You are on page 1of 25

GABAY SA

PAGPAPLANO SA
BARANGAY

Department of the Interior and Local


Government
CALABARZON

1
STEP 1
PAGHAHANDA (PRE-PLANNING)

Ang tagumpay ng anumang Gawain ay nakasalalay sa maayos na paghahanda. Sa


pagsasagawa ng “barangay development planning,” kailangan siguraduhin na may
sapat na panahong nakalaan para sa masusi at masigasig na paghahanda ng
Barangay Empowerment Research Team at ng Pinalawak na Konseho ng Barangay
sa Pag-unlad (Expanded Barangay Development Council).

✓ Pagbuo ng Barangay Empowerment Research Team

Ang Barangay Empowerment Research Team ay binubuo ng mga kawani ng


national at iba pang ahensya o agencies na nasa barangay. Pwede ring gumawa ng
team na katumbas nito, depende sa mapagkasunduan ng barangay.

✓ Paglilinaw/Oryentasyon sa mga kasapi ng Barangay Empowerment


Research Team at ng Pinalawak na Konseho ng Barangay sa Pag-unlad
(Expanded Barangay Development Council) para sa pagsasagawa ng
Tatlong-taong planong Pangkaunlaran ng Barangay sa pamamagitan ng
Barangay Governance Performance Management System.

Para sa mga nangunguna/kasangkot (frontliners/stakeholders) sa barangay


development planning, dapat ay malinaw sa kanila ang layunin at kahalagahan nito
lalo na sa pakikilahok ng mga tao sa buong proseso ng pagpaplano.

✓ Pagkuha ng mga datos na kakailanganin gamit ang BGPMS Data Capture


Form.

Pagkatapos ng oryentasyon sa tulong ng CLGOO/MLGOO, maghati-hati sa maliliit


na grupo o sector. Alamin kung may mga katanungan pa ang grupo sa nabanggit na
oryentasyon. Alamin rin kung may mga tao pang dapat makasama sa partikular na
mga sektor. Isama rin sila sa mga Sectoral Teams kung maaari.

Ang pagkuha ng datos ay nakadepende sa Data Capture Form (DCF). Dapat


magkaroon ng kabatiran ang mga nagpa-plano tungkol sa nilalaman ng Data
Capture Form at papaano ito gagamitin (administer). Tuwinang balikan ang DCF
upang matiyak na wala nang nakakalimutang datos.

Magkaroon ng panahon sa pag-assess. Anu-ano na ang mga datos na nakuha


natin? Ano pa ba ang mga kulang na datos? Anu-ano ang mga problema na
nararanasan ng Research Team sa data gathering? Papaano kaya natin ito
malulutas? Ano ang mga kailangang paghahanda para sa mga gawain sa mga
susunod na araw?

✓ Pagsusuri ng mga datos.

2
Habang kinukuha ang mga datos, pag-aralan agad ang mga ito. Ano ang nakikita
natin sa datos? Ano ang mga lumilitaw na mga problema o oportunidad?

✓ Pagbuo ng Barangay State of Local Governance Report (SBGR) o Ulat


sa Barangay.

Tingnan ang BGPMS Technical Notes at pag-aralan ang Ulat sa Barangay o SBGR.

✓ Gumawa ng Activity Design sa pagbuo ng Tatlong-Taong Planong


Pangkaunlaran sa Barangay at paghatian ang mga gawain. Halimbawa:
sinu-sino ang documentor, facilitator, observer, atbp.
✓ Ihanda ang mga kakailanganing materyales at ang lugar na
pagdadausan ng papupulong.
✓ Padalhan ng imbitasyon ang mga taong kasali sa pagpulong.

STEP 2
PAGPAPLANO

Ang barangay, bilang isang batayang yunit pampulitika ng pamahalaan, ay siya ring
pinakabatayang yunit ng pagpaplano at pagpapatupad nito. Ang pagpaplano ay
isang mahalagang gawain upang magkaroon ng tunay na kaunlaran sa barangay.
Sa pamamagitan ng wastong pagpaplano, magagamit nang maayos ang mga
resources ng barangay sa paglutas ng mga local na problema.

