You are on page 1of 2

Barangay Writ of Execution

Ang Barangay Katarungan ang karaniwang takbuhan nang mga magkakapit bahay sa
kani-kanilang alitan. Madalas, dahil sa Lupon nang Tagapamayapa ay nagkakaroon nang
kasunduan o Amicable Settlement, na nagiging pagtatapos nang mga isyu. Ngunit, hindi lang sa
pagkakaroon nang kasunduan ang dapat maging papel nang Barangay, dapat din ay tumulong
ito na sundin nang bawat panig ang kanilang kasunduan.
Ang mga sumusunod ay ang proseso para maisakatuparan kung ano man ang napagkasunduan
nang dalawang panig:

a. Pagkapirma nang dalawang panig nang Amicable Settlement, ay dapat i-record nang
Barangay Secretary kung kailan dapat sundin ang napagusapan. Halibawa, sa usapang
utang, kung nangako ang may utang na babayaran ang utang sa loob nang isang
buwan ay dapat sa takdang araw ay mabayaran na ang utang;
b.
c. Kung hindi tinupad ang kasunduan sa naka-takdang araw, maaari mag-file nang
Motion / Request for Execution ang agrabyadong panig. Dapat sa loob nang anim na
buwan simula nang napirmahan ang Amicable Settlement ay mai-file ang Motion /
Request for Execution sa Barangay, dahil kung hindi ito na-i-file ay sa korte na dapat ito
isampa. Halimbawa, January 5, 2013 nagkaroon nang Amicable Settlement babayaran
sa loob nang isang buwan ang pagkaka-utang, kung sa February 5, 2013 ay hindi pa
bayad ang utang, maaring magfile nang Motion / Request for Execution sa Barangay
hanggang sa July 5, 2013, kung lagpas na sa six months ang nakalipas ay sa korte na i-
file ang Motion for Execution;
d. Ipapatawag nang Barangay ang dalawang panig para alamin kung talaga bang hindi
natupad ang napagkasunduan. Kung hindi nga natupad ang napagkasunduan ay
bibigyan nang limang araw ang isang panig na tuparin ang napagkasunduan;
e. Kung hindi tumupad sa usapan ang isang panig pagkalipas nang Limang Araw simula
nang ipatawag nang Barangay upang dinggin ang Motion / Request for Execution, mag-
lalabas na nang Notice of Execution ang Barangay, nakasaad doon ang laman nang
Amicable Settlement, at nakasaad din doon kung kailan magkakaroon nang Execution o
pag-utos nang Barangay sa isang panig na tuparin ang napagkasunduan;

f. Sa araw nang execution, ang barangay mismo ang pipilit sa isang panig upang tuparin
ang napagkasunduan, kagaya nang: (1) Kung ang usapan ay mag-sasaoli nang
kagamitan, kukunin ito nang Barangay sa Bahay o Lugar kung saan ito nakatago, (2)
Kung ang usapan ay aalis sa pa-upahan, ay papalisin nang Barangay ang isang panig at
ang kanyang pamilya sa tinitirahan nito, (3) Sa utang na hindi nabayaran, ay kukuha
nang sapat na kagamitan ang Barangay sa isang panig para ang gamit na ito ay
ibebenta para pambayad sa utang, pero bago ibenta ang kagamitan para ipambayad sa
utang, dapat muna ay may notice sa publico na magkakaroon nang Auction;

g. Pagkatapos na Execution, ay mag-susubmit ang Barangay nang Report sa Korte.


TANDAAN, dapat ay mayroon Amicable Settlement, ibig sabihin kasunduan napirmahan
nang dalawang panig, at dapat sa loob nang anim na buwan simula nang pirmahan ay
makapag-file na nang Motion for Execution sa Barangay. AT dapat din ay dumaan sa
tamang proseso ang execution kagaya nang hearing, voluntary execution, notice of
execution, at auction.

You might also like