You are on page 1of 38

PANUKALANG

Proyekto
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

LORENA S. CLUB
Dalubguro II
TUKLASIN
PANIMULANG GAWAIN
Pagmasadan mo ang iyong paaralan.
Ano – ano pa ang pangangailangan pa sa
iyong paaralan? May mga suliranin ba ang
iyong paaralan na na nangangailangan
ng agarang lunas? Mag-sip ng dalawang
suliranin na kinakaharap ng iyong
paaralan sa ngayon.
GAMITIN ANG FORMAT SA IBABA
DALAWANG SULIRANING KINAKAHARAP NG PAARALAN
1. __________________________________________________

2. __________________________________________________
UMISIP NG MGA POSIBLENG SOLUSYON SA MGA SULIRANING ITO
SULIRANIN #1:

1. ____________________________________________________________

ANG MGA BAGAY NA KAILANGAN:

a. _______________________________________________________

b. _______________________________________________________
SULIRANIN #2:

1. ____________________________________________________________

ANG MGA BAGAY NA KAILANGAN:

a. _______________________________________________________

b. _______________________________________________________
DALAWANG SULIRANING KINAKAHARAP NG PAARALAN
1. Pagtaas ng bilang ng mga malnourished na mag-aaral

2. Kakulangan ng bentelasyon sa mga silid-aralan

UMISIP NG MGA POSIBLENG SOLUSYON SA MGA SULIRANING ITO


SULIRANIN #1:

1. Pagtaas ng bilang ng mga malnourished na mag-aaral

ANG MGA BAGAY NA KAILANGAN:

a. FEEDING PROGRAM

b. 4PS
SULIRANIN #2:

1. Kakulangan ng bentelasyon sa mga silid-aralan.

ANG MGA BAGAY NA KAILANGAN:

a. Pagdaragdag ng mga electric pan sa silid-aralan

b. Pagkumpuni sa mga sirang electric pan sa silid-aralan


Ang bawat suliranin ay
maaaring may dalawa o higit
pang solusyon. Subalit mas
mainam na magbigay ng
solusyong magagawa mo
agad-agad.
Sa isang pamayanan naman
maaring magkaiba-iba ang mga ito
ng pangangailangan.
• Basketball court
• Baranmgay Hall
• Clinic
• Police Outpost
• Poso
• Bagong Kalsada
Sa mundong ating
ginagalawan may mga
pangyayaring dapat pag-
ukulan ng pansin lalo na
kung ito ay nagdudulot ng
suliranin sa maraming tao.
• Maaari naming kakulangan ng
isang bagay bagay na
nangangailangan ng agarang
pagtugon
• Paglulunsad ng pagbabago ukol
sa naghaharing Sistema o
patakaran
• Maaari ring pagsasagawa ng isang
programa upang higit na mapabuti
ang kondisyon ng isang samahan o
gawain
• O kaya naman ay papgpapanukala
ng isang solusyon para sa
nararanasang suliranin
• Maaari ring pagsasagawa ng isang
programa upang higit na mapabuti
ang kondisyon ng isang samahan o
gawain
• O kaya naman ay papgpapanukala
ng isang solusyon para sa
nararanasang suliranin
Kaya ngat mahalaga na
matukoy mo muna ang
pangangailangan ng
inyong pamayanan o
samahan bago
makapaghanda ng
isang panukala o
proposal.
TANDAAN
Ang layunin mo sa sulat ay
makuha ang suporta ng inyong
local na pamahalaan o alinmang
ahensiya ng pamahalaan na
siyang makatutulong
upangmakamit ang iyong layunin.
Kaya’t dapat mong
matutuhan ang

Pagsulat ng mungkahi o
panukalang proyekto
PANUKALANG PROYEKTO
Ang panukala ay isang
proposal na naglalayong
ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang
komunidad o samahan.
Kaya ang PANUKALANG PROYEKTO
ay nangangahulugan na isang
kasulatan o mungkahing
naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na
siyang tatanggap at magpapatibay
nito. Dr. Bartle ng Community Empowerment Collective.
Ayon kay Bartle
Kailangan nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-
uukulan nito.
Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o
panlilinlang, sa halip ito ay kailangang
tapat at totoo sa layunin nito.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
ANG PAHAYAG NG SULIRANIN

