Professional Documents
Culture Documents
MANUEL L.QUEZON (This was written in English and Spanish. The English version was from Manuel L. Quezon's article in PDI in 2004. The translation in Tagalog is mine.) Mga kababayan: Mayroon akong isipan na nais kong lagi ninyong alalahanin. Ito ay: Na kayo ay mga Filipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, nag-iisang ibinigay ng Diyos sainyo. Na kailangang alagaan ninyo ito para sainyong sarili, para sainyong anak at mga anak ng inyong mga anak, hanggang sa katapusan ng daigdig. Ag inyong buhay ay dapat para sa bayan at kung hinihingi ng pagkakataon na ibuwis ito ay humandang mamatay para sa sariling bayan. Ang inyong bayan ay dakila. Dakila ang nakaraan nito at may naghihintay na magandang kinabukasan. Ang Pilipinas nang mga nakaraang taon ay dinilig ng dugo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani, mga martir at mga sundalo. Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng mga pinunong mataos na nagmamahal, nagsisilbi ng hindi makasarili at may tapang ng loob. Ang Pilipinas kinabukasan ay magiging bayan ng kasaganaan, kaligayahan at ng kalayaan. Isang bansa na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, hawak ang sariling kapalaran, sa kaniyang kamay ay tangan ang ilaw ng kalayaan at ng demokrasya. Isang republika ng mga mararangal na mamamayan na may paninindigan at sama-samang magsisikap na paunlarin ang daigdig natin ngayon.
Kaya heto ako ngayon muling ipinagpatuloy ang aking pag-aaral para mas makahanap ng mas magandang trabaho. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Bilang estudyante, okay lang na minsan gumawa tayo ng kalokohan at may karapatan din naman tayo na i-enjoy ang buhay natin bilang isang estudyante. Hindi naman tayo pipigilan na gawin yun. Basta ito lang ang dapat natin isa-isip at tandaan hwag tayong lalampas sa ating mga limitasyon. May mga responsibilidad, tungkulin at patakaran tayong dapat sundin. Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Nagsusumikap sila na mapagtapos tayo kahit na napakahirap kaya dapat din tayong magsumikap na abutin ang mga pangarap nila sa atin bilang ganti sa kanila. Dapat din natin bigyan pagpapahalaga ang ating mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin, irespeto natin sila katulad ng pagrespeto natin sa ating mga magulang. Sa mga kapwa ko mag-aaral. Mga bata pa tayo kaya hwag natin sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay sa atin upang wala tayong pagsisihan sa huli. Tayo bilang estudyante ay may kanya kanyang tungkulin dapat gawin. Sama-sama natin abutin ang ating mga adhikain upang magkaroon tayo ng magandang edukasyon na maipagmamalaki natin.
LUSONG Noong nakaraang martes ay pinanood namin ang isang documentary mula sa isang programa sa tsanel 11 na Reel Time ang tema nila ay tungkol sa mga totoong nangyayari sa buhay ng mga tao, bata man o may pamilya na. Iminumulat ng palabas na ito ang kahirapan na nadadanas ng mga tao sa palabas na ito. Mula sa pamagat nito Lusong ay aakalain mu lang na may tatawirin lang silang ilog o kaya parang magtatampisaw lang pero hindi. Mula sa gawaing iyan nabubuhay ang pamilya Totoy na labing isang taong gulang at Pirot na walong taong gulang mula sa Isla ng Puting Bato. Mula sa paglusong sa dagat na halos napakaraming naglulutangan na basura ay diyan kinuha ang kanilang mapagkakakitaan at makakain sa maghapon. Sa bawat basura na nakukuha nila sa ilalim ng dagat ay may nakabantang panganib at pag-asa na silay makakauwing magkapatid na may hated na pera sa pamilya. Nakakalungkot lang isipan na sa mura pa nang kanilang mga edad ay nakakapagbanat na kaagad sila ng buto na dapat ang kanilang magulang ang may responsibilidad sa kanilang anak na mapakain. Dahil sa hindi nakatapos ng pag-aaral ang magulang ngayon ay nakadepende tuloy sila sa kung ano ang mapapaghirapan ng kanilang anak mula sa basura.