You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

LUNGSOD NG TAYABAS
Lalawigan ng Quezon
Barangay Mate

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 2018-06

PAGBUO NG BARANGAY ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT


COMMITTEE (BESWMC)

SAPAGKA’T, ang R.A. 9003 na lalong kilala bilang Ecological Solid Waste
Management Act of Republic Act of 2000 ay nag-aatas sa pagpapatupad ng pagbuo ng Solid
Waste Management Committee sa Antas ng Barangay.

SAPAGKA’T, ang Memorandum Circular 2001 – 38 ay nagbibigay diin sa pangunahing


gawain ng Barangay tungo sa matagumpay na pagpapatupad ng programa, lalo sa segregation
(paghihiwalay) collection (pangungulekta) at recycling (resiklo) ng basura sa tamang lugar.

SAPAGKAT, bilang tungkulin at mga pananagutan kung saan ang Sanggunian


Barangay sa pamamagitan ng isang ordinansa ay inaatasang “Magtayo ng Barangay Ecological
Solid Waste Management Committee (BESWMC), para sa mga programa ng Solid Waste
Management”

Kung kaya’t ako, Punong Barangay JOHNNY J. SUMILANG, sa bisa ng


kapangyarihan ipinagkaloob sa akin bilang Punong Barangay ng Barangay Mate siyudad na ito,
inaatas na:

SEKSYON 1. KABUUAN Ang itatag na Barangay Ecological Solid Waste Management


Committee (BESWMC) ay bubuuin ng mga sumusunod:

Tagapangulo JOHNNY J. SUMILANG


Punong Barangay

Pangalawang Tagapagulo FAUSTINO BALMES


Barangay Kagawad
Chairman on Environment Protection

IMELDA A. ZARACENA
Barangay Kagawad
Committee on Health and Sanitation

MARY GRACE DELA CRUZ


SK Chairman /Committee on Youth & Development

JEFFREY DIMAILIG
Public / Private School o Kinatawan

MARLENE A. TALAVERA
Religious Organization o Kinatawan

ARCEL BABIERA
Pangulo o kinatawan Buhat sa samahan ng Business
Community (Commercial o Industrial)

MA. THERESA ABRIGO


Kinatawan ng NGO (Concerned on Environment)

SEKSYON 2. MGA TUNGKULIN

1. Magsagawa ng pangkumunidad na Solid Waste Management Program na naaayon sa


antas ng munisipyo o siyudad.
2. Maging responsible sa paghihiwalay at koleksyon ng basura solid waste para sa
biodegrable , compostable at reusable wastes.
3. Magtayo sa nasasakupan ng Barangay o cluster of Barangay ng Material Recovery
Facility (MRF).
4. Maglagay ng kaukulang pondo para sa Barangay Ecological Solid Waste Management
Program na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ang BEWM Committee ay magbubuo
ng Core of Area/Street Coordinators sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
pagsasanay upang tulungan ang mga mamamayan sa Barangay ng segregation,
composting, recycling at livelihood opportunities buhat sa pagamit ng recyclables Waste
monitor ang pagsasagawa nito.
5. Isama ang Ecological Solid Waste Management Program sa Barangay Development
/Annual Investment Program.
6. Maghanap ng iba pang pagkukunan ng pondo maliban sa dating regular na pondo ng
Barangay budget.
7. Magsumite ng buwanang ulat sa City Ecological Waste Management Committee ukol sa
progreso ng programa at bigyan ng sipi ang local na opisina ng DILG.

SEKSYON 3. SALAPING GUGULIN Ang salapi sa pagpapatupad ng atas na ito ay mula sa


pondo ng Barangay.

SEKSYON 4. PAGKAKABISA. Ang kautusang ito ay magkakabisa pagkadaka.

GINAWA NGAYONG ika-03 ng Hulyo 2018 sa Barangay Mate, Lungsod ng Tayabas.

JOHNNY J. SUMILANG
Punong Barangay

You might also like