Ang pahayag ng suliranin ay


tumutukoy sa mga pangangailangang
nais tugunan ng proyekto. Nagsasaad
rin ito kung bakit mahalaga ang
proyekto
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umunlad na barangay ng bayan
ng General Trias sa Cavite. Ito ay pamayanang agricultural bagamat unti-unti na
ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan
ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga
bahay, kagamitan, at maging mga pananim. Ang pangunahing sanihi ng
pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na
pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo
tiyak na di na kailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng
ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para
sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
• Pansinin na maikli, malinaw at direkta ang punto ng
pagpapahayag ng suliranin.
• Ito ang mga katangian ng isang mahusay na
pagpapahayag ng suliranin.
• Nakasaad ang maikling paglalarawan ng pamayanan.
• Pagkaraay inilalatag ang suliranin ng pamayanan at
sinusundan ng katwiran ng pangangailangan ayon sa
pananaw ng pamayanan.
• Pagkaraan, ipapahayag naman ang katwiran sa pagtugon
sa pangangailangan ng pamayanan.
• Ang ulat-panukala ay maaari ding kapalooban ng mga
benepisyo o kabutihang dulot nito sa barangay sa
katagalan.
Nakikita mo na ba ang mga dahilan kung bakit
kailangang maikli, malinaw at direkta sa punto
ang pahayag ng suliranin?
Tandaan, sinusubukan mong kumbinsihin
ang mga ahensiyang makatutulong upang
makamit ang pangangailangan at
karapatdapat itong masuportahan nila.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
LAYUNIN
Sa bahaging layunin makikita ang mga
bagay na gusting makamit o ang
pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin
ng proyekto.
Kailangang isulat ito batay sa inaasahang
resulta ng panukalang proyekto at hindi batay
kung paano makakamit ang mga resulta nito.
Ayon kina JEREMY MINER AT LYNN MINER
Ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
SPECIFIC – nakasaad ang bagay na
nais makamit o mangyari
sa panukalang proyekto.
IMMEDIATE– Nakasaaad ang tiyak na
petsa kung kalian ito matatapos.
MEASURABLE–may basehan o
patunay na naisakatutuparan ang
nasabing proyekto.
PRACTICAL– nagsasaad ng solusyon
sa binanggit na suliranin.
LOGICAL – nagsasaad ng paraan
kung paano makakamit ang proyekto
EVALUABLE – masusukat kung
paano makatutulong ang proyekto
Layunin: Makapagpagawa ng
breakwater o pader na makatutulong
upang mapigilan ang pag-apaw ng
tubig sa ilog upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan at
maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga
buwan.
GAWAIN
Sa bawat suliranin at pangangailangang nabanggit sa ibaba, magbigay ng isang layunin at isulat
ito sa patlang. Ang unang bilang ay isang halimbawa nito.

1. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal


na gamot
Pangangailangan: Palaruan ng basketbol
Layunin: Maglaan ng isang palaruan kung saan maaaring gugulin ng
kabataan ang kanilang oras nang maiwasan ang pagkagumon sa
mga bawal na gamot
2. Suliranin: Pagtaas ng insidente ng pagkakaroon ng sakit dulot ng mga bakteryang dala ng tubig
Pangangailangan: Panggagalinagn ng malinis na inuming tubig
Layunin: __________________________________________________________
__________________ ______________________________________
GAWAIN
Sa bawat suliranin at pangangailangang nabanggit sa ibaba, magbigay ng isang layunin at isulat
ito sa patlang. Ang unang bilang ay isang halimbawa nito.

3. Suliranin: Ang mga nakatatandang mamamayan ay walang pagkukunan ng pagkakakitaan


Pangangailangan: Programang pagsasanay para sa mga gawaing pangkabuhayan
Layunin: ___________________________________________________________
_____________________ ______________________________________
4. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga krimen
Pangangailangan: himpilan ng pulisya
Layunin: ______________________________________ _______________________________
_______ ______________________________________

5. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga batang kulang sa sustansiya


Pangangailangan: School-based feeding program
Layunin: ______________________________________ _____________________________
_________ ______________________________________
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao

1.Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet. (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractors o
mangongontrata sa paggawa ng break water o pader. (2 lingo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng
contractor na gagawa ng breakwater. (1 araw)
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng
konseho ng Barangay Bacao. (3 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater. (1 araw)
PLANO NG DAPAT GAWIN
• Ang talaan ng mga gawain o plan of action ay naglalaman ng
mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
• Mahalagang maiplano ito ng mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.
• Ito ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Kailangang
ikonsidera din ang badyet sa pagsasagawa nito.
• Makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa
kung kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang
araw ito gagawin.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
BADYET
• Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at
tamang paglalatag ng badyet.
• Ito ay talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
• Mahalagang ito ay pag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugulin.
• Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itongmaunawaan ng ahensiya o
sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang
mga ito.
• Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
• Siguraduhing wasto o tama ang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga
bura o erasures sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala sa iyo.
PLANO NG DAPAT GAWIN
MGA GASTUSIN HALAGA
I. Halaga ng pagpapagawa Php 3,200,000.00
ng breakwater batay sa
isinumite ng napiling
contractor (Kasama na rito
ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa Php 20,000.00
pagpapasinaya at
pagbabasbas nito
Kabuuang Halaga Php 3, 220,000.00
SANGGUNIAN
Julian Ailene, Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma.Filipino
sa Piling Larangan (Akademik). Phoenix Publishing. 2016.
Maraming
Salamat!

You might also like