You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Quezon
Lungsod ng Tayabas
Barangay Mate
TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 10-2018


PAGBUO NG BARANGAY PHYSICAL FITNESS AND SPORTS DEVELOPMENT COUNCIL (BPFSDC)

SAPAGKAT, ang mula sa Executive Order No. 63 NG lumikha ng batas sa


Lupong Pampalakasan (SPORTS COUNCIL) pangnasyunall, pangrelihiyon,
panlalawigan, panglungsod, pambayan at pambarangay na lupong
pangkalapatang pisikal at pampalakasang kaunlaran (Physical Fitness and
Development Council).;

SAPAGKAT, tuwirang inaatasan ang lahat ng pamahalaang local na


pagpapatupad at pagbuo ng pambarangay na lupong pangkalapatang pisikal at
pampalakasang pisikal at pampalakasang kaunlaran (Barangay Physical Fitness
and Sports Development COuncil) na pamunuan ng Punong Barangay;

KUNG KAYAT, ako si JOHNNY J. SUMILANG, Punong Barangay ng Barangay


Mate, Lungsod ng Tayabas, sa pamamagitan ng kapangyarihang na iginawad sa
akin ng LOcal Government Code of 1991 at iba pang batas na kaugnay nito ay
nagtatag ng Barangay Physical Fitness Development Fitness and Sports
Development Council (BPFSDC).

SEKSYON 1. PAGBUO

Ang Barangay Physical Fitness and sports Development Council ay binubuo


ng mga sumusunod:

Tagapangulo JOHNNY J. SUMILANG


Punong Barangay

Miyembro MARY GRACE DE LA CRUZ


Kinatawan ng SK

JEFFREY DIMAILIG
Punong Guro sa Kagawaran ng Edukasyon

EDELITO V. RAQUEL
Kagawad na Tagapagugnay ng Palakasan

MARLENE A. TALAVERA
NGO/KALIPI

DEXTER O. TAMBOR
NGO/TODA
SEKSYON 2. MGA GAWAIN NG LUPONG PAMKALAPATANG PISIKAL AT
PAMPALAKSANG KAUNLARAN( Barangay Physical Fitness and Sports
Development Council).

1. Magpulong minsan sa isang buwan upang magpalano at bumuo ng batayan


para sa ,maikli, katampatan at mahabang panahon ng sektoral na palakasan
sang-ayon sa Pangnasyunal ng Polisiya at Programa na Palakasan para sa
lahat (Sports for all) ang kalendaryo ng mga gawaing pampalakasan at
paglisahan

2. Magsagawa ng ng Lacal na Pamplakasang summit sa pakikipag-ugnayan sa


mga ibang pampubliko at pribadong ididad upang tumukoy at magbigay ng
prayoridad sa mga pampalakasang programa at gawain sa kanilang
nasasakupan at magmanma, suriin at linangin ang kanilang programa.

3. Tingnan at tiyakin ang pagpapatupad ng programa at gawain


pangkalapatang pisikal at pampalakasan sa kanilang nasasakupan. Hal.
DEped para sa Edukasyon Pisikal at Palakasan ng paaralan, DILG at LGus para
sa palarng pampayamanan.

4. Magpalaganap ng naayong impormasyon ng nasyunal na polisiya at


programa, kasama ang kanilang local na programa upang mahikayat ang
aktibong partisipasyon ng kanilang mamamayan sa mga gawaing
pampalakasan.

5. Tumulong sa pagtukoy, pagkalap at pagsasanay ng mga magagaling na


atleta mula sa kanilang partisipasyon ng kanilang mamamayan sa mga
gawaing pampalakasan

6. Magpasa ng pang-isankatapang (quarterly) ulat sa tagapangulo ng


pangmmasyunal na lupong pangkalapatangPisikal at Pangkalakasang
Kaunlaran at bigyan ng sipi ang Komisyong Pampalakasan Ng Pilipinas; at

7. Gumanap ng ibang tungkulin kinakailangan upang maitaguyod at maisagawa


ang nasyunal na Polisiya at Programa.

SEKSYON 3. PAGKAKABISA

Ang atas na ito ay kagyat na magkakabisa.

GINAWA NGAYONG ika-9 ng Hulyo, 2018 sa Barangay Mate, Lungsod ng


Tayabas, Lalawigan ng Quezon.

JOHNNY J. SUMILANG
Punong Barangay

You might also like