You are on page 1of 41

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Aurora
Bayan ng San Luis
BARANGAY 04 POBLACION

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

BATAS SA BUWIS NG BARANGAY BLG. 01-2020

ISANG KAUTUSAN NA NAGPAPATUPAD SA BATAS NG BARANGAY


BARANGAY 04 POBLACION, SAN LUIS, AURORA.

IPINAG-UUTOS ng Sangguniang Barangay ng Barangay 04


Poblacion, San Luis, Aurora na:

KABANATA I. – PANGKALAHATANG TADHANAIN

ARTIKULO A. MAIKLING PAMAGAT AT SAKLAW

Seksyon 1 A .01. Pamagat. Ang batas pambarangay na ito ay


kikilalanin bilang “ANG BAGONG BARANGAY REVENUE CODE” ng
Barangay 04 Poblacion, San Luis, Aurora at kikilalanin din bilang “Batas Sa
Buwis Ng Barangay Bilang 01-2020”

Seksyon 1A. 02. Saklaw. Ang Ordinansang ito ay sasaklawan ang


lahat ng pamamahala sa pagpapataw ng mga buwis, bayarin at iba pang
singilin sa loob ng barangay na ito.

ARTIKULO B. MGA KAHULUGAN AT PATAKARAN SA PANG-UNAWA

Seksyon 1B. 01. Mga Katuturan. Kapag ginamit sa Kodigong ito,


ang terminong

Produktong Pansakahan.- Ay sumasakop sa ani galing sa lupa


tulad ng mais, palay, niyog, tubo, tabako, lamang-ugat, gulay, prutas,
bulaklak at mga by-products; ordinaryong asin ; lahat ng uri ng isda,
manok at hayupan at mga produkto galling sa paghahayupan, maging orihinal
na porma man o hindi. Ang mga katagang ”orihinal na porma man o hindi” ay
tumutukoy sa mga pagbabagong maaaring isagawa sa mga produktong
nasabi ng magsasaka, mangingisda, prodyuser o may-ari sa pamamagitan ng
paggamit ng mga proseso tulad sa pag-iilado, pagdadaing,
pagbabagoong/pagaasin, pagtatapa / pagbibilad, para sa pagpreserba o
paghahanda ng mga produkto sa bentahan.
Para makonsidera na ang produktong pansakahan ay nasa orihinal na
porma o hindi, ang mga pagbabago nito ay kinakailangang isinasagawa ng
magsasaka, mangingisda, prodyuser o may – ari.

Produktong pangsakahan, tulad ng pagtutukoy nito ay sumasakop


hindi lamang sa mga payak kundi maging sa mga makabagong proseso na
gumagamit ng makabagong teknolohiya sa pagbabalot nito tulad ng kinatay
na manok o giniling na kape na nakabalot sa plastik o “styropor” o mga iba
pang materyales sa pagbabalot na sadyang paghahanda sa produkto para sa
bentahan.

Ang terminong “by-products” ay mangangahulugan na kakambal na


produkto at gayundin doon sa mga materyales na sa pag-kukultiba o
pagproseso ng produkto ay nanatili, at mayroon pang halaga at puwede pang
maibenta tulad ng kopra, “cake” galing sa kopra at “molasses” galing sa tubo.

Libangan- ay isang kasiya-siyang dibersiyon o aliwan. Ito ay kahawig


sa pagpapahinga, pagsasaya, paglilibang o pagpapalipas ng oras.

Pook Libangan – sumasakop sa mga teatro, sinehan, gusaling pang-


konseyerto, mga sirkus at mga iba pang pook libangan kung saan
kinakailangan magbayad sa pagpasok para libangin o aliwin ang sarili sa
pamamagitan ng panonood ng mga palabas.

Kalakal – nangangahulugan ng negosyo o gawaing komersyal na


palagiang ginagawa bilang paraan ng hanapbuhay o para kumita.

Kapital – nagpapahiwatig ng aktuwal na propyedad, pera man o ari-


arian ng isang tao o mga korporasyon; isang pondo na ginagamit sa
pangangalakal, na puwedeng ibayad sa mga pinagkakautangan, at kung
sakali sa kawalan ng ibabayad ay dadaloy sa mga tagapagmana.

Kapital sa Pamumunuhan- ay isang kapital na ginagamit ng isang


tao sa anumang gawain, o kanyang iniaambag sa puhunan ng isang
korporasyon, sosyohan, o kahit anong katauhang “juridical” o asosasyon sa
isang tukoy na gawaing nagbabayad ng buwis.

Singilin- ay tumutukoy sa mga maliliit na bayarin, tulad ng renta/upa


o bayarin sa mga tao o ari-arian.

Pagsasabong- ay sasakop at mangangahulugan ng talamak na laro o


terminong “cockfighting derby, pintakasi o tupada”, o mga katumbas na
termino sa iba’t-ibang pook sa Pilipinas.

Mga Sabungan – sumasakop sa kahit anong lugar, bakuran, gusali o


bahagi nito , na kung saan ang pagsasabong ng manok ay isinasagawa, may
pusta/taya man o wala na dumedepende sa resulta ng sabong.
Pang-komersyo na Pagpapalahi ng Manok Pansabong – para sa
pagpapataw ng mga bayarin, at mga singilin pang-barangay, ang
pangkomersyong pagpapalahi ng manok pansabong ay mangangahulugan ng
taunang pagbebenta ng mahigit sa lima (5) na mga manok pansabong ng
isang rehistradong taga-pagpalahi.

“Countryside and Barangay Business Enterprise”- tumutukoy sa


kahit anong negosyo, asosasyon o kooperatiba na rehistrado/nakatala sa
ilalim ng mga probisyon ng Republic Act Bilang anim na libo walong daan at
sampu (R.A. 6810), na kilala rin sa bansag na Magna Carta for Countryside
and Barangay Business Enterprise (Kalakalan 20).

Fee (Bayarin/Butaw)- nangangahulugan ng singilin na itinadhana


ng batas o ordinansa para sa pamamalakad o pagsisiyasat sa isang negosyo o
gawain. Ito ay sasakop din sa mga bayaring itinadhana ng batas o ng
ahensiya para sa mga serbisyo ng isang pangpublikong kawani / opisyal sa
pagganap ng kanyang tungkulin.

Pangkalahatang Benta O Kita- sumasakop sa kabuoang halaga ng


pera o katumbas nito na kumakatawan ng kontratang presyo, sahod o
bayarin sa serbisyo, pati ang halagang siningil o mga materyales na ibenenta
kasama sa mga serbisyo at mga deposito o paunang bayad na actual na
tinanggap sa panahon ng kuarter sa pagbabayad ng buwis para sa mga
serbisyong ginagawa o gagawin pa para sa ibang tao bawas ang mga
diskuento kung matataya sa panahon ng pagbebenta, “sales return”, buwis sa
ari-arian, at Value Added Tax (VAT).

Levy (Pataw)- nangangahulugan ng pagpapataw o pangungulekta


ng tasa, buwis, kontribusyon, o penalidad / kaparusahan .

Sasakyang de – motor - nangangahulugang ng kahit anong


behikulo na pinatatakbo ng kahit anong lakas na iba sa pam-brasong lakas na
gumagamit sa pampublikong kalsada, ngunit hindi sumasakop sa mga ”road
rollers”, trolley cars, street-sweepers, sprinklers, lawn mowers, bulldozers,
graders, forklifts, amphibian trucks, and cranes” kung hindi ginagamit sa
pampublikong kalsada, mga behikulong tumatakbo lamang sa mga riles at
traktora, trailer at mga traction engines at lahat ng mga kauri nito na
ginagamit lamang para sa pagsasaka.

Tagapagpatakbo (Operator)- sumasakop sa mga may-ari at


tagapamahala, o mga iba pang tao na nagpapatakbo o responsable sa
pagpapatakbo ng isang establisimyento, sa pangangalakal, negosyo o
komersyo.

Mga Tao (Persons)- nangangahulugan ng lahat ng “natural” o


“huridikal” na nilalang na puwedeng magkaroon ng mga karapatan at mga
obligasyon o pagiging usapin sa mga relasyong pang-batas.
Mga Pook Libangan – sumasakop sa mga lugar aliwan na kung saan
kinakailangan makabayad para makapasok at libangin ang sarili sa
pamamagitan ng panonood ng mga palabas, o mga lugar kung saan nililibang
ang sarili sa pamamagitan ng direktong pakikilahok.

Mga Residente o Naninirahan – tumutukoy sa mga taona


mayroong palagiang tirahan sa isang lugar, na kung saan sila gumaganap ng
mga karapatang sibil at tumutupad ng kanilang mga obligasyong sibil, at mga
“huridikal” na mga tao na kung kanino ang batas o ano mang mga probisyon
na lumilikha o kumikilala sa kanila ay nagtatadhana ng kanilang tirahan sa
isang tukoy na lalawigan, lungsod o bayan. Sa kawalan ng ganoong batas,
ang mga taong “huridikal” ay residente ng lalawigan, lungsod, o bayan na
kung saan sila ay mayroong legal na tirahan o prinsipal na lugar ng negosyo o
kung saan nila ginagawa ang kanilang prinsipal na negosyo o okupasyon.

Tingi (Retail) – nangangahulugan ng pagbebenta na kung saan ang


namimili ay bumibili para sa sariling pangangailangan, di bale kung gaano
karami ang bilihin na nabenta.

Tindahang Tingi (Retail Store) - ay pangnegosyong


establisyemento na mayroong takdang lugar ng negosyo sa barangay na kung
saan ang mga paninda ay ibinebenta sa mga mamimili para sa pansariling
gamit.

Kita (Revenue) – sumasakop sa mga buwis, bayarin at singilin na


kinukulekta at tinatanggap ng pamahalaan o mga sangay nito para sa kaban
ng pamahalaan at para sa pampublikong paggagamitan.

Mga Serbisyo (Services) – nangangahulugan ng mga gampanin,


trabaho o tungkulin na ginagawa ng isang opisyal / kawani ng pamahalaan, o
ng sinumang pribadong tao na kinokontrata ng pamahalaan, kung alin man sa
dalawa.

Buwis (Tax) – tumutukoy sa isang pataw na kontribusyon na


kalimitan ay sa pamamagitan ng pera, na kinukulekta ng isang lupong
mambabatas sa mga tao o ari-arian na sakop ng hurisdiksyon nito para sa
tukoy na dahilan na pagsuporta ng pangpamahalaan na pangangailangan.

Seksyon 1B. 02. Mga Salita at Kataga na Hindi Natukoy. – Ang


ano mang mga salita at kataga na kasama sa Kodigong ito na hindi natukoy
ay magtataglay ng kaparehas na katuturan na makikita sa R.A. 7160 at sa
“Implementing Rules and Regulations” nito at maging sa mga iba pang batas
na angkop dito.

Seksyon 1B. 03 Mga Alituntunin sa mga Pakahulugan. – Sa


pagpapakahulugan ng mga probisyon ng Kodigong ito, ang mga sumusunod
na mga alituntunin sa pagpapakahulugan ang siyang susundin maliban kung
taliwas sa malinaw na hangarin ng probisyon o kung sa paggamit ay
magtutungo sa malabo o hindi kapanipaniwalang resulta.

a) Pangkalahatang Alituntunin. Ang lahat ng mga salita at kataga


ay papakahulugan o uunawain ayon sa komon at aprobadong paggamit ng
lenguahe; ngunit ang mga teknikal na salita at kataga at mga iba pang salita
sa kodigong ito na maaaring nagkaroon ng kakaibang kahulugan ay
papakahulugan at uunawain ayon sa teknikal, o kakaiba o angkop na
kahulugan.

b) Kasarian at Bilang. Ang bawat salita sa Kodigong ito na


kumukuha ng kasariang panlalaki ay gagamitin sa parehong lalaki at babae.
Ang bawat salita na kumukuha ng pang-maramihang bilang ay gagamitin at
iaangkop sa isang tao o bagay.

k) Pagbilang ng Oras / Panahon. Ang panahon o oras na kung


saan ang isang gawain ay isasagawa sa Kodigong ito o saan mang alituntunin
o patakaran na inilabas ayon sa mga probisyon kung ipinahayag sa araw na
ito ay bibilangin sa pamamagitan ng pag-awas sa unang araw at pagsama sa
huling araw, maliban kung ang huling araw ay pumapatak sa araw ng Linggo
o Holiday na kung ganoon, ito ay hindi isasama sa pagbilang, at ang sunod na
araw ay siyang magiging huling araw.

d) Pag-uugnay (References). Lahat ng pag-uugnay sa mga


Kabanata, Artikulo at mga Seksiyon ay naririto sa mga Kodigong ito maliban
kung sadyang ipapabatid ang taliwas.

e) Salungat na mga Probisyon ng Seksiyon. Kung ang mga


probisyon ng iba’t-ibang mga Seksiyon sa loob ng iisang kabanata ay
salungat sa isa’t-isa, ang probisyon ng seksiyon sa hulihan ng punto ng
pakakasunod-sunod ang siyang mamamayani.