ANO ANG PAGPAPLANO?

▪ Ito ay isang tuloy-tuloy na proseso na kinapapalooban ng pagdedesisyon o


pagpili ng mga iba’t-ibang paraan ng paggamit ng mga nakalaang resources
tungo sa mga layuning nais makamit;
▪ Ang pagpaplano ay nangangahulugan na pagpapasiya (decision-making);
▪ Ang pagpaplano ay naglalayong mapabilis ang pang-ekonomiya at
panlipunang pag-unlad;
▪ Ang pagpaplano ay pag-iisip para sa hinaharap;
▪ Ang pagpaplano ay pagtukoy ng mga alternatibo, ang pagsusuri ng bawat
isang alternatibo, at pagpili ng pinakamahusay mula sa mga ito;
▪ Ito ay isang disenyo ng ninanais na larawan ng kinabukasan at nagsasaad ng
mga epektibong pamamaraan kung paano ito makamit.

PAPAANO ITO GAGAWIN?

1. Paglalahad ng Punong Barangay ng kanilang State of Barangay Governance


Report o Ulat sa Barangay.
2. Pagbuo ng Larawang Diwa (Vision) at Misyon.

3
ANO ANG VISION O LARAWANG DIWA?

▪ Isang pangarap na kalagayan ng barangay na gustong makamit


matapos ang implementasyon ng mga planong pangkaunlaran
▪ Kahit na pangarap lang, dapat ito ay maging makatotohanan at
maaaring marating (hindi suntok sa buwan).
▪ Kailangang gusto at handa ang barangay na pagtrabahuhan ng
Vision na bubuuin.
▪ Magandang maipakita sa Vision ang inaasahang hitsura ng iba’t-
ibang aspeto ng komunidad (sosyal, political, ekonomiya,
environmental, pangkultura at espiritwal).
▪ Higit sa lahat, ito ay dapat na may PUSO at naisasaad sa isang
paraan na makapagbibigay inspirasyon para magkaisa ang mga
taga-barangay tungo sa pagkamit nito.

Halimbawa ng Vision:

“Ang Barangay ay magkaroon ng mapayapa, malinis, maka-Diyos, at


nagkakaisang mga mamamayan para sa maunlad na kinabukasan (ng mga taong
naninirahan dito) maging sa mga susunod pang henerasyon.” – Barangay Alagao,
Bauan, Batangas

PAGBUO NG VISION

1. Ano ang VISION? Ano ba ang halaga nito sa isang barangay at ano naman
kaya ang mangyayari kung wala itong Vision? Dapat ay maramdaman ng
Barangay ang halaga ng pagbuo nito nang sama-sama.
2. Kailangan ng mga metacards at pentel pens, ipamahagi ito sa mga grupo.
3. Hatiin ang mga kalahok sa tatlong grupo kung saan isasalarawan nila ang:
▪ Group 1: Mga TAO sa komunidad (halimbawa: kabuhayan, kultura,
edukasyon, espiritwalidad)
▪ Group 2: KAPALIGIRAN ng barangay (kasama na rin dito ang mga
imprastraktura (infrastructures)
▪ Group 3: Ang BARANGAY (pamunuan, kabuhayan, atbp.)
4. Ipaliwanag na isusulat ang isang kataga o mga kataga (di dapat lumagpas sa
3 kataga) na maglalarawan ng ninanais nilang katangian ng kalagayang
itinakda para sa kani-kanilang grupo (halimbawa: Ang mga tao ay malusog,
organisado, malinis, payapa, atbp.) sa hawak na metacards. Bigyan ng sapat
na panahon upang pag-isipan nila ito ng mabuti. Kailangang isang ideya lang
ang nakasaad sa bawat isang metacard. Maaari pa silang kumuha ng mga
metacards kung ito’y kulang.
5. Bumuo ng tatlong hanay sa blackboard (Isang hanay para sa TAO, isa
naman para sa Barangay at isa pa ulit para sa KAPALIGIRAN), kung saan
ididikit nila sa ibaba nito ang kanilang sinulatang mga metacards sang-ayon

