You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Province of Camarines Norte


Municipality of Mercedes
Barangay 3

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

Hinalaw sa Katitikan Ng Pangkaraniwang Pagpupulong Ng Barangay Ng Barangay 3, Mercedes,


Camarines Norte Na Ginanap Noong ika-23 ng Abril, 2017 Sa Ganap Na ika Tatlo Ng Hapon Sa Barangay
Hall.

Nagsidalo:

1. Hon. Pepe R. King Presiding Officer/Punong Barangay


2. Hon. Troy A. Camalla Member
3. Hon. Maria Rhocel J. De Arao Member
4. Hon. Christian V. Monteo Member
5. Hon. Dominga T. Abraham Member
6. Hon. Marc Christian V. Mogas Member
7. Hon. Noel A. Balang Member

Nagliban:

1. Hon. Alida Jean P. Sarical Member

BARANGAY ORDINANCE NO.035 – S – 2017

ORDINANSA SA PAGPAPATUPAD NG PAGLILIMABG NG BARANGAY IDENTIFICATION CARD


HON. MARC CHRISTIAN V. MOGAS
MAY AKDA

I. PAMAGAT

Ang ordinansang ito ay tatawaging “ORDINANSA SA PAGPAPATUPAD NG PAGLILIMBAG


NG BARANGAY IDENTIFICATION CARD NG BARANGAY 3, MERCEDES, CAMARINES NORTE.

II. LAWAK NG NASASAKUPAN

Lahat ng aktwal na naninirahan sa barangay at nakatala sa barangay census na nasa


wastong gulang.

III. LAYUNIN
 Upang matulungan ang mga namamarangay na magkaroon ng maayos na pagkakakilanlan
na maaaring magamit sa anumang legal na transaksiyon.
 Karagdagang pondo ng barangay.

IV. MGA NILALAMANG IMPORMASYON NG IDENTIFICATION CARD (I.D.)


 PANGALAN/I.D. HOLDER
 ADDRESS
 BIRTHDATE
 BIRTHDPLACE
 BLOOD TYPE
 WEIGHT
 HEIGHT
 NAME OF PERSON TO NOTIFY INCASE OF EMERGENCY
 ADDRESS
 RELATIONSHIP
 CONTACT NUMBER
 SIGNATURE OF THE ISSUING AUTHORITY AND THE I.D. HOLDER
 1X1 PICTURE
V. PAGPAPAKAHULUGAN NG SALITANG GINAMIT
 IDENTIFICATION CARD – dokumentong nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng isang
inndibidwal.
 PAGLILIMBAG – Pag-gawa ng isang bagay.
 WASTONG GULANG – edad labing walong gulang pataas.
 PANGALAN – pagkakakilanlan ng isang indibidwal
 ADDRESS – lugar kung taga saan
 BIRTHDATE – araw ng kapanganakan
 BIRTHDPLACE – lugar kung saan ipinanganak
 BLOOD TYPE – uri ng dugo
 WEIGHT – sukat ng bigat/timbang
 HEIGHT – sukat ng taas
 RELATIONSHIP – uri ng relasyon na nag-uugnay sa dlawang indibidwal
 Lagda – inisyal na marka na ginagamit bilang tanda ng kanyang pangalan
 PICTURE – larawan o imahe ng pagkakakilanlan
 Issuing authority – taong may legal na kakayahang magkaloob ng isang dukomento.
VI. PAGSASAKATUPARAN
 Kinakailangang personal na tao an kukuha, bawal ang kanyang kinatawan
(representative).
 Ang ainumang namamarangay na nasa labing waong gulang pataas ay maaaring
magpalimbag ng Barangay Ientification Card kaakibat ng pagbabayad ng halagang
tatumpong piso (Php. 30.00).
 Ang Barangay Identification Card ay may bisa lamang sa loob ng isang taon.
VII. AKTONG KAPARUSAHAN
 Paglalagay ng maling impormasyon o larawan (tampering).
 Hindi akma o mailing paggamit ng I.D.
VIII. PENALIDAD
 Alinsunod sa itinakda ng ordinansang ito, ang maling paggamit ng Barangay
Identification Card ay maaaring magdulot ng tuluyang pagkansela at tuluyan ng
hindi pagbibigay nito.
IX. PAGKAKABISA
 Magkakaroon ng bisa ang ordinansang ito matapos maprubahan at mapagtibay ng
Sangguniang Barangay at maipaskil sa iba’t ibang sakop ng barangay.

Pinatnubayan Ko Ang Kaayusan Ng Ordinansang Ito.

HON. PEPE R. KING

Presiding Officer

Pinatunayan:

LEONIDA D. PINEDA
Kalihim ng Barangay

Inaprobahan Ngayong Ika-26 ng Abril, 2017.

HON. PEPE R. KING


Punong Barangay
Conforme:

Hon. TROY A CAMALLA Hon. MARIA RHOCEL J. DE ARAO


Member Member

Hon. CHRISTIAN V. MONTEO Hon. ALIDA JEAN P. SARICAL


Member Member

Hon. DOMINGA T. ABRAHAM Hon. MARC CHRISTIAN V. MOGAS


Member Member

Hon. NOEL A. BALANG


Member

You might also like