You are on page 1of 4

Panukalang Proyekto

Sa Barangay Masagana
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Pandi, Brgy. Masagana

I. Pamagat:

“Gulay para sa mamamayan at buto mo tanim mo”

II. Proponent:

Fatima V. de Castro

III. Pondong Kailangan:

Php 139,500.00

IV. Kategorya:

Ang proyektong ito ay para sa mamamayan ng Barangay Masagana na hindi stable


ang trabaho at walang pinagkakakitaan sa pamamagitan ng mga boto ng gulay na
ipapamigay naming sila ay makakaraos. Ito ay higit na para sa mga bata at matanda
upang sumigla at tumibay ang kanilang pangangatawan at para matuto na kumain ng
gulay ang mga bata. Ang pondong gagamitin sa pagbili ng mga gulay at buto ng
guhay ay manggagaling sa sangguniang barangay, sa mga kilalang personalidad na
boluntaryong magbibigay ng tulong at sa mga stablisyamento sa Barangay Masagana.
Ito ay sa tulong ng mga Barangay Kagawad, Sk kagawad at mga taong nais at bukal
sa pusong tumulomg.

V. Kasangkot sa Proyekto:

1. Kap. Kikoy Sandil- Punong Barangay ng Brgy. Masagana


2. Mga Konsihal ng Brgy. Masagan
3. Jake Sandil- SK Chairman
4. Mga kabataan ni San Igmedio
5. Mga Kilalang Personalidad na magbibigay ng taos pusong tulong.
VI. Petsa:

Isasagawa ang proyektong ito, ang pagbibigay ng libreng gulay at buto ng gulay, sa
Mayo 15, 2021. Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbang upang
masimulan at matapos ang pagbibigay ng mga libreng sariwang gulay at boto ng
gulay na nakalahad sa ibaba:

Petsa Mga Gawain Mga Taong Lokasyon


kasangkot
Abril 30, 2021 Pagaproba ng Punong Kapitan ng Barangay Masagana Pandi,
Barangay (kapitan) Masagana Bulacan
Mayo 1, 2021 to Pagsosulicit ng mga Munisipyo,
Mayo 5, 2021 donasyon Baranggay kagawad,
mga stablisyamento Pandi, Bulacan
at kilalang mga
personalidad na
maaaring magbigay
ng tulong
Mayo 6, 2021 Paghahanap ng Mga nagtitinda ng
supplier ng mura at sariwang gulay Pandi, Bulacan
sariwang gulay
Mayo 10, 2021 Pagbili ng mga buto Sk Chairman Pandi, Bulacan
ng gulay
Mayo 12, 2021 to Pagsasaayos ng Sangguniang SK, at Bruno R. Sandil
Mayo 14, 2021 paggaganapan ng Kabataan ng Sport Complex
pagbibigay ng gulay barangay Masagana Pandi,
at boto ng gulay Bulacan
Mayo 15, 2021 to Pormal na Kabataan ng
Mayo 18, 2021 pagsisimula ng Barangay, SK Masagana Pandi,
pagbibigay ng libreng kagawad at mga Bulacan
gulay at boto ng taong boluntaryong
gulay tumulong

VII. Rasyonal:

Ang pamimigay ng sariwang gulay at buto ng gulay sa Barangay Masagana


Pandi, Bulacan ang isa sa mga planong gusto kong maisagawa at maisakatuparan. Sa
pagkaka-alam ng nakakarami ang masagana ay mayamang barangay ngunit hindi
alam ng lahat na maraming mahirap dito at nangungupahan lamang ng bahay at ang
iba pa nga ay walang trabaho kadahilanan na walang mapagkukuhanan ng pambili ng
pagkain sa araw-araw. Hindi lamang Barangay Masagana ang maaaring makakuha ng
mga libreng gulay kundi amg mga kalapit na barangay din ay maaaring makatanggap
ng libreng gulay at buto ng gulay.

Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay mahala, dahil hindi lamang barangay


naming ang aming matutulungan kundi ang ibang barangay din ay matutulongan
naming. Mahalaga din ito dahil sa panahon ngayon ay sobrang hirap maraming
nawalan ng trabaho dahil sa pandemic na gumugulo sa ating bansa. Isa dito ay upang
matutong kumain ng gulay ang mga bata para lumakas ang kanilang pangangatawan.
Sa kaunting tulong na ito ay makakapag pasaya kami kahit na maliit na bagay,
katulad nga nang aking sinabi sobrang hirap ng panahon sa ngayon dapat lahat tayo
ay nag tutulungan.

VIII. Deskripsyon At Layunin ng Proyekto:

Deskripsyon
Ang proyektong ito ay para sa mamamayan at higit sa mga bata at matanda.
Magsisimula ang pagsasakatuparan ng gawaing ito sa pamamagitan ng pagsusolicit
ng mga donasyon at tulong na maaaring magmula sa munisipyo o sa mga kilalang
personalidad na boluntaryong magbibigay. Ang makakalap na pondo ang siyang
magsisilbing pambili ng mga binhi o buto ng gulay at mga sariwang gulay na
gagamitin sa pamimigay ng mga gulay. Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit sa
kalahating buwan upang maisakatuparan ang nais na pamimigay.

Layunin
Ang layunin ng proyektong ito ay makatulong sa mga taong hirap ang buhay ngayong
panahon ng pandemic at upang magkaroon ng kaunting panimula ang mga tao sa
tulong ng pamimigay ng binhi ng gulay upang maitanim nila ito.

IX. Badyet o Gastusin ng Proyekto:


Sa proyektong ito inaasahang na gagamitin sa pamimigay ng mga binhi ng gulay at gulay ay
aabot sa 139, 500 pesos ang magagastos, ilalahad sa ibaba ang mga aytem na gagastusan:
Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong
Aytem Aytem pangkalahatan(Php)
100 kilo Repolyo 100 per kilo 10,000.00
100 kilo Chayote 40 per kilo 4,000.00
100 kilo Carrots 100 per kilo 10,000.00
100 kilo Broccoli 80 per kilo 8,000.00
100 kilo Petchay Baguio 70 per kilo 7,000.00
100 kilo Patatas 45 per kilo 4,500.00
100 kilo Talong 80 per kilo 8,000.00
100 kilo Ampalaya 100 per kilo 10,000.00
100 kilo Mais 80 per kilo 8,000.00
100 kilo Saging Saba 70 per kilo 7,000.00
100 kilo Okra 80 per kilo 8,000.00
20 kilo Siling pula 400 per kilo 8,000.00
100 kilo Kalabasa 100 per kilo 10,000.00
100 kilo Kamatis 70 per kilo 7,000.00
100 kilo Sitaw 50 per kilo 5,000.00
100 kilo Upo 50 per kilo 5,000.00
100 kilo Patula 50 per kilo 5,000.00
100 kilo Kangkong 5o per kilo 5,000.00
2000 Plastic ng buto Ibat ibang buto ng gulay 5 per plastic 10,000.00
Kabuuang Gastusin 139,500.00

X. Kapakinabang Dulot:

.Ang makikinabang sa proyektong ito ay ang buong mamamayan ng barangay


masagana at kalapit na barangay, higit na makikinabang ditto ay ang mga bata at
matanda. Ang layunin ng proyektong ito ay maging masigla ang pangangatawan ng
mga tao lalo na ang mga bata at matanda at ng buong komunidad at para makaligtas
ang bawat isa sa mga sakit na lumalabas sa panahon ngayon sa bansa natin

You might also like