4
sa hanay. (Anyayahan na kanilang idikit ang kanilang mga cards sa
blackboard).
6. Isa-isahin ngayon ang mga metacards at linawin ang ibig sabihin ng mga
nakasulat dito. Kailangang mapatunayan ng mga nagsulat na tunay ngang
mahalaga ang bawat katangiang isinulat nila sa metacard at dapat nga itong
maisali sa Vision. Ang mga magkakaparehong ideya ay pwedeng pag-isahin
na lang.
7. Matapos na linawin o pumili ang mga mahalagang katangian ay puwede na
silang hikayating bumuo ng isang Vision Statement o isang mahabang
pangungusap na nagtataglay ng mga katangiang nais nilang makamtan o
makita sa TAO, sa KAPALIGIRAN at sa BARANGAY o PAMAYANAN sa
hinaharap.
8. Kapag ito ay naisaayos na ng binuong Drafting Committee at ang kabuuan
ay tinanggap ng lahat ng kasangkot sa pagpaplano, ito na ang magiging
Vision ng Barangay.
9. Ipabasa ng sabay-sabay ang nabuong VISION.

ANO NAMAN ANG MISSION (MISYON)?

▪ Malinaw na paglalahad kung ano ang pagtutuunang gawain ng barangay


upang maabot ang kanilang Vision.
▪ Ano ang papel na gagampanan ng komunidad upang makamit ang
Vision? Sino ang mga pangunahing gaganap?

Isang halimbawa ng Mission:

“Patuloy na patatagin at palaguin ang kasipagan at pagsasamahan na siyang


tutulong sa pag-angat ng kabuhayan at pangangalaga ng likas na yaman.” -
Barangay Tabangao Ambulong, Batangas City

PAGBUO NG MISYON

(Kailangan ng mga metacards, masking tape, pentel pens at blackboard o isang


malapad na bagay kung saan maaaring idikit ang mga metacards habang may
talakayan.)

1. Ipaliwanag nang mabuti kung ano ang Mission at bakit mahalaga ito.
2. Tanungin sila kung sinu-sino ba ang may malaking gagampanang papel (mga
pangunahing actor) sa pagtupad ng Vision (halimbawa: Mga taga-barangay,
mga opisyales, mga organisasyon, atbp.)
3. Pagpangkat-pangkatin muli ang mga kalahok ayon naman sa natukoy sa
itaas na mga pangunahing aktor sa komunidad. Bigyan rin ang bawat pangkat
ng tatlong metacards.
4. Hayaan ang bawat grupo na pag-usapan kung ano sa kanilang palagay ang
dapat na Mission o gawain ng bawat pangunahing aktor upang makamit ang
Vision. Isulat ito sa metacards at idikit sa blackboard.

5
5. Tulad ng pagbuo ng Vision, isa-isang basahin ang bawat metacard upang
maipaliwanag nang mabuti ang nakasulat dito. Pipiliin ng mga kasangkot ang
mga angkop na gawain o mission na isinulat.
6. Pwede nang magbuo ng isang Mission Statement na nakabatay naman
ngayon sa mga napiling magiging misyon ng mga pangunahing aktor sa
komunidad.

3. Pagtukoy ng kasalukuyang suliranin ng barangay sa bawat sector.

Madaling hikayating makilahok ang mga taga-barangay sa pagpaplano (at sa


pagpapatupad nito) kung malinaw sa kanila kung ano ang hitsura ng kaunlarang
kanilang inaasahan at pagsisikapang maabot sa loob ng tatlong taon. Ito ay
mahalaga sa pagbuo natin pang Tatlong Taong Planong Pang kaunlaran sa
Barangay.

Tignan natin ang Data Capture Form (DCF) at ang State of Barangay Governance
Report (ito ay gagawin sa bawat sektor) upang magkaisa ang mga kalahok kung
ano nga ba ang hitsura ng kaunlaran ang kanilang pagtatrabahuhan.

