Professional Documents
Culture Documents
Eo-Brrmc 2021
Eo-Brrmc 2021
Province of Laguna
Municipality of Pagsanjan
Barangay Maulawin
SAPAGKAT, nakasaad sa Republic Act. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act (PDRMM Act) na magbuo at maging regular na komite ang Barangay Disaster
Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), sa ilalim ng Barangay Development
Council (BDC);
DAHIL DITO, Ako si Kgg. Jonathan P. Almontero, Punong Barangay ng Maulawin bayan
ng Pagsanjan lalawigan ng Laguna, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng R.A.
10121 at ng mga ibang umiiral na batas at sa pamamagitan nito ay minarapat na ipag-utos ang
mga sumusunod:
B. COMMITTEE:
1. Itatag ang konseho na bumubuo ng komiteng pangkalamidad (BDRRMC)
na siya na rin ang magbabalangkas ng mga kahandaan sa kalamidad.
2. Pakikipag ugnayan sa lahat ng sangay ng pamahalaan, mga iba’t ibang
samahan upang tumulong sa mga ganitong kalamidad.
3. Magtalaga nang isang lugar o sentro ng mga binalangkas na Gawain
(Evacuation Center) upang maipatupad ng maayos ang mga dapat gawin
sa oras ng kalamidad.
4. Mahalaga rin na makipag ugnayan sa iba’t ibang karatig barangay sa oras
ng kalamidad.
Ang mga pangkat na ito ay siyang mangangalaga sa lahat ng aspeto na may kasanayan at lubos
na kaalaman sa mga nakaatang sa kanilang responsibilidad pagdating sa kalamidad, ang
pagpaplano na pinag-aralan sa tulong ng ibang ahensya.
Barangay Maulawin
Pagsanjan, Laguna