pagsubok na dumarating sa mga

napiling mag-aaral mula sa Malayan Colleges Mindanao bilang miyembro ng

nasirang pamilya. Ang mga sumusunod na salik ay ang limitasyon ng pag-aaral

na ito na makatutulong sa resulta ng pag-aaral na ito:

Ang bilang ng mga kalahok. Magkakaroon kami ng limang kalahok at ang

isyu ng katapatan ay maaaring mangyari. Samantala, ang bilang ng mga bata na

nagmula sa nasirang pamilya ay dumadami at naging maselang bagay ito na

kung saan maiuugnay ang paksang napili.

Ang panahon ng pagsasagawa. Ang pagtakda ng mga pagkabalisa at

pagtugon ng mga kalahok ay nagpapatunay na kinakailangan ng malawak na

oras at ang oras na inilaan para sa pagtatamo ng pag-aaral na ito ay nagbibigay

ng isang malaking hamon.

Ang mga katumpakan ng mga tugon. Habang hinihingi naming ang mga

datos na nagmula sa mga kalahok, hindi namin malulubos na tiyak ang mga

sagot na makukuha sa kadahilanang hindi kami magkakilala. Sapagkat

nakasisiguro kaming magkapaglalaan ng mga impormasyon na makatutulong sa

kinalalabasan ng pag-aaral na ito.

Ang pagkakaroon ng isang panig. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw

lamang sa mga pananaw ng mga napiling mag-aaral ng Senior High School sa


16

Malayan Colleges Mindanao na nagmula sa nasirang pamilya. Samakatuwid,

ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring isaalang-alang na may

pinapanigan.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit sa Pag-aaral

Ang mga sumusunod na katawagan ay tinukoy upang mas maunawaan

kung paano ito ginamit sa pag-aaral na ito. Narito ang mga sumusunod:

Bata. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga batang nagmumula sa

mga nasirang pamilya. Hindi ito agad na tumutukoy sa mga maliliit na bata dahil

ang aming mga kalahok ay mga estudyante ng mataas na paaralan. Tutukuyin

namin sa aming mga kalahok bilang mga bata dahil mas mas angkop ito na

katawagan na gamitin para sa aming pag-aaral.

Nasirang Pamilya. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa isang sitwasyon

kung saan ang mga relasyon ng pamilya ay nasira dahil sa mga partikular na

dahilan. Ang katawagang ito ay maaari ding maging tukuyin bilang "nasirang

buhay" na patuloy na makikita sa buong kurso ng aming pag-aaral.

Karanasan. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga karanasan ng mga

bata habang lumalaki sila sa pamumuhay bilang miyembro ng isang nasirang

pamilya. Ang mga ito ay mga karanasan sa tunay na buhay na makukuha namin

mula sa aming mga kalahok at maglilingkod bilang mahalagang impormasyon

upang makuha ang mga sagot na hinahanap namin sa pag-aaral na ito.

Hamon. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga paghihirap na

maaaring naharap ng mga bata mula sa kanilang nasirang pamilya sa buong


17

buhay nila. Ang mga ito ay mga karanasan sa tunay na buhay na mahalaga para

sa pagkuha ng mga resulta sa pag-aaral na ito.

Kaayusan ng Pag-aaral

Tinatalakay ng bahaging ito ang bawat paglalarawan ng kung ano ang

gagawin sa bawat kabanata at binibigyang diin ang nilalaman at ang

paglalarawan ng bawat bahagi. Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng limang

kabanata. Kabilang dito ang panimula, pagsusuri ng kaugnay na literatura at

pag-aaral, metolohiya at paraan ng pananaliksik, mga resulta at talakayan, at

konklusyon.

Kabilang sa unang kabanata o panimula ang suliranin at kaligiran nito,

layunin ng pag-aaral, limitasyon ng pag-aaral, katuturan ng mga katawagang

ginamit sa pag-aaral, at organisasyon ng pag-aaral. Ang nilalaman ng suliranin at

kaligiran nito ay ang natukoy na problema at kaugnayan nito sa pag-aaral na

siyang magiging daan sa susunod na bahagi, ang layunin ng pag-aaral. Ang mga

nailahad na impormasyon ay sinuportahan ng mga umiiral na teorya na

nakasaad sa batayang teoretikal ng pag-aaral. Bukod sa konteksto, ilalahad din

sa unang kabanata ang mga makikinabang sa pag-aaral na ito na siyang

makikita sa kahalagahan ng pag-aaral. Susunod ang limitasyon ng pag-aaral at

ang katuturan ng mga katawagang ginamit sa pag-aaral. Sa huli, ang

organisasyon ng pag-aaral ay nagpapahiwatig ng pagkakahati-hati ng bawat

kabanata sa pag-aaral na ito.

Ipinakikita sa ikalawang kabanata ang pagsusuri ng kaugnay na literatura

na nagtatampok ng iba’t ibang datos na sumusuporta sa pag-aaral na mula sa


18

iba’t ibang pinagkukunan. Ang mga datos na ito ay gagamitin upang magbigay

ng karagdagang impormasyon sa pagtatasa ng mga datos na nakalap sa dulo ng

pag-aaral na ito.

Tinatampok sa ikatlong kabanata ang metodolohiya na isinasagawa ng

mga mananaliksik ng pag-aaral na ito. Kabilang dito ang disenyo ng pag-aaral,

paglalarawan sa katanungan para sa mga kalahok at maging ang paraan ng

pagmumuwestra. Kabilang din dito ang pangunahing pinagkukunan ng mga

datos at kung ito nakalap ng mga mananaliksik. Panghuli, ang pagsunod ng pag-

aaral na ito kabilang ang apat na sangkap na ipinaliwanag kasama ang wastong

pagsasaalang-alang na isinagawa ng mga mananaliksik.

You might also like