Kailangan ng manila paper at mga pentel pen. Pagpangkat-pangkating muli ang mga
kalahok sa bawat sektor. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Isulat sa manila paper ang DCF indicators sa bawat sektor at ang State of
Barangay Governance Report.
2. Ilahad rin ang nabuong Vision.
3. Pagtatasa sa mga natukoy na suliranin ng barangay sa bawat sektor ng
SBGR kung anu-ano ang malawak na problema at simpleng problema. Isulat
ito sa metacards, isang ideya sa isang card at ihanay sa isang matrix.

Performance Area: Environmental Management

Service Area: Waste Management and Control

Simpleng Problema Malalim na Problema


Hindi nagsi-segregate ng basura Walang barangay Solid Waste Plan
Walang ordinansa o resolusyon tungkol Walang garbage truck ang barangay
sa Solid Waste Management
Hindi kinokolekta ang basura Walang lugar na pwedeng gawing MRF

Ang mga natukoy na simpleng problema ay pwede nang gawing batayan sa


pagbibigaypriyoridad sa mga stratehiya.

Ang mga natukoy na malawak na problema ay isasailalim sa Problem Tree.

6
Pagbuo ng Problem Tree at Objective Tree

Ang Problem Tree o causal diagram ay nagpapakita ng pagkaka-ugnay-ugnay ng


mga problema sa barangay. Makikita natin na ang ibang problema ay may ugat na
problema at bumubuo pa ng ibang mga problema. Kailangang matugunan agad
itong malalalim na problema dahil kapag sila’y nalutas, mayroon pa silang ibang mga
problemang malulutas.

1. Muling balikan ang lahat ng mga natukoy na problema ng mga kalahok mula
sa matrix at ilipat ang bawat isa nito sa mga metacards. Gumamit ng isang
metacard sa bawat problema.
2. Idikit ang mga metacards sa blackboard at isa-isang itanong sa mga kalahok
kung tama na ba o tunay ba ang mga problemang nakalagay. Kailangang
bigyang linaw ang mga problemang malabo ang pagkakasaad. Tandaan na
ang problema ay dapat nakasaad sa isang sa isang negatibong kondisyon na
gusto nating baguhin. Halimbawa, hindi maaaring isulat ang “tubig” bilang
problema. Kailangang linawin pa ito – Ano ba sa tubig ang problema? Kulang
ba? Marumi? Wala nang pagkukunan? Ano?
3. Hayaan nating dagdagan ng mga kalahok ang mga problema dahil baka
mayroon pa silang nakita mula sa DCF at SBGR na hindi pa nabanggit.
Gayunpaman, kailangan pa ring magkasundo ang lahat ng kalahok kung
tunay ngang mga problema iyon ng barangay.
4. Matapos makumpleto ang mga problema ng sektor na iyon, kumuha ng isang
problema at tanungin ang mga kalahok kung alin pa sa mga problema ang
mayroong kaugnayan sa napiling problema.
5. Idikit nang magkalapit ang dalawang problemang ito at alamin kung papaano
ang kanilang relasyon. Tingnan kug alin sa kanila ang ugat at alin ang epekto.
6. Gumuhit ng arrow upang ipakita ang kanilang relasyon.

7. Pumili muli ng ibang pang problemang mayroong kaugnayan sa mga


naunang mga napiling problema at tukuyin rin ang relasyon nito sa mga
naunang problema. Ulitin ang buong proseso hanggang maubos ang lahat ng
mga problema.

7
8. Pag naubos na ang mga problema, patingnan muli sa mga kalahok ang
nabuong Problem Web. Maaaring may naisip pa silang problema o kaugnay
na mga problema na hindi naisama.
9. Ngayon, bilangin kung ilang problema ang idinudulot ng bawat problema
(pinagmulan ng buntot ng palaso). Tukuyin rin kung ano ang ugat ng
problemang (root problem) ng isang problemang pinagmulan ng maraming
problema.

10. Kunin ang mga problemang ito sa tabi ng blackboard at tanggalin na ang iba.
Tanunging muli ang mga kalahok kung ito na nga ba ang mga tunay na
problemang mabibigat na dapat mabigyan kaagad ng katugunan.

