Professional Documents
Culture Documents
Dream
Plan
2023 – 2025
Barangay Molino III
BDRRM
Dream
Plan
2023 – 2025
Barangay Molino III
II. Sangguniang Barangay Resolution adopting the BDRRM Plan
II. Sangguniang Barangay Resolution adopting the BDRRM Plan
Republic of the Philippines
Province of Cavite
City of Bacoor
BARANGAY MOLINO III
Tel. No.: (046) 438-5705
Ikinalulugod ko pong ilahad ang ating “Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan”.
Nakapaloob po dito ang pag-aanalisa ng kalakasan, kahinaan, oportunidad at hamon sa aspeto ng Pag-
agap at Pagpigil (Disaster Prevention and Mitigation), Paghahanda (Disaster Preparedness) at
Contingency Plan.
Kasama na din dito ang mga inilarawang panganib, na maaaring kaharapin ng ating barangay na
masusing sinuri ng mga barangay officials sa pamamagitan ng actual na Pagsusuri ng Panganib at
Kapahamakan (Disaster Risk Assessment and Analysis) kung saan ito ang naging batayan ng
pagbalangkas ng mga programa at proyekto na may kaukulang badyet o pondo sa loob ng isang taon na
tutugon sa pangangailangan ng ating barangay sa paghahanda at sa panahon ng sakuna.
Layunin din ng dokumentong ito na ipabatid ang higit na pangangailangan ng ating barangay sa
lahat ng mga kinauukulan para sa nararapat na pakikipag-ugnayan at kooperasyon, tulad ng National
Government Agencies (NGAs), mas mataas na lokal na pamahalaan, mga pribadong sektor at iba pa.
Gayundin, nais kong ipaabot sa NDCC, DILG, MLGOO, DepEd at iba pang local government
unit ang taos pusong pasasalamat sa pagbibigay gabay sa amin sa paggawa ng BDRRM Plan na ito.
HECTARYA – simbolo (ha): ay isang di-SI nay unit ng sistemang metriko na katumbas ng 10,000 m 2, na ginagamit sa
pagsukat ng lupa.
KILOMETRO – simbolo (km): ay isang yunit ng haba sa sistemang metriko, katumbas ng isang libong metro, ang
kasalukuyang yunitng SI ng haba.
RISK ASSESSMENT – isang sistematikong proseso ng pagsusuri sa potensyal na panganib na maaaring kasangkot sa
isang inaasahang aktibidad o gawain.
FOCAL PERSON – sinumang tao na pinahihintulutan ng isang miyembrong organisasyon na italaga ang miyembro o may
mga kapangyarihan sa paggawa ng desisyon sa ngalan ng miyembro.
SOLID WASTE MANAGEMENT – ang pangongolekta, at pagtatapon ng mga solidong material na itinatapon dahil
natupad na nito ang layunin o hindi na kapaki-pakinabang. Ang hindi wastong pagtatapon ng municipal na solidong basura
ay maaring lumikha ng hindi kaaya-ayang mga kondisyon at ang kondisyong ito naman ay maaaring huimantong sa
polusyon sa kapaligiran at paglaganap ng verctor-borne disease o mga sakit na kumakalat sanhi ng daga at insekto.
CONTIGENCY PLAN – isang plano na idinisenyo upang isaalang-alang ang isang posibleng kaganapan o pangyayari sa
hinaharap.
STATE OF CALAMITY – tumutukoy sa isang katayuan na maaaring ideklarang laganap sa loob ng bansa o ilang
lokalidad, bilang tugon sa isang mapanirang, natural o gawa ng tao na sakuna. Ang mga hakbang na ito ay nagpapahintulot
sa paglalabas ng “Calamity Funds” na inilaan sa mga local na pamahalaan at kontrolin ang pagpepresyo ng mga
pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar.
CALAMITY FUND – agarang tulong pinansyal sa mga apektadong indibiwal sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad gaya
ng idineklara ng Office of the President o ng Sangguniang Bayan.
BASIC NECESSITIES – isang mahalagang bagay o sangkap na kailangan upang suportahan ang buhay at kalusugan na
kinabibilangan, ngunit hindi limitado sa isang balanseng diyeta na maya tamang nutrisyon na binubuo ng tatlong pagkain
araw-araw, pag-access sa mga pasilidad ng tubig at banyo sa madalas na pagitan, napapanahong pananamit, mga gamut na
inireseta ng isang doctor o manggagamot, oras para sa pagtulog at madalas na pag-access sa mga social contact.
RAIN INDUCED LANDSLIDE (RIL) – isang natural na heograpikal na panganib ng pagguho ng lupa na dulot ng
malakas at walang tigil na pag-ulan.
SEISMIC – nauugnay sa isang Earth vibration (lindol) na dulot ng ibang bagay gaya ng pagsabog o epekto ng meteorite.
CLIMATE CHANGE – isang pangmatagalang pagbabago sa karaniwang mga pattern adumating upang tukuyin ang local,
rehiyonal at pandaigdigang klima ng Earth. Ang mga pagbabagong ito ay may malawak na hanay ng mga naobserbahang
epekto na kasingkahulugan ng termino.
HAZARD SUSCEPTIBILITY – ito ay nangangahulugang “ang estado ng pagiging madaling kapitan” o “madaling
maapektuhan” sa mga natural o di natural na sakuna o panganib.
CRITICAL LEVEL – isang punto na itinatag ng laboratoryo ng pagsubok (karaniwang nakatatak sa device ng tagagawa)
na tumutukoy sa pinakamababang elevation sa itaas ng rim ng antas ng baha ng kabit o sisidlan kung saan maaaring i-install
ang device.