KABANATA II. BUWIS SA PANGANGALAKAL

ARTIKULO A. BUWIS SA TINDAHANG NAGTI-TINGI O MAGTITINGI

Seksyon 2A. 01. Pagpapataw ng Buwis. Mayroong ipapataw na


taunang buwis sa “mga tindahan o magtitingi na mayroong permanenteng
puwesto” ayon sa sumusunod:

a) Sa mga tindahan o magtitingi na mayroong pangkalahatang


benta sa nakaraang taon na Tatlumpong Libong Piso (P30,
000.00) o kulang, ang halagang isang porsiento 1% ay ipapataw sa
nasabing pangkalahatang benta.
b) Sa pangangalakal na isinasagawa sa loob ng Pamilihang Barangay
o Barangay Talipapa ay papatawan ng Butaw sa Kalakal sa halagang
isang porsiento 1% sa taunang pangkalahatang benta.

Seksyon 2A. 02. Panahon at Umpisa ng Pagbabayad sa


Buwis. Ang buwis na ipinapataw dito ay kinakailangan bayaran umpisa sa
unang araw ng Enero kada taon ng lahat ng mga nasasaklawan dito.

Seksyon 2A. 03. Pangungulekta ng Buwis. Ang buwis ay


babayaran sa, at kukulektahin ng Ingat-Yaman ng Barangay o sa kanyang
awtorisadong kinatawan bago ang isang pangangalakal o negosyo na
tinutukoy dito ay makapag-umpisa o magpatuloy at ang buwis ay tatayain
mula sa umpisa ng taon. Kung ang negosyo ay abandonahin, ang buwis na
kukulektahin ay tatayain sa panahon na hindi lalagpas sa katapusan ng taon.
Kung ang buwis ay nabayaran sa panahong lagpas sa kasalukuyang kuwarter
at ang negosyo o pangangalakal ay inabandona, hindi na puwedeng ibalik
ang buwis na nabayaran katumbas ng hindi nagamit na kuwarter.

Seksyon 2A. 04. Multa sa Naantalang Pagbabayad at Interes


sa Hindi Nababayarang Buwis. Ang hindi pagbabayad sa buwis na
ipinapataw sa Artikulong ito sa loob ng panahong nakalaan dito ay
mangangahulugan na ang taxpayer / namumuwisan ay magbabayad ng
multa sa halagang dalawampu’t limang porsiyento (25%) sa orihinal na
bayaring buwis.

Ang nasabing multa ay babayaran kasabay sa pagbabayad ng orihinal


na bayaring buwis.

Karagdagan sa multa, ay mayroon ding ipapataw na interes sa


halagang dalawang porsiento (2%) kada buwan mula sa petsa na
kinakailangan nang bayaran ang buwis hanggang sa ito ay mabayaran ng
buo, sa pasubali, na hindi na dapat na ang kabuoang interes sa hindi
nababayarang halaga o bahagi nito ay lalagpas sa tatlumpo’t anim (36) na
buwan.

Kung saan mayroong ibinibigay na panahong palugit para sa


pagbabayad ng buwis at ang halagang hindi nababayaran ng buo bago
maubos ang palugit, ang interes na sinasabi ay kukulektahin sa hindi
nababayarang halaga mula sa orihinal na petsa na ito ay dapat nang bayaran
hanggang sa ito ay mabayaran ng buong – buo.

Seksyon 2A. 05. Mga Administratibong Tadhanain: Mga


Patakarin at Alituntunin.
a) Mga Kailangan. Ang sinumang tao na magtatatag, o
magpapatakbo ng kahit anong klaseng tindahang-tingi sa Barangay na ito ay
kinakailangan munang kumuha ng Mayor’s Permit at magbayad ng kaukulang
bayarin ukol dito, at magbayad din ng buwis sa pangangalakal o negosyo na
ipinapataw sa ilalim ng artikulong ito.

b) Pagbibigay at Paghahayag ng Opisyal na Resibo. Ang


Ingat-yaman ng Barangay ay magbibigay ng opisyal na resibo pagkabayad ng
buwis sa pangangalakal o negosyo na ipinapataw dito. Ang pagbibigay ng
opisyal na resibo ay hindi nangangahulugan na ligtas ang
“taxpayer/namumuwisan sa mga pangangailangan na hinihingi ng Barangay
sa ilalim ng mga pambayang ordinansa, patakaran at alituntunin.

Lahat ng taong binibigyan ng opisyal na resibo para sa


pagpapatakbo ng negosyo o kalakal ay kinakailangan na ito’y ipaskel sa
kitang lugar sa kanyang puwesto ng pangangalakal o negosyo. Kung ang
mangangalakal ay walang permanenteng puwesto, itatago n’ya ang opisyal na
resibo sa kanyang bulsa, bag o wallet. Ang resibong ito ay kanyang ipapakita
kung kakailanganin sa Punong Barangay, Ingat-Yaman o sa sinumang
awtorisadong kinatawan.

Bilang pagpapatunay sa mga bayaring pambarangay tulad ng


buwis, butaw o bayad sa serbisyo, katungkulan ng Ingat-Yaman ng Barangay
o ng kanyang katuwang na ilagay sa opisyal na resibo ang numerong
katumbas ng ordinansa sa buwis.

k) Mga Resibo. Lahat ng taong nasasaklawan ng buwis sa


pangangalakal o negosyo, ay obligadong sa kada benta o paglilipat ng
kalakal, o serbisyo, na nagkakahalaga mula sa Limang Piso (P5.00) o higit, na
magbigay ng resibo o invoice na may sunod-sunod na numero at duplikado,
na nagpapakita ng pangalan ng negosyo at tirahan nito. Ang orihinal na
kopya na kada resibo o talaan ng binili ay ibibigay sa mamimili o kustomer at
ang duplikadong kopya ay itatago ng nasasaklawan ng buwis na ito, sa lugar
ng kanyang negosyo sa loob ng limang taon.

Ang resibo o talaan ng binili na ibinibigay alinsunod sa


pangangailangan ng Bureau of Internal Revenue para sa pagtatasa ng
pambansang internal revenue taxes ay makasasapat para sa mga
pangangailangan ng Kodigong ito..

d) Sinumpaang Salaysay sa Pangkalahatang Benta. Ang


mga magpapatakbo ng pangangalakal o negosyo na saklaw sa buwis na
ipinapataw dito ay kinakailangan magsumite ng sinumpaang salaysay sa
kanilang puhunanang mag-umpisa ang kanilang pangangalakal o negosyo at
sa panahon ng paghingi ng Mayor’s Permit. Pagkabayad ng buwis na
ipinapataw sa Artikulong ito, ang sinumang taong nagpapatakbo ng
tindahang-tingi ay kinakailangan magsumite ng sinumpaang salaysay sa
kanyang pangkalahatang benta sa nakaraang taon o quarter sa pamamaraan
at porma na ipapasunod ng Ingat-Yaman ng Barangay.

Kung sakali, sa anumang kadahilanan, ang taxpayer /


namumuwisan ay hindi makapagbibigay ng kinakailangan na sinumpaang
salaysay ng kanyang pangkalahatang kinita o benta sa nakaraang taon, ang
Ingat – Yaman ng barangay ang siyang magtatasa ng pangkalahatang benta
o kinita ng taxpayer / namumuwisan sa ilalim ng anumang katibayan na kung
saan ang buwis ay ibabase.

Kung ang negosyo sa pangangalakal ay itinigil, ang isang


sinumpaang salaysay sa pangkalahatang benta o kinita sa kasalukuyang taon
o kuwarter ay kinakailangan isumite sa Ingat – Yaman sa loob ng Tatlumpong
(30) araw pagkatapos na isara ang negosyo.

e) Pagbibigay ng Sertipikasyon. Ang Ingat- Yaman ng


barangay ay puwedeng sa paghaharap ng na katibayan na ang orihinal na
opisyal na resibo ay nawala, nanakaw, o nasira –na magbigay ng
sertipikasyon na nagpapatunay na ang buwis ay nabayaran at isusulat doon
ang numero ng opisyal na resibo na naibigay, na nabayaran ang “certification
fee” sa halagang Isandaang Piso (P 100.00).

g) Paglilipat ng Negosyo sa ibang Lugar. Ang kahit anong


negosyo o pangangalakal na kung saan ang kaukulang buwis ay binabayaran
ng taong nagpapatakbo nito ay puwedeng ilipat at ituloy sa kahit sang lugar
sa loob ng nasasakupan ng barangay na hindi na kinakailangan magbayad ng
kahit anumang karagdagang buwis sa loob ng panahong kung saan ang
buwis ay nabayaran na.

h) Pagkamatay ng Lisensiyado. Kung ang isang taong


nagbayad ng buwis sa pangangalakal o negosyo ay namatay, at ang
pangangalakal o negosyo ay itinuloy ng kahit sinong may kaugnayan sa
kanyang mga ari-arian, ay hindi na kinakailangang magbayad ng karagdagan
buwis sa nalalabing panahon na sakop ng binabayarang buwis.

i) Pagtitigil ng Negosyo. Ang kahit sinong taong saklaw ng


buwis sa pangangalakal o negosyo na ipinapataw dito ay kinakailangan sa
pagsasara ng kanyang pangangalakal o negosyo, na magsumite ng
sinumpaang salaysay ng pangkalahatang benta o kinita sa kasalukuyang taon.

Para sa pangangailangang ito, ang pagtitigil ay


mangangahulugang ang negosyo ay kumpletong isasara. Ang anumang
pagbabago sa pagmamay-ari, pamamahala at / o pangalan ng negosyo ay
hindi sinasakop ng pagtitigil na sinasabi sa artikulong ito.

Ang Ingat-Yaman ng barangay ay may katungkulan na


pangalagaan na hindi maiwasan ng sinuman ang pagbabayad ng buwis sa
negosyo o pangangalakal sa pamamagitan ng pagsasara nito.
Seksyon 2A. 06. Bagong-Bukas na Negosyo o Pangangalakal.
Sa mga bagong- bukas na negosyo o pangangalakal na saklaw ng Artikulong
ito, ang buwis ay tatasahin bawat kuwarter. Ang unang buwis para sa
kuwarter na nag-umpisang patakbuhin ang negosyo ay sa halagang “one-
fourth of one percent (1/4 of 1%) sa puhunan o Isandaang Piso, alin man
ang mas mataas.

Sa mga sumusunod na mga kuwarter, kung sakali ang negosyo ay


nagbukas bago ang huling kuwarter ng taon, ang buwis ay ibabase sa
pangkalahatang benta o kinita sa nakaraang kuwarter sa halagang Isang
Porsiento (1%) sa nasabing pangkalahatang benta o kinita.

Sa susunod na taon, kahit kailan nag-umpisa ang negosyo, ang buwis


ay ibabase sa pangkalahatang benta o kinita sa nakaraang taon o kahit anong
bahagi doon, sa halagang isang Porsiento (1%) sa nasabing pangkalahatang
benta o kinita.