11. Pagkatapos magawa ang Problem Tree, gagawin naman ang Objective Tree,
para makabuo ng mga pagpipiliang stratehiya.
● Ang mga problemang nakasaad bilang negatibong kondisyon ay
gawing positibo at baliktarin ang mga arrows.

● Tignan ang Objective Web at pumili ng mga stratehiya. Ang iba’t ibang
kulay na kahon ay ang iba’t ibang stratehiyang pwedeng pagpilian.
● Isulat sa kauukulang puwang ang Goals/ Programs/ Projects/ Activities
ng bawat stratehiya.

8
9
Pagtukoy at Pagbibigay prayoridad sa mga stratehiya

Ang stratehiya ay naglalahad kung anong pamamaraan ang dapat gawin sa


implementasyon, anong resources ang pinakamabuting gamitin, anong mga
ahensya o sinu-sino ang makakatulong at kung kalian dapat simulang ipatupad ang
mga proyekto. Sa pagpili ng pinakamahusay at pinaka-angkop sa stratehiya,
mahalagang palaging balikan ang pagsusuri sa kalagayan ng pamamahala sa
barangay/ulat sa barangay (SBGR) kasama na ang iba pang mga bagay na
nakakaapekto dito:

✓ Kakayahang pinansyal ng barangay;


✓ Partisipasyon ng mga mamamayan, National Line Agencies at Civil Society
Organizations (CSOs);
✓ Ang kapakanan at kagalingan ng nakararami, pati na rin ang mga
underprivileged o mga disadvantaged groups tulad ng mga kababaihan,
kabataan, mga minorya o katutubo, mga may kapansanan, mga may sakit,
mga may edad, atbp.;
✓ Pagtaas ng kita, redistribution ng income at paglikha ng mga trabaho at
employment opportunities;
✓ Pangangalaga sa kapaligiran; at
✓ Pagpapalakas ng pagbibigay ng mga batayang serbisyong panlipunan sa
barangay.

Mahalaga ring masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

✓ Lahat bang options na mayroon ang barangay ay natukoy na at napag-aralan


✓ Lahat ba ng mga kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta ay naisama sa
pagsusuri ng kalagayan
✓ Ang stratehiya bang napili ay nagsasaad ng isang malinaw na pamamaraan
✓ Ang bawat stratehiya bang napili ay consistent at hindi nagba-banggaan?
Wala ba itong mga conflict sa pangkabuuan? Tumutugma ba ang mga
stratehiya?

Sa Pagtukoy at pag-proyoridad ng mga stratehiya gamitin ang Matrix Ranking.

✓ Kuhanin sa mga kalahok ang mga pamantayan o criteria para matukoy ang
mga priyoridad.

10
11
Pamantayan Weight Pangalan ng Programa Pangalan ng P

(tumbas)
Pangalan ng Pangalan ng Pangalan ng Pangalan ng
Proyekto Proyekto Proyekto Proyekto

(antas) (antas) (antas) (antas)


Kakayahang
pinansyal ng
Barangay
Partisipasyon
ng mga
mamamayan
, National
Line
Agencies at
CSG
Ang
kapakanan at
kagalingan
ng
nakararami
Paglikha ng
mga trabaho

Prioridad na
stratehiya

12
13
Pag-buo ng mga Mithiin at Layunin

MITHIIN (GOALS)

✓ Ito ang pinaka-gustong maabot o mangyari ng isang sector para matupad ang
Vision. Ang tanong na kailangang sagutin ng mga kalahok ay “Ngayong alam
na natin ang ating problema, kalakasan at limitasyon, ano kaya ang gusto
nating mangyari sa ating sector upang makatulong maabot ang Vision ng
barangay?”
✓ Ito ay dapat na malawak at may long-term focus. Dapat ay nasasaklaw niya
ang buong kadahilanan kung bakit iyon ang nilalamang plano ng sektor.
✓ Ito ay dapat na madaling maunawaan ng mga taga-barangay. Pwedeng isa o
marami ang mga mithiin sa kada sektor.
✓ Para malaman kung maganda ba ang pagkakasaad ng ating mithiin, tanungin
ang mga sumusunod:
▪ Malawak ba ang saklaw nito o para ba ito sa nakararami?
▪ Makatotohana at naaangkop pa ba ang gusto nating mangyari sa loob
ng tatlong taon?
▪ Maiintindihan ba ito ng komunidad?

