You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPATAYO NG POSTE NG SOLAR PANEL PARA SA

BARANGAY GUINDACPAN
Mula kina Christina Avergonzado
Kint Jassel P. Bagtong
Jefril Cuizon
Shana Rayan Avergonzado
Ninio Turtoga
Shana Credo
Elezer Garcia
Venus Padin
Myla Pia Polinar
6325 Purok 2, Sitio Sun – Ok
Barangay Guindacpan
Ika 10 ng Octobre 2023
Haba ng Panahon na Gugugulin: 2 buwan at kalahati

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ang Guindacpan ay Isa sa mga isla na malayo sa Syudad. Maraming kakulangang bagay sa islang
ito Isa na rito Ang kakulangang sa Supply ng Kuryente
Isa ito sa mga dahilan kung bakit marami g aksidente, maraming nabubuntis, maraming
mga tambay sa madilim na parte ng isla kung saan gumagawa ng hindi makabuluhang bagay
tulad ng paghithit ng druga. Ang mga Bata rito ay nahihirapang mag-aral sa Gabi dahil walang
sapatos na ilaw. Ang mga taga doon ay kailangan pang pumunta sa mga baybayin upang
makasagap ng internet .
Kaya sapatos na ito upang bigyang pansin at aksyon ang pangangailangan ng Barangay
Guindacpan upang mapabilis ang mga gawain , maiwasan ang mga karumal-dumal na mga
pangyayari at para na rin mapadali o mapaayos ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Kung sakaling
maaprobahan ang panukalang ito , maraming mga tao ang mabubuhayan ng loob , magiging
ligtas ang Barangay Guindacpan. Sana po mabigyan ng panandaliang aksyon ito dahil
napakahalaga sa mga tao ang magkaroon ng ilaw. Tiyak na magiging masaya ang Barangay
Guindacpan.

II. LAYUNIN
Makapagpapatayo ng mga Solar Panel ng Poste na higit na makakatulong sa panghanapbuhay,
pag-aaral, at para na rin mailayo Ang Barangay Guindacpan sa mga posibleng aksidente na
nangyayari sa madilim na Lugar.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN


Plano sa Pagpapatayong Solar Panel at Poste ng Barangay Guindacpan
1. Pagpasa, pagaaproba sa natulang proyekto at paglabas ng badget (9 Araw)
2. Paglalagay ng mga poste sa ibat -ibang sulok ng isla na higit na nangagailan Ng ilaw.
(3 linggo)
Ang mga tao sa isla ay kailangang mag boluntaryo upang mapadali ang proyekto, hindi
po ito sapilitan dahil may mga contractor po tayong inaasahan para gumawa sa
proyektong dapat nating aksyonan. Kailangan pang magpasa ng mga kinakailangang
dokumento ang mga contractor upang sila ay matanggap sa trabaho.
3. Bago po simulaan ang proyektong ito, magpapatawag po ng pagupulong sa Barangay
kasama apo ang kagalang-galang na kapitan upang sana magpapaalam na may gagawing
proyekto sa lugar nila at upang malaman run ang kanilang mga opinion o suhestiyon
ukol sa proyekto.( 1 Araw)
4. Paglalagay ng Poste ng Solar Panel kasama ang kagalang-galang na kapitan ng Barangay
Guindacpan (1 buwan)
5. Pagsasagawa ng programa at pagpapahintilot sa kagalang-galang Padre na basbasan ang
mga Poste ng Solar Panels.

IV. BADGET

MGA GASTUSIN HALAGA

I.Halaga ng mga materyales na gagamitin sa PHP 400,00.00


pagpapatayo / pagpapalagay ng mga
natulang Solar Panels. Kasama na rito ang
mga sapatos na sweldo na kakailanganin ng
mga trabahador at meryenda ng mga taong
mag boboluntaryo.

II.Gastusin para sa pagbasbas ng naturang


Solar Panels PHP 25,000.00

III.Kabuoang Halaga
PHP 425,000.00

V. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO


Ang paglalagay ng mga Solar Panels ay higit na nakakatulong sa mga tao ng Barangay
Guindacpan upang magbigay liwanag sa lugar na madilim na kinakatakutan ng karamihan dahil
sa hindi mabilang na aksidente sa lugar na ito. Kinakailangan ng panandaliang aksyon dahil
nahihirapang ang mga tao na magtatrabaho sa gabi at mag-aral dahil sa madilim na Lugar.
Hindi na mangagamba ang mga tao na naninirahan sa Barangay Guindacpan at mapapadali
na rin ang kanilang pamumuhay ng dahil sa proyektong ito.
Tiyak na magiging masaya ang mga tao sa Barangay Guindacpan at maging ligtas sa
anumang mga pangyayari na maaring madulot dahil sa madilim na lugar na ito at higit sa lahat
makakaayos na din sa pag aaral ang mga mag-aaral. Kaya wag ng patagalin pa at bigyan na ito ng
aksiyon para sa proteksiyon sa mga taong dadaan sa madidilim na pate sa Barangay Guindacpan.

You might also like