KABANATANG III. MGA BAYARIN/BUTAW PANGREGULASYON

ARTIKULO A. BAYARIN / BUTAW SA PAGLILIPAT NG NEGOSYONG


TINDAHANG – TINGI

Seksiyon 3A. 01. Pagpapataw ng Bayarin / Butaw. Mayroong


ipapataw na bayarin sa paglilipat ng tindahang-tingi na siyang pinag-uusapan
sa nakaraang Artikulo, sa pamamagitan ng pagbebenta, donasyon, palitan, o
anumang klase ng paglilipat ng pagmamay-ari sa halagang Isang Porsiento
(1%) sa kabuoang halaga sa pangkalahatang benta o kinita sa nakaraang
taon na nakatago sa mga record ng Ingat-Yaman ng barangay, o sa halagang
Dalawang Daan at Limampung Piso (P250.00) kung alin man ang mas
mababa.

Seksiyon 3A. 02 Mga Patakaran at Alituntunin

1. Ang bagong may-ari na kung saan ang negosyo ay inilipat ay


obligadong magbayad ng mga hindi nababayarang buwis, butaw o bayarin na
dapat ay binayaran ng dating may-ari, kung mayroon man.

2. Ang permit/ pahintulot na ibinibigay sa dating may-ari ay


ibabalik sa pambayang Ingat-Yaman, sa pamamagitan ng Mayor’s Office, na
siyang magbubura ng naturang permit/pahintulot sa kanyang talaan.

3. Ang sinumang tao na binigyan ng permit/pahintulot na


magpatakbo ng negosyong tindahan-tingi sa barangay na ito na naglipat ng
kanyang negosyo sa ibang lugar ay may obligasyong ipa-alam sa
pamamagitan ng sulat sa Pambarangay na Ingat-Yaman o sa Punong
Barangay, sa loob ng sampung araw mula pagkalipat at magsumite ng
pangkalahatang benta o kinita ng negosyo sa kasalukuyang taon.

4. Ang Punong Barangay ay magpapalabas ng iba pang


kinakailangang mga patakaran at alituntunin para sa epektibong
pagpapatupad ng Artikulong ito.

Seksiyon 3A. 03. Panahon ng Pagbabayad. Ang bayarin / butaw


na ipinapataw ng Artikulong ito ay babayaran ng nakabili, donee o ng
kanyang tagapagmana sa Pambarangay na Ingat-Yaman bago ang negosyo
ay patakbuhin at ipagpatuloy.

Seksiyon 3A. 04. Multa sa Naantalang Pagbabayad. Ang


naantalang pagbabayad ng bayaring / butaw na ipinapataw ng Artikulong ito
ay mangangahulugan ng pagmumulta ng taxpayer / namumuwisan sa
halagang Dalawampu’t Limang Porsiento (25%) sa orihinal na halaga ng
bayarin at ang multa ay babayaran kasabay sa pagbabayad ng orihinal na
bayarin.

Seksiyon 3A. 05. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


probisyon ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaukulang multa sa halagang
hindi kukulangin ng Dalawang- Daang Piso (P200.00) ngunit hindi lalagpas sa
Isang Libong Piso (P1,000.00) depende sa desisyon ng korte.

ARTIKULO B. PANREGULASYONG BAYARIN/BUTAW SA


KOMERSYAL NA PAGPAPALAHI NG MANOK PANSABONG

1. Para sa Limang (5) Manok Pansabong o kulang ---------- P 50.00

2. Para sa taunang pagbebenta ng Anim (6) ngunit hindi lalagpas sa


Sampung (10) Manok Pansabong --------------------- P100.00/taon

3.Para sa taunang pagbebentang Sampu (10) ngunit hindi lalagpas sa


Labin-limang (15) Manok Pansabong ------------------ P150.00/taon

4. Para sa taunang pagbebenta ng Labing-Anim (16) ngunit hindi


lalagpas sa Dalawampu’t-Limang (25) Manok
Pansabong ----------------------- P200.00/taon

5. Sa kada Dalawa (2) na lagpas sa Dalawampu’t-Limang (25)


Manok Pansabong, karagdagang bayarin na -------- P 50.00
Seksiyon 3B. 02. Panahon ng Pagbabayad. Ang mga bayarin
/butaw na ipinapataw dito ay kinakailangang bayaran sa loob ng unang
dalawampung (20) araw ng kada buwan ng Enero ng bawat taon.

Seksiyon 3B. 03. Multa sa Naantalang Pagbabayad. Ang


hindi pagbabayad sa mga bayarin / butawna ipinapataw sa Artikulong ito sa
tamang oras ay mangangahulugan ng pagbabayad ng multa sa dalawampu’t
limang porsiento (25%) ng orihinal na halaga ng bayarin at ang multa ay
babayaran kasabay ng orihinal na bayarin.

Seksiyon 3B. 04. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


probisyon ng Artikulong ito ay papatawan ng multa na bayaring hindi
kukulangin sa Dalawang Daang Piso (P200.00) ngunit hindi lalagpas sa Isang-
Libong Piso (P1,000.00) ayon sa desisyon ng korte.

ARTIKULO K. BAYARIN/BUTAW SA PAPAPATAKBO NG


SABUNGAN AT PAGSASAGAWA NG SABONG

Seksiyon 3K. 01. Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong ipapataw na taunang pang-regulasyon na bayarin, ito ay
ang mga sumusunod:

1.Sa pagpapatakbo ng lisensiyadong sabungan sa Barangay


-------P500.00/kada taon

2. Sa pagsasagawa ng sabong:

a. Sa ordinaryong sabong, Kada sabong -------------------------- P


10.00

b) Sa Pintakasi, Kada sabong -------------------------------------- P


20.00

c) Sa Derby, Kada sabong ------------------------------------------ P


30.00

Seksiyon 3K .02. Panahon at Paraan ng Pagbabayad.

1. Ang taunang panregulasyon na bayarin/ butaw sa


pagpapatakbo ng sabonga ay babayaran ng tagapamahala ng sabonga sa
Pambarangay na Ingat-Yaman sa loob ng unang dalawampung araw ng
buwan ng Enero kada taon.
2. Ang panregulasyon na bayarin/butaw sa pagsasagawa ng
sabong ay babayaran ng sabongan ay babayaran ng promoter, o sa
pamamagitan ng tagapamahala ng sabongan,sa Pambarangay na Ingat-
Yaman sa araw ng sabong,o saloob ng Isang(1) araw matapos ang pasabong.

Seksiyon 3K. 03. Mga Administratibong Patakaran.

1. Ang pagtatag at pagpapatakbo ng sabongan ay isasailalim


ng mga
probisyon ng Pambayang Ordinansa at P.D. 449 at mga iba pang batas.

2. Ang taunanang bayarin/butaw sa pagpapatakbo ng


sabongan ay
babayaran ng tagapamahala nito sa Pambarangay na Ingat-Yaman bago ang
katumbas na Barangay Clearance ay ipalabas ng Punong Barangay o ng
kanyang awtorisadong kinatawan.

Seksiyon 3K. 04. Multa sa Naantalang Pagbabayad. Ang hindi


pagbabayad ng kaukulang bayarin/butaw na ipinapataw ng Artikulong ito ay
mangangahulugan ng pagbabayad ng taxpayer/namumuwisan ng multa sa
halagang dalawampu’t limang porsiento (25%) sa orihinal na halangang
bayarin at ang multa ay babayaran kasabay ng pagbabayad ng naunang
bayarin.

Seksiyon 3K. 05 Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


probisyon ng Artikulong ito ay lalapatan ng multa sa halagang hindi
kukulangin sa Dalawang-Daang (P200.00) Piso, ngunit hindi lalagpas sa
Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa desisyon ng korte.

ARTIKULO E. PANGREGULASYON NA BAYARIN / BUTAW SA MGA


PAANUNSYONG LABAS NG GUSALI

Seksiyon 3E. 01. Pagpapataw ng bayarin /Butaw. Mayroong


ipapataw na taunang pangregulasyon na bayarin/butaw sa mga labas ng
gusaling paanunsyo na ipapakita sa mga lugar na kita ng publiko sa loob ng
nasasakupan ng barangay sa mga sumusunod na halaga :

(a) Mga paanunsyong Billboards o Signboards kada square foot o


bahagi nito:
Solong mukha - - - - - - - -- - - - - - --- - - - - - - - P 30.00
Dalawang Mukha (back to back) - - - - -- - - - - - - P 50.00

(b) Mga Billboards o Signboards para sa mga propesyonal,


kada square foot o bahagi nito - - - -- -- - - - - - - - - --- P 50.00

Mga karagdagang pataw:

Para sa pag-gamit ng electric o neon sa mga billboards kada square


foot o bahagi nito ------------------------------------ P 20.00

Ang mga Privilege Panels ay papatawan ng kalahati (1/2) sa mga


halaga na ipinapataw sa itaas nito.

Seksiyon 3E. 02. Mga Eksemsyon. Ang mga pagpataw ng mga


bayarin / butaw na nasasaad sa itaas ay ipinagpapaliban sa mga sumusunod:

1. Signs, signboards, billboards, paanunsyo, sakop ang stickouts,


streamers signs na may ilaw, at iba pang mga electronic media,
posters, privilege panels, karatula ng tindahan, placard, price strips,
buntings, at mga kahalintulad na pag-aari ng pagawaan, prodyuser o
mga propesyonal, ngunit ipinapakita kung saan ang negosyo o
propesyon ay isinasagawa, o ipinapakita sa mga sasakyang pang-
serbisyo o pang-deliber at mga sasakyang pampubliko ay
pinagkakalooban ng eksemsyon ang pagpataw ng bayarin / butaw sa
ilalim ng Artikulong ito.

Seksiyon 3E. 03. Panahon ng Pagbabayad. Ang bayarin /


butaw na ipinapataw sa Artikulong ito ay babayaran sa pambarangay na
Ingat-Yaman sa loob ng unang dalawampung (20) araw ng buwan ng Enero
bawat taon.

Surcharge

Seksiyon 3E. 04. Mga Patakarang Administratibo. Ang pag-


iinstila at pagsasagawa ng mga billboards o signboards o karatula ay sakop
ng mga regulasyon at mga patakaran ng mga batas at ordinansa na umiiral
sa kasalukuyan.

Seksiyon 3E. 05. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaukulang multa sa halagang hindi
kukulangin sa Dalawang-Daang (P200.00) Piso ngunit hindi lalagpas sa Isang-
Libong (P1,000.00) Piso, sa desisyon ng korte.

ARTIKULO G. PANG-KULUNGAN NA BAYARIN SA MGA GALANG


HAYOP
Seksiyon 3G. 01. Pagtutukoy. Ayon sa pag-gamit sa Artikulong
ito, ang mga terminong:

a. “Large Animal” – ay sumasakop sa mga kabayo, baka, kalabaw at


mga iba pang hayop na kasapi ng bovine family
b. “Astray Animal” – ay mga hayop na nakawala, walang pumipigil
at wala sa lubos na kontrol ng may-ari nito, o ng sinumang may
hawak nito, na makikitang pagala-gala a mga publiko o pribadong
lugar nakatali man o hindi.
c. “Publikong Lugar”- ay sumasakop ng pambansa , panlalawigan,
pambayan o pambarangay na mga kalye o kalsada at mga lugar na
bukas sa publiko.
d. “Pribadong Lugar”- sumasakop sa mga lugar na pag-aari ng
pribadong tao tulad ng kalye, bakuran, palayan, bukirin o sakahin,
o lote na pag-aari ng isang tao na iba sa pag-aari ng may –ari ng
hayop.