INTENSITY – ang kalidad ng pagiging matindi. In hazards term, ito ang matinding pakiramdam na mararamdaman ng tao
kapag may panganib o peligro kagaya ng lindol at kung gaano ito kalakas at mapaminsala.
SENDAI FRAMEWORK – nakatuon sa pagpapatibay ng mga hakbang na tumutugon sa tatlong dimension ng panganib sa
sakuna (pagkalantad sa mga panganib, kahinaan, at kapasidad, at mga katangian ng hazard) upang maiwasan ang paglikha
ng bagong panganib, bawasan ang kasalukuyang panganib at pataasin ang katatagan.
HYOGO FRAMEWORK FOR ACTION – ay isang pandaigdigang blueprint para sa mga pagsisikap sa pagbabawas ng
panganib sa kalamidad na may sampung taong plano, na pinagtibay noong Enero 2005 ng 168 Members ng United Nations
sa World Conference on Disaster Reduction.
THE PACIFIC RING OF FIRE – na tinatawag ding Circum – Pacific Belt y isang landas sa Karagatang Pasipiko na
nailalarawan sa pamamagitan ng mga aktibong bulkan at madalas na lindol. Ang haba nito at humugit – kumulang 40,000
kilometro (24,900 milya).
TYPHOON CORRIDORS –kilala rin sa tawag na storm corridors. Inilalarawan ng mga strom corridors ang lugar kung
saan inaasahang maaapektuhan ng storm cell sa susunod na kalahating oras. Ang mga corridors ay color – coded batay sa
uri ng aktibidad na nakita sa storm cell ng NEXRAD. Ang kumikislap na koridor ay nangangahulugan na may nakitang
TVS.
VII. BUOD
(Executive Summary)
Nagdudulot ng pagksira ng komunidad ang mga disaster. Marami ang namamatay, bumabagsak ang
kabuhayan, nagbabago ang mukha ng kapaligiran, bumabaon ang mapait na karanasan sa kaisipan ng mga
nasalanta at matindi ang nagiging pinsala sa ekonomiya ng buong komunidad at bansa. Para sa Pilipinas,
malaking hadlang sa kaunlaran ang mga disaster.
Ang Pilipinas ay nanganganib sa malawak na saklaw ng ibat-ibang uri ng panganib dahil sa kaniyang
kinatatayuang heograpiko. Ito ay nasa loob ng tinatawag na “Sinturon ng apoy sa palibot pasipiko (Circum –
Pacific Ring of Fire)” at gayundin sa “Pasilyo ng Bagyo (Typhoon Corridors)” at samakatuwid ay nakalantad sa
mga likas na kalamidad kasama na ang mga lindol, pagputok ng bulkan, bagyo at ang kanilang kaakibat na epekto
katulad ng tsunami, pagguho ng lupa, agos ng kumukulong putik, baha at pagsusungit ng panahon. Kada taon ang
bansa ay nakararanas ng karaniwang dalawangpung bagyo, kalahati nito ay mapaminsala. Sa nakaraang dalawang
dekada, napansin na ang Pilipinas ay naging higit na madaling pangyarihan ng ibat-ibang mga maka-klimatikong
panganib katulad ng mga bagyo, hanging Habagat at kairalang El Niño – La Niña. Sa nakaraang sampung taon
ang mga bagyo ay may kadalasan, at higit na mapaminsala. Ang bansa ay dumanas din ng mga kapahamakan na
bunsod ng tao kagaya ng mga sunog sa lungsod, sakunang pang-industriya, sakuna sa himpapawid, lupa at
karagatan at tunggalian.
Tinaya ng Bangkong Pandaigdigan (World Bank) at National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) na mula 1970 hanggang 2000, ang Pilipinas ay dumanas ng karaniwang pinsala kada taon na
nagkakahalaga ng 15 bilyong piso o 300 milyong dolyar dahil sa kapahamakan na nagdulot ng pangunahing mga
balakid sa panglipunan at kabuhayang pang-unlad ng bansa. Ang mga kapinsalaan dahil lamang sa tunggalian sa
Mindanao ay tinatayang nagkakahalaga ng 5-10 bilyong piso (US$79.10 million hanggang US$157 million) kada
taon mula 1975 hanggang 2002.
Noong 2010, may 202 likas at bunsod ng tao na mga kapahamakan ang naiulat sa Pilipinas. Ang mga ito
ay kumitil ng 239 tao, at higit sa 1.29 milyong pamilya o 6.75 milyong tao ang naapektuhan, at nagdulot ng higit
na 25 bilyong pinsala sa kabuhayan. Dahil dito pagkatanto ng kalakhan ng kapinsalaan nitong mga nakaraang
taon, ang naging pagtugon ng bansa sa kapahamakan ay pumaling mula sa “pangangasiwa ng sakuna” o “ Disaster
Management” tungo sa “Pagbawas ng Panganib sa Kapahamakan” o “Disaster Risk Reduction and Management”.
Ito ay batay sa Hyogo Framework for Action o HFA, na isang kasunduan na nilagdaan ng 160 na bansa kasama
ang Pamahalaan ng Pilipinas noong 2005 sa Hyogo, Japan.
Alinsunod at bilang pagtugon sa kasunduan sa HFA, nilagdaan ng Pangulo ng Pilipinas noong ika-27 ng
Mayo 2010 ang Republic Act 10121 o ang Disaster Risk Reduction and Management o DRRM Act 2010.
Ang batas na ito ang nagbibigay mandate sa mga Lokal na Pamahalaan na isulong ang DRRM sa
pamamagitan ng paggawa ng Pagsusuri ng Panganib sa Kapahamakan (Disaster Risk Assessment and Analysis) na
magiging gabay sa pagbalangkas ng DRRM Plan.