You are on page 1of 3

Ang Tala ng Ordinansang ito ay naitala at isinagawa ng mga Sanguniang

Barangay ng Barangay Mapalad, Lungsod ng Tarlak, noong nakaraang


Buwanang Sesyon, ika-15 ng Disyembre taong 2018 sa Barangay Hall ng
Barangay Mapalad.

Dumalo:
Hon. JONAR T. LIMOS : Punong Barangay
Hon. WINNIE N. TABOS : Barangay Kagawad
Hon. PACITA S. DELA CRUZ : Barangay Kagawad
Hon. EDUARDO M. GRAGASIN : Barangay Kagawad
Hon. MYRABEL S. RAMOS : Barangay Kagawad
Hon. TIRSO R. REGUINDIN : Barangay Kagawad
Hon. MARIFE F. MAGSILANG : Barangay Kagawad
Hon. NANETTE S. PANGILINAN : Barangay Kagawad
Hon. LOUIE M. MUSA : SK Chairman

Lumiban: WALA

ORDINANSA BLG. II, III, IV, V, at VI


TAONG 2018

Napagkasunduan ng Buong Sanguniang Barangay na ipatupad ang mga


sumusunod na Ordinansang ito:

ORDINANSA BLG. II - Curfew Hour. Bawal na gumala ang mga Kabataan


edad 18 taong gulang pababa. Oras ika-10:00 ng gabi hanggang ika-
4:00 ng umaga.

PARUSA: Community Service o Linis Barangay at i-abiso sa mga


magulang.

ORDINANSA BLG. III – Bawal ang Maingay na Tambutso. Ang sino mang
mahuling nagmamaneho ng maingay na tambutso sa lansangan ay
papatawan ng parusa o multa.

PARUSA O MULTA:
1st Offense - P 300.00
2nd Offense - P 500.00 na may kasamang Community
Service o Linis Barangay
3rd Offense - P 700.00 na may kasamang Community
Service o Linis Barangay

ORDINANSA BLG. IV – Ipinagbabawal ang Nakagalang Hayop sa lansangan,


tulad ng BAKA, KAMBING, AT ASO.
A. Aso: kung sino man ang may-ari ng aso na nakakagat ay siya ang
gagastos sa pagpapagamot sa nakagat.
B. Kambing: kung sino man ang may-ari ng kambing na nakasira ng
halaman o pananim ay papalitan ang nasirang halaman.
C. Baka: ganun din sa kambing, at may kasamang Community Service
o Linis Barangay.
ORDINANSA BLG. V – Ang sino mang nanggulo sa anumang okasyon, tulad
ng KASAL, BIRTHDAY, BINYAG, at iba pa, ay may kalakip na parusa o
multa.

PARUSA O MULTA: Ang sino mang nanggulo ay siyang mananagot sa


lahat ng nasira at may kalakip na Community Service o Linis
Barangay.

ORDINANSA BLG. VI – Bawal ang Tsismis. Ang sino mang inireklamo na


nag-tsismis na walang sapat na ebidensiya ay may kaukulang parusa o
multa.

PARUSA O MULTA:
1st Offense - P 500.00
2nd Offense - P 700.00 na may kasamang Community
Service o Linis Barangay
3rd Offense - P 1,000.00 na may kasamang Community
Service o Linis Barangay

Ang mga layunin ng mga Ordinansang ito ay ang mga sumusunod:


1. Upang mapanatili ang katahimikan at mailayo sa mga kapahamakan o
gulo ang ating mga anak.
2. Upang maging tahimik at walang maingay sa lansangan.
3. Upang mapangalagaang mabuti ang mga halaman at pananim, at
maiwasan ang paninira ng mga gumagalang hayop.
4. Upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan, at walang anumang
sigalot na magaganap sa bawat mamamayan, at higit sa lahat ay
mapanatili ang kaayusan at pagkakaisa ng bawat isa.

NAPAGPASIYAHAN AT SINANG-AYUNAN NG LAHAT.

WINNIE N. TABIOS PACITA S.


DELA CRUZ
Barangay Kagawad Barangay Kagawad

EDUARDO M. GRAGASIN MYRABEL S.


RAMOS
Barangay Kagawad Barangay Kagawad

TIRSO R. REGUINDIN MARIFE F.


MAGSILANG
Barangay Kagawad Barangay Kagawad
NANETTE S. PANGILINAN LOUIE M.
MUSA
Barangay Kagawad SK Chairman

PINAPATUNAY:

MARIETTA M. MUÑOZ
Kalihim

PINAGTIBAY:

JONAR T. LIMOS
Punong Barangay

You might also like