Seksyon 3G.02. Pagpapataw ng Bayarin/Butaw. Mayroong


ipapataw na bayarin sa mga pampubliko o pambribadong lugar na nahuli at
nakulong sa koral ng barangay, o alin mang lugar na itinadhana ng
Sangguniang Barangay na kulongan, sa mga halagang nasasaad sa mga
sumusunod:

a. Malaking hayop gaya ng baka o kalabaw -------- P 500.00


(tubos) at
karagdagang P 300.00 bawat araw na hindi pa natutubos

b. Aso ----------------------------------------------------- P 200.00


(tubos)
at karagdagang P 100.00 bawat araw na hindi pa natutubos

b. Inahing Baboy/Barako/Biik/Kambing ---------- P 200.00 bawat araw

c. Manok/Bibe/Gansa at anumang kauri nito ---- P 50.00 bawat araw

Seksyon 3G.03. Panahon at Pamamaraan ng Pagbabayad. Ang


bayarin/butaw sa pagkakakulong na ipinapataw ay babayaran sa
pambarangay na Ingat-Yaman bago pakawalan ang nakakulong na hayop.

Seksyon 3G.04 Mga Patakarang Administratibo. Para sa layunin


ng Artikulong ito, ang mga Barangay Tanod, o kahit na sinong may malasakit
na mamamayan, ay inaawtorisa na manghuli at magkulong ng mga galang
hayop sa koral ng barangay o saan mang itinadhanang lugar para dito.
Ang mga hayop na nakulong sa koral ng barangay ay ipababatid sa
madla sa pamamagitan ng pagpapaskil ng listahan ng mga hayop na ito sa
tatlong hayag na lugar sa loob ng barangay.

Ang Punong Barangay ay makikipag-ugnayan sa mga kinakaukulang


tanggapan upang mas maipabatid ang kalalagayan ng mga nakulong na
hayop sa kulungang pambarangay.

Ang mga hayop na nakakulong na hindi kinuha o tinubos sa loob ng


limang (5) araw ay ibebenta sa publiko ayon sa naaangkop na mga
pamamaraan ng legal na pagbebenta.

Ang Punong Barangay ay magsasagawa ng mga kinakailangang mga


patakaran at alituntunin para sa maayos at epektibong pagpapatupad ng
Artikulong ito.

Seksyon 3G.05. Kaparusahan. Anumang paglabag sa isinasaad ng


Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang penalidad na multa sa halagang
hindi bababa sa Isang- Daang (P100.00) Piso ngunit hindi lalampas sa
halagang Isang Libong Piso, o sa desisyon ng Korte.

KABANATANG IV. PANGSERBISYO AT PAGPAPATALA


NA MGA BAYARIN /BUTAW

ARTIKULO A. BAYARIN SA CLEARANCE O SERTIPIKASYON

Seksiyon 4A. 01. Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong kukulektahin para sa pagbibigay ng clearance o sertipikasyon ng
Punong Barangay o ng kanyang autorisadong kinatawan, ang mga
sumusunod na bayarin:

1. Barangay Business Clearance para sa anumang negosyo


upang gamitin sa pagkuha ng Mayor’s Permit

a. Micro Business Scale (sari-sari store) ------------------ P 200.00


b. Small Business Scale ------------------ P 500.00
c. Medium Business Scale ------------------- P 1,000.00
d. Large Business Scale ( Hotels, ------------------ P 2,000.00

2. Barangay Clearance ---------------------------------- P 100.00

3. Sertipikasyon para sa pagbibiyahe ng mga


muebles, appliances pambahay at iba pang
mga produktong gagamitin na lamang --------------- P 200.00
 Iba pang- uri ng Sertipikasyon ----------------------- P 100.00
 Pagpuputol ng Niyog (kada puno) ----------------- P 50.00

3. Barangay Clearance para sa pagpapagawa, pa-ayos,


pagpapaganda o maging paggiba ng gusali; mga pasilidades tulad
ng mga tubo’ng daluyan ng tubig at pangkalinisan, elektrisidad,
pagtira at paghuhukay ------------ P 100.00

Construction Clearance (concrete) ----------------- P 500.00


(semi-concrete) --------------- P 200.00

4. Barangay Clearance para sa mga ini-ingatang trabaho tulad ng


barbero, taga-aliw, GRO,waitress, waiter , masahista, “beautician”,
at iba pa ----------------------------------------------- P 150.00

4. Kasunduan
 Pagbentahan ng hayop (kada ulo) -------------------------P 200.00
 Pagbentahan ng Bahay at Lupa------------------------------P 500.00

5. Pagbentahan at Sanlaan ng Lupa


 Pang-kalakal ------------------------------------------------- P
500.00
 Residential --------------------------------------------------- P
300.00
 Agricultural -------------------------------------------------- P
500.00
8. Bentahan ng anumang uri ng sasakyan ------------------------------ P
300.00
9. Anumang Uri ng Bentahan --------------------------------------------- P
300.00
10. Sertipikasyon para sa paghahanap ng trabaho o pag-apply para
prankisa ng traysikel ----------------------------------------------------- P
100.00

Seksiyon 4A. 02. Mga Ipinagpapaliban. Walang bayarin ang


kukulektahin para sa pagbibigay ng sertipikasyon o clearance kung ito ay
opisyal na hihingin ng korte o mga ahensiya ng pamahalaan.

Seksiyon 4A. 03. Panahon ng Pagbabayad. Ang mga bayarin


na ipinapataw sa ilalim ng Artikulong ito ay babayaran sa Ingat-Yaman
pambarangay sa panahon ng paghingi o bago ibigay ang sertipikasyon o
clearance.

Seksiyon 4A. 04. Patakarang Administratibo. Ang pagbibigay


ng barangay clearance para sa alin mang negosyo sa loob ng nasasakupan ng
barangay bilang pangangailangan sa pagkuha ng Mayor’s permit o license, ay
nararapat na aksyunan sa loob ng pitong (7) araw mula ito ay hingiin.
Kung sakali ang clearance ay hindi maibibigay sa loob ng nasabing
panahon, ang Mayor ay puwede nang mag-issue ng kaukulang lisensiya o
permit na hinihingi ng aplikante.

Seksiyon 4A. 05. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng parusa na multa sa halagang hindi
bababa sa Isang – Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas sa halagang
Isang Libong Piso (P1,000.00), sa desisyon ng korte.

ARTIKULO B. BAYARIN/BUTAW SA PAGHAHAIN NG REKLAMO SA


LUPON

Seksiyon 4B. 01. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


ipinapataw na bayarin/butaw sa pag-lalagak ng reklamo o usapin sa harap
ng Lupon Tagapamayapa ng barangay na ito na aayusin sa pamamagitan ng
amicable settlement, mediation, conciliation o arbitration ng Lupon
Tagapamayapa na nagkakahalaga ng P 200.00.

Seksiyon 4B. 02. Panahon at Pamamaraan ng Pagbabayad.


Ang bayarin/butaw na ipinapataw sa ilalim ng Artikulong ito ay ibabayad sa
pambarangay na Ingat-Yaman sa panahon ng paghahain ng reklamo. Ang
Ingat-Yaman ay mag-iisyu ng katumbas na resibo opisyal.

Seksiyon 4B. 03. Kaparusahan. Anumang paglabag sa


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang parusa na multa sa
halagang hindi bababa sa Isang – Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa halagang Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa desisyon ng korte.

Exemption

ARTIKULO K. BAYARIN / BUTAW O REHISTRASYON /


PAGPAPATALA SA KARITONG HILA NG HAYOP

Seksiyon 4K. 01. Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong kukulektahin na taunang bayarin / butaw sa rehistrasyon /
pagpapatala sa bawa’t karitong hila ng hayop na ginagamit sa barangay na
ito sa mga sumusunod na halaga:

1. Karitong hila ng hayop -------------------------------------- P 100.00


bawat taon
2. Karitang hila ng hayop -------------------------------------- P 100.00
bawat taon
3. Tangga-Tangga (Padalayday)------------------------------ P 100.00
bawat taon
Seksiyon 4K. 02. Panahon at Pamamaraan ng Pagbabayad.
Ang bayarin/butaw na ipinapataw dito ay kinakailangang bayaran sa loob ng
unang Dalawampung (20) araw ng buwan ng Enero bawa’t taon. Para sa
bawa’t kariton o karita na hila ng hayop na naipundar pagkatapos ng unang
Dalawampung (20) araw ng buwan ng Enero , ang bayarin ay babayaran ng
walang multa sa loob ng unang Dalawampung (20) araw pagkatapos na ito
ay maipundar.

Seksiyon 4K. 03. Mga Patakarang Administratibo. Ang Ingat-


Yaman pambarangay ay mag-iingat ng rehistro o talaan ng lahat ng ng
kariton o karita na hila ng hayop na maglalaman ng pangalan at lugar ng
tirahan ng may-ari.

Seksiyon 4K. 04. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang parusa na multa na
hindi bababa sa Isang-Daang(P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas sa Isang-
Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO G. BAYARIN / BUTAW PANGREHISTRASYON /


PAGPAPATALA NG MGA PANSAKAHANG MAKINARYA O
KAGAMITAN.

Seksiyon 4G. 01 . Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong kukulektahin na taunang bayarin / butaw sa rehistrasyon /
pagpapatala ng mga sumusunod na mga pansakang makinarya o kagamitan
sa halagang nakatala sa ibaba:

Rice Thresher ---------------------------------------------------------- P


100.00
“Kuliglig” -------------------------------------------------------------- P
100.00
Reaper ------------------------------------------------------------------ P
1,000.00
Farmall----------------------------------------------------------------- P
500.00

Mga iba pang pansakang makinarya


o kagamitan na hindi nabanggit sa itaas ------------------------- P 50.00

Seksiyon 4G. 02. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayarin/butaw na ipinapataw dito ay kinakailangang
bayaran sa loob ng unang dalawampunng (20) araw na buwan ng Enero
bawa’t taon. Sa bawa’t pansakang makinarya o kagamitan na naipundar
pagkalipas ng unang dalawampung (20) araw ng buwan ng Enero, ang
bayarin ay babayaran sa loob ng unang dalawampung (20) araw pagkatapos
na ito ay maipundar.

Seksiyon 4G. 03. Mga Patakarang Administratibo. Ang


Ingat-Yaman pambarangay ay mag-iingat ng rehistro o talaan ng lahat ng
mga pansakang makinarya. O kagamitan na maglalamang ng bukod sa iba
pa, pangalan at lugar ng tirahan ng mga may-ari ng mga ito.

Seksiyon 4G. 04. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang parusa na multa sa
halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULONG H. BAYARIN / BUTAW SA PAG-OOPERATE NG MGA


PANSAKAHANG MAKINARYA SA IBANG BARANGAY

Seksiyon 4H. 01 . Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong kukulektahin na taunang bayarin / butaw sa pag-ooperate ng mga
sumusunod na mga pansakang makinarya o kagamitan sa halagang nakatala
sa ibaba:

Reaper ------------------------------------------------------------------ P
1,000.00
Farmall------------------------------------------------------------- P
500.00

Seksiyon 4H. 02. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayarin/butaw na ipinapataw dito ay kinakailangang
bayaran sa loob ng unang dalawampunng (20) araw na buwan ng Enero
bawa’t taon. Sa bawa’t pansakang makinarya o kagamitan na naipundar
pagkalipas ng unang dalawampung (20) araw ng buwan ng Enero, ang
bayarin ay babayaran sa loob ng unang dalawampung (20) araw pagkatapos
na ito ay maipundar.

Seksiyon 4H. 03. Mga Patakarang Administratibo. Ang


Ingat-Yaman pambarangay ay mag-iingat ng rehistro o talaan ng lahat ng
mga pansakang makinarya. O kagamitan na maglalamang ng bukod sa iba
pa, pangalan at lugar ng tirahan ng mga may-ari ng mga ito.

Seksiyon 4H. 04. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang parusa na multa sa
halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.
ARTIKULONG 1. BAYARIN / BUTAW PANGSERBISYO.

Seksiyon 41. 01 Pagpapataw ng Bayarin/Butaw. Mayroong


kukulektahin na bayarin / butaw pangserbisyo sa mga sumusunod:

a. Pangangalap ng Pondo -----------------------------------P 100.00


b. Pag-gawa ng Pelikula
b.1 Lokal na Kompanya -------------------------------- P500.00
b.2 Banyagang Kompanya ----------------------------- P1,000.00

Seksiyon 41. 02. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang mga bayaring pangserbisyo na ipinapataw sa Artikulong
ito ay babayaran sa Ingat-Yaman pambarangay bago sa pag-aapply o
paghingi ng pahintulot upang magsagawa ng mga nabanggit na mga gawain.

