Hindi ko lubos na inisip na pumasok sa isang relasyon dahil magmula palang ng
bata ako ay prayoridad ko lang ay ang mag aral ng mabuti ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Sabi nga nila, asahan ang hindi inaasahan at love can conquer all. Nagsimula ang lahat sa taong 2018 sa buwan ng Setyembre. Ako ay kumportableng nakahiga sa aking kama habang abala sa pag-scroll sa aking Facebook. Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman napagpasyahan ko na magrandom chat sa kung sino man ang mapili ko. Sa pagbukas ko ng aking messenger mabilis akong nakakita ng maraming online na dahilan kung bakit nagpasiya akong magwave sa isang lalakeng nagngangalang Vincent. Hinayaan ko lamang ito sa pag aakalang idedelivered zone lamang ako. Ngunit ilang segundo ang lumipas ay nagwave back ito akin. Nagsimula kami sa isang simpleng "Hi" pagkatapos ay napunta sa araw-araw na pag-uusap. Ang aming maikling pag-uusap ay nagiging mas mahaba sa bawat araw. Habang lumilipas ang oras at araw ay mas nakilala namin ang isa't isa. Siya ay matalino, responsable, masipag, mapagmahal na anak, at may takot sa Diyos. Nalaman ko rin na nakatira siya sa Negros Occidental na may isang malaking distansya sa pagitan namin. Naging magkaibigan kami na kung saan ay palagian kaming nag aasaran at nagtatawanan. Isang beses binuksan niya ang kanyang nakaraang relasyon sa akin na puno ng away at hindi pagkakaunawaan, dahil dito ay nagpasya silang putulin nalamang ang kanilang komunikasyon. Alam ko na nasa yugto pa lamang siya ng pagpapagaling at paglimot kaya naman sinamahan ko siya upang mang aliw at magcomfort sakanya. Nagbigay ako ng ilang payo, nagsabi ng mga corny jokes, kumanta para sa kanya, pagtawag sa isa't isa, pagbigay ng aking oras upang makinig lamang at iparamdam sakanya na ako ay laging nandoon para sa kanya. Sa paglipas ng panahon na nakikipag-usap ako sa kanya, nakakaramdam ako ng pagkapawi ng pagod at ginhawa. Dahil dito ay unti unti ko ng naramdaman na mahalaga na sa akin si Vincent. Sa bawa't bilin at pag aalaga sakin, palaging pagcomfort sa akin kapag ako ay nagkakaproblema. Gumagawa siya ng mga bagay na ikakangiti ko at nagsasabi ng isang joke upang ako ay tumawa kahit na ang corny nito. Bawat umaga ay lagi siyang nag-iiwan ng isang mensahe bago siya pumasok sa paaralan na nagsasabing "Magandang umaga! Ingat ka palagi, wag kang magpapagod, goodluck sa mga test nyo. Kaja! Para sa future! Palagi akong sumusuporta sa iyo". Ramdam ko ang alaga niya sa bawat pagbasa ko ng mga mensaheng iyon. Sa paglipas ng oras ay nagpahayag si Vincent ng kanyang tunay na damdamin para sa akin at humingi siya ng permiso kung maaari ba siyang manligaw. Bigla akong nakadama ng kaba lalo na at first time kong pumasok sa ganong sitwasyon. Hindi ko alam ang sasabihin lalo na at maraming gumugulo sa aking isipan. Nag aalangan ako dahil sa pagdududang maari niya akong iwan, saktan, at ma-reject pagkatapos. Pero nagtake ako ng risk at binigyan siya ng permiso dahil may tiwala ako sakanya. Ang mga buwan ay dumaan sa aming na kung saan nadama namin ang kagalakan, kaligayahan, pagluha, pagtawa at pagmamalasakit sa isa't isa. Nobyembre 17, 2019, tinanong niya ako kung maaari bang mapunta ang relasyon namin into next level upang mapahaba ang kabanata ng aming kwento. Tinanong niya ako kung maari niya ba akong maging girlfriend, masaya kong siyang sinagot ng oo at ngayon ay officially na kaming mag on. Pareho kaming masaya sa isa't isa kahit na may mga tao na nakapaligid sa amin na hindi pabor sa aming relasyon tulad ng sinabi nila na ang malayong relasyon ay maraming hamon na kakaharapin. Na ang LDR ay hindi gumagana sa mga taong walang pasensya ngunit ang pagiging malayo sa isa't isa ang tumutulong sa amin na umunlad. Natututuhan namin kung paano magcommit kahit na may mga bagay na sumusubok sa aming relasyon at noong nakaraang taon lang ay nagcelebrate kami ng aming unang anibersaryo. May pahintulot narin kaming dalawa sa aming magulang at supportive sila saamin. Mayroon kaming sariling mga pangako at papanatilihin namin ito hanggang sa personal kaming magkita upang mapatunayan na mali sila sa kung ano ang sinasabi nila tungkol sa LDR. Magsisikap kami at maging tapat sa isa't isa hanggang sa magkita kami. Siguro nga ay masyado pang maaga para sa amin ngunit bakit hindi tayo magtake ng risk at matuto mula rito? Ang pagmamahalan namin ay unconditonal at pinahahalagahan namin ang bawa't isa habang buhay. Ang love mahirap yan ipaliwanag pero once na maramdaman mo ito, wala ng balikan.