You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

City/Municipality of
Barangay

-o0o-

OFFICE OF THE PUNONG BARANGAY

EXECUTIVE ORDER NO.


Series of

PAGHIRANG/PAGTATALAGA SA MGA BARANGAY TANOD

SAPAGKAT, ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng Saligang Batas, ang pangunahing tungkulin ng Pamahalaan
ay magsilbi at pangalagaan ang mga mamayan. Ang Pamahalaan ay maaring tawagin ang mga mamamayan upang
ipagtanggol ang Bansa at sa pagtupad nito, lahat ng mga mamamayan ay maaring maglingkod ng military o sibil sa
serbisyo naaayon sa batas;

SAPAGKAT, ayon sa Kapitulo 3 ng Seksyon 389 ng Local Government Code ng 1991, ang ikapitong
kapangyarihan ng Punong Barangay ay bumo at manguna sa mga grupong pang emergency kung ito ay kakailanganin
upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan o sa mga panahon ng emergency o kalamidad.

SAPAGKAT, nasasaad sa Seksyon 3 ng Executive Order No. 309 kung saan isinasaad na ang Pambansang
Peace and Order Council ay mag-uulat tungkol sa katahimikan at kaayusan at pagpapatakbo ng “Civilian Volunteer
Self-Defence Organizations (Tanod)” at iba pang programa o gawain laban sa mga pag-aalsa sa Pamahalaan.

SAPAGKAT, ang Barangay Tanod Brigade ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pag-unlad at pag-
usad ng barangay, ang Barangay Tanod ay isa sa mga kinatawang tagapgpatipad at tagaopagtaguyod ng Barangay
Peace and Order Committee (BPOC), na ang pangunahing gawain ay siguraduhin angf kapayapaan (pace) at kaayusan
(order) sa barangay;

SAPAGKAT, ayon sa DILG MC 2003-42, ang Barangay Tanod ay isang brigade na binubuo ng mga
boluntaryong sibilyan na itinalaga ng Punong Barangay ayon sa rekomendasyon ng BPOC;

SAPAGKAT, naayon sa DILG MC 2003-42, ang barangay tanod ay itinatatag sa ilalim ng pamamahala ng
Punong Barangay. Ang Punong Barangay ang magtatalaga ng Chief Tanod o EX-O. Maaari din hatiin sa dalawa
hanggang apat na grupo ang tanod na may kanya-kanyang team leader at batay sa pagpapatibay ng nakararaming mga
kagawad ng sangguniang barangay;

SAPAGKAT, ang Barangay Tanod ay itinatalaga ng Punong Barangay ayon sa rekomendasyon ng BPOC;

SAPAGKAT, ayon sa Seksyon 393 (d) ng Lokal Government Code of 1991, ang pinakamataas na bilang ng
tanod sa bawat barangay ay dalawampu, subalit pwedeng dagdagan kung kunakailangan upang maisakatuparan ang
layunin ng barangay governance ayon sa pangangailangan ng pampublikong serbisyo at pangkaperahang limitasyong
ng barangay.

KUNG KAYA’T, ako, si bilang Punong Barangay ng


Barangay ` ng Bayan/Lungsod ng at naayon
sa bisa ng kapangyarihang itinakda ng batas, kautusang legal, at mga dekretong pinaiiral, matapos irekemonda ng
BPOC, ay aking itinatalaga ang mga sumusunod bilang mga myembro ng Barangay Tanod Brigade:

Chief Tanod: (1)


Members: (2)
(3)
(4)
(5)
(6)
(7)
(8)
(9)
(10)
(11)
(12)
(13)
(14)
(15)
(16)
(17)
(18)
(19)
(20)

Seksyon 1. Mga Tungkulin at Responsibilidad ng Barangay Tanod. Alinsunod sa pangunguna ng Punong


Barangay, ang barangay tanod ay dapat na:

1. Pakilusin ang mga mamamayan sa barangay laban sa krimen, bisyo, droga, at “juvenile delinquency”;
2. Hadlangan ang mga kaguluhan gaya ng pagkagulat, kalituhan, aklas, at nakawan sa panahon ng
sakuna o kalamidad;
3. Gisingin upang ipamulat ang pakikilahok bilang mamamayan at pagkakaroon ng disiplina ng mga
kasapi;
4. Palaganapin ang magandang ugnayan ng pulista at ng barangay;
5. Hadlangan at ihinto ang paglaganap ng mga lugar na pinagmumulan ng krimen gaya ng mga
pinagpupugaran ng mga bisyo at sugalan at bahay ng mga nagbibili ng panandaliang aliw;
6. Maging huwaran ng isang tumutupad sa tungkulin bilang mamamayan at sariling nagsisikap sa
pagpapatupad ng mga araw-araw na gawain;
7. Hadlangan ang hindi naayon sa batas na pagkasira ng lika na yaman at alagaan ang mga kagubatan at
mga hayop;
8. Tumulong sa mga opisyales ng barangay sa pag-iwas sa krimen at pagtataguyod ng pampublikong
kaligtasan;
9. Magsagawa ng regular na ronda sa barangay;
10. Ipaalam sa kinauukulang opisyales ng barangay o sa Hotline “117” o Hotline “166” para sa
Lungsod/Munisipyo ng PNP Headquarter kung may nagaganap na krimen,
sunog, aksidente, pampublikong panggugul at anumang gawain na nakasisira sa kalikasan at iba pang
biglaang pangyayari sa barangay;
11. Bantayan ang barangay laban sa anumang kahina-hinalang tao at pangyayari, criminal, at iba pang
masamang element sa loob ng kani-kanilang mga nasasakupan at ipaalam ang mga ito sa
kinauukulang awtowridad o sa Hotline “117” o Hotline “166” para sa Munisipyo/Lungsod ng
PNP Headquarter.
12. Magsagawa ng regular na ronda sa mga lugar sa barangay/purok na madadlas pinangyayarihan ng
krimen o maaaring pangyarihan ng krimen at ipaalam ang anumang obserbasyon sa kinauukulan o sa
sa Hotline “117” o Hotline “166” para sa Munisipyo/Lungsod ng
PNP Headquarter.
13. Tulungan ang pulisya at ang lupong tagapamayapa sa pagpapatupad ng warrants at iba pang
prosesong judicial katulad ng pag-alam sa regular na pinupuntahan ng mga nawawalang tao, sa pag-
aresto sa mga nakatakas na bilanggo at iba pang may pananagutan sa batas at sa pagbabalik/pagsasauli
ng mga nawalang bagay o pagmamay-ari;
14. Makipagtulungan sa mga opisyales ng barangay, pulisya/local na awtoridad sa kampanya laban sa
lahat ng uri ng krimen katulad ng terorismo, smuggling, carnapping, pag-aangkat at pagtutulak ng
droga (drug trafficking and drug pushing), illegal na sugal (illegal gambling), pang-aabuso sa mga
bata (child abuse), krimen laban sa kababaihan (crime against women), ay lahat ng uri ng bisyo at
sindikato;
15. Tumulong sa malawakang pagpapatupad at pagkampanya ng PATROL “117” Program;
16. Tumulong sa pagpapatupad ng Fire Code of the Philippines;
17. Alamin ang lahat ng uri ng sakuna dulot ng sunog at paglabag sa ampublikong kaligtasan at lapatan
ito ng karampatang pagtutuwid at pagsasa-ayos sa abot ng kanilang kakayanan;
18. Tumulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko;
19. Mag-ipon ng imormasyon;
20. Mag-ronda at kahintulad ng gawaing pagmamasid sa kapit-bahayan;
21. Tumulong sa pagpapakalat ng pangkalahatang impormasyon;
22. Suportahan at tulungan sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa barangay;
23. Tumulong sa pagbibigay ng serbisyo tungkol sa kalusugan, trapik, kaligtasan, at seguridad sa mga
sakuna;
24. Gampanan ang iba pang tungkulin na ipag-uutos ng Punong Barangay.

Seksyon 3. Badget. Ang programa para sa mga tanod ay papalakarin sa pamamagitan ng taunang badget na
magmumula sa pondo ng pamahalaang barangay na naaayon sa pangkaperahang limitasyon ng barangay at sa
available na pondo at sa pangkaraniwang accounting at auditing na mga alituntunin.

Nilikha at pinagtibay sa Barangay Bayan/Lungsod ng


, Pilipinas ngayong ika ng 20 .

Punong Barangay

You might also like