Seksiyon 41. 03. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa


mga isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaparusahan na pagmumulta
ng halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi
lalagpas sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO L. BAYARIN / BUTAW PANGKAWANI.

Seksiyon 4l. 01. Pagpapataw ng Bayarin / Butaw.


Mayroong kukulektahin na bayarin / butaw para sa mga dokumento na
ibibigay ng Kalihim pambarangay sa sinumang mangangailangan nito, sa mga
sumusunod na halaga:

a. Sertipikadong Totoong Kopya --------------------------- P 20.00


b. Sertipikadong Totoong Kopya (Xerox)------------------ P 10.00
*Xerox provided P 5.00/page

Seksiyon 4L. 02. Pamamaraan ng Pagbabayad. Ang


bayaring / butaw na ipinapataw sa Artikulong ito ay babayaran sa Ingat-
Yaman pambarangay bago ibigay ang ano mang dokumento na hinihingi.

Seksiyon 4L. 03. Mga Iksemsiyon. Ang kahit anong


dokumentong pampubliko na hihingiin ng mga opisyales ng Barangay na ito,
at ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ay libre sa mga bayarin na
ipinapataw ng Artikulong ito.

Seksiyon 4L. 04. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaparusahan na pagmumulta ng
halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.
KABANATANG V. MGA SINGILIN AT IBA PANG BAYARIN

ARTIKULO A. BAYARIN / BUTAW SA RENTA / UPA NG MGA


PAG-AARI NG BARANGAY.

Seksiyon 5.A. 01. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


ipinapataw na mga bayarin / butaw para sa renta / upa sa paggamit ng mga
pag-aari o pasilidades ng barangay, tulad sa mga sumusunod:

1. Palay Solar Dryer -----------------------------------------P 2.00 – bawat


Kaban
2. Covered court

Seksiyon 5A. 02. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayaring renta/upa na ipinapataw sa Artikulong ito ay
babayaran sa Ingat-Yaman Pambarangaybago ibigay ang pahintulot sa pag-
gamit ng mga ari-aria, kagamitan at pasilidadesng barangay.

Seksyon 5A .03. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaparusahang pagmumulta ng
hindi bababa sa Isang Daang (100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas sa Isang
Libong (P1,000.00) Piso,sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO B. BAYARIN/BUTAW SA RENTA/UPA SA SASAKYANG


PAG-AARI NG BARANGAY

Seksyon 5B. 01. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong bayarin


pang renta para sa pag-gamit ng sasakyang pag-aari ng barangay, sa
mga sumusunod na halaga:

A. Jeepney / van at anumang kauring sasakyan (bawat araw


labas ang gasoline ,konsumo at upa sa Driver at pahinante)

a.1 Sa loob ng barangay --------------------- P


300.00
a.2 Sa labas ng barangay -------------------- P
500.00
(loob ng bayan)
a.3 Sa labas ng bayan -------------------- P
1,500.00
(loob ng lalawigan)
a.4 Sa labas ng lalawigan -------------------- P
2,000.00

B. Tricycle / kolong – kolong (bawat araw labas ang konsumo


at upa sa driver)
b.1 Sa loob ng barangay -------------------- P
100.00
b.2 Sa labas ng barangay ------------------- P
150.00
b.3 Sa labas ng bayan ------------------- P
200.00

C. Hand Tractor kasama ang Trailer (Kuliglig)


(Bawat araw labas ang konsumo at upa sa tripulante)
c.1 Sa loob ng barangay ------------------- P
100.00
c.2 Sa labas ng barangay ------------------ P
150.00

D. Bankang de-motor (bawat araw labas ang


konsumo at upa ng tripulante)
d.1 Sa Karatig Aplayang Barangay --------- P 300.00
d.2 Sa Karatig na bayan --------- P 1,500.00
d.3 Sa loob ng lalawigan --------- P
3,000.00

Seksyon 5B. 02. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayaring renta na ipinapataw sa Artikulong ito ay
babayaran sa Ingat-Yaman pambarangay sa paga-apply na magamit ang
sasakyan o bago ang paghingi-pahintulot o bago pagbigyan ang kahilingan.

Seksyon 5B. 03. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng kaparusahan na pagmumulta ng
halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO K. BAYARING RENTA SA MGA KAGAMITANG PAG-


AARI NG BARANGAY.

Seksyon 5K. 01. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


kukulektahin na bayaring renta / upa sa paggamit ng mga kagamitang pag-
aari ng Barangay, sa mga sumusunod na halaga:
1. Plumbing equipment (set)-------------------------------------------------P
100.00
2. Generator set - bawat araw
-----------------------------------------------P 500.00
3. Chain Saw – bawat araw (labas ang kunsumo at operator
----------P1,000.00
4. Mower – bawat araw (labas ang kunsumo at operator-------------
P 300.00
5. Upuan - bawat piraso ------------------------------------------------- P
5.00
6. Lamesa –bawat piraso-------------------------------------------------------
P 10.00
7. Tent (set) bawat araw (w/in barangay)-----------------------------------
P 50.00
(outside barangay)
------------------------------ P 100.00
8. Multi-purpose hall – bawat araw------------------------------------------P
200.00

Seksyon 5K. 03. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayaring renta / upa na ipinagpatawad sa Artikulong ito
ay babayaran sa Ingat-Yaman pambarangay sa oras ng paghiling para
gumamit o bago ang kahilingan gumamit sa mga nabanggit na kagamitan ay
pagbigyan.

Seksyon 5K. 03. Kaparusahan. Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito ay lalapatan ng karampatang parusa na
pagmumulta sa halagang hindi bababa sa Isang-daang (P100.00) Piso, ngunit
hindi lalagpas sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

KABANATA V1. MGA SINGILIN AT IBANG BAYARIN


PAMBARANGAY

ARTIKULONG A. MGA BAYARIN SA PAMILIHANG


PAMBARANGAY

Seksyon 6A. 01. Mga Katuturan. Batay sa pag-gamit sa


Artikulong ito, ang mga terminong:

Pamilihang Pambarangay - ay tumutukoy sa kahit anong lugar,


gusali o kayariang kahit anong klase, na itinatadhana na ganun ng
Sannguniang Barangay..

Puwesto sa Pamilihan - tumutukoy sa kahit anong puwang sa loob


ng pamilihan, bahagi ng lote ng pamilihan na binu-buo ng bakanteng lupa,
kadalasan ay inuukupa ng mga maglalako.
Bahagi ng Pamilihan - tumutukoy sa pag-babaha-bahagi ng
pamilihan na naglalaman ng iba’t-ibang klase o grupo ng mga
magkakahalintulad na mga kalakal, produkto o paninda.

Ang paglalagay ng numero, pagtadhana, pagklase-klase o ibang


pamamaraan ng pagkaka-kilanlan sa mga bahagi o seksyon ay katungkulan
ng Tagapamahala ng Pamilihan o kung sino man ang enkargadong opisyal
doon.

Seksyon 6A. 02. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


kukuwentahin na mga bayarin sa pamilihan barangay, tulad ng sumusunod:

A. BAYARING RENTA SA PALIBOT NG PAMILIHAN NA


MAYROONG PUWESTO

1. Sa mga puwesto na may kubol na ipinagawa ng pamahalaang


barangay:

KLASE “A” NA PUWESTO - P 500.00/kada buwan


KLASE “B” NA PUWESTO - P 300.00/kada buwan

2. Sa mga puwesto na may kubol na ipinagawa ng nagrerenta:

KLASE “A” NA PUWESTO - P 250.00/kada buwan


KLASE “B” NA PUWESTO - P 150.00/kada buwan

B. BAYARING PENTA/UPA SA PALIBOT NG PAMILIHAN NA


WALANG PUWESTO/KUBOL

1. Sa mga umuokupa sa palibot ng pamilihan na walang


puwesto/kubol,

KLASE “A” puwang/espasyo o tiendas --- P 10.00


KLASE “B” puwesto/espasyo o tiendas --- P 5.00

K. BAYARIN SA PAGPAPASOK NG PANINDA SA PAMILIHAN

a. Sariwang Isda o pagkaing dagat:


Primera Klaseng Isda o pagkaing dagat, bawat kg. -
P1.00
Segunda Klaseng Isda o pagkaing dagat, bawat kg. -
P1.00

b. Binilad, inasinan, o pinausukan na Isda o Isdang


Priniserba sa ibang pamamaraan:
Bawat kilo, kung puwede -
P1.00
Bawat lata (ganta ),kung puwede -
P1.00
Bawat palayok, kung puwede -
P1.00
k. Mga Prutas at Gulay :
Saging (saba o kagaya nito),bawat isang daan -
P1.00
Saging na Lakatan o kagaya nito,bawat isang daan-
P1.00
Indian Mango, bawat sako -
P1.00
Mangang malaki, bawat kaing -
P1.00
Mangang maliit, bawat kaing -
P1.00
Bawang, bawat sako - P
1.00
Monggo, bawat sako -
P1.00
Mani,bawat sako -
P1.00
Sariwang Mais, bawat sako -
P1.00
Patatas, bawat sako -
P2.00
Cassava, bawat sako -
P1.00
Ampalaya, bawat sako -
P2.00
Bigas,bawat sako -
P3.00
Pina,melon,pakwan at kauri nito -
P0.20

d. Mga Karne:
Large Cattle, bawat kilo -
P0.50
Baboy, bawat kilo -
P0.35
Manok, bawat kilo -
P0.35
Ibang klase ng karne,bawat kilo -
P0.10
e. Mga Samut – saring Paninda:
Kape, soybeans,mani.balatong,kibal at mga
Kahalintulad nito, bawat sako -
P1.00
Asin, bawat sako -
P1.00
Ipa,Trigo, palay, at mga kahalintulad, bawat sako -
P1.00
Asukal,puti/pula -
P1.00
Buhay na Manok, pato bibe, pabo at mga kahalintulad
Bawat ulo -
P0.50
Manok Pansabong, bawat ulo -
P2.00
Sawali(2m x 4m), bawat piraso -
P2.00
Palayok at Tapayan,bawat puno ng Jeep -
P10.00
Itlog ngmanok o pato,bibe, bawat san-daan -
P1.00

Para sa mga kahalintulad na paninda na hindi nabanggit,


Ang halaga ng bayarin ay katumbas ng sa isang porsyento
(1%) sa bentahang presyo.

D. BAYARIN SA KARAPATAN SA PUWESTO

a. Tuyong Seksiyon
- P3,000.00
b. Basang Seksiyon -
P2,000.00
k. Ibang Seksiyon
- P3,000.00

Seksiyon 6A. 03. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad.

a. Para sa puwesto. Ang bayarin para sa renta ng puwesto sa


pamilihan ay babayaran sa Ingat-Yaman pambarangay o sa
kanyang autorisadong kinatawan sa unang dalawampung
(20) araw bawa’t buwan. Kung bago ang pagrerenta, ang
bayarang renta / upa para sa unang buwan, ay
kinakailangan bayaran bago okupahan ng puwesto.
b. Para sa pag-uukupa sa palibot ng pamilihan. Ang bayarin
para sa pag- okupa ng palibot ng pamilihan ay
kinakailangan bayaran araw-araw, at pa-una ang bayad,
bago maglako ng anumang paninda sa palibot ng pamilihan.

k. Para sa bayarin sa pagpasok ng paninda. Ang bayarin ay


kukulektahin
sa tarangkahan o pasukan ng pam-publikong pamilihan bago
ang mga
palipat-lipat na maglalako ay payagan na maglako ng
paninda.

d. Karapatan sa puwesto. Anumang bayarin sa karapatan ay


kukulektahin
bago ang alin mang negosyo ay lubusang makapag-umpisa.
Subali’t, puwedeng tanngapin ang paunang bayad sa
kundisyon na mayroong karagdagang singilin o “surcharge” sa
natitirang balanse na idadagdag sa kabuoang halagang hindi
pa nababayaran.

