You are on page 1of 7

Ismael Criaj Maraan

11 – Peridot
Mrs. Minda Perlado

IBA’T IBANG TEKSTONG NARATIBO

I. ALAMAT
A. ALAMAT NG PINYA

Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais pa
rin ni Aling Rosa na magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si Pina. Ngunit
tila lahat ng negatibong pag-uugali ay tinataglay na ni Pina. Una, hindi ito maaasahan sa mga
gawaing bahay. Lubhang tamad ito. Kaya nang minsang magkasakit ang kaniyang nanay na si
Aling Rosa ay kinailangan niyang magluto. Ngunit imbes na hanapin ang sandok, panay tanong
ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na nasa kaniyang harapan na lamang ay hindi pa niya makita
dahil sa katamarang taglay nito. Dahil sa inis ng ina sa pag-uugaling ito ng anak, isang araw ay
nasigawan niya ito at napagalitan. Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito ng maraming mata
upang makita nito lahat ng hinahanap niya at hindi na siya tanong nang tanong pa. Umalis sa
kanilang bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina. Simula nang umalis si Pina ay
hindi na ito nakita pa ni Aling Rosa. Ngunit nakita na lamang niya ang isang halamang tumubo sa
kanilang bakuran. Marami itong mata kaya naman naalala niya ang kaniyang anak na si Pina
dahil sa sinabi niya. Batid niyang nagkatotoo ang kaniyang mga tinuran. Kaya naman tinawag na
nila ang bunga na Pinya bilang pag-alala kay Pina

B. ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon, may dalawang magkasintahan na nangangalang si Aging at si Juana.


Pinagpatuloy pa rin nila ang pagkakaibigan nila kahit hindi sang-ayon si Juana sa kay Aging.
Pumunta sa bukid ang ama ni Juana isang araw at nakita niya si Aging sa bukas na bintana sa
bahay niya. Nagalit ang ama ni Juana kaya kinuha niya ang tabak at pinutol ang braso ni Aging.
Sa takot na patayin siya ay tumakbo ang binata papalayo. Hinabol ni Juana ang sinta niyang si
Aging ngunit hindi na ito maabot. Nang makita niya ang naputol na braso ni Aging ay inilibing
niya agad. Nang makalipas na ang mga araw, ang ama ni Juana ay nagulat sa natagpuan niyang
misteryosong halaman sa bakuran. Ang halaman ay kulay luntian na may mahaba at malalapad
na dahon. May bunga siyang dilaw na hugis kamay at daliri ng tao. Tinawag si Juana ng kanyang
ama at nakita ang halaman. Natandaan ni Juana na doon niya inilibing ang naputol na braso ni
Aging. Kaya nga ito ang sinabi niya sa kanyang ama “Ang halaman na iyan ay si Aging” At sa
doon, tinawag ang halaman na “Aging” na sa huli at nagiging “Saging.

1
II. PARABULA
A. ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA
(Mateo 25:1-13)

Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito. Mayroong sampung


dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima
sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal. Bagama’t may dala-dalang ilawan
ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na langis na reserba. Kabaligtaran naman
ng limang dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala ay mayroon pa silang
baong langis. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay
inantok at nakatulog sa paghihintay. Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing,
“Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!” Mabilis na bumangon
ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan. Napansin ng mga dalagang
hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman sila’y humingi ng langis sa mga
dalagang matatalino. Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga
hangal sa tindahan upang bumili ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang lahat ang dala
nilang langis. Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng langis.
Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang limang dalaga ay
kasama niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang pinto. Pagkaraan ay dumating ang limang
dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!” Ngunit
tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.” Pagkatapos
nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

B. PARABULA NG NAWAWALANG TUPA


(Lucas 15:1-7)

Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang
makinig sa kanyang mga turo. Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya
sila ay nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong
makasalanan. Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang
tupa. May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang
siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa. Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya
niya itong pinasan saka umuwi. Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at
mga kapitbahay at sinabing, “Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong
nawawala!” Makaraang ilahad ni Jesus ang talinghaga ay kanyang sinabi, “Magkakaroon ng higit
na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa
siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

2.
III. PABULA
A. ANG KUNEHO AT ANG PAGONG
Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang mga hayop at
hinamon ang sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng isang pagong ang kanyang
hamon. Sa una ay iniisip ng kuneho na ito ay isang biro, ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan
ang paligsahan at sa simula ay buong bilis na tumakbo ang kuneho. Napansin niyang sobrang
layo na ng pagong at pinagtawanan niya ito. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari
niya ay walang pag-asang makahabol ang pagong. Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na
naglakad. Nang magising ang kuneho ay malapit na a2 lling ng karera ang pagong at hindi na niya
ka pang habulin kahit anong bilis niya.

B. SI LANGGAM AT TIPAKLONG
Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ng tipaklong ang kanyang oras sa paglalaro at
pagpapakasaya habang ang langgam ay abala 2allin-iimpok ng pagkain. Hindi niya maintindihan
kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng langgam. Dumating ang tag-ulan at nangangatog
sa lamig at gutom ang tipaklong habang ang langgam ay komportable at may sapat na pagkain.
Doon naintindihan ng tipaklong kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng langgam sa
panahon ng tag-init.