LAYUNIN (OBJECTIVES)

✓ Ito ay mayroong mas konkreto o mas tiyak ang layunin kung ihahambing sa
mithiin pero nagpapahayag pa rin ito ng mga gustong makamit. Ang pagtiyak
na ito ay galing sa mga datos na nakuha.
✓ Ito ay maaaring magbago taon-taon depende sa estado (status) ng
implementasyon ng programa.
✓ Maaaring maraming layunin sa bawat mithiin.
✓ Dapat na SMART ang layunin:

S – Specific (tiyak – ilan, saan, sino, kalian)

M – Measurable (masusukat)

A – Attainable (maaaring maabot/maisasakatuparan)

R – Realistic (makatotohanan)

T – Time-bounded (may hangganan o panahon)

PAGBUO NG MGA MITHIIN (GOALS) AT LAYUNIN (OBJECTIVES)

1. Ipaliwanag kung ano ang halaga ng pagkakaroon ng mithiin at layunin at ano


ang mga katangian nito.
2. Balikan muli ang DCF at SBGR (dito natin kukunin ang mga mithiin at
layuning bubuuin).
3. Sa unang indicator, tanungin ang grupo kung iyon ba ay maaaring isulat
bilang isang layunin o mithiin. Kung ito ay layunin, maaari nang buuin ito na

14
gamit ang mga datos sa barangay. Kung mithiin naman siya, isasantabi lang
muna sa isang bahagi ng blackboard o manila paper.
4. Talakayin ang susunod na indicator at tanungin rin kung maaari ba itong isulat
bilang isang layunin o maithiin. Bukod ditto, linawin kung ang nais bang abutin
ng indicator na ito ay pareho lang sa iba pang nabuong layunin o maithiin.
Kung pareho lang, baka mga proyekto (projects) o Gawain (activities) ang
pagtingin (treatment) sa indicator na ito.
5. Gawin ang buong prosesong ito sa lahat ng sumusunod na mga indicators.
Mahalagang alam ng mga tao kung ano ang gusto nilang marating at bakit
nila ginagawa ang mga iyon.

Halimbawa:

Sektor: Pabahay

Mithiin: Magkaroon ng disenteng tirahan ang mga residenteng mababa ang kinikita.

Layunin: Sa loob ng tatlong taon, magpapatupad ng isang programa sa pabahay


para sa 50% ng mga residenteng hindi tataas sa P50,000 ang kinikita kada taon.

STEP 3
PAGBUO NG TATLONG TAONG PLANONG PANGKAUNLARAN NG BARANGAY

Ang Planong Pangkaunlaran ng Barangay (BDP) ay pagpapahayag ng


pangangailangan at kagustuhan ng barangay na magsisilbing gabay sa pagpapasya
at mahusay na paggamit ng mga limitadong resources ng barangay upang
matugunan ang mga problema nito. Sa pamamagitan ng Tatlong-Taong Planong
Pangkaunlaran ng Barangay, makikita ang mga dapat unahin na programa at
serbisyo ng buong barangay.

Sa paggawa ng Planong Pangkaunlaran, mabilis na balikan ang mga sumusunod:

▪ Data Capture Form


▪ State of Barangay Governance Report
▪ Problem and Objective Tree
▪ Matrix Ranking
▪ Mithiin
▪ Layunin
▪ Larawang-Diwa at Misyon ng Barangay

Tukuyin ang mga programa at proyekto na magagawa sa loob ng tatlong taon,


alinsunod sa kung kalian dapat isagawa ang bawat proyekto, programa, o aktibidad.
Dapat maging makatotohanan at may kakayahan kung kalian isasagawa ang isang
proyekto. Tandaan na kailangang maging katugon ang mga plano sa Vision at
Mission ng barangay at Goals and Objectives ng partikular na sektor sa ibang sektor.