Seksiyon 6A. 04. Pag-iisyu ng Resibong Opisyal at


Cash Tickets.

Ang Ingat-Yaman o ang kanyang awtorisadong kinatawan ay


mag-iisyu ng resibong opisyal bilang katibayan sa bayad sa renta / upa ng
puwesto.

Iisyuhan ng cash ticket ang isang umu-ukupa ng palibot ng


pamilihan o palipat-lipat na maglalako at isusulat ang kanyang pangalan sa
likod nito. Ang cash ticket ay ukol lamang sa taong bumili nito at magagamit
lamang sa pook ng palibot ng pamilihan kung saan siya nakatalaga. Kung
isang maglalako ay magbenta ng kanyang paninda nang wholesale sa
kanyang kapwa maglalako, ang bumili ay kinakailangang kumuha uli ng
panibagong cash tickets kung ibebenta niya ang naturang mga paninda, kahit
na ang kanyang paglalako ay doon sa dating lugar na inukupa ng kanyang
nabilhan ng paninda.

Ang cash tickets na ibinigay sa maglalako ay pupunitin ng


pahati, ang kalahati ay ibibigay sa maglalako at ang kalahti ay hahawakan ng
market collector na siyang magbibigay ng nasabing kalahati sa Ingat-Yaman
pambarangay para gamitin sa counter-checking laban sa kanyang talaan ng
mga cash tickets na inisyu para sa araw na iyon.

Seksiyon 6A. 05. Karagdagang Singilin sa Hindi


Nakababayad ng Bayarin
a. Ang nagrerenta / umuupa ng puwesto, na hindi nakabayad
ng buwanang bayaring renta sa loob ng nakatakdang panahon, ay
magbabayad ng karagdagang singilin na Dalawampu’t-limang (25%)
porsyento sa kabuoang rentang bayarin. Ang hindi pagbabayad ng bayaring
renta sa loob ng tatlong (3) buwang magkakasunod ay magiging dahilan sa
pag-kansela ng kontrata sa pag-upa ng puwesto, maliban sa walang magiging
hadlang para sa paghahabla sa korte laban sa umu-okupa ng puwesto para
habulin ang hindi nabayarang renta, at ito’y sa gastos ng inihabla. Ang
puwesto ay idedeklarang bakante at isasailalim sa paghahanap ng
panibagong magrerenta.

b. Ang kahit sinong umuokupa ng pook sa palibot ng pamilihan


na hindi nagbayad sa bayaring ipinapataw sa Artikulong ito ay magbabayad
ng tatlong (3) doble sa pangkaraniwang halaga para sa pook na inukupa.

k. Ang kahit na sinong umuukupa ng pook na sobra sa sukat


na nararapat sa kanyang binayaran ay magbabayad ng doble sa
pangkaraniwan na bayarin para sa sobrang pook na kanyang inukupa at ang
sino man na hindi nakabayad ng multa na dalawampu’t-limang (25%)
porsiyento sa rentang babayaran. Ang kontrara ng sino man na palagiang
lumalabag sa mga nabanggit ay kakanselahin.

Seksiyon 6A. 06. Pagpaparenta sa Puwesto sa


Pamilihan

a. Panahon ng pangungupahan . Ang kontrata sa


pangungupahan ng puwesto ay sa loob ng tatlong (3) taon, na puwedeng
baguhin sa katapusan ng nasabing panahon, maliban kung mapapawalang
bias ang kontrata ayon sa mga ipina-iiral sa Artikulong ito.

b. Paghahayag ng Pagka-bakante. Ang paghahayag ng


bakanteng bagong yari na puwesto / kubol ay gagawin sa loob ng hindi
kukulangin sa sampung (10) araw, bago sa petsang itinakda para sa
paggawad nito sa mga nararapat na mga aplikante, ipapa-alam sa publiko na
ang mga nasabing puwesto / kubol sa pamilihan ay bakante at puwedeng
paupahan. Ang pagpapahayag ay gagawin sa kita na pook o mismo sa
puwesto/kubol na puwedeng paupahan.

Seksiyon 6A. 07. Samu’t-Saring Mga Probisyon sa


Mga Puwesto

a. Pagkabakante ng Mga Puwesto Bago Matapos


ang Kontrata sa Renta. Kung sa ano mang kadahilanan ang may hawak
sa puwesto o nagrerenta / nag-uupa ay matigil sa kanyang negosyo bago
matapos ang kanyang kontrata sa renta, ang puwestong iyon ay
ikokonsiderang bakante at ang pagpaparenta nito ay isasagawa ayon sa mga
pamamaraan na dito ay ipapatupad.
b. Pagsososyohan sa Paghawak sa Puwesto. Ang
isang may hawak sa puwesto na maki-kipagsosyohan sa negosyo ay walang
kapangyarihan na ilipat sa kanyang kasosyo ang karapatan sa paghawak sa
puwesto; subalit, na kung sa kadahilanan ng kamatayan ng may hawak sa
puwesto at hindi na makakapagtuloy sa kanyang negosyo,yu’ong kanyang
kasosyo ay puwedeng bigyan ng karapatan na makapagpatuloy sa pag-okupa
ng puwesto sa loob ng hindi hihigit sa Animnapung (60) araw upang tapusin
ang sosyohan. Kung ang buhay ng kasosyo ay kualipikado na mag-okupa ng
puwesto sa ilalim ng mga patakaran dito, at ang mga kaanak ng namatay na
kasosyo ay walang interes na hawakan ang puwesto, siya ay bibigyan ng
karapatan na ipagpatuloy ang pag-ukopa sa puwesto, kung siya ay mag-aaply
dito.

k. Ang Nagrerenta ay Personal na Mamamahala sa


Kanyang Puwesto. Ang sino mang tao na nagawaran ng karapatan na
magrenta ng puwesto sa pamilihan ayon sa mga patakaran dito, ay mag-
ookupa, mamamahala at personal na mamamalagi sa kanyang puwesto, at
ang kanyang mga empleyado / katulong ay mga mamamayang Pilipino, at
walang komersyal na kaugnayan sa may hawak sa puwesto.

d. Huwad na Taga-renta; Pangalawang Pa-renta ng


Puwesto. Kung ang rehistradong taga-renta o may hawak ng puwesto sa
pamilihan, ay mapatunayan na hindi ang siyang tunay na umu-okupa sa
puwesto, ang kontrata sa renta ng puwesto ay ka-kanselahin, ganoon din
kung sa isang imbestigasyon ay mapapatunayan na ang isang nag-rerenta ng
puwesto ay ipina-renta ang kanyang puwesto sa ibang tao.

e. Mga Pag-apela. Ang sino mang aplikante sa puwesto na


hindi nasiyahan sa pag-paparenta ng mga puwesto na ginawa ng “Market
Committee”, ay puwedeng dumulog sa Sangguniang Barangay upang mag-
apela. Ang desisyon ng Sangguniang Barangay sa mga ganitong kaso ay
“final” at walang kaugnayan sa karapatan ng aplikante na dumulog sa
Sangguniang Bayan o Korte upang humanap ng legal na kautusan ng kaso.

g. Pag-likha ng Market Committee. Mayroon ditong


nilikha na “market committee” na binubuo ng Punong Barangay bilang
tagapangulo; ang Ingat-Yaman pambarangay; isang kinatawan ng
Sangguniang Barangay at ang Pangulo ng Market Vendor’s Association, kung
mayroon sa barangay, bilang mga kasapi na ang mga gampanin ay
magsagawa ng palabunutan (raffle) at pagbubukas ng subasta kaugnay sa
pag-paparenta ng mga bakanteng puwesto sa pamilihanng barangay at
magpa-totoo sa resulta nito.

Seksiyon 6A. 08. Pangkalahatang Mga Probisyon.


a. Oras ng Pamilihan. Ang Pamilihan ay bukas sa pagbebenta
ng mga paninda na pinayagan ibenta dito mula ika-apat (4:00) Ng Umaga
hanggang ika walo (8:00) Ng Gabi araw-araw. Ang pag-gamit ng mga
puwesto sa pamilihan bilang tulugan ay mahigpit na ipinagbabawal at walang
maglalako o may hawak ng puwesto ang puwedeng manatili sa loob ng gusali
pagkatapos na ito ay magsara.

b. Ang barangay ay hindi mananagot sa mga puwesto sa


pagkawala o pagkasira sa pamamagitan ng magnanakaw, o puwersahang
pagnanakaw, “force majeure”, o ano pa mang kadahilanan. Ang lahat ng mga
paninda na naiwan sa pamilihan pagkatapos ng pag-sasara nito sa sagutin ng
may-ari o ng may hawak sa puwesto.

k. Ang ano mang mga bagay o paninda na inabandona sa loob


ng pamilihan na labag sa mga probisyon ng Artikulong ito na may kaugnayan
sa pamamahala ng pamilihan ay iko-konsiderang kalat, at ipamamahala sa
Market Administrator at ng kanyang mga tauhan. Kung sakali ang mga ito ay
kukunin ng may-ari sa loob ng Dalawampu’t-Apat (24) na oras, ang mga ito
ay isasauli, maliban kung bulok na at makakasira ng pampublikong kalusugan,
na kung magkaka-ganoon, ang mga ito ay itatabi ayon sa desisyon ng Ingat-
Yaman pambarangay, at siya sa kanyang pagtantiya ay puwedeng magsampa
ng kasong kriminal sa mga may kasalanan o balaan lamang niya na huwag ng
mau-ulit ang mga ganoong pangyayari, at kung ang mga bagay o paninda ay
hindi pa bulok at hindi kinuha ng may-ari sa loob ng panahon na sinasabi
dito, ang mga ito ay ibebenta sa subastahan, at ang mapagbebentahan dito
ay gagamitin ayon sa batas.

d. Ipinagbabawal ang maglako o magtinda ng ano mang bagay


sa mga pasilyo ng pamilihan na dinadaanan ng mga mamimili. Ganoon din
ang mag-istambay, maglakad-lakad o mahiga sa loob at palibot ng pamilihan,
at walang puwedeng magpalimos, o maghingi ng kontribusyon sa loob ng
pamilihan.

e. Ipinagbabawal ang lumaban, humarang, mang-asar o


pumigil sa sino mang empleyado/ kawani ng pamilihan sa pagtupad ng
kanilang tungkulin, at sa mga magulang na pabayaan ang kanilang mga anak
na maglaro sa loob at palibot ng kanilang mga puwesto o sa loob ng
pamilihan.

g. Ipinagbabawal sa sino mang tao ang mag-inom, magsilbi, o


magbenta ng inuming nakalalasing sa loob ng bakuran ng pamilihan sa lahat
ng oras.

h. Ipinagbabawal sa kahit sino mang tao sa loob ng pamilihan


ang mag-gawa ng sobrang ingay, o magsalita ng pagmu-mura o kahit anong
gawain na makakasagabal sa katahimikan at kapayapaan at sa magandang
daloy ng mga gawain sa loob ng pamilihan.
i. Ipinagbabawal sa sino mang katulong ng magtitinda na may
puwesto o sa mga maglalako na maglabas, magsampay o maglagay ng ano
mang bagay o paninda kahit ito’y paninda o hindi o mga lalagyan na
makakaharang sa mga daanan sa pamilihan. Ganoon din ang pagdadala ng
mga sandatang nakakamatay tulad ng kutsilyo, itak, palakol, ice pick, pana at
iba pa sa loob ng pamilihan o kung sa mga may hawak ng puwesto at sa
kanilang mga katulong sa labas ng kanilang mga puwesto.

l. Walang mga paninda o bagay ang puwedeng itinda o ilabas


bilang paninda sa pamilihan kung hindi legal na pag-mamayari ng may
puwesto o ng maglalako at lahat ng mga bayarin ukol sa mga ito ay
nabayaran.

m. Ipinagbabawal sa mga may puwesto ang mag-alis, mag-


gawa o baguhin ang orihinal na istraktura ng bawa’t puwesto o stall o kubol,
mga kawad pang-elektrisidad o tobo ng tubig na hindi muna hihingi ng
pahintulot sa Market Administrator o aprubado ng Punong Barangay.

n. Katungkulan ng sino mang may-ari ng bahay, tindahan o


establisimyento na malapit sa pamilihan na magkaroon sa kanyang tindahan
para sa pangungulekta ng basura at pagtatapon nito.

ng. Lahat ng mga patakaran at alituntunin ukol sa kalinisan ay


mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng mga nag-ookupa ng puwesto o stall at
mga kawani ng pamilihan.

o. Ang paglalako o pagtitinda sa labas ng pamilihan o palibot


nito ng mga pagkain na madaling masira o mabulok tulad ng isda at karne ay
mahigpit na ipinagbabawal.

