You are on page 1of 2

HARING KOBRA

Isang Paalala
ni Jes Felipe

Ang taginting ng mga nag-uuntugang baso... ang sigla ng mga biruan na sinasaliwan ng
tawanan... umaagos ang "San Miguel" at umuusok ang
pulutan.
Kay saya ng salu-salong iyon. Matama kong pinagmamasdanang pitlag ng buhay sa mukha |
ng bawat naroroon. Tagay, kuwentuhan, biruan... Ang sandaling ito ay larawan ng karanasan.
Paminsan-minsan nga lamang magkatipun-tipon ang mga manggagawa at mga supervisors sa mga
pagkakataong katulad nito.
Saglit kong napag-ukulan ng pansin si Mang Berto. Umaagos ang bula sa kanyang baso.
Mamula-mula na ang kanyang dalawang pisngi. Nawawalan ng preno ang pagbigkas niya ng mga
salita.
Wala ni isa man sa inyo ang makakagamay sa makinang hawak ko," ang sabi niya. "Anim
taon ko nang
na
hinahawakan iyon. Kung pagalingan
ang pag-uusapan hindi na ako kailangan
pang pagsabihin ng dapat kong gawin. Maski nakapikit kaya kong paandarin ang makinang iyon.
At tapos agad ang trabaho.
May pasaring ang kanyang tinuran habang pasulyap-sulyap siya sa aming kinauupuan.
Kahapon nga pala ay nabati ko ang kanyang padalus-dalos na paggawa. Hindi niya tinanggap ng
mabuti ang paalalang iyon. Bago nga naman akong pasok na superbisor. Katatapos ko pa lamang
sa kolehiyo at wala pang sapat na karanasan. Subalit siya'y matanda na sa planta. Dito na
tinubuan ng makapal na kalyo ang kanyang paa.
Si Berto, ang pinakamahusay na operator sa aking area. Pinagkakaguluhan siya ng araw na
iyon. Naalaala ko pa ang duguan sa klinik. Magkahalong hapdi at pagsisisi ang namasdan sa
kanyang namumutlang mukha. Durog ang buto ng dalawa niyang kamay. Saglit din akong
natigilan at wala akong nagawa kundi ang mahabag habang lurnalayo ang ambulansiyang
maghahatid sa kanya sa ospital.
Ilan kayang tulad ni Berto ang nawawalan ng
pag-iingat dahilan sa matagal na karanasan
sa paghawak ng makina. At ilan
kaya sa kanila ang tulad niyang mawawalan ng kamay?
Matagal ko ring nakalimutan ang tagpong iyon. Nagbalik ito sa aking gunita nang
mamasdan ko ang kagulat-gulat na Haring Kobra sa
Alabang
Snake Farm. Mabalasik ang kanyang
mga mata. Sumisingasing iyon habang tinatawanan lamang siya
Snake farm.
ng ekspertong tagapamahala ng

"Maganda ang Kobra kahit na mabalasik ang anyo," ang sabi ng tagapamahala. "hindi
mahirap hawakan."
lpinaliwanag niya kung papaano ang paghuli sa kobra. Kung papaano ang pagkuha ng anti-
venom sirum sa pamamagitan ng
herenggilya. Nabanggit niya na sa loob ng sampung taon niyang
paghuli ng ahas ay nahawakan na niya ang lahat ng mabalasik na ahas sa Pilipinas. Ang
himig na
kanyang pananalita ay puunung-puno ng sigla at lubos na tiwala sa kanyang sarili.
Sinamahan niya kami sa kulungan ng mga Kobra. Doon ay
ipakikita niya ang paghuli ng
Kobra. Pinasok niya ang kulungan. Niligid niya ang
Haring Kobrang nagulantang sa
pagpapahinga. Nakataas ang ulo niyon. Malapad at mabalasik na nakatingin sa kanya.
Sinagilahan kami ng takot.
"Hindimapanganib ito basta alam mo ang technique," sabi ng tagapamahala.
Ipinamalas niya ang kanyang kakayahan sa paghuli ng kobra. Marahas niyang nilapitan
iyon. Hinihintay niyangsumalakay sa kanya ang Kobra bago niya dadakmain iyon.
Pumuslit ang Kobra sa pagkakatayo. Mabilis ang mga kamay na
sumalubong sa
gumagapang na kamatayan. Sa isang iglap napuno ng pangamba ang lahat ng nanonood. Bumaon
ang dalawang matalas na pangil ng Kobra sa braso ng tagapamahala.
Mabilis niyang iniwaksi iyon at tahimik na lumabas sa kulungan.
"Huwag kayong mabahala," ang sabi niya. "Madaling malunasan ito ng aking Snake Bite
Kit."
Subalit gayon na lamang ang sindak nang makita niya ang Snake Bite Kit na walang laman
at pulos kalawang. Ang ekspertong tagapamahala ay naging dalubhasa sa gawain subalit nawalan
ng kaukulang pag-iingat. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin. Gumapang ang
pamamanhid sa kanyang laman. Nabulid siya sa isang malagim na kamatayan.

You might also like