You are on page 1of 1

Talamak na Paggamit ng Social Media

Sa panahon ngayon, dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, marami na ang


gumagamit nito gayundin sa social media. Ito ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa mga
kapamilyang nasa malayo, pakikisalamuha at pakikipagkaibigan sa ibang tao. Nakakatulong rin
ito sa pagpapalago ng negosyo. Ito rin ay ginagamit sa pangangalap ng mga impormasyon at
pagpapalaganap ng ibang impormasyon na maaaring makatulong sa ibang tao. Subalit, sa
pagiging talamak na paggamit ng social media ngayon ay naaabuso na ito ng mga tao at
nagagamit na sa masamang paraan.

Para sa akin, hindi na maganda ang resulta sa ilan sa gumagamit ng social media ngayon.
Hindi na alam sa ilan na gumagamit ng social media ang masamang epekto ng kanilang pinopost
online tulad nalang ng mga away na hindi naman kailangan ipost sa social media. Ginagamit na
rin ito ngayon bilang isang modus sa panloloko at pagkuha ng pagkakakilanlan ng ibang tao. Ito
rin ay nagiging sanhi ng cyberbullying na kung saan ang ilan sa mga biktima ay humahantong na
sa pagpapakamatay. Hinahack rin ng ilan ang ibang social media accounts ng mga tao at
ginagamit ito sa paninirang puri. Nagagamit rin ang social media sa pagpapalaganap ng mga
pekeng balita at impormasyon. Ang ilan rin sa gumagamit nito ay nalulong na at nagiging addict
na kung saan hindi na nila nagagawa ang ilan sa kanilang mga gawain at nakakasira rin ito sa
kanilang kalusugan.

Hindi naman masama ang paggamit ng social media. Marami rin itong mabuting
idinudulot sa atin tulad nalang sa akin na isang mag-aaral na kung saan nagagamit ko ito sa
pakikipagsalamuha sa aking kamag-aral. Nagdadala rin ito ng mabuting epekto sa mga
gumagamit ngunit kung ito na ay inabuso at ginamit sa masamang paraan ay doon naman
lumalabas ang masamang epekto nito. Hindi social media ang problema kun’di ang ating sarili at
ang paggamit natin nito. Kung may disiplina naman tayo ay tiyak walang problema sa paggamit
nito.

You might also like