Seksiyon 6A. 09. Mga Patakarang Administratibo.

a. Walang sino mang mayhawak ng puwesto ang papayagan


mag-upa ng sobra sa dalawang (2) magkaratig o magkadikit na puwesto at
walang kinalaman kung ilan mang puwesto ang kanilang inuupahan noong
mga nakaraang taon.

b. Yaong mga mapapatunayan na umu-okupa ng puwesto at


pina-upahan uli ang nasabing puwesto sa ibang tao, o nagbenta ng karapatan
sa puwesto, ay aalisan ng kanilang karapatan sa puwestong pina-upahan sa
iba, at ang kasalukuyang umu-okupa ang siyang pagbibigyan ng karapatan sa
nasabing puwesto. Ang dahilan dito, ay upang ma-alis o ma-iwasan ang
masamang kasanayan na pag-papaupa ng puwesto sa ibang tao maliban sa
mga rehistradong may hawak ng puwesto, at upang iligtas ang mga “sub-
lesse” sa pagbabayad ng dobleng bayarin sa pamahalaang barangay at sa
rehistradong may hawak ng puwesto.
k. Ang mga maglalako na palipat-lipatng lugar sa palibot ng
pamilihan ay siyang bibigyan ng pangalawang katig o “priority / preference”
sa pag-gagawad ng karapatan sa mga puwesto sa pamilihan.

d. Lahat ng mga puwesto / kubol ay nu-numerohan ng maayos


at lahat ng mga numerong ito ay isasali sa pa-raffle, para maiwasan ang pag-
rereserba ng mga pili na puwesto para sa mga pinapanigan na mga mag-
ookupa.

Seksiyon 6A. 10. Kaparusahan. Ano mang paglabag sa


mga ipinaiiral sa Artikulong ito ay lalapatan ng kaparusahan na pagmumulta
ng halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi
lalagpas sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO D. SINGILIN SA SERBISYONG PANGUNGULEKTA NG


BASURA

Seksiyon 6D. 01. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


kukuletahin mula sa bawat bahay na nasa loob ng pook na sakop ng
pangungulekta ng basura, na singilin sa serbisyong pangungulekta ng basura
sa halagang Dalawampung (P20.00) Piso bawa’t buwan

Seksiyon 6D. 02. eksemsiyon. Ang mga maayos na


nag-aasikaso sa kanilang basura o nag-mementena ng tamang sistema ng
paglutas ng problema sa basura at walang basurang itinatapon para
kukulektahin ng barangay, ay binibigyan ng iksemsiyon sa pagpapairal sa
Artikulong ito.

Seksiyon 6D. 03. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang bayarin na itinakda sa Artikulong ito ay babayaran sa
Ingat-Yaman pambarangay kung hindi buwanan ay taunan. Kung ang pipiliin
ay buwanan, ito ay babayaran bago mag ika-sampung (10 th) araw bawa’t
buwan. Kung taunan, ito ay babayaran ng pauna sa loob ng unang
Dalawampung (20) araw ng Enero bawa’t taon.

Seksiyon 6D. 04. Karagdagang Singilin sa


Naantalang Pagbabayad.
Ang hindi pagbabayad sa bayaring nakatakda sa Artikulong ito sa loob ng
panahon inilaan para dito ay mangangahulugan na ang namumuwisan ay
magbabayad ng karagdagang singilin sa halagang Sampung (10%) porsyento
sa orihinal na halaga ng bayarin, at ang karagdagang singilin ay babayaran
kasabay sa pagbabayad sa nauanang bayarin.

Seksiyon 6D. 05. Mga Patakarang Administratibo.


Ang may-ari o ang tagapatakbo ng pang-negosyong establisiyemento ay,
maghahanda sa harap ng kanyang gusali ng sisidlan ng basura bago sa oras
ng pangungulekta ng basura.

Seksiyon 6D. 06. Kaparusahan. Anumang paglabag sa


mga isinasaad ng Artikulong ito ay, lalapatan ng parusa na pagmumulta ng
halagang hindi bababa sa Isang-Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas
sa Isang-Libong (P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO E. SINGILIN SA PAGDAUNG SA DAUNGANG


PAMBARANGAY

Seksiyon 6E. 01. Pagtutukoy. Ayon sa pag-gamit sa


Artikulong ito, ang terminong:

Singilin sa Pagdaung – ay ang halaga ng bayarin/singilin na


tatasahin sa tagapamahala sa sasakyan, bangka, bangkang-de-motor, o
kaparehong sasakyang dagat/pantubig:

a) para sa pagdaung sa daungan o pier na pag-aari ng


barangay ; at
b) sa pagdaung o pagkabit sa sasakyang nakadaung.

Sasakyan – sumasakop sa mga sasakyang – dagat/tubig na


puwedeng gamitin na transportasyong pantubig.

Seksyon 6E.02. Pagpapataw ng Bayarin. Mayroong


kukulektahin na bayarin sa pagdaung ng mga bangkang de-motor na
dumadaung sa daungan na nasasakupan ng Barangay, ayon sa mga
sumusunod :

a) Sa mga bangkang de-motor na tumitimbang ng kulang


sa tatlong (3) tonelada,kada araw o bahagi nito --- P
30.00
b) Tatlong (3) tonelada o lagpas, kada araw o bahagi nito - - - P
25.00
c) Sa mga bangkang walang motor, kada araw o bahagi nito- - - P
10.00

Seksyon 6E. 03. Ipinagpapaliban (Exemption) Ang mga


sumusunod ay hindi sakop ng Artikulong ito:

1. Mga sasakyang pantubig na pag-aari ng pambansa ,


panlalawigan , pambayan at pambarangay na pamahalaan.

Seksyon 6E .04. Mga Patakarang Administratibo. Ang


Ingat-Yaman Pambarangay ay gagawa ng pamamaraan upang mabantayan
ang pagdating at pagdaung ng mga sasakyang pantubig/dagat sa pier na
pag-aari ng barangay.

Walang sasakyang pantubig/dagat na nakadaung ang


pahihintulutang makaalis ng hindi muna nagbabayad ng kaukulang bayarin o
maayos na pagpapaalam sa mga kinakaukulan.

Ang Punong Barangay ay magsasagawa ng mga iba pang


patakaran at alituntunin para sa epektibong pagpapatupad ng Artikulong ito.

Seksyon 6E. 05. Panahon at Pamamaraan ng


Pagbabayad. Ang singilin na itinatakda dito ay babayaran sa Ingat –
Yaman Pambarangay, o sa kanyang awtorisadong kinatawan , ng
tigapamahala ng sasakyan o bangka pagkadaung sa pier na pag-aari ng
baragay, o pagkabit sa sasakyan o bangka na nakadaung na.

Seksyon 6E. 06. Kaparusahan . Anumang paglabag sa mga


isinasaad ng Artikulong ito, ay lalpatan ng parusang pagmumultang halagang
hindi bababa sa Isang Daang (P100.00) Piso, ngunit hindi lalampas sa Isang
Libong Piso(P 1000.00), sa pagpapasya ng Korte.

ARTIKULO G. SINGILIN SA SERBISYONG DAY CARE

Seksyon 6H. 01. Pagpapataw ng Bayarin/Butaw. Ang mga


sumusunod na singilin ay kukulektahin sa bawat batang pumapasok para sa
mga serbisyong ginagawa ng Day Care:

a) Bayarin sa Pagtanggap, bawat taon --- P 00.00

b) Bayarin sa Serbisyo , bawat buwan --- P 00.00

c) Samut-saring bayarin --- P 00.00

Seksyon 6H. 02. Panahon at Pamamaraan ng Pagbabayad .


Ang bayarin ay kukulektahin ng Ingat-Yaman Pambarangay sa panahon ng
enrollment/pagpapatala at ang buwanan na bayarin pangserbisyo ay bawat
katapusan ng buwan.

Seksyon 6H. 03. Ipinagpapaliban (Exemption). Ang mga


batang nabibilang sa walang kakayahang magbayad na pamilya (Indigent
Family) na tutukuyin ng DSWD o ng Municipal Social Welfare and
Development Officer sa pamamagitan ng pag-iisyu o pagbibigay ng katunayan
o sertipikasyon, ay ipinagpapaliban sa mga singilin.

Seksyon 6H. 04. Kaparusahan . Anumang paglabag sa ipinaiiral


ng Artikulong ito ay lalapatan ng pagmumulta sa halagang hindi bababa sa
Isang-Daang (P 100.00) Piso, ngunit hindi lalagpas sa Isang-Libong
(P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO I. PANGSERBISYONG SINGILIN SA TUBIG

Seksyon 6I.01. Pagpapataw ng Bayarin/Butaw. Ang mga sumusunod


na mga bayarin ay kukulektahin para sa ginawang serbisyo ng pag-aari ng
barangay na Small Water Impounding System (SWIPS):

(A) Para sa Koneksyong Walang Metro:

1. “Flat rate” para sa isang gripo lamang

Pang – pamilya ( kada buwan) P 30.00


Pang-kalakal ( kada buwan) P 50.00
Pang-Industriya( kada buwan) P 300.00

2. Para sa kada dagdag na gripo, kada buwan:

Pang –pamilya P 15.00


Pang-kalakal P 30.00
Pang-industriya P 60.00
(B) Bayarin sa pagpapakunekta
Pang –pamilya P 200.00
Pang-kalakal P 500.00

Seksyon 6I. 02. Panahon ng Pagbabayad. Ang bayarin sa


serbisyo sa tubig (o water bill) ay babayaran sa Ingat – Yaman ng barangay
sa loob ng unang dalawampung – araw sa sumusunod na buwan na pag-
gamit ng tubig.

Ang sinumang gumagamit ng tubig na hindi nakabayad ng buwanang


bayarin ay bibigyan ng grace period na tatlong (3) buwan, na pagkatapos nito
ay kailangan na siyang magbayad ng “surcharge” o karagdagang bayarin.
Ang mga iba pang bayarin, butaw at singilin na hinihingi ng Artikulong ito ay
babayaran bago hingiin ang mga serbisyo ng Barangay Waterworks System.

Seksyon 6I. 03. Karagdagang Bayarin sa Naantalang


Pagbabayad. Ang hindi pagbabayad sa mga bayaring ipinapataw ng
artikulong ito ay mangangahulugan ng kargdagang bayarin na dalawampung
(20 %) porsyento sa orihinal na bayarin.

Seksyon 61. 04. Mga Patakarang Administratibo .