IV. NOBELA
A. NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
Si Nene ay anak ni Aling Selya at nanay ni Boboy . Si Nene ay bumili ng isang refrigerator noong nagmura
ito , at kanya itong pinagipunan . Nagsimula syang magtinda ng Yelo na dalawang piso ang halaga .
Nagtinda rin sya ng Ice Tubig na piso’t singkwenta sentimo ang halaga .Ng malaman nya ito ng mga kapit
bahay gumaya rin sila kay nene.Kaya ice candy naman ang naisip nyang ibininta tulad ng inaasahan,ginaya
rin nila sya na magbinta ng ice candy na many flavor na abocado ,munggo at buka.sumunod nya 2allin
pagkakitaan ay ang poultry at piggery na ginaya naman ng kanyang mga kapit bahay kaya bumaho ang
kanilang daraanan sa sagrada,nakakalanghap sila ng mabangong hagin tuwing umuulan lamang.pero ito
ay pansamanta lang. Naging guro rin sya sa Mababang Paaralan ng Sagrada. Kaya doon sya nagtayo ng
kanyang sari-sari.Nagbenta sya ng mga rekados at mga laruan.Subalit nagalit ang mga nanay ng mga
estudyante dahil baka mabulag ang mga mata ng mga naglalaro ng baril barilan na may bala Hanggang sa
dumating si Mr. Edwards.Sya ay isang Amerikano.Gusto nyang lumangoy sa Daro- Anak upang malagay
ang kanyang pangalan sa Guiness Book of World Records ,kaya pumunta sya sa Sagrada.Kaya tinilungan
nya si Nene sa kanyang sari-sari store hanggang ito ay maging isang boutique dahil imported at 2alling sa
ibang bansa ang mga tinda nya.Kaya ang tinda nyang baril barilan na may pulang tubig,parang duguan
daw agad ang kalaban.At natatangal agad ang pulang tubig para hindi magalit ang mga nanay.Pero may
tsismis 2allin hindi talaga Guiness Book of World Records ang pinunta nya sa Sagrada, kundi ang mag 2alling
dito.Pero hindi naman daw ito totoo sabi ni Mr.Edwards. Hanggang sa magpakasal sina Mr.Edwards at
Nene. Noong pumunta sila sa Maynila,inamin ni Mr. Edwards ang lahat lahat kay Nene. Hindi naman daw
talaga imported at 2alling sa ibang bansa ang mga binibigay nyang tinda kay Nene,kundi ay bibila nya lang
ito sa Dibesorya sa Maynila.Makalipas ang ilang araw, bumalik ng Amerika si Mr.Edwards,at babalikan nya
daw si Nene.Pero ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Mr.Edwards. Kaya pumunta ng
Amerika si Nene para hanapin si Mr.Edwards doon.Kaya ngayon,hindi nila alam kong nasaan na si
Nene.Kung ito ba ay nakatuloy sa Amerika o hindi.Pero nagdadala pa rin si Nene ng sulat sa kanyang anak
na si Boboy,subalit wala itong nakalagay na address.
3.
B. ANG LALAKI SA DILIM

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang espesyalista sa


mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang
mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang
gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas”
siya sa kanyang kasalanan. Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at
paglilinis niya ng konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang
ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din
magpagamot ng mata upang masingil lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang
kanyangnagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang
pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag.
Ninong siyang kanyang sariling anak. Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng
lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae.
TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng
lover at gayon din si Rafael basta magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging
totoo sa isa‟t isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya
ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito
ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa
umabot na sa sukdulan at makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling
Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya.
Malinaw kay Rafael na papakasalan niya siLigaya.

4.
V. TALAMBUHAY
A. TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL
Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado
at Ginang Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang 2akita2 unang guro niya. Maaga siyang nagsimula
ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na
karangalan. Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang
Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg,
Germany. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892, si Jose
Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon
siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang
mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran. Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang
pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago. Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay
nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa
mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging 2akita2ng. Noong
Disyembre 30, 1896, 2akita2n si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

B. TALAMBUHAY NI JUAN LUNA


Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani.
Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay
ng mga natalong 2akita2ng sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay
maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya. Ipinanganak siya sa Badoc,
Ilocos Norte, ikatlo a2 kita2ng anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa
Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si
Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
EdukasyonNag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging
manlalakbay-dagat siya. Sa pamamgitan nito, 2akita niya ang magagandang tanawin sa
Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin
siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia de Dibujo Y Pintura sa
Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng
kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang
magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng
pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang
maging aprentis niya.
5.

VI. ANEKDOTA

A. ANG TSINELAS NI JOSE RIZAL


Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila
umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong
puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy
na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at
mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o
ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran
kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala
ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at
dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin
ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang
batang katulad ko.

B. ANEKDOTA SA BUHAY NI JOSE RIZAL


Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang
tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si
Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya
tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong.
Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.
Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong
katalinuhan ni Pepe.
6.

IBA’T IBANG TEKSTONG NARATIBO

Table of Contents

Page

I. ALAMAT 1.
A. ALAMAT NG PINYA
B. ALAMAT NG SAGING
II. PARABULA 2.
A. ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA (Mateo 25:1-13)
B. PARABULA NG NAWAWALANG TUPA (Lucas 15:1-7)
III. PABULA 3.
A. ANG KONEHO AT ANG PAGONG
B. SI LANGGAM AT TIPAKLONG
IV. NOBELA 3–4
A. NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
B. ANG LALAKI SA DILIM
V. TALAMBUHAY 5.
A. TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL
B. TALAMBUHAY NI JUAN LUNA
VI. ANEKDOTA 6.
A. ANG TSINELAS NI JOSE RIZAL
B. ANEKDOTA SA BUHAY NI RIZAL

You might also like