Gabay sa Pagbuo ng Planong Pangkaunlaran ng Barangay

15
● Mithiin – Anu-ano ang mga mithiin ng sektor?
● Layunin/Objective – Anu-ano ang mga layunin ng sector?
● Programa/Proyekto/Gawain – Anu-ano ang mga programa/proyekto/gawain
ang makakatugon sa bawat layunin?
● Resources and kailangan (cost) – Magkano ang kakailanganin upang
maipatupad ang mga programa/proyekto/gawain sa partikular na taon?
● Ahensyang Makakatulong – Anu-ano ang mga ahensyang makakatulong
upang maipatupad ang mga programa/proyekto/gawain sa particular na taon?

16
17
PAMARISAN (Format) ng Tatlong-Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay

Tatlong Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay

Taon 2008 hanggang 2010

Sektor

(Performance Area)

Mithiin (Goals)

LAYUNIN PROGRAMA/PROYEKTO/GAWAIN AHENSYANG PANAHON


(OBJECTIVE) (PROGRAMS/PROJECTS/ACTIVITIES) MAKAKATULONG HAL
2008
Magkakaroon Pagtatayo ng tatlong (3) Jetmatic Munisipyo/DPWH/DOH P 20,000.00
ng ligtas na Pumps sa pitong sityo ng Barangay
tubig inumin
ang 50% ng
mga residente
ng barangay

18
19
Cross–Sectoral Validation

Ang cross-sectoral validation ay ang pag-uulat o paglalahad ng nabuong plano ng


bawat sektor na kasangkot upang ma-cross check at mapatunayan ang mga ito
kaugnay sa nabuong plano ng ibang sektor. Ito ay ginagawa upang sa antas pa
lamang ng mga sektor ay nagkakaroon na ng pagpipino, pagsasaayos,
pagdadagdag o pagbabawas ng mga proyekto.

Pagbuo ng Pantaunang Investment Plan ng Barangay (BARANGAY ANNUAL


INVESTMENT PLAN)

Kailangan ring gumawa ng isang Annual Investment Plan (AIP). Una sa lahat, ito ay
nagsasaad ng katangian (description), bilang at lugar ng proyekto; halaga ng
programa/proyekto/gawain; ahensya/tanggapan na panggagalingan ng pondo;
panahon ng pagpapatupad ng programa, proyekto o gawain atbp.

Dahil sa halaw lang ito sa Tatlong-Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay,


kailangang maging alinsunod sa nasabing plano.

Gabay sa Pagbuo ng Barangay Annual Investment Program (AIP)

● Programa/Proyekto/Gawain – Ito ay nakasaad o nakalista sa Tatlong-taong


Planong Pangkaunlaran ng Barangay. Ililipat ang mga
program/proyekto/gawain sa format ng AIP mula sa Tatlong-Taong Plano.
● Pagsasalarawan ng Proyekto – ito ay brief description kung ano ang saklaw
at katangian ng bawat proyekto o programa. Maaaring isama na rito kung
ilang kabahayan ang makikinabang sa proyekto.
● Lokasyon – Isulat dito ang mga detalye ng lugar kung saan ilagay ang mga
proyekto.
● Katayuan (Status) – Ang proyekto ba ay sisimulan pa lang, on-going, repairs,
rehabilitation?
● Pinagkukunan ng Pondo – Saan ba kukunin ang pondo para maipatupad ang
proyekto? Sa isang proyekto, maaaring hindi isa lamang ang mga
pinaggagalingan ng pondo.
● Panahon ng Implementasyon at Halaga ng Proyekto – Ilagay kung magkano
ang kakailanganin para sa pagpapatupad ng bawat proyekto sa bawat
quarter, dapat tantiyado ang bilis ng implementasyon
● Kabuuang halaga – Magkano ang kabuuang halaga ng proyekto?