1. Para makamtan ang mga nasabing mga serbisyo ay
kinakailangan ang isang nakasulat na aplikasyon / kontrata
na ihahain sa tanggapan ng Punong Barangay.
2. Ang bawat aplikante/ kustomer, bago bigyan ng serbisyo sa
tubig , ay kinakailangan na magbayad ng paunang deposito
s halagang P50.00 na siyang tagapanagot ng mga hindi na
bayaran na “water bill” sa loob ng pitong (7) araw sa
sumusunod na buwan.
3. Ang paunang deposito ay ibabalik sa kustomer kung sakaling
hindi nito ituloy ang aplikasyon o ipatigil niya serbisyo sa
tubig, kung, nabayaran niya ang lahat ng kanyang mga
bayarin sa Water System sa pamamagitan ng Ingat-Yaman
ng Barangay.
4. Para sa pagtasa ng bayarin ang metro (kung meron man )
ay babasahin ng isang buwan pagkatapos itong maikabit at
buwanan pagkatapos ng unang pagbasa. Ang metro ay
selyado at ito ay aalisin lamang kung ay iinspeksyonin, o
aayusin ng Water System.
5. Sa pagbubukas uli ng serbisyo sa pakiusap ng kustomer
pagkatapos na ito ay itigil sa kadahilanan tulad ng hindi
pagbabayad sa tamang panahon, ang halagang P100.00 ay
sisingilin kung ang pagkaputol ng tubo ay sa malapit sa
metro . Kung ito ay pinutol sa main pipe, ang gastusin sa
paghuhukay at pagrerepair ng kalsada ay sagutin ng
kustomer.
6. Ang mga kuneksyon pam-pamilya o “residential” ay hindi
gagamit ng tubo na mas malaki sa “one-half” (1/2) ang
diametro.
7. Ang mga kuneksyon na gumagamit ng tubo na mas malaki
sa “one-half” (1/2) pulgada sa diametro ay maaring payagan
sa mga pangkalakal at pang-industriya na gamit lamang , sa
pasubaling ang aplikante / kustomer ay magpapaliwanag
kung bakit kinakailangan ang mas malaking diametro ng
tubo na a-aprubahan ng Punong Barangay.
8. Ang kada apartment na maramihang pinto ay kinakailangan
hiwa-hiwalay ang kuneksyon sa bawat pinto na pinauupahan
sa publiko.
9. Kung sakaling hindi makaya ng Pamahalaang Pambarangay
ang pagbibigay ng metro sa tubig, (kung kinakailangan) ang
aplikante sa bagong kuneksyon ng tubig ang siyang bibili ng
metro at ipapakita sa Ingat-Yaman ng Barangay para
selyuhan at mainspeksyon. Ang pag-iinstala nito ay
pagkatapos na mabayaran ang bayarin sa inspeksyon ng
metro.

Seksyon 6I .05. Kaparusahan . Ang anumang paglabag sa mga


itinatadhana ng Artikulong ito , ay lalapatan ng kaparusahang hindi
kukulangin sa Isang-Daan (P100.00) Piso ngunit hindi lalagpas sa isang
libong (P 1,000.00) Piso,sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO L. BAYARIN SA PAG-GAMIT NG “BARANGAY ROADS’’

Seksyon 6L. 01. Pagpapataw ng bayarin . Mayroong kukulektahin


sa mga tagapamahala ng mga sasakyang gumagamit ng kalsadang pag-aari
ng barangay sa mga sumusunod na bayarin:

Seksyon 6L .02. Ipinagpapaliban (Exemption). Ang bayaring


ipinapataw sa ilalim ng Artikulong ito ay hindi kukulektahin sa mga
sumusunod habang gumagamit ng nasabing mga sasakyan sa itaas:

1. Mga opisyales at tauhan ng Armed Forces of the Philippines at mga


tauhan ng Philippine National Police habang nasa opisyal na
misyon;
2. Mga tauhan ng Post Office na naghahatid ng koreo.
3. Mga mamamayang may kapansanan at mga taong nasa edad na
animnaput-lima o higit pa.
4. Mga opisyal ng pamahalaan na nasa opisyal na lakad.

Seksyon 6L. 03. Panahon at pamamaraan ng Pagbabayad. Ang


bayarin ipinapataw artikulong ito ng ay babayaran sa ingat-Yaman ng
barangay o ng kanyang kinatawan bago o sa oras ng pagdaan sa nasabing
barangay road.

Seksyon 6L .04. Kaparusahan . Anumang paglabag sa itinatadhana


ng Artikulong ito ay lalapatan ng parusang pagmumulta ng halagang hindi
bababa sa Isang daang (P 100.00) Piso ngunit hindi lalagpas sa Isang Libong
(P1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte.

ARTIKULO M. IBANG PANGGAGALINGAN NG PONDO NG BARANGAY

Seksyon 6M. 01. Ang barangay ay maaring mangalap ng pondo sa


pamamagitan ng mga sumusunod na gawain:

a) Kontribusyon at Donasyon
b) Tulong Pinansyal
c) Grants-in-aid
d) Pangangalap ng pondo “Fund raising”
e) Pangungutang “loans”

Seksyon 6M. 02. Ang kahit ano sa mga nabanggit na gawain ay


gagawin lamang sa pag-sang-ayon ng nakararaming boto ng mga kasapi ng
Sangguniang Barangay.
Seksyon 6M. 03. Kaparusahan. Anumang paglabag sa ipinag-uutos
sa ilalim ng artikulong ito ay lalapatan ng parusang pagmumulta ng halagang
hindi bababa sa Isang Daang (P 100.00) Piso, ngunit hindi lalampas sa Isang
Libong (P 1,000.00) Piso, sa pagpapasya ng korte .

KABANATA VII. MGA PROBISYON UKOL SA PANGKALAHATANG


PAMAMAHALA AT KAPARUSAHAN

ARTIKULO A. PANGUNGULEKTA AT PAGKUWENTA NG KITA NG


BARANGAY

Seksiyon 7A. 01. Pangungulekta. Ang pangungulekta ng


buwis, bayarin, singilin, interes at kaparusahan para sa barangay na ito ay
gampanin ng Ingat-Yaman pambarangay o ng kanyang mga kinatawan at
hindi puwedeng ipaubaya sa kahit na sinong ibang tao.

Maliban kung tahasang sinasabi ang taliwas sa kodigong ito, o sa


ilalalim ng ibang batas, o dekreto, ang Ingat-Yaman pambarangay ay
binibigyan ng kapangyarihan, sa pag-apruba ng Punong-Barangay, na
magsagawa ng mga patakaran at alituntunin para sa maayos at mahusay na
pamamahala ng pangungulekta na mga buwis, bayarin at singilin na
ipinapataw dito.

Seksiyon 7A. 02. Pag-iisyu ng Resibo. Tungkulin ng Ingat-


Yaman pambarangay o ng kanyang kinatawan na mag-isyu ng resibo sa mga
taong nagbabayad ng buwis, bayarin o singilin, na nagpapakita ng petsa,
halaga, pangalan ng nagbabayad at kung para saan ang binabayaran.

Sa pagtanggap ng kabayaran sa buwis, bayarin at singilin, tungkulin ng


Ingat-Yaman pambarangay o ng kanyang kinatawan na ipakita ang opisyal na
resibo na inisyu, at ang bilang na angkop sa Ordinansa ng barangay.

ARTIKULO B. PANGKALAHATANG MGA PROBISYON PENAL

Seksiyon 7B. 01. Kaparusahan. Ang anumang paglabag sa


mga probisyon ng Kodigong ito na hindi nalapatan ng kaukulang
kaparusahan, at ng mga patakaran at alituntunin sa ilalim ng kapangyarihan
ng kodigong ito, ay paparusahan ng multa sa halagang hindi bababa sa
Isang-Daang Piso (P100.00) ngunit hindi lalagpas sa Isang-Libong Piso
(P1,000.00), sa pagpapasya ng korte. Ang pagbabayad ng kaparusahan na
sinasabi rito ay hindi nagpapawala sa lumabag sa pagbabayad ng hindi
nababarang buwis, bayarin o singilin na ipinapataw ng Artikulong ito.
Kung ang paglabag ay ginawa ng alin-mang “juridical” na ito, ang
Presidente, Pangkalahatang Tagapamahala, o ibang taong pinagkakatiwalan
sa pamamahala sa panahon ng paglabag ang siyang may pananagutan sa
ilalim ng batas.

Seksyon 7B. 02. Pinagkasunduang Pagbabayad Ng


Bayarin

Ang Punong Barangay ay binibigyan ng kapangyarihan na


makipagkasundo para sa labas sa korte na pag-aayos ng anumang
kasalanang may kaugnayan sa paglabag sa mga probisyon ng Kodigong ito,
ngunit , sa ilalim ng mga sumusunod na kundisyon:

1. Na ang kasalanan ay walang kaugnayan sa pandaraya;


2. Na ang lumabag ay magbabayad ng “ pinagkasunduang pag-aayos
na bayarin’ at halagang hindi bababa sa Isang-daang (P100.00)
Piso ngunit hindi lalagpas sa Isang Libong (P 1,000.00) Piso kung
anoman ang pinagkasunduan ng dalawang partido;
3. Na ang pagbabayad ng “pinagkasunduang pag-aayos na bayarin”
ay hindi nagpapawala sa lumabag sa pagbabayad ng angkop na
buwis, bayarin, o singilin na tulad ng sinasabi sa ilalim ng Kodigong
ito.

KABANATA VIII. PANGKATAPUSANG MGA PROBISYON

ARTIKULO A. SAMU’T-SARING MGA PROBISYON

Seksyon 8A. 01. Pambukod na Sugnay. Kung sa anumang mga


kadahilanan, ang anumang mga probisyon , seksyon o bahagi ng kodigong ito
ay ideklarang walang bisa ng korte na may angkop na hurisdiksyon o
sinuspinde o binawi ng Sangguniang Barangay, ang ganoong hatol ay hindi
maka-aapekto o makasisira sa mga nalalabing mga probisyon, seksyon, o
bahagi nito, na mananatili o magpapatuloy na mabisa at epektibo.

Seksyon 8A.02. Pag-aangkop na Sugnay. Ang lahat ng bagay na


may kaugnayan sa mga ipnapataw ng Kodigong ito, ay sasailalim sa mga
angkop na mga probisyon ng nakapangyayaring mga batas at ibang
Ordinansa.

Seksyon 8A.03. Pagpapawalang – bisa na Sugnay. Lahat ng


mga Ordinansa, patakaran at alituntunin o bahagi nito, na taliwas sa,
okabalintunaan sa alinman sa mga probisyon ng Kodigong ito, ay
pinawawalang bias, o binabago ayon dito.

Seksyon 8A.04. Pagkakabisa . Ang Kodigong ito ay magkakabisa


sa unang araw ng pagsasabatas nito.
ISINABATAS AT INAPRUBAHAN : Ika- ___ ng
_________________________, 2020

x------------------------------------------------------------------------------
----------------------x

PINATUTUNAYAN ko na ang naturang “ ANG BAGONG BARANGAY


REVENUE CODE” ng Barangay ___________, San Luis, Aurora, na kilala rin sa
bansag na “BATAS SA BUWIS NG BARANGAY BILANG 01-___ “ ay
isinasabatas ng Sangguniang Barangay noong pangkaraniwang pulong nito sa
Bahay Pulongan Pambarangay noong ika- ___ ng buwan ng ____________
taon 2020.

PANGALAN
Kalihim - Liga ng Barangay

PINAGTIBAY:

____________________ _____________________
Kagawad Kagawad

_____________________ ___________________
Kagawad Kagawad

_______________________
______________________
Kagawad Kagawad

______________________
_______________________
Kagawad Kagawad-SKC

_________________________
Punong Barangay

LGU NAME: Dilasag Monitoring of LGU Preparedness and Response Action for Tonyo as of
Nov. 8, 2020 Weather condition: Occasional light to moderate to heavy rain being experience
throughout the municipality Convened LDRMMC within 24 hrs: No LGU implemented
Disaster Response Action: Continuous monitoring of river condition and low lying areas for
possible flooding together with brgy officials. STATUS OF EVACUATION No. Of
barangays conducted evac: None Name of Barangays and No. Of families to be evacuated:
None No. Of Evacuees A) Family- None Individual- None No. Of evacution center: 2
(excluding designated EC) Estimated Food packs: Road Condition: Casiguran-Dilasag Road
via Dimaseset still passable Casiguran-Dilasag road via Diniog passable for all types of
vehicle Dilasag-Dinapigue road risky and not passable for light vehicle (slightly flooded
ditubo & sapsap river)

You might also like