You are on page 1of 3

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG 

BARANGAY NG CAA , LAS PINAS CITY NA GINANAP NOONG IKA-21 


NG SETYEMBRE 2019 DITO SA BULWAGANG PULUNGAN NG BAHAY 
PAMAHALAAN  

Mga dumalo:  
Ruth B. Hernandes, MD Opisyales sa ​Department of Health 
Punong Kagawad. Antonia Sinense Konsehal 
Kgg. Elaisah Solidarios  Konsehal 
Kgg. Marc Genesis Suello  Konsehal 
Kgg. Neil Barcena  Konsehal 
Kgg. Isko Dimatibag, JR Konsehal 
Kgg. Lily Bugan Konsehal 
Kgg. Eddie T. Paklong Konsehal  
Kgg. Beau Belga Konsehal  
Kgg. Luzviminda Cruz  Konsehal- SK 
Kgg. Phlip Pinas  Konsehal- SK 
 
Di-dumalo  
Kgg. Ron Bert Edoria Konsehal 

Kautusang Bayan Blg. 002-2007  

KAUTUSANG BAYAN NA NAGTATAKDA NG REGULAR NA PAGHAHANDA 


AT DISKUSYON SA BAWAT BAHAY SA BRGY. CAA MULA SA BAYAN NG LAS 
PI​ÑAS UKOL SA BASURA.  

Seksiyon 1.​ Kilalanin ang Kautusang Bayan na "Nagtatakda ng regular na paghahanda at 
diskusyon sa bawat bahay sa Brgy. CAA mula sa Bayan ng Las Pi​ñas​ ukol sa Basura.” 

Seksiyon 2. ​ Kahulugan ng mga salita 

● Basura- ​Ang basura ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na kakailanganin at hindi na 
nararapat gamitin. Taliwas naman ito sa paraan ng pagreresiklo, o ang paraan ng 
pag-kumpuni at pag-ayos muli ng isang bagay upang magamit muli ito. 

This document/presentation contains proprietary and confidential information. Reproduction, redistribution, or forwarding to any third party, in
whole or in part, is strictly prohibited unless made with prior written consent from Ayala Education Inc. Violation or noncompliance shall​ ​be dealt
with according to law.
● Pampublikong Truck ng basura​ - Truck kung saan itinatapon ang naiipong basura sa 
isang bahay. 
● Tamang Pagtapon ng Basura​ - itinatapon ang basura sa tamang lagayan at hindi kung saan 
saan. 

Seksiyon 3. ​Pagkolekta sa mga basura ng sambahayan 


Ang panukalang ito ay nararapat na ipatupad upang makapagbigay ng barangay ng CAA ng 
malinis at tahimik na kapaligiran. Bukod pa dito ay maiiwasan rin ang mga sakit na maaring 
makasama sa ating mga kalusugan.  

Seksiyon 4.​ Ipagbabawal na ang mga mamamayan na magtapos ng basura kung saan saan 
lalo na sa mga pampublikong lugar. 

Seksiyon 5​. Ang mga magulang ay nararapat na mamuno sa kautusang ito upang sundin rin 
sila ng kanilang pamilya kung saan matutunan ng mga bata ang tamang pagtapon ng basura. 

Seksiyon 6.​ Kinakailangan na ang bawat mga batang mag-aaral ay magdala ng sariling gamit 
gaya ng mga sumusunod:  

● Kutsara 
● Baso 

Ito ay upang mabawasan ang mga basura sa eskwelahan. 

Seksiyon 7.​ Kinakailangan na masigurado na nasa tamang lugar ang mga basura sa kani 
kanilang bahay. 

Seksiyon 8. ​Hindi pwedeng magpatapon ng basura ang may-ari ng isang bahay. Dahil may 
mga batang pagtapos makuha ang pera ay iniiwan lamang ang basura kung saan saan. 

Seksiyon 9. ​Sundin ang sumusunod na araw sa pagtapon ng basura: 


● Lunes, Miyerkules at Biyernes- ang mga truck ng basura ay mangongolekta sa mga 
sumusunod na kalye  
○ Timog St. 
○ Narra St.  
○ Saging St.  
○ Aratelis St. 
○ Phase 4 
○ Malakas St.  

This document/presentation contains proprietary and confidential information. Reproduction, redistribution, or forwarding to any third party, in
whole or in part, is strictly prohibited unless made with prior written consent from Ayala Education Inc. Violation or noncompliance shall​ ​be dealt
with according to law.
● Martes at Huwebes - ang mga truck ng basura ay mag iikot sa buong CAA, maari 
lamang maghintay sa kanto ng inyong mga bahay. 

Seksiyon 10. ​Ang mga opisyales ng bawat barangay ay ang mangangasiwa sa kautusang ito. 
Seksiyon 11. ​Kinakailangang maitapon sa tama ang mga basura. 
Seksiyon 12. MULTA SA LALABAG SA SEKSIYON 4 AT 8:  
Unang paglabag- ​susulatan na may kaakibat na paalala 
Pangalawang paglabag- ​mumultahan ng P500.00. 
Pangatlong paglabag- ​may multang P50,000 at maaaring makulong ng ilang 
linggo depende sa kaniyang ginawang kasalanan. 

Seksiyon 13.​ Ang perang malilikom mula sa multa ay mapupunta sa mga ​Charity Foundation 
upang kanilang maging pondo at para rin sa mga susunod o magagawang programa. 

Seksiyon 14.​ Ang anumang kautusang bayan o bahagi na ito na sumasalungat sa 
itinatadhana ng Kautusang Bayang ito ay mapapawalang bisa. 

Seksiyon 15.​ Ang kautusang bayan na ito ay magkakabisa matapos na mapagtibay. 

 
May Akda: Joana Daniella C. Doloso 
Tagapangasiwa ng Pagpupulong 
 
Nagpapatunay: 
April A. Nery 
Vice Mayor 
 
Pinagtibay: 
Imelda T. Aguilar 
Mayor 

This document/presentation contains proprietary and confidential information. Reproduction, redistribution, or forwarding to any third party, in
whole or in part, is strictly prohibited unless made with prior written consent from Ayala Education Inc. Violation or noncompliance shall​ ​be dealt
with according to law.

You might also like