20
21
Format ng isang Annual Investment Plan (AIP) ng Barangay:

ANNUAL INVESTMENT PROGRAM

Barangay Puting Bato

Taon 2008

Sektor

(Perfomance Area)

Programa Pagsasalarawan Lokasyon Stado Pagkukunan Panahon ng Imp


/Proyekto/ ng proyekto ng Pondo halaga ng
Gawain 1st 2nd
Quarter Quarter
Pagtatayo 2 unit ng jetmatic Sitio 1 & 2 Sitio 1 – Barangay - 20T
ng pumps na pre- Budget
Jetmatic magbigay inuming implement
pumps tubig sa 50 na ation
kabahayan sa
barangay Sitio 2 -
Repair

22
23
STEP 4
PRESENTASYON NG PLANO

Nakabuo na tayo ng maganda, komprehensibo at angkop na plano. Nararapat na


ipakita natin ito sa mas malawak na kalipunan ng mga taga-barangay upang makuha
ang kanilang kuro-kuro, feedbacks at mga mungkahi.

Mas maganda na ilahad ang plano sa isang Barangay Assembly. Mas magnda rin
kapag may mga kinatawan mula sa munisipyo, National Line Agencies at Civil
Society Organizations. Maaari nilang ipahayag ang kanilang mga program at kung
papaano ito makakarating sa barangay.

STEP 5
PAGSANG-AYON AT PAGPAPATIBAY NG PLANO NG SANGGUNIANG
BARANGAY

Pagkatapos ilahad ang mga plano. Ito ay kailangang isaayos ng Pinalawak na


Konseho ng Barangay sa Pagpapaunlad (Expanded Barangay Development
Council) batay sa mga feedback na nakuha sa mga mamamayan noong ginanap
ang Barangay Assembly. Ang pinakahuling plano (final plan) ay ipapadala ng
Expanded Barangay Development Council sa Sangguniang Barangay.

Pagkatapos pinuhin at ipadala ng EBDC ang pinal na plano, kailangang pag-aralan,


suriin at sang-ayunan ang kawastuhan nito ng Sangguniang Barangay. Pagkatapos,
kailangang magpatibay ang sangguniang Barangay ng isang resolusyong na ang
Planong ito ang magiging Tatlong Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay.

Magsumite ng pinal na sipi Tatlong Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay at


Barangay Annual Investment Program at kopya ng resolusyon sa Municipal Planning
and Development Coordinator, bigyan din ang kopya ang Mayor at Sangguniang
Bayan. Kailangan ng munisipyo ng ganitong impormasyon upang may konkretong
batayan ang mga plano ng munisipyo. Kapag may mga proyektong masyadong
magastos at hindi na kaya ng barangay punduhan, maaari itong gastusan ng
munisipyo.

Suggested format ng Tatlong-Taong Planong Pangkaunlaran ng Barangay at


Barangay Annual Investment Program

Gawing maganda ang packaging ng plano, ito’y maaaring maging isang “marketing
document” upang gamitin sa paglapit sa mga ahensiya ng pamahalaan,
Congressman, Governor, Senador, atbp. upang makakuha ng kaukulang pondo. Sa
pagbasa pa lamang nito, malalaman na nila ang kalagayan ng barangay, ang mga
problemang hinaharap nito at ang mga mungkahing solusyon.

24
✓ Pagsasalarawan ng barangay (Socio-Economic Profile)
✓ Kasaysayan ng Barangay
✓ Vision at Mission
✓ State of Barangay Governance Report
✓ Barangay Development Plan Matrix
✓ AIP matrix

STEP 6
PAGPAPATUPAD – PAGSUBAYBAY

Sa implementasyon, kailangang palaging balikan ang LARAWANG DIWA (VISION)


ng Barangay. Kailangan ding klaro para sa mga miyembro ng Pinalawak na Konseho
ng Barangay sa Pagpapaunlad (Expanded Barangay Development Council) ang
kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

Sa pagsubaybay at pagtatasa (monitoring & evaluation) ng mga proyekto, palaging


susubaybayan ng Pinalawak na konseho ng Barangay sa Pagpapaunlad (Expanded
Barangay Development Council) ang kayarian ng proyekto upang matiyak kung
nasaang yugto na ang implementasyon nito. Titingnan din kung may kailangang
modipikasyon, upang umangkop sa kondisyong pangkaunlaran ng barangay.
Maaaring gumawa ng monitoring format na angkop sa gusto ng barangay.

25

You might also like