You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Marinduque
Bayan ng Sta. Cruz
BARANGAY MAHARLIKA

KAUTUSANG PAMBARANGAY BLG. 13, 2021


May akda: IRENE H. SACE

ISANG ORDINANSA NA NAGSUSUSOG SA BARANGAY ORDINANCE NO.09 NA NAGTATATAG NG


PAGPAPATALA NG MGA NANINIRAHAN SA BARANGAY.

SAPAGKAT; mas nais pa ng Sangguniang Barangay na maging maayos ang pagpapatala at pagkakakilanlan ng
mga taong nagnanais na manirahan sa barangay.

SAPAGKAT; minabuti ng Sangguniang Barangay na dagdagan ang seksyon ng ordinansa na kung saan ang
Seksyon VI, VII, VIII ay iuurong ang bilang pahuli upang maidagdag ang mga sumusunod na seksyon na may
nilalaman na .

Seksyon I Pamagat- Isang Ordinanasa na nagsususog sa Barangay Ordinance No. 09 serye 2018 na nagtatatag
ng Pagpapatala ng mga Naninirahan sa Barangay.

Seksyon II Saklaw - lahat ng tao na naninirahan sa teritoryo ng Barangay Maharlika, Santa Cruz,
Marinduque, anuman ang haba ng pamamalagi ay dapat na nakarehistro sa opisina ng kalihim ng barangay at
kasama sa Registry of Barangay Inhabitants.

Seksyon III Kapangyarihan – Ayon sa pangkat 391 ng RA. 7160 ng Local Government Code 1991, tungkulin
at kapangyarihan ng Sangguniang Barangay na bumuo ng mga kautusan para sa kapakanan ng mga
mamamayan.

Seksyon IV Layunin –
1. Para sa madaliang pagkakakilanlan ng mga naninirahan
2. Para sa pag update ng mga naninirahan sa barangay
3. Para sa kasangkapan sa pagpaplano

Seksyon V Mga Susog – Idadagdag ang nga sumusunod na seksyon at magbabago ang bilang ng ilan sa mga
kasalukuyang seksyon ayon sa sumusunod:

Mga karagdagang Seksyon:

Seksyon VI. Pagpapatala– lahat ng mga nagnanais na tumira sa Brgy, Maharlika ay kinakailangang
magpatala sa brgy. na , may dalang Brgy. Clearance kung saang barangay sila nanggaling o nagmula.

Seksyon VII. Para sa mga Paupahan– ang lahat ng mga may- ari ng paupahan ay kinakailangan
ipaalam sa kanilang mga magiging tenant ang tungkol sa pagpapatala sa brgy. bago pa man sila tumira
sa nasabing paupahan.

Mga Seksyon na Magbabago ang bilang:

Ang Seksyon VIII. Pagkabisa ay magiging Seksyon X na

Seksiyon VI.- Pagwawalang Bisa- Ang anumang probisyon o ang umiiral na kautusan na sumasalungat sa
kautusan na ito ay dito’y iniwasto, binago sinusugan o tuluyang pinawawalang bisa

Seksyon VII –Pagkabisa – Ang kautusang ito ay magkakabisa matapos na ito ay pagtibayin ng Sangguniang
Barangay dumaan sa Public Hearing at matapos mareview ng Sangguniang Bayan at maipaskil sa dalawang
hayag na lugar.
PINAGTIBAY at INAPRUBAHAN ng Sangguniang Barangay ngayon ika – 6 ng Abril 2021 ng Barangay
Maharlika, Sta. Cruz, Marinduque.

FORITA A. QUING JOLLY M. MERANO IRENE H. SACE EDITA L. TAN


Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad

CATALINA A. MENDOZA RODERICK P. RODAS LEO D. RICOHERMOSO


Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad

PAULINE Q. CONSTANTINO
SK Chairperson

PINATOTOHANAN:

FELIX Q. DY
Punong Barangay

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SERTIPIKASYON NG KALIHIM

Pinatutunayan ko ang kawastuhan na nabanggit sa Ordinansa Bilang 13 Serye 2021 na pinamagatang “Isang
Kautusang na Nagsusussog sa Ordinansa N0. 9 ‘ Isang Ordinansa na Nagtatatag sa Pagpapatala ng mga
Maninirahan sa Barangay.’ sa panahon ng Regular Session noong ika- 6 ng Abril 2021 sa ganap na ika -9 :00
ng umaga sa Barangay Hall ng Barangay Maharlika, Sta. Cruz, Marinduque, Philippines.

RAQUEL L. ALARAS
Kalihim ng Barangay

You might also like